Pamagat ng Yunit: Bagong Republika Pamagat ng Aralin : Ang Panitikang Pilipino sa Panahon ng Bagong Republika Ilalaang Oras : Tatlong Oras/Isang Linggo Introduksiyon Ang modyul na ito ay sadyang ginawa para hubugin at pagyamanin ang iyong kaalaman. Tuklasin natin ang mga Akdang Pampanitikan na lumaganap nang Panahon ng Bagong Republika. Kilalanin natin ang mga manunulat sa panahon ng Bagong Republika. Halina at pukawin natin ang iyong isipan kung ano bang mga anyo ng panitikan ang sumibol sa panahong ito. Layunin ● Napahahalagahan ang mga pangyayaring pangkasaysayan noong Panahon ng Bagong Republika ● Nailalarawan ang kahalagahan ng mga pangyayaring pangkasaysayan noong Panahon ng Bagong Republika. ● Nakababasa ng mga akdang pampanitikan na nagbigay ng mahalagang ambag sa panahon ng Bagong Republika ● Nakalilikha ng mas malalim na pakahulugan sa sinusuring aralin na may kaugnayan sa kasalukuyang pangyayari 1 Paunang Pagtataya Pangalan :________________________________________ Marka:____________ Kurso/Seksyon:___________________________________ Petsa: ____________ A. Panuto: Subukin mong punan ng iyong ideya na sa palagay mo ay mga pangyayaring naganap noong panahon ng Bagong Republika sa pamamagitan ng pagbuo ng akrostik na Bagong Republika. (10 puntos) B-__________________________________________________ A-__________________________________________________ G-__________________________________________________ O-__________________________________________________ N-__________________________________________________ G-__________________________________________________ R-__________________________________________________ E-__________________________________________________ P-__________________________________________________ U-__________________________________________________ B-__________________________________________________ L-__________________________________________________ I-___________________________________________________ K-__________________________________________________ A-__________________________________________________ B. Tanong: Paano mo pinahahalagahan ang mga pangyayaring naganap noong panahon ng Bagong Republika? (10 puntos) ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ 2 Gawain Pangalan :________________________________________ Marka:____________ Kurso/Seksyon:___________________________________ Petsa: ____________ Panuto: Mula sa salitang nasa loob ng kahon, magbigay ng mga 5 salitang maaaring iugnay sa salitang nasa loob ng kahon. Matapos magbigay ng 5 salitang maaaring iugnay, bumuo ng mga makabuluhang pangungusap. Bagong Republika 1. ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ 2. ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ 3. ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ 4. ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ 5. ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ 3 Aralin I KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG BAGONG REPUBLIKA Ang Ikalawang Republika ng Pilipinas, opisyal bilang Republika ng Pilipinas (Hapones: フィリピン共和国, Firipin kyōwakoku), o kilala sa Pilipinas bilang Republika ng Pilipinas na itinataguyod ng mga Hapones, ay isang papet na estadong itinatag noong ika-14 ng Oktubre, taong 1943, pagkatapos ng pagsakop ng Hapon sa Pilipinas. Batid ng mga Hapones na matindi ang hangarin ng mga Pilipinong maging malaya. Ang damdaming ito ay kinasangkapan ng mga Hapones upang mahikayat ang mga Pilipinong makiisa sa kanilang layunin. Noong Hulyo 4, 1943 nagdaos ng kumbensyon ang KALIBAPI (Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas) upang piliin ang 20 kasapi na bubuo sa komisyon sa paghahanda sa kalayaan ng Pilipinas. Ang tungkulin ng komisyon ay bumuo ng saligang batas na magiging batayan ng Republika