Uploaded by STEPHANIE RAZON

Razon Komu Reviewer

advertisement
ANG SITWASYON NG WIKANG FILIPINO
SA MASS MEDIA
MASS MEDIA
- Pinakamaimpluwensiya at
pinakamakapangyarihang
institusyon sa ating lipunan
- Mabilis at mabisang instrumento
- Pinakabumubuhay sa wika
- Pang masa
- Pang madla
1. Broadcast Media
- Paghatid ng impormasyon sa
mga mamamayan gamit ang
radyo at telebisyon
- Radyo (AM- amplitude
modulation, mga balita at
anunsyo, FM- frequency
modulation)
●
●
Teleradyo- pinaghalong telebisyon
at radyo
Telebisyon- isang pamamaraang
telekomunikasyong ginagamit upang
makapaghatid ng tunog at sa
gumagalam na imahe (dekada 50)
PANAYAM- sistema ng komunikasyong
nagtatanong para makakuha ng
impormasyon
- Karaniwang nagmumula sa tanyag
na tao o awtoridad
MGA URI
1. Pakikipanayam sa pagkuha ng
impormasyon
2. Pakikipanayam para sa trabaho at
pag-aaral
3. Pakikipanayam upang magbigay ng
payo
4. Mapanghikayat na pakikipanayam
5. Pakikipanayam sa pagbebenta
6. Tumataya o nag-eebalweyt
7. Pakikipanayam na nagiimbestiga
8. Pakikipanayam sa media
KLASE NG TANONG
1. Saradong Tanong
- Tiyak
- Sinasagot ng oo/hindi
- Mas maraming nakukuhang
info.
2. Bukas na Tanong
- Walang restriction
- Higit na kalayaang sumagot
- Pananaw
3. Primary Question
- Naihandang tanong bago
magpanayam
- Pangunahing puntos
4. Secondary Question
- Follow-up
- Tanong na binabatay sa
sagot
BARAYTI NG WIKA
1. Dayalek
- (Diyalek, diyalekto)
- panrehiyon o heograpikal na
barayti ng wikang may
sariling ponolohiya, sintaksis
at leksikon (vocabulary)
- Baryasyon ng wika sa loob
ng isang wika
- Partikular na pangkat galing
sa partikular na lugar
(lalawigan, rehiyon, o bayan)
2. Idyolek
- Personal na kakayahan ng
tagapagsalita
- Wikang ginagamit ng
partikular na indibidwal
- Tipikal na wika ng isang tao
- Hal. “Ang buhay ay
weather-weather lang”-Kuya
Kim
3. Sosyolek
- baryasyon ng wikang dulot
ng dimensyong sosyal
- nakabatay sa katayuan o
antas panlipunan ng mga
taong gumagamit ng wika
Iba’t ibang Sosyolek
a. Gay Lingo
- Wika ng mga bakla
- Beki language/bekimon
b. Coño
- conyospeak o coñotic na
isang barayti ng
Taglish/Fillish
- Pinaghalo ang salitang
Filipino at Ingles
- Code switching
c. Jejemon
- Jologs
Sinasabing mula ito sa
pinaghalong jejeje na isang
paraan ng pagbabaybay ng
hehehe at ng salitang Hapon
na pokemon
- jejemon o jejespeak ay
nakabatay rin sa wikang
Ingles at Filipino nga lamang,
isinusulat ito sa paraang
pinaghahalo ang mga
numero, mga simbolo,
malalaki at maliliit na letra
4. Etnolek
- etnolingguwistikong grupo
- salitang nagiging bahagi na ng
pagkakakilanlan ng isang
pangkat-etniko
Halimbawa:
➢ Vakul – salitang Ivatan na tumutukoy sa
kanilang panakip sa ulo.
➢ Batuk – isang uri o paraan ng paglalagay
ng tradisyonal na marka sa katawan mula
sa Kalinga.
➢ Bagnet – isang uri ng pinrosesong karne
ng mga Ilocano na kilala sa pagiging
malinamnam kapag niluto.
