GROUP 1 INTELEKTWALISASYON NG WIKANG SIYENTIPIKO-TEKNIKAL FILIPINO SA LARANGANG Malaking bilang ng mga mag-aaral ang nakararanas ng kahirapan sa pag-aaral sa larangan ng agham at teknolohiya. Napakarami ng terminolohiya na ginagamit dito na mahirap maunawaan kung hindi mabibigyan nang maayos na pagpapaliwanag. Dahil sa limitadong bokabularyo ng wikang Filipino sa konseptong teknikal, maraming siyentipiko ang nahihirapan na gamitin ito bilang wikang panturo. Subalit, ang kakulangan na ito ang nagtulak sa ilan na magsagawa ng mga pag-aaral sa kani-kanilang larangan gamit ang wikang Filipino. Sa katunayan, noong pa mang dekada 60’s at dekada 80’s ay may nabuo ng diksyunaryo ang mga siyentipiko. Ito ay ang “Ang Talahuluganang Pang-agham: Ingles Pilipino” na isinulat ni Dr. Jose Sytangco, isang manggagamot mula sa UST at ang “English-Pilipino Vocabulary for Chemistry” na nilikha ng mag-asawang Bienvenido Miranda at Salome Miranda, kapwa propesor sa kemistri sa Unibersidad ng Pilipinas. Sa kasalukuyan, ang UP lamang ang may librong pang-angham sa Filipino dahil sa panghihikayat na ibinigay ng Sentro ng Wikang Filipino dito at dahil na rin sa masigasig na pagtataguyod ng mga propesor sa naturang unibersidad sa pagsusulong ng wikang Filipino bilang wikang panturo sa mga larangang ito. Sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang wika sa pagtuturo sa mga larangang siyentipiko-teknikal, kailangang ang intelektwalisasyon ng wika. Nabanggit nina San Juan et al., (2019) (ayon kay Gonzales, 2005), ang intelektwalisasyon ay ang “pagpaksa ng mga ideya sa pinakamataas na lebel sa akademya”. Ito ay maaari lamang matamo sa pamamagitan ng paggamit dito hindi lamang bilang wika sa pang-araw-araw o ordinaryong komunikasyon kung hindi maging sa matatalinong diskurso sa paaralan. Mayroong dalawang proseso sa pagtatamo ng intelektwalisasyon ng wika sa akademya, linggwistiko at ekstra-linggwistiko. Kabilang sa unang proseso ang pagdebelop ng isang estandardisadong anyo ng wika na magagamit naman sa pagdebelop ng akademikong diskurso, pagdebelop ng corpora o lawak ng teksto sa iba’t ibang akademikong larang at ang pagbuo ng register ng wika o ang tangi at tiyak na gamit ng wika sa isang larang. Kabilang naman sa ikalawang proseso ang pagbuo ng creativeminority o significant others o ang mga intelektwal na disipulo na magsisimulang gumamit ng mga teknikal na bokabularyo, terminolohiya at ng estilo o retorika at magpapalaganap nito sa pamamagitan ng pagsulat, paglalathala at pagtuturo. Ang pagbuo ng isang patakarang pangwika ay tunay ring makabuluhan at malaking tulong sa intelektwalisasyon ng wika (Zafra, 2003). Malaki ang ginampanang papel ng pagsasalin sa adhikaing intelektwalisasyon ng wika. Ayon pa rin kina San Juan et al., ang pagsasa-Filipino ng iba’t ibang akda mula sa iba’t ibang wika ay isang paraan ng intelektwalisasyon ng wika. Hindi isang simpleng gawain ang pagsasalin. Dapat na maging bukas at malawak ang pananaw ng isang tagasalin at hindi nakakulong sa personal at limitadong konteksto lamang. Ang pagsasalin ay hindi simpleng paghahanap o pagtutumbas lamang. Hindi literal na mga kahulugan lamang ng mga salita o pahayag ang dapat na maibigay ng isang saling-teksto kundi dapat na maibahagi nito ang mas malalim na kahulugan ng mga salita batay sa konteksto o maging sa kulturang pinagmulan ng original na teksto. Ilan pang mga batikang propesor mula sa malalaking pamantasan at unibersidad sa Maynila, maliban kay Dr. Sevilla III, ang naitalang gumamit na ng wikang Filipino sa kanilang pagtuturo ng siyentipiko at teknikal na kurso. Ilan sa kanila ay sina John Pellas ng UP at Lea Soriano ng DLSU sa Matematika, Nathaniel Oco ng NU, at Elimar ng QCPU at AMA para sa araling