Pag-aaral sa Isyu ng Kahirapan sa mga taong-lansangan sa Sto. Rosario, Cebu City Isang pananaliksik na iniharap para kay Bb. Jembel Alegado Montalla Bilang Pagtupad sa Pambahaging Pangangailangan ng Gr. 11- ABM (Accountancy, Business and Management) Nina: Aubrey C. Bernardino Mariajen R. Cabajar Czerina Maybellerree Villeza Evitha A. Albarracin Louella V. Layam Jenalyn P. Ponce Retsin Joyce Y. Sacro Steve O. Bolo Cecile S. Albino Darrel Mae Valmoria Marso, 2017 Dahon ng Pagpapatibay Ang pananaliksik na ito ay pinamagatang Pag-aaral sa Isyu ng Kahirapan ay inihanda ng grupo mula sa ika-11 na baitang bilang bahagi ng katuparan sa Proyekto sa Asignaturang Filipino (Pagbasa at Pagsuri sa Iba’t-ibang teksto Tungo sa Pananaliksik) ang pananaliksik na ito ay tinatanggap bilang Pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng Asignaturang Filipino. Bb. Jembel A. Montalla Ginoong Jervin Alegado Guro Coordinator Bb. Beverlie Abella Punong Guro Dahon ng Pasasalamat Taos puso kaming nagpapasalamat sa mga taong tumulong at nag-ambag ng kanilang tulong at kooperasyon para mabuo at magawa ang aming pananaliksik. Nagpapasalamat kami kay Bb. Jembel A. Montalla na hindi nagsawang magbigay ng kaniyang ideya at opinion tungkol sa nasabing pananaliksik at gumbay at nagpaintindi sa amin sa kung anong dapat sundin sa pagbuo ng tesis o pananaliksik. Sa aming minamahal na paaralan na hinayaan kaming gawi an gaming pananaliksik ang Asian College of Technoloy o (ACT) at sa mga masigasig na nakilahok sa pagsagot ng tapat sa aming mga katanungan at sa amin ding mga magulang na sumuporta sa aming ginawang pananaliksik dahil kung hindi rin sa kanila ay hindi naming magagawa an gaming pananaliksik. Sa lahat ng myembro ng aming grupo, hindi maitatagumpay ang lahat ng ito kung wala ang tulong ng bawat isa. At higit sa lahat ang Panginoon, na syang aming naging lakas at gabay sa aming ginawang pag-aaral. Siya ang aming inspirasyon upang magkaroon kami ng tibay ng loob at sigasig na itagumpay an gaming pananaliksik. DEDIKASYON Ang pananiksik na ito ay hindi maitatagumpay kung wala ang tulong ng lahat ng mga buong pusong sumuporta sa aming pananaliksik ukol sa isyu ng kahirapan. Inilalahad rin naming ito sa mga taong naging bahagi ng pananaliksik na ito. Higit sa lahat, sa ating Mahal na Panginoon na siyang nagbigay sa amin ng gabay upang maipagpatuloy at maitagumpay ang saliksik na ito. Hindi name makakamit ang tagumpay na ito kung wala ang gabay ng ating Maykapal. Aubrey Bernardino Evitha Albarracin Cecile Albino Steve Bolo Mariajen Cabajar Louella Layam Jenalyn Ponce Retsin Joyce Sacro Darrel Mae Valmoria Kabanata I INTRODUKSYON Rationale Ang kahirapan ang nangungunang suliranin na kinakaharap ng ating bansa. Araw-araw rin sa ating paglalakbay sa kung saan ay hindi maiiwasang may mga makikita tayong mga taong-lansangan. Sa pagtagal rin ng panahon ay tila ba hindi nababawasan ang bilang ng mga taong lansangan na ito. Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang pananaw at saloobin ng mga tao sa ating komunidad ukol sa isyu ng kahirapan. Mahalagang malaman ang mga kasagutan ng mga ito sapagkat ito ang gagamiting batayan ng kalalabasan ng naturang pag-aaral. Sa pananaliksik na ito, malalaman, masasagutan, at matutuganan ang mga tanong na lingid pa sa kaalaman ng karamihan. Dito mahahalungkat ang mas malalim pang impormasyon tungkol sa usaping aming tinatalakay. Nais ng mga mananaliksik na mailahad ang lahat ng mga datos na nakalap mula sa pananaliksik. Layunin ng Pag-aaral Nais ng pag-aaral na ito na malaman at kumalap pa ng mas maraming datos at impormasyon tungkol sa