ng Pilipinas. Hinirang na pinuno ng komisyon si Jose P. Laurel. Ang saligang batas ng 1943 ay pinagtibay ng komisyon noong ika-4 ng Setyembre, 1943. Ang saligang batas na ito ay nasusulat sa wikang Filipino at Ingles at binubuo ng panimula at 12 artikulo. Itinatag nito ang Ikalawang Republika ng Pilipinas at nagtatadhana ng pagkakaroon ng Pambansang Kapulungan ay hihirang ng magiging pangulo ng Republika ng Pilipinas. Nasa kamay niya ang kapangyarihang ehekutibo. Walang pangalawang pangulo. Nasa Kataas-taasang Hukuman ang kapangyarihang hudikatura. Itinatadhana rin ang pagtatayo ng isang Konseho ng Estado na magsisilbing tagapayo ng pangulo. Noong ika-20 ng Setyembre, 1943 pinili mula sa mga kasapi ng KALIBAPI ang 108 kinatawan sa Pambansang Kapulungan. Hinirang ng kapulungan bilang Pangulo ng Ikalawang Republika ng Pilipinas si Jose P. Laurel. Noong ika 14 ng Oktubre 1943 ay pinasiyahan ang Ikalawang Republika ng Pilipinas. Sa ilalim ni Pangulong Laurel, nalikha ang mga bagong kawanihan, tanggapan at komisyon at binago ang sistema ng hukuman. 4 Matamlay ang naging pagtanggap ng mga Pilipino sa republikang ito. Batid nila na ang kalayaang ipinagkaloob ng mga Hapones ay huwad at ang republika ay isang pamahalaang papet. Ito ay dahil ang mga Pilipinong opisyal ay tau-tauhan lamang ng mga Hapones. Walang kalayaan si Laurel na mamuno ayon sa mithiin ng mga Pilipino. Ang mga tagapayo ay hindi nagpapayo kundi nag-uutos ng dapat gawin. Ang kanilang mga iniuutos ay pawang pabor sa kagustuhan at layunin ng mga Hapones. Ngunit may mga pagkakataong nangibabaw kay Laurel ang kayang maka-Pilipino. Minsan hindi niya sinusunod ang mga utos ng Hapones kung alam niyang hindi ito makabubuti sa mga Pilipino. Ikinagagalit ito ng mga Hapones sa kanya. Ang mga pinuno ng republikang papet ay tinaguriang kolaborador ng mga Pilipino dahil tumutulong sila sa mga gawaing pampulitika ng mga Hapones. Bagamat tau-tauhan lamang sila at walang tuwirang pagkakasala sa bayan, nilitis at pinarusahan pa rin sila pagkatapos ng digmaan. Ang Kontribusyon ng mga Gerilya Layunin nilang guluhin ang pamumuno ng mga Hapones. Mga pangkat; • Hunter's ROTC • Marketing • HUKBALAHAP (Hukbo ng Bayan Laban sa Hapon) Pagbabalik ng mga Amerikano Pinamunuuan ni Heneral Douglas MacAthur ang puwersa ng mga Amerikano, na dumaong sa Palo, Leyte. Isa-isa nilang binawi ang mga lupaing nasakop ng mga Hapones. Hulyo 1945 - Ipinahayag ni MacArthur ang paglaya ng Pilipinas mula sa mga Hapones. 5 Agosto 6, 1945 - Pagpapasabog ng bomba atomika sa Hiroshima, Agosto 9 naman sa Nagasaki. Pagtatag ng Bagong Republika Abril 23, 1946 - Halalan sa pagkapangulo (Manuel Roxas) at pangalawang pangulo(Elpidio Quirino). Hulyo 4, 1946 - Ipinroklama ang kalayaan ng Pilipinas. Kasunduan sa Base Militar Sa ilalim nito, pinahihintulutan natin silang magtayo ng mga base-militar, ngunit maraming hindi sumangayon dahil kasama na dito ang pagkawala ng karapatan natin upang pamahalaan ang ating bansa. Bell Trade Act Kalakalan ng dalawang bansa (Pilipinas – United State of America). Mayroong limitasyon ang sa Pilipinas ngunit sa mga Amerikano ay wala. Pagsasanay Pangalan:______________________________ Kurso/Seksiyon:________ 6 I. Panuto: Gamit ang 3 – 2 - 1 chart, bumuo ng konsepto o ideya ayon sa hinihingi ng bawat bilang. 3- Tatlong bagay, kaisipan at nalaman sa aralin. 2- Dalawang kawili-wiling bagay na nalaman sa aralin. 1- Isang malaki at itinuturing na pinakamahalagang konseptong natutuhan sa aralin. 3. 2. 