Kompyuter, at Rosemary Seva ng UP sa Inhinyeriya (San Juan et al.). May ilan na ring mga kagamitang panturo sa Matematika, Kompyuter, Biolohiya, pisika at Kemistri ang nailimbag ng Sentro ng Wikang Filipino ng Unibersidad ng Pilipinas. Sa pamamagitan ng paggamit sa wikang Filipino, pagsasalin at pagbuo ng mga aklat, napapabilis ang intelektwalisasyon ng Filipino sa akademya. GROUP 2 Mga Disiplina sa Larangan ng Agham Ang salitang siyensiya o science ay mula sa salitang Latin na scientia na nangangahulugan ng karunungan. Ito ay higit na kilala ng mga Pilipino sa tawag na agham. Ito ay tumutukoy sistematikong pag-aaral gamit ang sistematikong pamamaraan upang subukin ang katotohanan sa likod ng mga haka-haka. Ang layunin nito ay maparami at mapalawak ang datos upang maka pagbuo ng teorya. Biyolohiya Nakatuon sa pag-aaral ng buhay at mga nabubuhay na organismo kabilang ang kanilang estruktura, mga tungkulin, paglago, ebolusyon, distribusyon at taksonomiya. Kemistri Nakatuon sa komposisyon ng mga substance, propertiesat mga reaksyon at interaksyon sa enerhiya at sa sarili ng mga ito. Pisika Nakatuon ito sa mga property at interaksyon ng panahon, espasyo, enerhiya at matter . Mula ito sa Griyego na Phusike o kaalaman sa kalikasan. Earth Science/Heolohiya Ito ay sumasaklaw sa pag-aaral ng mga planeta sa kalawakan, ngmga bato kung saan gawa ito at ang mga proseso ng kanilang pagbabago, atiba pang pisikal na elemento kaugnay ng pagbuo, estruktura at mga penomena nito. Astronomiya Pag-aaral na kinapapalooban ng pagmamasid at pagpapaliwanag ng mga kaganapang nangyayari sa labas ng daigdig at ng himpapawid nito. Pinag-aaralan nito ang pinagmulan, pagbabago at mga katangiang pisikal at kemikal ng mga bagay na napagmamasdan sa kalangitan (na nasa labas ng atmospera), pati ang mga kaugnay na mga proseso at kababalaghan. Matematika Ito ay siyensiya ukol sa sistematikong pag-aaral sa lohika, at ugnayan ng mga numero, pigura, anyo, espasyo, kantidad, at estruktura na inihahayag sa pamamagitan ng mga simbolo. Ang mga matematika ay lumulutas ng katotohonan o kamalian ng mga konhektura sa pamamagitan ng mga matematikal na pagpapatunay na mga argumentong sapat upang mahikayat ang ibang mga matematiko sa balidad nito. GROUP 3 Mga Disiplina sa Larangan ng Teknolohiya Ang teknolohiya ay pinagsamang salitang Griyego na techne (sining, kakayahan, craft o parang kung paano ginagawa ang bagay); at logos o salita, pahayag, o binigkas na pahayag. Ang praktikal na aplikasyon ng mga impormasyon at teoryang pansiyensiya. Umaasa ito sa mga teoryang pansiyensya. Ito ang paglikha at paggamit ng iba’t ibang pamamaraan o kaugnayan ng buhay, kapaligiran, kalikasan at lipunan. Information Technology (IT) Ito ay tumutukoy sa pag-aaral at gamit ng telnolohiya kaugnay ng pagbibigay at paglilipat ng impormasyon, datos at pagpoproseso. Tumutukoy rin ito sa pag-unawa, pagpaplano, pagdidisenyo, pagbuo, distribusyon, pagpoprograma, suporta, solusyon, at operasyon ng mga software at kompyuter. Inhinyeriya Ito ay nagmula sa salitang Kastila na ingeniera o ingenieria . Ito ay nakatuon sa paglalapat ng agham upang matugunan ang pangangailangan ng sangkatauhan. Naisasagawa ito sa pamamagitan ng aplikasyon ng mga prinsipyong siyentipiko, matematika at praktikal na karanasan upang makabuo ng mga disenyo at mapagana ang mga estruktura o makina ayon sa sistematikong proseso o pamamaraan. Filipino sa Pagsulat sa Agham, Teknolohiya, Inhinyeriya, at Matematika Kadalasang nakasulat sa paraang paglalahad, paglalarawan at pangangatwiran ang mga teksto sa disiplinang ito at naglalaman ng mga paktuwal at produkto ng mga eksperimento, lalo na ang mga teksto sa Agham at Teknolohiya. Maliban sa Matematika, posibleng ang isang termino ay ginagamit