suliranin ng mga taong-lansangan partikular na sa Sto. Rosario, Cebu City. Nais naming malaman ang iba’t-ibang mga dahilan kung bakit sila naghihirap at dumaranas ng ganitong klase ng kalagayan sa buhay.Ang mga tao sa kanilang kalagayan ay mga walang pangkabuhayan kung kaya’t ang iba sa kanila ay nabuhay sa pagnanakaw at maging sap unto na ang mga batang musmos pa lamang ay natuto na sa maling gawaing ito. Nakikita rin naming na ang isyu ng kahirapan ay nangunguna sa iba’t-iba pang mga isyu sa ating bansa. Ito ang siyang nag-udyok sa amin upang ito ang gawan namin ng pag-aaral. Layunin namin na mas lalo pang maghalungkat ng impormasyon upang kami ay makatuklas ng ibang mga maaaring maging solusyon na siyang maaari naming maiambag at maitulong sa mga nasasabing mamamayan na siyang lubos na naaapektuhan at sakop ng isyung ito. Kahalagahan ng Pananaliksik Naniniwala ang mga mananaliksik ng pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga sumusunod: Mahihirap- Ang pananaliksik na ito ay may malaking maitutulong sa mga mahihirap dahil sila ang punto ng pag-aaral na ito. Sa pag-aaral na ito ang mahihirap ay maaaring magkaroon ng solusyn upang maging maginhawa ang buhay. Pamahalaan- Malaki ang maitutulong ng pag-aaral na ito sa pamahalaan dahil sa pagaaral na ito nagkaroon sila ng ideya kung bakit marami ang naghihirap. Sa pag-aaral na ito ag pamahalaan ay maaaring gumawa ng hakbang upang magkaroon ng solusyon. Ordinaryong Tao- Malaki ang maiaambag ng pag-aaral na ito sa mga ordinayong tao dahil sa bawat araw naging marami ang mga magnanakaw. Sa pag-aaral na ito magiging kampante na ang mga ordinaryong tao sa gusto nilang gawin. Paglalahad ng Suliranin Ang pag-aaral na ito ay naglalayong alamin ang persepsyon ng mga tao tungkol sa isyu ng kahirapan. Layunin din ng pag-aaral na ito na alamin ang mga sumusunodna suliranin: 1. Masuri kung ilang porsyento ang may perspektibo na ang isyung ito ay malutasan. 2. Mabatid kung paano maaaring makaapekto ang mga taong-lansangan sa komunidad o kapaligiran. Depinisyon ng mga Terminolohiya Upang mas lalong maunawaan ang pananaliksik na ito ay narito ang ibang mga terminolohiya na binigya ng kahulugan. Street-dwellers- Ito ang pumapatungkol sa mga taong lansangan. Sila yung mga taong naninirahan sa ting mga lansangan at doon humahanap ng panggagalingan ng kanilang pangkabuhayan. Kahirapan- Ito ang estado kung saan may pagkukulang sa mga pangunahing pangangailangan ng isang tao. Ito’y kung saan hindi na nila kaya pang panustusan ang pangangailangan nila bilang indibidwal. Pamahalaan-Ito ay isang organisasyon na may kakayanan na gumawa at magpatupad ng batas sa isang nasasakupang teritoryo. Ito rin ay may kapangyarihan na magbigay ng mga pangangailangan ng mga mamamayan ng nasasakupang teritoryo. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa mga sakop ng isyung kahirapan o yung mga taong-lansangan. Nakapokus ang pag-aaral naming ito sa mga street dwellers na matatagpuan sa Sto. Rosario, Cebu City. Kukunin namin at mga ideya at opinyon ng mga ordinaryong tao kung ano ang saloobin nila tungkol sa mga ganitong isyu at paano ito nakakaapekto ito sa kanila. Saklaw ng pag-aaral na ito ang pagkuha ng mga datos, impormasyon, mga pananaw at iba’t-ibang saloobin na may kaugnayan sa aming paksa na isyu ng kahirapan. Malaki ang magiging bahagi ng bawat kalahok dahil sila mismo ang pagkukuhanan namin ng impormasyon. Konseptwal na Balangkas Isyu ng Kahirapan; Mga Taong Lansangan Mga Residente ng Sto. Rosario, Cebu City Mga Dahilan kung bakit sila lugmok sa isyung ito. Mga praktikal na solusyon upang ito’y malunasan. Kabanata