➢ Kalipay – tuwa, saya o ligaya sa wikang
Cebuano
➢ Palangga – mahal o minamahal sa
wikang Cebuano
5. Ekolek
- Barayti ng wikang kadalasang
ginnagamit sa loob ng tahanan
- namumutawi sa bibig ng mga bata at
mga nakatatanda
- madalas itong ginagamit sa pang
araw-araw na pakikipagtalastasan
PANSAMANTALANG BARAYTI
1. Register
- batay sa propesyon, uri at
paksa ng talakayan o
larangang pinag-uusapan
- Nagkakaroon ng Jargon na
tumutukoy sa mga tanging
bokabularyo ng isang
pangkat
2. Estilo / Tenor
- nagbabago ang antas ng
pormalidad ng wika batay sa
relasyon ng mga nag-uusap
at/o okasyon
- Halimbawa:
- Pormal: Magandang umaga
po sa inyo Ginoong Dela
Cruz.
- Impormal: Kumusta ka na
mars? Glowing ang skin mo
ngayon ah
3. Moda
- Paraan ng pagpapahayag
(pasalita man o pasulat)
- Mas mahigpit ang
pagpapatupad ng mga
tuntuning gramatikal sa
paraang pasulat at mas
maluwag naman ang
paraang pasalita
4. Pidgin
- “Nobody’s Native
Language”/katutubong
wikang ‘di pag-aari ninoman
- bunga ng pag-uusap ng
dalawang taong parehong
may magkaibang unang wika
kaya’t ‘di magkaintindihan
dahil hindi nila alam ang wika
ng isa’t isa kaya
magkakaroon sila ng
make-shift language
Halimbawa:
➢ “You go there… sa ano… there in the
banyo…” (English carabao)
➢ “Ako benta mga prutas sa New Year para
suwerte.” (Chinese na sumusubok
mag-Filipino)
➢ “What’s up, madrang piporrrr…”
(Koreanong si Ryan Bang sa kaniyang
programa)
➢ “Ikaw bili sa ‘kin daming tikoy…”
(Chinese na sumusubok mag-Filipino)
5. Creole
- tinatawag na creole ang
pidgin kapag naging inang
wika o mother tongue ng
isang pangkat
- Ginagamit sa mas malawak
na larangan
- Nagamit ito sa mahabang
panahon hanggang sa
magkaroon ng pattern o
tuntuning sinusunod na ng
karamihan
Halimbawa: Chavacano ng Zamboanga
➢ “De donde lugar tu?” (Taga-saan ka?)
➢ “Adios!” (Paalam)
➢ “Buenos dias!” (Magandang umaga!)
➢ “Buenas noches.” (Magandang gabi.)
➢ “Mi nombre?” (Ang pangalan ko?)
➢ “Gracias!” (Salamat)
➢ “Nada!” (Wala)
➢ “Habla usted Chavacano?” (Nagsasalita
ka ba ng Chavacano?)
➢ “Ama yo contigo” (Ganito kita kamahal)
➢ “Cuanto este?” (Magkano ito?
KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO/
ISTRUKTURAL / GRAMATIKA
KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO
- Naaayon sa tuntunin ng wika o
baliralang kayarian na alam ng
taong nagsasalita ng wikang ito
KAKAYAHANG GRAMATIKAL (Canale at
Swain)
- Pag-unawa at paggamit sa
kasanayan sa ponolohiya, sintaks,
semantika
Mungkahing Komponent ng Kakayahang
Lingguwistiko
[Celce-Murcia, Dornyei at Thurell (1995)]
1. PONOLOHIYA (para sa pagbigkas)
- Segmental (katinig, patinig,
pantig, tunog)
- Suprasegmental (haba, diin,
tono, antala/hinto)
2. MORPOLOHIYA (para sa pagbuo
ng salita)
- Iba’t ibang bahagi ng
pananalita
A. Mga salitang pangnilalaman
(content words)
1. Mga Nominal
a. Pangngalan- tao,
hayop, bagay, pook,
katangian,
pangyayari, atbp.