1. PAGSASANAY 7 Pangalan:_____________________________Kurso/Seksiyon:__________ II. Panuto: Sa pamamagitan ng timeline ipakita ang mahahalagang pangyayaring naganap sa panahon ng Bagong Republika. Aralin II 8 Mga Akdang Pampanitikan na Sumibol noong Panahon ng Bagong Republika Layunin ● Napalalalim ang kahulugan ng mga akdang pampanitikan sa panahon ng Bagong Republika. ● Nakapagbibigay ng sariling pananaw ukol sa pamumuhay at noong panahon ng Bagong Republika. ● Naiuugnay ang kalagayang politikal noong Panahon ng Bagong Republika sa kasalukuyan. Pagbasa ng mga ilang Akdang Pampanitikan sa Panahon ng Bagong Republika Macario Pineda Ipinanganak si Macario Pineda noong 10 Abril 1912 sa Malolos, Bulacan sa mag-asawang sina Felisa de Guzman at Nicanor Pineda, na kilalang mambabalagtas. Napangasawa niya si Avelina Reyes at nagkaroon sila ng pitong supling. Nagtapos siya ng sekundarya sa Bulacan High School, at pagkaraan, nagtrabaho bilang klerk sa munisipyo. Naging ingat-yaman din siya ng mga bayan ng Meycauayan, Pandi at Bigaa. Namatay siya noong 2 Agosto1950. Suyuan sa Tubigan 9 Ni Macario Pineda Si Ka Albina ay may isang anak, siya si Nati. Ang kaniyang pamangkin ay si Pilang. Sila ay magkakasama upang lumusong sa landas patungo sa tubigan ni Ka Teryo. Si Ka Teryo ay hindi makakalusong dahil masidhi na naman ang kaniyang rayuma. Habang nag-uusap sina Ka Impong, Fermin at Ore tungkol kay Ka Teryo, nilingon ni Pakito ang dalawang dalaga sina Nati at Pilang. Kaya pala mukhang mabigat lang ang mga mat ong na iyan. Marahil kay raming pagkain, wika ni Pakito. Nagtawa si Nati. Si Pilang ay walang imik at tila matamang pinagmamasdan ang landas na tinatalunton. Pinamulahan ng mukha si Pilang ngunit kahit ngiti ay wala siyang isinalo. Patuloy ang banayad ng paghakbang. Tila lalong mapuputi ang mga binti sa ibabaw ng putikang landas. Si Ore ay napansin ang dahan-dahang pagpapatihuli. Tila may malalim na iniisip ang binata ni Ka Inso. Nalingunan ni Pastor na nakaupo sa tabi ni Pilang at tumutulong sa dalaga sa pag-aayos ng mga kasangkapang gagamitin. Huwag na, Pastor, wika ng dalaga. Piniritong kamote at kape lamang naman ang ihahain. Kaya na naming ito. Bakit mo naman tinatanggihan ang aking pagtulong? Tanong ni Pastor. Nang yumuko si Pilang upang hanguin ang iba pang kasangkapan ay nakitang sumulyap ang binata sa dalaga. Si Ore ay nakaupo at tila ang kanyang guyurang pinagdurugtong lamang ang kanyang nakikita. Mapula na mapula ang mukha ni Ore. Lumapit naman si Pastor kay Pilang. Kitang-kita nang abutin niya ang tasa ng kape at kusa niyang sinapupo ang mapuputing daliri ng dalaga. Kaunti nang maligwak ang kapeng mainit. Salamat wika ni Pastor. Kumislap ang mga mata ni Pilang ngunit di siya nagsasalita gaputok man. Lumapit si Ore sa kinatitingkayaran. Mayroon pang isang tasang kape na tinimplahan ni Pilang ng asukal. Akala nilay kay Ore ibibigay yaon. Ngunit si Ore ay kay Nati lumapit. Si Nati ang nagbigay ng kape at kamote kay Ore. Pagkatapos ng kainan ay nagsipagkisaw ang lahat. At siyang pagdating ni Pekto. Nagpapatakbo ng kalabaw na nakasingkaw na sa araro ang binate ni Ka Gabino. At humihiyaw Kaunti na akong mahuli sa pista. Kaunti na akong mahuli Kaysaya ni Pekto at kayliksi niya sa pag-aangat ng kanyang araro kung nilalampasan 10 niya ang mga pilapil. Si Pekto ang may sabi na kung mayroon daw suyuan sa tubigan ay tila may pista ang mga magsasaka. Makisig dangan kasi ang kalakian ni Pekto. Si Ore naman ay dahan-dahang lumapit. Mapulang-mapula ang kaniyang mukha at paulit-ulit na ikinukuskos ang mga palad sa kaniyang pantalong maong. Malinis na malinis na ang mga palad ni Ore ay kuskos pa rin siya ng kuskos. Naupo si Ore, ilang hakbang ang layo kina Nati at Pilang. Tinanaw si Pastor, kumakain na siya sa tabi ng dalawang dalaga. Habang kumakain ang tatlo lumapit si Pilang sa binate. At doon sa kinauupuan ng binate ilang hakbang ang layo sa karamihan doon siya dinulutan ni Pilang. Nakitang kumikislap ang ngipin ni Pilang. Ano kaya ang sinasabi kay Ore? Nang muling tumanaw, tila ngibsan na ng hirap si Ore. At mula sa kinatatayuan ang mga binti ni Pilang ay tila lalong mapuputi. Tanong: 1. Sa iyong palagay ang kwentong suyuan sa tubigan ay nangyayari pa rin sa kasalukuyan? ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ _____________________________________________________________ Alamin ang ibig sabihin ng Hippie, basahin kung ano nga ba ang kahulugan ng Hippie at kung ano ang kaugnayan nito sa ating talakayan 11 Hippie Isang taong tumatanggi sa itinatag na kultura, nagtataguyod ng matinding liberalismo sa pulitika at pamumuhay Pangkalahatang-ideya Ang isang hippie (paminsan-minsan ay nabaybay na hippy) ay isang miyembro ng isang counterculture, na orihinal na kilusang kabataan na nagsimula sa Estados Unidos noong kalagitnaan ng 1960 at kumalat sa ibang mga bansa sa buong mundo. Ang salitang hippie ay nagmula sa hipster at ginamit upang ilarawan ang mga beatnik na lumipat sa Greenwich Village ng New York City at ng distrito ng Haight-Ashbury ng San Francisco. Ang terminong hippie ay unang natagpuan kasikatan sa San Francisco sa pamamagitan ng Herba Caen, isang mamamahayag para sa San Francisco Chronicle . Ang mga pinagmulan ng mga salitang balakang at hep ay hindi tiyak. Sa pamamagitan ng 1940s, pareho silang naging bahagi ng African American jive slang at sinadya "sopistikadong modernong modernong ganap na napapanahon". Pinagtibay ng Beats ang term hip , at ang mga maagang hippies ay minana ang wika at mga halaga ng countercultural ng Beat Generation. Ang mga Hippies ay lumikha ng kanilang sariling mga komunidad, nakinig sa psychedelic music, sumakop sa sekswal na rebolusyon, at maraming ginagamit na droga tulad ng marihuwana, LSD, peyote at psilocybin mushroom upang tuklasin ang mga binagong estado ng kamalayan. Noong 1967, ang Human Be-In sa Golden Gate Park, San Francisco, ay nagpapakilala sa kultura ng hippie, na nagdadala sa Summer of Love sa West Coast ng Estados Unidos, at sa 1969 Woodstock Festival sa East Coast. Ang mga Hippies sa Mexico, na kilala bilang jipitecas , ay binuo ng La Onda at nakakalap sa Avándaro, habang nasa New Zealand, ang mga nomadic housetruckers ay gumamit ng alternatibong lifestyles at naipapalaganap na enerhiya sa Nambassa. Sa United Kingdom noong 1970, maraming nakakalap sa napakalaki na Isle of Wight Festival na may maraming tao na may halos 400,000 katao. Sa mga susunod na taon, ang mga mobile na "convoy ng kapayapaan" ng mga biyahero ng New Age ay naglakad ng mga pilgrimages ng tag-init sa libreng festival ng musika sa Stonehenge at sa ibang lugar. Sa Australia, nagtipon ang mga hippie sa Nimbin para sa 1973 Aquarius Festival at ang taunang Cannabis Law Reform Rally o MardiGrass. Ang " Piedra Roja Festival", isang pangunahing hippie event sa Chile, ay ginanap noong 1970. Ang impluwensyang Hippie at psychedelic na kultura ay naimpluwensiyahan ng 1960s at unang bahagi ng 1970s na kultura sa mga bansa ng Iron Curtain sa Eastern Europe (tingnan ang Mánička ). Ang fashion at mga halaga ni Hippie ay may malaking epekto sa kultura, nakakaimpluwensya sa popular na musika, telebisyon, pelikula, panitikan, at sining. Mula noong 1960, ang lipunan ng mainstream ay may maraming aspeto ng kultura ng hippie. Ang pagkakaiba-iba ng relihiyon at kultura ng mga hippies ay nakakuha ng malawakang pagtanggap, at ang pilosopiya sa Silangan at espirituwal na mga 12 konsepto ay umabot sa mas malaking madla. Sa Estados Unidos noong dekada 1960, higit sa lahat ang mga kabataan, mas gusto ang maong at psychedelic costumes, droga, musika sa bato, oriental meditation, rebelde laban sa mga itinatag na institusyon, kaugalian at halaga, at idirekta sa tao at kalikasan Mga uri ng pag-uugali tulad ng pagbabalangkas ng isang pakikipag-usap at paglilibot nang walang pagpunta