sa isa o mahigit pang akda at posible ring ang mga salitang ito ay magkaroon ng magkapareho o magkaibang kahulugan. Pansinin ang dalawang metodo na kadalasang ginagamit sa ganitong uri ng pagsulat o pananaliksik, (Batnag, A. at Petras, J.). Ang isang mabuti at magaling na teknolohiya ay dumaraan naman sa sumusunod na proseso: Metodong IMRaDang kadalasang ginagamit sa Siyensiya at Teknolohiya I - Introduksyon Nakapaloob dito ang problema, motibo, layunin. Background at pangkalahatang pahayag. Bakit isinagawa ang pag-aaral? Ang mga tanong na dapat sagutin? Ano ang pinatunayan ng hipotesis? M- Metodo Nakapaloob ang mga modelo at panukat na gagamitin, ano, kailan, saan, paano, gagamitin ang materyal. Sino-sino ang sangkot? (Disenyo ng Pag-aaral, Respondente at paraan ng pagpili, Lugar ng Pag-aaral, Hakbang na Isasagawa, Instrumentong gagamitin, Istatistikang Panunuri) R - Resulta Nakapaloob dito ang resulta ng ginawang empirikal na pag-aaral. Tama ba ang hipotesis? Ipapakita ito sa pamamagitan ng mga tsart, graph, plot at iba pang graphic organizer a - Analisis Nakapaloob ang analisis ng isinagawang pag-aaral batay sa resulta. D - Diskusyon Nakapaloob dito ang diskusyon at konklusyon ng isinagawang pag-aaral. Ano ang implikasyon ng resulta? Bakit? Ano ang maitutulong nito sa lipunan sa hinaharap? May mga paglabag ba ito sa etika? Makabuluhan ba ito? Masasabi bang malaking kontribusyon ito sa sangkatauhan. Ilang Kumbensyon sa Pagsulat 1. 2. Gumagamit ng atin, kami, tayo ang sulating siyentipiko at teknikal, hindi personal (hal. ako, ikaw at iba pa) Hindi pasibo kundi aktibo 3. Nasa pangkasalukuyan (hal. matematika) 4. Maraming drowing (hal. kemistri) Ilang Halimbawa ng mga Sulatin Ilan sa mga sulating akademiko sa siyensya at teknolohiya ang mga sumusunod: 1. Teknikal na Report 2. Artikulo ng Pananaliksik 3. Instruksyunal na polyeto o handout 4. Report Panlaboratoryo 5. Plano sa Pananaliksik 6. Katalogo 7. Teknikal na Talumpati o Papel na Babasahin sa Komprehensya 8. Report ng Isinagawang Gawain (Performance Report ) GROUP 4 PROSESO, LAYON AT KAHALAGAHAN NG PAGSASALING SIYENTIPIKO AT TEKNIKAL Tulad ng nabanggit sa naunang yunit, ang pagsasalin ay hindi lamang paghahanap ng katumbas na salita mula sa pinagmulang wika patungo sa tunguhing wika. Ito ay isang sining at agham na nangangailangan ng malawak at malalim na kaalaman sa larangan ng lingguwistika at gramtika. Mayroon itong dalawang uri - ang pagsasaling teknikal/siyentipiko at pagsasaling pampanitikan. Malaki ang naitutulong ng pagsasaling teknikal sa pagpapalaganap ng impormasyon sa iba’t ibang sangay at institusyon sa bansa sapagkat ang pangunahing layon nito ay ang magkaroon ng mas malinaw at mabilis na komunikasyon gamit ang Filipino sa larangan ng agham at teknolohiya. Nabibigyan ng gawaing ito ng pagkakataon ang lahat ng tao, lalo na iyong hindi gaanong nakauunawa ng Wikang Ingles na maunawaan ang sinasabi o inihahayag ng mga teksto sa siyensya at teknolohiya. Binaggit nina San Juan et al., na espesyalisado ang pagsasaling ito sapagkat isang tiyak na disiplina ang pinagtutuunan nito. Bukod sa lalim at lawak ng kaalaman ng tagasalin sa dalawang wikang kasangkot, nangangailangan din ito ng malalim at malawak na kaalaman sa disiplinang gagawan ng pagsasalin. Inilahad ni Alamrio (1997) (ayon kina San Juan et al.,) ang mga panukalang hakbang sa pagsasalin na ayon sa praktika ng Unibersidad ng Pilipinas. Isinasaad ito sa gabay na inilabas ng UP Sentro ng Wikang Filipino. Kabilang dito ang: 1. Pagtutumbas mula Tagalog/Pilipino o mula sa katutubong wika ng Pilipinas 2. Panghihiram sa Español 3. Panghihiram sa Ingles; pagbabago sa baybay o pananatili ng orihinal na baybay sa Ingles 4. Paglikha Binanggit naman ni Batnat, et