b. Panghalip- salitang
humahalili sa
pangngalan
-
2. Pandiwa- kilos o galaw
3. Mga Panuring (Modifiers)
a. Pang-uri- salitang nagbibigay-turing
o naglalarawan sa pangngalan at
panghalip
b. Pang-abay- salitang
nagbibigay-turing o naglalarawan sa
pandiwa, pang-uri at kapwa
pang-abay
B. Mga Salitang Pangkayarian (Function
Words)
1. Mga pang-ugnay (connectives)
a. Pangatnig- salitang
nag-uugnay ng dalawang
salita, parirala o sugnay
b. Pang-angkop- katagang
nag-uugnay sa panuring at
salitang tinuturingan
c. Pang-ukol- mga salitang
nag-uugnay sa isang
pangngalan sa iba pang
salita
2. Mga Pananda (Markers)
a. Pantukoy- salitang laging
nangunguna sa pangngalan o
panghalip
b. Pangawing/Pangawil- salitang
nagkakawing ng paksa (o simuno) at
panaguri
3. SINTAKS (para sa ayos ng
pangungusap)
- Estruktura ng pangungusap
- Tamang pagkasunod-sunod ng salita
-
Sugnay na makapag-iisa at sugnay
na di-makapag-iisa
Uri ng pangungusap ayon sa gamit o
pasalaysay, patanong, padamdam,
pautos
Uri ng pangungusap ayon sa
kayarian o payak, tambalan,
hugnayan, langkapan
Pagpapalawak ng pangungusap
4. LEKSIKON (para sa bokubularyo)
- Mga paraan sa pagbuo ng mga
salita o Pagtatambal, Akronim,
Pagbabawas, Pagdaragdag,
Paghahalo, mga salita mula sa
panggalan
- Konotasyon(sarili) o
denotasyon(dictionary)
- Kolokasyon – pagtatambal ng salita
at isa pang subordinate na salita
- Idyoma
5. ORTOGRAPIYA (para sa pagbabaybay)
- Mga grafema (titik at di-titik)
- Pantig at palapantigan
- Tuntunin sa pagbaybay
- Tuldik
- Mga Bantas
PASALITANG PAGBAYBAY
- Paletra ang pasalitang pagbaybay
sa wikang Filipino na nakaayon sa
tunog-ingles ng mga titik, maliban sa
(enye) na tunog-Espanyol.
- isa-isang binibigkas sa maayos na
pagkakasunod-sunod ang mga titik
na bumubuo sa isang salita
PASULAT NA PAGBAYBAY
Narito naman ang ilang tuntunin sa
pagbaybay ng mga salita, partikular sa
paggamit ng walong dagdag na titik (c, f,
j, n, q, v, x, z) para sa:
1.
Mga bagong hiram na salita sa mga
wikang banyaga na babaybayin sa
Filipino.
2. Mga bagong hiram na salita sa mga
wikang banyaga na hindi na
binabago ang baybay.
3. Mga pangngalang pantangi na hiram
sa wikang banyaga, katawagang
siyentipiko at teknikal, at mga
salitang mahirap na dagliang
ireispel.
-
-
Bukod sa pagbaybay, pansinin natin ang
mga tuntunin hinggil sa (1) pagpapalit ng D
tungo sa R; (2) paggamit ng “ng” at
“nang”; at (3) wastong gamit ng gitling,
na kadalasang ipinagkakamali sa pagsulat:
1. din/rin, daw,raw
- R/r kung ang sinusundan na
salita ay nagtatapos sa
patinig o kaya naman w at y
- D/d kung nagtatapos sa
katinig
- D/d din kung ang
sinusundang salita ay
nagtatapos sa -ra, -ri, -raw
2. nang
-
Noong
Upang o para
Pinagsamang na at ng
Paraan at sukat
Pang-angkop ng inuulit na
salita
ng (kailan, oras at petsa,
ubod/saksakan/puno, ano?)