II: Metodolohiya at Pamamaraan Kaugnay na Literatura Ang bahaging ito ng pananaliksik ay naglalaman ng mga panitikan, ideya, at iba pang kaalaman na may kaugnaya sa paksa. Ito ang magbibigay ng mga pantulong pa na kaisipan upang mas lalong maintindihan ng mambabasa. Ayon sa pag-aaral nina Rawlings at Rubio (2005), “The country’s economy address both future poverty, by fostering human capital accumulation among the young as a means of breaking the intergenerational transmission of poverty and current poverty, by providing income support for consumption. Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik Ang panaliksik na ito ay gumamit ng messanger interview upang malaman ang mga pananaw at opinion ng mga respondante ukol sa mga nabanggit na layunin, Ginamit bilang statistical tool sa pagtitimbang at pagsukat ng mga data ang percentage technique sa pananaliksik na ito. Ginagamit ang percentage technique upang makita ang kinalabasan ng ginawang pagsusuri batay sa mga sagot ng mga respondente. Ginagamit din ito upang makuha ang kalahatang bahagdan ng bilang ng pare-parehong mga sagot sa isang partikular na tanong. Ang ginamit na pormula ay ang kung saan: n=bilang ng sagot N=bilang ng mga respondante %= bahagdan Ang mga talatanungan ay inihanda ng mga mananaliksik at pinasagutan sa mga respondente. Pagkatapos ay pinag-isa ang mga magkakaparehong sagot. Kinuha ang bahagdan o porsyento ng mga magkakaparehong sagot ng mga respondente sa bawat tanong sa talatanungan. Masusing pinag-aralan at ginawang pagbubuod at konklusyon ang mga sagot ng mga respondente. Sa paraang ito ay nakuha ang iba't-ibang mga pananaw ukol sa mga taong-lansangan at paano ito makakaapekto sa isang komunidad. Lokal at Populasyon ng Pananaliksik Kalahok: Iba't-ibang uri ng mga tao na nasa iba-iba ring antas at edad. Bilang ng kalahok: 100 Kalahok Sa Pag-Aaral: Kalahok sa pananaliksik na ito ang mga nasa iba't-ibang uri ng antas ng mga tao. Sapagkat sa pamamagitan nito ay malalaman namin ang kanilang pananaw ukol sa aming isyung ito; mga Taong-lansangan, at ang mga impormasyong nakuha ay magkakaiba-iba sa isa't isa sapagkat ito'y nagmula sa magkakaiba-ibang uri ng sangkatauhan. Kasangkapan ng Paglikom ng Datos Talatanungan Ito ang instrumento na aming ginamit sa aming pananaliksik. Ang talatanungan ay naglalaman ng mga maaaring maging reaksyon ng mga respondente ukol sa isyu ng kahirapan na higit na nakapokuus sa mga taong-lansangan. edukasyon. Ang mga respondente ay nagbigay ng kanilang kooperasyon sa bawat tanong na aming ibinigay. Sa pamamagitan ng talatanungan, nalalaman ang tunay na pananaw ng mga respondente. Lalong lalo ng mga guro na isa sa mga maaapektuhan sa pagpapatupad ng memorandum na ito. Ang talatanungan ang pinakamabilis at pinakamabisang instrumento sa pagkalap ng impormasyon. Pagkatapos itong masagutan ng mga respondente ay agad isinagawa ang pagtatally sa bawat sagot ng mga katanungan. At susunod dito ay ang paggawa ng grap na nakabase sa mga sagot ng mga respondent. Paraan ng Pagsusuri ng Datos Sa kabanatang ito,ipinapakita ang pagsusuri at pagiinterpret ng mga datos na nakuha batay sa instrumentongginamit sa pag-aaral.ang mga datos ay inilarawan sa pamamagitan ng grapikal na paglalahad. Upang matukoy ang iba't-ibang mga aspeto tunglol sa usaping ito ay gumawa ang mga mananaliksik ng grap. Ang x-axis ay tumutukoy sa iba't-ibang mga ideya at sa y-axis naman ay tungkol sa bahagdan ng bilang ng mga sumasang-ayon. 100 90 80 70 60 50 Sang-ayon 40 Hindi sang-ayon 30 20 10 0 A Kung saan: B C D E a.) Mayroon paraan pa upang masugpuan ang isyu ng taong lansagan. b.) Sang-ayon