PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK PROP. NENETIA T. MINO PAGSUSURI NG KWENTO GAWAIN 2 Suriin ang kwentong "Ang Pinasulabi" ayon sa: 1. Bisa sa damdamin, Bisa sa asal, Bisa sa isip. Bisa sa damdamin - Maliban sa kaniyang mga karanasan ay dagdagan pa ito ng mga magulang niyang hindi pantay ang pagtrato sa kanilang magkapatid. Si Danilo ang naging patunay na hind isa lahat ng oras ay nandiyan ang pamilya mo para umintindi ay damayan sa hakbang ng iyong buhay, minsan sila pa angdahilan kung bakit kailangan mong magpursige dahil sa pangungutya na iyong natanggap mula sa kanila. Bilang isang anak masakit sa akin na hindi pantay ang pagtrato ng magulang sa kanilang mga anak, lagi sana isaisip na magulang ka, dapat ikaw ang maging modelo ng iyong mga anak. Hindi rin ang kwentong ito ay nangyayari sa totoong buhay, hindi maiwasan sa ating mga magulang na mayroon silang paborito sa ating magkakapatid ngunit nawa’y ang pagtrato natin sa kanila ay pantay-pantay walang lamang at walang kulang. Lagi nating tatandaan na kahit anong pagbaba sayo ng ibang tao may mga tao parin talagang maniniwala sa iyong kakayahan. Bisa sa asal - Kabutihan at pagiging responsible na anak ang napulot na kaasalan sa binasang kwento. Para kay Danilo isa siyang dakilang anak na magiging inspirasyon sa nakakaraming kabataan, dahil isa siya sa nagpakita na walang mahirap kung gusto mo ang isang bagay. Kadamutan at hindi pagiging modelo sa mga anak para naman sa mga magulang na katulad ni Berto at Julia. Dahil hindi nila binigay ang nararapat na para sa kanailang anak, bagkus kanila pa itong pinahihirapan upang na mas lalong nagpursige naman sio Danilo dahil dito. Hambog naman para kay Bartolome na kapatid ni Danilo na walang ibang ginaw kundi kutyain ang kaniyang kuya, ngunit sa huli ay siya pa ang walang may naabot sa buhay. Sa kabuuan huwag tayo manghusga kaagad sa ating mga nakikita dahil hindi natin alam ang mga dahila kung bakit ganito o ganyan ang isang tao. Lagi nating isapuso na ang panlabas na katangian ay naglalarawan lamang na dagdag puntos upang tanggapin ka ng nakakarami ngunit ang kabutihang panloob ay siyang dahilan kung bakit tayo pinupuri at binabalik-balikan ng maraming tao. Dahil ang panlabas na katangian ay kumukuoas ngunit ang panloob na katangian ay habang buhay mung dadalhin kahit saan ka pumunta. Bisa sa isip - Nagkaroon ng paghihiganti sa aking isipan, paghihiganti sa tamang paraan. Katulad ng ginawa ni Danilo hindi siya gumanti bagkus pinakita niya pa sa kaniyang pamilya na may mararating siya sa buhay. Hindi manlang siya nag-alinlangan na balikan ang kaniyang pamilya sa kabila ng pamimintas nito sa kaniya. Dahil sa kwentong ito tumatak sa aking isipan na kahit anong panlabas nakatangian pa mayroon ka kung may tiyaga at dedikasyon ka sa iyong mga pangarap tiyak na may nilaga kang aanihin. Ang panlabas na katangian ay kumukupas ngunit ang kabutihan ay mananatiling bakas sa mga taong nakapalibot sayo. Katulad ng ginawa ni Danilo. Bisa din sa isip na kahit anong pamimintas sayo, huwag kang gumanti sab inga nila kung binato ka ng bato batuhin mo pabalik ng tinapay dahil ang mahalaga ay hindi 2. Anong dulog ang angkop gamitin sa Kwento? Ipaliwanag ang sagot. Ang dulog ng kwento na ito ay nagpapakita ng mga pangyayari sa buhay ng isang tao. Kagaya nang humanismo, eksistensyalismo at naturalismo. Sapangkat, si Danilo ang naging sentro ng kwento isinasaalang-alang na ito ay humanismo kasi nagpapakita siya ng mga katangian na nakahanay. Kagaya ng magkaroon ng kalayaang bigyan ang kanyang buhay ng kahulugan, halaga, at layunin sa pamamagitan ng malayang pag-iisip, malayang pagtatanong, at paging responsible kahit marami siyang nadadaanan. 3. Ano ang layunin, tema at tono ng akda? Ang kwentong “Ang Pinasulabi” ay may layuning magbigay impormasyon tungkol sa buhay ng isang lalaki na may pangarap na makapagtapos sa kanyang pag-aaral. Nais ipabatid ng may-akda na kahit maitim ka, hindi matangos ang ilong at pandak ay may karapatang mangarap sa buhay. Ang tema naman ng kwento ay tungkol sa isang anak na lalaki na gustong makapagtapos sa kanyang pag-aaral upang makakuha ng magandang trabaho. At sa panghuli, malungkot ang tono nang kwento. Pinapadama ng kwento sa mambabasa na hindi biro ang pagtutukso lalo na ang pamilya mo ang nagsasabi ng mga masasakit na salita sayo. 4. Anong repleksyon, realisasyon ang nakuha mula sa kwento? Ang natutunan ko sa kwento ay kung paano naging hindi patas ang kanilang mga magulang sa kanilang dalawa at nagkaroon ng paborito. Ngunit dito sila nagka mali bilang magulang dahil mas inuna nila si bartolome kesa kay danilo na talagang may utak at masisilbihan. Sa huli lamang nila ito nakita kung saan naka balik na si danilo bilang marino at nakapag silbi pa sa kanila. at dahil mas malaki ang tiwala nila kay bartolome siya muna ang pinag eskwela ngunit lahat ng ito ay na sayang at sila ay nabigo ni bartolome dahil napunta sa maling daan o kapalaran na akala nila ay siya ang tunay na magtatagumpay sa buhay. Ang natutunan ko naman kay danilo ay kung pano tumayo sa sarili mong paa para lang sa pangarap mo. Ginawa niya ang lahat para makapag eskwela at makapag tapos ng kurso na gusto niya. At tinuro din ni danilo na dapat marunong tayo balikan ang mga tao na tumulong sa atin sa mga oras na walang wala tayo at sa mga tao na nag tulak sa atin na dapat tayo ay makapag tapos ng eskwela sa mga oras na parang susuko na tayo dahil sa mga iniisip natin na hindi maganda. Na dapat hindi tayo nagpapatalo sa mga sinasabi ng iba at dapat ay patunayan natin na mali sila at ang pinaka mahalaga ay wag na wag natin talikuran ang ating mga magulang kahit na naging masama sila sayo noon at wag mang lait ng tao dahil lang mali sila. Mga Miyembro: Liel Andrei D. Confesor Princess Kaye P. Dela Cruz Cathria Jane Z. Minguez Angela Eunice Abanero Nicole S. Suquib