3. Gitling (-)
- Inuulit na salita
- Tunog (tik-tak)
- Paghihiwalay ng katinig at
patinig (pag-ibig, mag-aaral)
-
Paghihiwalay sa
sinusundang pangalang
pantangi (taga-maynila,
maka-Pilipino)
Pa-encode, pa-print, pa-cute
Sinaunang tagalog (gab-i)
Bagong tambalang salita
(anak-pawis, lipat-bahay)
Ika-12, ika-6 (‘pag words
yung number wala ng gitling
ex. ikaanim)
alas-2/alas-dose (in this case
need ng gitling parehas)
apelyido ng babaeng
nag-asawa upang maipakita
ang orihinal na apelyido
noong dalaga pa
KAKAYAHANG SOSYOLINGGUWISTIKO
- kakayahang gamitin ang wika sa
isang kontekstong sosyal o nang
may naangkop na panlipunang
pagpapakahulugan para sa isang
tiyak na sitwasyong
pangkomunikasyon
SPEAKING (Dell Hymes 1974)
S – (Setting)
- Ang lugar o pook kung saan
nag-uusap o nakikipagtalastasan
ang mga tao.
P – (Participant)
- Ang mga taong nakikipagtalastasan
E – (Ends)
- Mga layunin o pakay ng
pakikipagtalastasan.
A – (Act sequence)
- Ang takbo ng usapan.
K – (Keys)
- Tono ng pakikipag-usap. Katulad ng
setting o pook, nararapat ding
isaalang-alang ang sitwasyon ng
usapan, kung ito ba ay pormal o di
pormal.
I – (Instrumentalities)
- Tsanel o midyum na ginagamit,
pasalita o pasulat.
N – (Norms)
- Paksa ng usapan. Mahalagang
alamin kung tungkol saan ang
usapan.
G – (Genre)
- Diskursong ginagamit kung
nagsasalaysay, nakikipagtalo o
nangangatwiran.
FANTINI (2004)
propesor sa wika
- ang kakayahang sosyolingguwistiko
ay ang ugnayan ng nag-uusap, ang
paksa, lugar at iba pa
PANLIPUNANG PENOMENON
- nagkakaroon ng kabuluhan ang
anomang salita o pahayag ng
indibidwal kung ito ay nailulugar sa
boob ng lipunan at itinatalastas sa
kausap o grupo ng mga tao
INTERFERENCE PHENOMENON
- lumilikha ng iba pang natatanging
barayti ng Filipino
- Ilokano-Filipino, Bikol-Filipino,
Kapampangan- Filipino,
Hiligaynon-Filipino
VARIABILITY CONCEPT
- pangyayari ang pagkakaiba-iba ng
anyo at pagkakaroon ng mga barayti
ng isang wika
HIGH CONTEXT
- Mataas ang ating pagbabahaginan
ng mga kahubugan kahit sa
pamamagitan ng pahiwatig
Mga salitang di-tuwirang pagtukoy o
palihis na pagpapatama o
pagpupuntirya:
1. Pahaging
- mensaheng sinadyang
magmintis at
ipinaalingawngaw lamang sa
paligid
2. Padaplis
- mensaheng sadyang lihis sa
layuning matamaan nang
bahagya ang kinauukulan
nito
Mga salitang ang pinatatamaan ng
mensahe ay hindi ang kausap kundi ang
mga taong nasa paligid at nakaririnig ng
usapan:
1. Parinig
- malawakang ginagamit
upang maiparating ang
naisasaloob
- Hindi sa kaharap na kausap
kundi sa sinomang nasa
paligid
2. Pasaring
- Berbal at di-berbal na
pagpaparating ng puna,
paratang, at iba pang
mensaheng nakasasakit sa
mga nakaririnig na kunwari
ay labas sa usapan
Mga salitang kumukuha ng atensiyon sa
pamamagitan ng pandama:
1. Paramdam
mensaheng ipinaaabot ng
tao, o maging ng espiritu, sa
pamamagitan ng mga
ekspresyong nararamdaman
- Pagdadabog, pagbagsak ng
pinto
2. Papansin
mensaheng may layuning
humingi ng atensiyon
- Pagtatampo, pangungulit
Mga salitang nagtataglay ng kahulugan
na ang dating sa nakaririnig ay
napatatamaan siya:
1. Sagasaan
- pahayag na lumalagpas sa
hangganan sa
pakikipag-usap na
karaniwang tinututulan ng
nakikinig bilang isang paalala
na maaaring may masaktan
- “Dahandahan at baka
makasagasa ka.
