BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 10 Pebrero 20, 2023 I. Layunin Pagkatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahang: Nakabibigay ng sariling opinyon/reaksiyon ukol sa napanood na anekdota. Nakasusulat ng buod ng binasang anekdota gamit ang brain concept idea at; Nabibigyang halaga ang paksang tinalakay. II. Paksang-Aralin Paksa: Anekdota mula sa Persia/Iran “Mullah Nassreddin” Sanggunian: Panitikan ng Pandaigdig 10 pahina 256-257 https://depedtambayan.net/wp-content/uploads/2022/01/FIL10-Q3-MODYUL2.pdf Kagamitan: Kode: F10PD-IIIf-g-80 (MELC) III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain Panalangin Pagbati Pagtala Pagbabalik-aral Tungkol saan ang nabasang anekdota kahapon? Ipaliwanag. Pagganyak Paunang Gawain Panuto: Panoorin ang anekdota na pinamagatang “Noong Ako’y Nagpunta sa Dagat” Pagkatapos ay magbigay ka ng sarili mong opinyon o reaksiyon kaugnay sa napanood. Gawing gabay ang sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel. 1. Saan mahilig pumunta si Melai noong bata pa siya? _________________________________________ 2. Ano ang kaisa-isang bagay na mahalaga sa kaniya? _________________________________________ 3. Anong pangyayari ang sobrang ikinalungkot ni Melai? __________________________________________ 4. Ano ang mensaheng nais iparating ng iyong napanood? __________________________________________ B. Paglinang na Gawain 1. Aktibi A. Paglalahad ng Aralin Pagpapahayag ng paksa sa araw na ito. B. Pagtalakay sa Paksa Alam mo ba? Si Mullah Nassreddin ay kilala sa tunay na pangalang Nasreddin Hodja, isang pilosopo noong ika-13 siglo. Pinaniniwalaan na ang kaniyang sinilangangbayan ay matatagpuan ngayon sa bansa ng Turkey. Kilala si Nassreddin dahil sa kaniyang nakatutuwang mga kuwento at anekdota. Siya’y may matalas na pag-iisip, ngunit palagi siyang tampulan ng biruan. Ang “Mullah” ay isang titulo na ibinibigay sa matatalinong Muslim. Halos lahat ng Muslim ay pamilyar sa mga kuwento ni Nassreddin. Kahit ang mga di-Muslim sa Tsina ay alam din ang kaniyang mga anekdota , at sa wikang Tsino ang pangalan niya ay “Afanti.” 2. Analisis Tatalakayin ang binasang anekdota na pinamagatang “Mullah Nassredin”. 1. Ilarawan si Mullah Nassredin. 2. Anong katangian ng pangunahing tauhan ang naibigan mo? 3. Sa kasalukuyang panahon, kanino natin maaaring maihahambing si Mullah Nassreddin? Patunayan. 4. Sumasang-ayon ka ba sa paraan ng kaniyang pagtuturo sa mga tao? 5. Anong uri ng panitikan ang inyong nabasa? 3. Abstraksyon (paghahalaw) Panuto: Ngayon ay maaari ka nang magpahayag ng sarili mong kaisipan hinggil sa binasa mong anekdotang “Mullah Nasrreddin”. Sa pamamagitan ng brain concept idea, ibuod ang binasang anekdota gamit ang banghay na nagpapakita ng panimula, saglit na kasiglahan, Suliranin/Tunggalian, Kasukdulan at Kakalasan/Wakas. Gayahin ang pormat at sagutin sa sagutang papel. PANIMULA _________________________________________ SAGLIT NA KASIGLAHAN _________________________________________ SULIRANIN/TUNGGALIAN _________________________________________ KASUKDULAN _________________________________________ WAKAS _________________________________________ Aplikasyon (Paglalapat) Bilang isang mag-aaral, bakit mahalagang pag-aralan ang elemento ng anekdota? IV. Pagtataya Panuto: Isulat sa isang buong papel ang naging repleksiyon/reaksiyon mo sa napanood na anekdota na pinamagatang “Mullah Naasredin” sa loob ng 15 minuto. Pamantayan sa Pagsulat ng Repleksyon Mga Krayterya 5 2 3 Organisasyon (5 puntos) Mahusay ang pagkakalahad ng ideya sa kabuuan ng talata at mabisa ang panimula at konklusyon. Maayos ang pagkakalahad ng ideya sa talata, may angkop na simula at konklusyon. May lohikal na organisasyon ngunit hindi masyadong mabisa ang panimula at konklusyon. Hindi maayos ang organisasyon at walang panimula at konklusyon. Paggamit ng wika at gramatika Napakahusay ang ginamit na wika, walang malisa gramatika, baybay at gamit ng bantas, may mayamang bokabularyo. Mahusay dahil kakaunti lamang ang mal isa gramatika, baybay at gamit ng bantas. Maraming mali sa gramatika at baybay gayundin sa gamit ng bantas. Kailangang baguhin dahil halos lahat ng pangungusap ay may mali sa gramatika, baybay at gamit ng bantas. Malinis at maayos ang pagkakasulat ng talata. Malinis ngunit hindi maayos ang pagkakasulat ng mga pangungusap. May kahirapang unawain ang pagkakasulat ng mga pangungusap. Mahirap basahin, hindi maayos at malinis ang pagkakasulat ng talata. (5 puntos) Presentasyon (5 puntos) 2-1 V. Kasunduan Basahin ang anekdota ni “Mongheng Mohametano sa Kaniyang Pag-iisa” at sagutan ang gawain 6 sa kalahating papel. Inihanda ni: Sinang-ayunan ni: SHAYNE CRIS L. TALINGTING Practice Teacher DELIA D. GALANG, LPT Grade 7 Curriculum Head/ Guro sa Filipino Pinagtibay ni: MICHELLE JOY S. PONIO, LPT Academic Coordinator