al., (2009) na nagtala ang LondonInstitute of linguistics (LIL) ng mga katangiang dapat taglayin ng isang tagasalin ng mga tekstong siyentipiko at teknikal. Kabilang dito ang sumusunod: 1. malawak na kaalaman sa tekstong isasalin; 2. mayamang imahinasyon upang mailarawan sa isipan ang mga kasangkapan o prosesong tinatalakay; 3. katalinuhan upang mapunan ang mga nawawala at/o malalabong bahagi sa orihinal na teksto; 4. kakayahang makapamili at makapagpasya sa pinakaangkop na terminong katumbas mula sa literatura ng mismong larangan o sa diksiyonaryo; 5. kasanayang gamitin ang pinagsasalinang wika nang may kalinawan, katiyakan, at bisa; at 6. karanasan sa pagsasalin sa mga kaugnay na alrangan o sisiplina. Samantala, nagbigay naman ng ilang pamamaraan sa pagsasaling siyentipiko at teknikal sina Enrique at Protacio-marcelo (1984) sa kanilang pag-aaral na pinamagatang “Neocolonial Politics and Language Struggles in the Philippines”: 1. saling-angkat (direct borrowing); 2. saling-paimbabaw (surface assimilation ); 3. saling-panggramatika (grammatical translation ); 4. saling-hiram (loan translation ) 5. saling-likha (word invention ) 6. saling-daglat (abbreviated word ) 7. saling-tapat (parallel translation ) 8. saling-taal (indigenous-concept oriented translation 9. saling-sanib (amalgamated translation ) ); at Ilang halimbawa ng mga salitang siyentipiko at teknikal na naisalin sa Filipino Unti-unti na ring nararamdaman ang bahagyang paglaki ng espasyo ng wikang Filipino sa syentipiko at teknikal na larangan. Ito ay dahil sa patuloy na pakikiisa ng ilang praktisyoner sa isinusulong hindi lamang ng KWF kundi maging ng ilang makabayang samahan sa pagpapayaman at pagpapaunlad at paglinang sa wikang Filipino. Ang sumusunod ay ilang halimbawa ng mga salita na isinalin sa Filipino. English Filipino Asthma Hika Blister Paltos Ovary Itlugan Sex Kasarian Tendon Litid Bile Apdo Ringworm Buni Sperm Punlay (punla +buhay) Telephone Hatinig (hatid+tinig) Chemistry Kapnayan (sangkap+hanayan) Mathematics Sipnayan (isip+hanayan) Germ Binhay (binhi+buhay) Bilang pakikiisa sa pagtataguyod ng wikang Filipino, nagbigay din ilang salitang medikal ang Philippine Council for Health Research and Development at salin nito sa Filipino. 1. Haynayan (biology) - isang natural na agham na nauukol sa pag-aaral ng buhay at mga nabubuhay na organismo 2. Mikhaynayan ( microbiology) - isang natural na agham ukol pag-aaral sa miktataghay o microorganism 3. Mulatling Haynayan ( molecular biology) - pag-aaral ng mga istruktura at tungkulin ng mulatil o moleculesa mga nabubuhay na organismo 4. Palapuso (cardiologist) - isang dalubhasa ng palapusuan o cardiology 5. Palabaga (pulmonologist)- isang dalubhasa ng palabagaan o pulmonology 6. Paladiglap (radiologist) - isang dalubhasa ng paladiglapan o radiology 7. Sihay (cell) - ang pinakapayak na kayarian ng mga buhay na organismo 8. Muntilipay ( platelet) - mga selula o sihay na may mahalagang papel sa pagpagaling ng mga sugat na dumadaan sa daluyan ng dugo 9. Kaphay ( plasma) - isang bahagi ng dugo na ang pangunahing trabaho ay ang transportasyon ng mga ensyma, nutrisyon, at hormona 10. Iti, daragis, balaod (tuberculosis) - impeksyon sa baga na nagmumula sa isang uri ng ishay o bacteria, ang Myobacterium tuberculosis 11. Sukduldiin, altapresyon (hypertension) - isang medikal na kondisyon kung saan ang presyon ng dugo sa mga malaking ugat ay labis na mataas 12. Mangansumpong ( arthritis) - ang pamamaga sa mga kasu-kasuan na nagiging sanhi ng kawalan ng kakayahang maiunat o maibaluktot at paninigas ng bahaging ito 13. Piyo (gout) - isang uri ng mangansumpong o rayuma na dulot ng abnormal na metabolismo ng uric acid. 14 .Balinguyngoy (nosebleed)- pagdurugo ng ilong