2. Paandaran
- mekanismo ng pahiwatig na
kadalasang nakapokus at
umiikot sa isang paksa na
hindi tuwirang maipahayag
subalit paulit-ulit na
binabanggit
- “Huwag mo akong
paandaran.”
KAKAYAHANG PRAGMATIKO AT
ISTRATEDYIK
URI NG KOMUNIKASYON
Berbal
- salita, wika at mga letra sa anyong
pasalita at/o pasulat man na
sumisimbolo sa kahulugan ng
mensahe
Di-berbal
- paggamit ng kilos o galaw upang
maiparating ang mensahe sa
kausap
ANYO NG DI-BERBAL NA
KOMUNIKASYON
1. Kilos (kinesics)
- Kilos at galaw ng katawan
- Pagtaas ng kamay kapag
may tinatawag
2. Espasyo (proxemics)
- Layo o distansya ng kausap
- maaaring magpahiwatig kung
anong uring komunikasyon
ang namamagitan sa
magkausap
3. Oras (chronemics)
- Paanong ang oras ay
nakaaapekto sa
komunikasyon
- pagtawag sa telepono sa
dis-oras ng gabi na maaaring
pakahulugan ng
pang-iistorbo o emergency
4. Ekspresyon ng mukha (pictics)
- Ekspresyon ng mukha
- Lungkot, saya, takot, galit
5. Pandama o Paghawak (haptics)
- pagtapik sa balikat,
paghablot at pagpisil sa
kamay
6. Galaw ng mata (oculesics)
- Sinasalamin nito ang
damdamin ng isang tao
- panlalaki ng mga mata na
nangangahulugang
pagkagulat
7. Tinig (Paralanguage o Vocalics)
- Tumutukoy sa mga
di-lingguwistikong tunog
- Ah, uhm, uhu
8. Amoy (olfactics)
- mabango/positive
- mabaho/negative
9. Simbolo (iconics)
- simbolong makikita sa paligid
- Simbolo ng babae at lalaki sa
palikuran
10. Kulay (chromatics)
- iba’t ibang kulay na maaaring
magpahiwatig ng damdamin
o oryentasyon
- itim=pagdadalamhati
11. Bagay (Objectics o Artifactics)
- paggamit ng mga bagay o
pananamit sa komunikasyon
- Sinturo na dala ng
magulang=galit sila
12. Kapaligiran (Environment)
- pinagdarausan ng pakikipagusap at ng kaayusan nito
- Mahihinuha ang intensiyon
ng kausap batay sa kung
saang lugar niya nais
makipag-usap.
KAKAYAHANG PRAGMATIKO
- intensyon at kahulugan ng
mensaheng nakabatay sa ikinikilos
ng taong kausap—sinasabi man o
di-sinasabi
- kaugnayan ng mga salita sa
kanilang kahulugan batay sa
paggamit at sa konteksto
KAKAYAHANG ISTRATEDYIK
- estratehiyang ginagawa ng isang tao
upang matakpan ang mga
di-perpektong kaalaman natin sa
wika upang maipagpatuloy ang
komunikasyon
- Berbal at di-berbal na komunikasyon
KAKAYAHANG DISKORSAL
- paggamit ng wika sa
pakikipagtalastasan ay
nangangahulugan ng
pagsasamasama at pag-uugnay ng
mga pangungusap upang makabuo
ng makabuluhang pahayag
- Maaaring ang mga pahayag ay
naipamamalas sa ugnayan ng
-
dalawa o higit pang taong
nag-uusap.
Maaaring magpahayag din nang
mag-isa, gaya sa mga interbyu,
talumpati, o pagkukuwento.
DALAWANG URI NG KAKAYAHANG
DISKORSAL
1. Kakayahang Tekstuwal
- kahusayan ng isang
indibidwal sa pagbasa at
pag-unawa ng iba’t ibang
teksto
- Sinasabing ang pagbabasa
ay walang kabuluhan kung
hindi ito naunawaan.
2. Kakayahang Retorikal
kahusayan ng isang
indibidwal na makibahagi sa
usapan o talastasan
- Inuunawa nito ang iba’t ibang
tagapagsalita at
nakapagbibigay ng sariling
pananaw, kaalaman o
opinyon hinggil sa usapan
Download