Konsepto ni Johnpaul: Isang teacher na sa kabila ng kahirapan like mababa ang sweldo and nasa liblib na lugar pa siya nagtuturo and sinasabihan pa siya ng asawa niya na tigilan na ang pagtuturo dahil mababa naman ang sweldo ng isang guro.. ngunit sa kabila nun.. nagpatuloy siya magturo dahil mahal niya ang trabaho at gusto niya maturuan ang batang nasa liblib na lugar dahil kawalan nila ng kagamitan ng pag-aaral.. Rebisyon/dagdag ni Ahron: Pagsasalaysay: Si Gng. Ale ay isang guro sa isang paaralan. Mahal na mahal niya ang kanyang trabaho, at nais niya talagang magkaroon ng epekto sa mga mag-aaral ang kanyang pagtuturo. Nais niyang maturuan ang mga batang nasa liblib na lugar at walang kakayahang makapag-aral dahil sa pinansyal na pangangailangan. Kaya naman kahit na mababa ang sweldo at mahirap, ibinibigay niya ang kanyang buong makakaya upang masuportahan ang mga bata. Deskripsyon ng mga pangyayari: May mga batang nakaupo at nagtuturo si Gng. Ale ng isang aralin(walang tunog). Nasa maliit na espasyo lamang sila(ayos lang kung hindi maipapakita ngunit mas maganda kung maipapakita ito). May parte na pagkatapos ni Gng. Ale magsalita o magtalakay, ang kanyang mukha ay para ba siyang nahihirapan, nagdadamdamin, o iniisip na malalim. Ngunit isinawalang bahala at ngumiti. Pagsasalaysay: Panahon na no'n ng buwanang sahod nilang mga kaguruan. Pauwi na si Gng. Ale galing sa pagtuturo. Ngunit bago siya umuwi, kinuha niya ang kanyang buwanang sahod sa opisina. Pagkauwi niya, saka niya lamang tiningnan at ipinakita ang kanyang sahod sa kanyang asawa. Ang kanyang sahod ay something na mababa ewan. Makikita ang pagkadismaya sa mukha ng kanyang asawa dahil sa baba nito. Deskripsyon ng mga pangyayari: Nagpapaalam si Gng. Ale sa ilang mga guro na pauwi na. Tapos pumunta siya somewhere kung saan tinatanggap ‘yung sweldo. Pirma pirma siya something tapos nagthank you siya du’n sa someone na naghahandle. Asawa: "Sabi ko sa'yo, tumigil ka na ng pagtuturo at maghanap ka na lang ng ibang trabaho na mas makakapagtustos sa mga bayarin natin. Kung bakit ayaw mo pang umalis d'yan sa pagtuturo mo na 'yan." Walang imik si Gng. Ale at hinayaan niya na lamang ito. Blablablablablablablablablablabla Isang pangyayari ang naganap. Para siyang event kung saan wala na akong maisip at gusto ko na lang tapusin ‘yung kwento. Ideas: - Isang event kung saan may opportunity siya na magtrabaho somewhere school kung saan mas better ang pay - Nahimatay siya at dinala sa ospital dahil sa overworking - Nahuli siya kase trip ko lang, basta nahuli siya ewan ko kung bakit - May program ‘yung school na parang pagpapaaral sa mga students sa labas ganu’n Sa dulo, napromote siya bilang isang principal dahil sa pangyayari na ‘yon HAHAHHAHAA tapos gumawa siya ng project for the youth who can’t afford school materials and to study freely without paying anything and with equal opportunities with other students. Updated script: Narrator: Isang gurong nagngangalang G. Percio ang naghihirap dahil sa epekto ng pandemya. Sa liblib na lugar lamang siya nagtuturo, dahil ang mga tinuturuan niya ay mga batang kalye. Hindi rin kaya ng kanilang paaralan na tustusan ang mga pangangailangan ng mga estudyante sa kadahilanang mula sila sa mahirap na probinsya. May line siguro dito Narrator: Kahit na sinasabihan na siya ng kanyang asawa na humanap ng ibang trabaho na mas malaki ang bigay na sweldo, hindi pa rin siya umaalis sa kanyang trabaho sapagkat mahal niya ang pagtuturo, at nais niya na maturuan nang maayos ang mga bata. Kahit na sinasabihan na siya ng kanyang asawa na itigil na niya ang pagtuturo dahil nag-aalala siya na baka siya'y magkasakit, pinipilit niya pa rin na magturo sa mga bata. Aling Tiara: Hay, nako, Percio. Sabi ko sa'yo, tumigil ka na ng pagtuturo at maghanap ka na lang ng ibang trabaho na mas makakapagtustos sa mga bayarin natin. Kung bakit ayaw mo pang umalis d'yan sa pagtuturo mo na 'yan. Aling Tiara: Percio, itigil mo na iyang pagtuturo mo. Alam mo naman na delikado sa panahon ngayong nakakalat ang pandemya. Mababa pa naman ang iyong nakukuhang sweldo d'yan, halos magkulang na nga sa mga bayarin, paano pa kaya kung magkaroon ka ng sakit. G. Percio: Hindi maaari, Tiara. Kinakailangan ng mga batang iyon na makapag-aral pa rin. Wala silang pantustos sa kanilang pag-aaral. Sino ang lalapit sa kanila.