ESP 2 Summative Test No. 1 3rd Quarter Pangalan: _______________________________________ Marka: ______________ Lagyan ng tamang sagot ang patlang upang mabuo ang pangungusap. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang iyong sagot sa patlang. Basahin at unawain ang bawat pangungusap isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong kwadernong panggawain. 7. Karapatan ng bawat bata ang maisilang at magkaroon ng pangalan sa paanong paraan mo maipakikita ang iyong pasasalamat sa karapatang tinatamasa? A. Igalang ang buhay at ipagmalaki ang pangalang ibinigay. B. Makipag-away at kutyain ang pangalan ng iba. C. Maging masaya at walang pakialam. 8. Ang bawat bata ay may karapatang makakain ng sapat at masustansyang pagkain. Paano mo maipakikita ang iyong pasasalamat sa karapatang ito? A. Kumain ng subra. B. Pumili ng masustansyang pagkain. C. Bumili ng matatamis gaya ng tsokolate. 9. Ang mga bata ay dapat makapag-aral. Sa paanong paraan mo maipakikita ang iyong pasasalamat sa karapatang tinatamasa? A. Mag-aral ng mabuti. B. Maging tamad. C. Tatahimik ako. 10. Ang matutunan ang magandang asal at kaugalian ay dapat matamo ng bawat bata. Sa paanong paraan mo maipakikita ang iyong pasasalamat hinggil dito? A. Magmano sa mga nakatatanda at gumamit ng po at opo sa pagsasalita. B. Maging masungit sa lahat at walang pakialam. C. Magsa walang kibo sa lahat ng panahon. 11. Ang makapagpahayag ng sariling pananaw ay dapat tinatamasa ng isang batang gaya mo. Sa paanong paraan mo maipakikita ang pasasalamat sa karapatang ito? A. Malayang nakapagsasabi ng saloobin. B. Nahihiyang sabihin ang opinyon. C. Tinatago ang nalalaman. 12. Ang iyong mga magulang ay nagsusumikap para mabigyan ka ng edukasyon nang magkaroon ng magandang kinabukasan. A. Mag-aaral ako nang mabuti. B. Hindi ako papasok sa paaralan. C. Papasok ako sa paaralan ngunit hindi ako mag-aaral ng mabuti. 13. Isa sa mga Karapatan ng isang bata ay ang maisilang at mabuhay. A. Pababayaan ko ang aking katawan. B. Magdadasal ako sa Poong Maykapal upang magpasalamat kanyang ibinigay. C. Maglalaro at maglalakwatsa ako lagi upang masulit ko ang tinatamasa. sa buhay na aking karapatang 14. Ang isang bata ay nararapat lamang na magkaroon ng malusog na pangangatawan kaya ang iyong mga magulang ay laging naghahanda ng masusutansyang pagkain. A. Magagalit ako sa aking mga magulang dahil ayaw ko ng pagkaing kanilang inihahanda. B. Tutulong ako sa mga gawaing bahay at susunod sa mga utos ng aking mga magulang. C. Maiinis ako sa aking mga magulang dahil paulit-ulit ang uri ng pagkaing kanilang inihahanda. 15. Habang nagtatalakayan, may naisip kang magandang ideya tungkol sa inyong paksa at bilang isang bata Karapatan mong maipahayag ang iyong sariling pananaw. A. Ipagwawalang bahala na lang ang naisip at baka ito ay mali. B. Tatahimik na lang hanggang matapos ang klase. C. Itataas ang kamay at hingiin ang permiso ng guro na maipahayag ang ideya. 16. Mas pinili ng iyong mga magulang na tumira sa probinsya kaysa sa siyudad dahil nais nilang mabigyan ka ng payapa at tahimik na tirahan. Sasang-ayon ka ba sa desisyon nila? A. Oo, dahil wala naman akong magagawa. B. Hindi, dahil mapapalayo ako sa aking mga kaibigan. C. Oo, dahil bilang isang anak dapat kong sundin ang gusto ng aking mga magulang. III. Iguhit ang tsek ( / ) kung ang sitwasyon ay tumutukoy sa paraan ng pagpapasasalamat sa karapatang tinatamasa at ekis ( X ) naman kung hindi. ____17. Sinusunod ni Betty ang mga babalang nakalagay sa parke at palaruan. ____18. Ipinagdadamot ni Jake ang kaniyang talento sa mga may kapansanan. ____19. Iginagalang at sinusunod lagi ng magkapatid na Ruben at Philip ang kanilang mga magulang. ____20. Nagsisikap si Rabiya upang makapagtapos ng pag-aaral.