Uploaded by Trechy Barcelona

PROPOSAL ACTION RESEARCH

advertisement
1
Pamagat:
Mga Salik na Nakaaapekto sa Pag-unawa sa Binasa sa Piling Mag-aaral sa
Filipino Baitang Walo
I. CONTEXT AND RATIONALE
Ang pagbasa ay isa sa mga itinuturing na mabisang sandata para sa isang mabisang
komunikasyon. Ang mabisang komunikasyon ay makakamtan lamang kung nauunawaan natin
ang ating binabasa. Ang kaalaman sa pagbasa ay hindi lamang simpleng kasanayan,
kailangan pa natin ang iba pang uri ng kasanayan upang maging isang epektibong
mambabasa. Upang malinang ang kasanayang ito, kailangan ang seryoso at puspusang pagaaral.
Sinang-ayunan din ito ni Galang (2007), na napakahalaga sa isang guro at mag-aaral
ang pagkakaroon ng isang matibay na pag-unawa sa proseso ng pagbasa.
Sadyang mahalaga ang kasanayan sa pagbasa dahil ito ay isang proseso ng
pagtanggap at pag-interpreta ng mga impormasyong nakakoda sa pamamagitan ng limbag na
midyum. Proseso sapagkat binubuo ng mga paraan sa pagsasagawa ng aktibidad na
kinasasangkutan ng awtor na siyang nagsulat o nag-enkowd ng mga simbolo na walang iba
kundi ang mga letra para maghatid ng mensahe sa binabasa.(Urquhart et al, 1998)
Ang mga guro sa Filipino ay buong pusong nagsisikap upang maturuan ang mga magaaral na bumasa ng may pag-unawa. Base sa naging resulta ng Unang Markahang Pagsusulit
sa Filipino (2017-2018) natuklasan ng mga guro na may mga mag-aaral pang hindi natamo
ang kakayahang bumasa ng may pag-unawa na kabilang sa instruksyonal at kabiguan na
kategorya.
Dahil dito, ang mga guro sa Filipino ay nabahala sa mababang antas ng pang-unawa
ng mga piling mag-aaral sa Kabankalan National High School kung kaya marapat lamang na
mabigyan ng agarang solusyon ang suliraning ito.
2
Ang action research na ito ay nakatuon upang mapaunlad ang kakayahan ng mga
mag-aaral sa pag- unawa sa binasa.
II.
Action Research Questions
Ang layunin ng action research na ito ay mabigyan ng programang magbibigay ng
agarang solusyon sa pamamagitan ng puspusang pagsasanay upang mapaunlad ang kakayahan
sa pag-unawa sa binasa ng mga tukoy na mag-aaral sa ikawalong baitang sa Kabankalan
National High School.
Ang pananaliksik na ito ay sasagot sa mga sumusunod na mga katanungan:
1.) Ano ang antas/level ng kakayahan sa Pag-unawa sa Binasa bago at matapos ang
implementasyon ng proyektong DAPAT (Dulog at Aksyon sa Pagbasa ay Tunguhin).
2.) May kabuluhan bang pagkakaiba ang antas ng kasanayan bago at matapos ang
implementasyon ng programa?
3.) Anu-ano ang mga pangunahing salik na nakaaapekto sa kakayahan sa pag-unawa sa
binasa?
4.) Anu-ano ang mga posibleng epekto ng mga natuklasan sa pananaliksik na ito sa
pagpapaunlad ng kasanayan ng mga mag-aaral sa pag-unawa sa binasa?
III. Proposed Innovation, Intervention and Strategy
Proyektong DAPAT(Dulog at Aksyon sa Pagbasa ay Tunguhin) ay apat na
buwang puspusang programang interbensyon na nakaangkla o nakadisenyo para sa mga
mag-aaral na hirap sa kasanayan sa pag-unawa sa binasa.
IV. Action Research Methods
a. Participants and/ or other Sources of Data and Information
Mula sa resulta ng Unang Markahang Pagsusulit sa Filipino 2022-2023,ang mga
mag-aaral na nakakuha ng pinakamababang iskor ang siyang makikinabang sa
3
progmang ito. Ang magsasagawa ng programa ay hihingi ng pahintulot mula sa kanilang
mga magulang o tagapangalaga.
b. Data Gathering Methods
Sa pangangalap ng datos ng pag-aaral na ito, ang mga hakbang na ito ang
tutunguhin.
1. Pagbibigay ng paunang pagbasa o pre-reading at talatanungan upang matukoy ang
mga nangangailangan ng programa.
2. Apat na buwang puspusang implimentasyon gamit ang mga babasahing nakalap
mula sa pananaliksik at talatanungang gawa ng mga guro.
3. Pagbibigay ng huling pagbasa o post reading at talatanungan sa mga mag-aaral na
kasama sa programa.
c. Data Analysis Plan
Suliranin 1: Weighted mean ang gagamitin upang masagot ang unang katanungan.
Suliranin 2. Difference Test
Suliranin 3 and 4. Qualitative means na pag-aaral sa mga datos na nakalap sa
pamamagitan ng obserbasyon, interview, survey at pag-aanalisa ng dokumentasyon
pang bigyang kasagutan ang tanong bilang 3 at 4.
V.
Action Research Work Plan and Timeline
Gawain
Pagbibigay ng Paunang Pagbasa at
Pagsusulit
Implementasyon ng Programa
Pagbibigay ng Panghuling Pagbasa at
Nakatakdang Oras ng Implementasyon
Ikalawang Linggo ng Abril
Abril (dalawang beses sa isang linggo)
Abril (Ikatlong Linggo)
4
Pagsusulit
Paglalahad,Analisis at Interpretasyon ng
Datos
Pagsasapinal ng Buong Action Research
VI.
Abril (Ika-apat na Linggo)
May 2023
Cost Estimate
Ang kabuuang pondo ay ilalaan para sa imprinta ng mga kagamitang instuksyonal.
Item/s
Kagamitan (ink, bond paper, envelops, folders)
VII.
Halaga
3,500.00
Plans for Dissemination and Utilization
Ang pananaliksik na ito ay planong maipabatid sa district, regional at maging sa
national na komperensiya at mailathala sa mga publikasyon at websites.Gayundin ang
maisali sa taunang patimpalak sa pananaliksik sa rehiyon.
VIII.
References
Galang, Teresita T. et. al (2007). Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Sampalok,
Manila. Rex Book Store, Inc.
Urquhart, Sandy et. al (1998). Reading in a Second Language
Download