Uploaded by James Abad

VISUAL GRAPHICS DESIGN

advertisement
VISUAL GRAPHICS DESIGN: Isang Naratibong Ulat
Bawat isang Estudyante ay nasa kanilang Classroom na at hinihintay ang kanilang guro
sa unang sa aralin ito ay araw ng Miyerkules taong 2022. Ang mga mag aaral ng 12 ICT ay
hinihintay pumasok na ang kanilang guro ng pumasok na ang kanilang guro sinabihan sila na
pupunta sa kanilang Laboratory para gumawa ng Visual Graphics. Nang sila’y nasa Laboratory na
ay nagturo ang kanilang guro sa pisara kung anong mga gagawin.Sinimulan ng guro ang pagtuturo
kung paano gumawa ng video animation ng isang stickman.Ang mga mag-aaral ay natuwa sa
kanilang leksyon sa araw na iyon dahil gagawa sila ng video animation.Kumprehensibo rin at
malinaw ang pagtalakay ng guro patungkol sa mga dapat maunang gawin at mga dapat na
pasunod-sunod na gagawin.
Pinabuksan ng guro ang smartphone ng bawat isang mag aaral para gamitin sa gagawing
video animation.Bawat isa ay sinabihan ng guro ng mag download ng apps makakatulong sa
kanila,sinabi ito bago paman sila mag laboratory.Bawat isa ay may naka install na apps,sinabi ng
guro na pwede na silang magsimula ng kanilang awtput.Idinagdag din ng guro na pwede sillang
gumamit ng kompyuter para makatulong at maging maayos ang kanilang awtput.Bawat isa ay
nagsisimula na at magaganda ang kanilang mga gawa.Sinimulan ng iba ng guamamit ng apps
gaya FlipaClip para gumawa ng animation ang iba rin ay unang ginamit ang kompyuter kasi
sinabi nila na sanay sila gumawa sa PC.Mga disenyong simple ng mga stickman at maayos na
pagkakagawa ng video kailangan nalang ng kaunting gabay ng guro para mas lalong
gumanda.Habang nag-iikot ang guro napansin niya na karamihan ay marunong na at pansin niya
rin na nag advance na nag-aral na ang kanyang mga estudyante.Bago paman ang pagtapos ng
oras ng guro na iyon ay nasiyahan siya sa ginawa ng mga mag-aaral dahil sa naipakita nilang
mga gawa sa kanya.May iba rin nahihirapan pa at hindi natapos ang kanilang gawa kaya sinabi
ng guro na ipasa ito sa sunod na araw.
Bawat isang Estudyante sa 12 ICT ay gumawa ng video animation na kanilang awtput at
kanilang dapat pang ma improve.Ang bawat transition din ay hindi pa fully perfect kaya dapat pa
nilang matutuhan ito.Pero sa marami bago nakuha na kaalaman ang mga estudyante na pwede
nila magamit sa darating pang mga panahon.
Download