o mas pinipili ang pagbibigay ng limos sa mga taong-lansangan c.) Ang pagbibigay ng limos ay isang paraan ng pagturo sa mga taong ito sa pagiging tamad. d.) Nakakaapekto ang mga taong lansangan sa turismo ng isang lugar. e.) May sarili ka bang paraan upang mabawasa ang mga bilang ng taong ito. Resulta 100 90 80 70 60 50 40 30 20 10 0 Sang-ayon Hindi sang-ayon Mayroon Sang-ayon o Ang Nakakaapekto May sarili ka paraan pa mas pinipili pagbibigay ng ang mga taong bang paraan upang ang pagbibigay limos ay isang lansangan sa upang masugpuan ng limos sa paraan ng turismo ng mabawasa ang ang isyu ng mga taogpagturo sa isang lugar. mga bilang ng taong lansangan mga taong ito taong ito. lansagan. sa pagiging tamad. Sa unang hanay ay makikita na mas malaki ang bahagdan ng mga sumang-ayon at naniniwalang may paraan pa upang masugpuan ang isyu ng taong lansangan. (92% ang sumang-ayon, 8%-Hindi) Sa ikalawang hanay ay maoobserba rin na mas malaki ang bahagdan ng mga taong mas pinipili na magbigay ng limos sa mga taong lansangan sa tuwing nanghihingi ito sa kanila. (71%-Sang-ayon, 29%- Hindi) Sa sumunod na hanay naman ay 22% ang sang-ayon na ang pagbibigay ng limos ay isang paraan lamang ng pagtuturo sa mga taong ito na maging tamad, at 78% naman ay hindi. Sa ikaapat na hanay ay 77% ang sumang-ayon na ang presensiya ng mga taong lansangan ay nakakaapekto sa turismo ng isang lugar. Sa huling hanay ay 31% ang naniniwala na bilang indibidwal ay may magagawa sila upang makatulong na mabawasan ang bilang ng mga taong ito. Lagom, Konklusyon, at Rekomedasyon Ang kabanatag ito ay naglalaman ng buod/lagom, resulta,konklusyon, at rekomendasyon ng pag-aaral tungkol sa “Isyu ng Kahirapan” Buod/Lagom Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa “Isyu ng Kahirapan” Ang mga mananaliksik ay gumamit ng mga bahagdan upang malaman at mailarawan ang pangkalahatang salooin ukol sa naturang usapin. Sa pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang sumusunod na tiyak na talatanungan. 1. Masuri kung ilang porsyento ang may perspektibo na ang isyung ito ay malutasan. 2. Mabatid kung paano maaaring makaapekto ang mga taong-lansangan sa komunidad o kapaligiran. Sulirain #1 . Masuri kung ilang porsyento ang may perspektibo na ang isyung ito ay malutasan. Resulta/Konklusyon: Natukoy sa pag-aaral na ito na karamihan sa mga mamamayan ang naniniwala at may perspektibo na masugpuan ang isyung ito.93% ang sumangayon at 7% naman ang hindi. Rekomendasyon: Iminumungkahi ng mga mananaliksik sa pamahalaan na pagtuonan nila ng pansin ang suliranin na ito. Maaari silang maghandog ng mga karampatang trabaho sa mga taong ito nang sa gayon ay mayroon na silang pangkabuhaya at maiiwas sila sa mga maling gawain gaya ng pagnanakaw. Suliranin #2 2. Mabatid kung paano maaaring makaapekto ang mga taong-lansangan sa komunidad o kapaligiran. Resulta/Konlusyon: Nakita sa resulta na mas malaking porsyento rin ang nagsasabi na talagang nakakaapekto ang mga taong-lansangan na ito sa turismo ng isang lugar. Ang mga taong-lansangan ay maaaring siyang naging factor upang ang mga turista o kahit yung ibang mga dayo lang sapagkat may badya ng mga taong lansangan na minsan ay siyang may kagagawan sa maling gawain gaya ng pagnanakaw. Rekomendasyon: Iminumungkahi ng mga mananaliksik na ang ating pamahalaan na siyang responsible para dito ay siyang maglapat ng solusyon. Maaai silang maghandog sa mga taong ito ng lugar na malilipatan ng para malinis na rin ang lansangan ng ating komunidad at maiwasan na rin ang mga maling gawain at mababawasan na rin ang badyang nakakaapekto sa pagdating ng mga dayo sa isang lugar