sa isang regular na trabaho ay pinalawak na may mataas na halaga ng katapatan. Ang mga taong ito ay tinatawag na mga hippies, ngunit ang kanilang mga kaugalian ay nakakaimpluwensya sa mundo bilang isa sa mga kultura ng mga kontra, at maging ang Japan ay gumawa ng isang kamanghamanghang kababalaghan tulad ng (Miyuki Tribe) (Futen) noong 1960's. Sa Estados Unidos, ang estilo ng hippie ay naging simbolo ng kilusang anti-organisasyon sa black anti-racism anti movement, Vietnam anti-war movement, conflict sa unibersidad, ngunit mayroon din itong parallel phenomena sa buong mundo. Tanong: 1. Maiuugnay mo ba ang kwentong Hippie sa kasalukuyang kalagayan ng Pilipinas? Paano? Patunayan. _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ 2. Sa iyong palagay bakit naghatid ng malaking epekto ang Hippie sa kultura ng tao? _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ Lope K. Santos 13 Ipinanganak si Lope K. Santos sa Pasig, Rizal bilang Lope C. Santos - sa mag-asawang Ladislao Santos at Victoria Canseco, na kapwa mga katutubo sa Rizal. Ngunit mas inibig na gamitin ni Santos ang titik na K bilang kapalit ng C para sa kaniyang panggitnang pangalan, upang asang padasino das (Kolehiyo Pilipino), matapos na makapag-aral sa Escuela Normal Superior de Maestros (Mataas na Paaralang Normal para sa mga Guro) at sa Escuela de Derecho (Paaralan ng Batas). Naging dalubhasa siya sa larangan ng dupluhan, isang paligsahan ng mga manunula na maihahambing sa larangan ng balagtasan. Noong 1900, nagsimula siyang maglingkod bilang patnugot para sa mga lathalaing nasa wikang Tagalog, katulad ng Muling Pagsilang at Sampaguita. Siya ang tagapagtatag ng babasahing Sampaguita. Sa pamamagitan ni Manuel L. Quezon, naging punongtagapangasiwa si Santos ng Surian ng Wikang Pambansa. Kabilang sa mga katawagang nagbibigay parangal kay Santos ang pagiging Paham ng Wika, Ama ng Balarilang Pilipino, Haligi ng Panitikang Pilipino, subalit mas kilala rin siya sa karaniwang palayaw na Mang Openg. ANG PANGGINGGERA Ni Lope K. Santos Sugal, Babae, Sugal 14 Mahirap ipaliwanag ang halina ng sugal. Nakaaaliw ito kung paminsan-minsan; ngunit habang tumatagal ay nakakawilihan, gaya ng sex at droga, hanggang mamalayan mo na lamang na lulong ka na’t lustay na ang salapi, dangal, at panahon. Walang makapagpapaliwanag ng sugal kundi ang mismong sugarol o sikologo, ngunit ang sugarol at sikologo ay kinakailangan muna ang malawak na guniguni at kadalubhasaan sa wika at panitikan, bago mapantayan ang pambihirang tulang “Ang Pangginggera” (1912) ni Lope K. Santos. Isinalaysay sa “Ang Pangginggera” ang buhay ng babaeng napariwara dahil sa pagkakalulong sa sugal na “panggingge.” Ang panggingge ang ninuno ngayon ng tong-its, sakla, at poker, at siyang paboritong laro sa mga pasugalan, gaya sa Santo Cristo sa Binondo noong siglo 1900. Noong una’y mabuting maybahay ang nasabing babae, maayos ang pamumuhay, at kaakit-akit ang anyo’t ugali. Ngunit nang mamatay ang kaniyang unang anak, nagdalamhati ang babae at upang maibsan ang kaniyang lungkot ay niyaya ng kaniyang hipag na maglaro ng ripa. Nang tumagal, nahatak ang babae na sumubok maglaro ng panggingge, makiumpok sa pasugalan, at malulong sa bisyo nang di-inaasahan. Ang transpormasyon ng babae ay magsisimula sa bahay hanggang sa pasugalan. Sa bahay, magiging pabaya siya sa kaniyang bana at ang kaniyang bana ay magiging sugapa rin sa sabong. Sa pasugalan, ang babae ay maghuhunos sa pagiging bagitang pinagkakaisahan ng mga kalaban tungo sa pagiging bihasang balasador at sugarol. Ang sugal (panggingge at sabong) ang balakid na maghihiwalay sa mag-asawa upang sa tuwing gabi na lamang sila magkita sa bahay. Nang mabuntis muli ang babae at nahirapang dumayo ng panggingge sa ibang pook, hinatak niya ang mga kalaro at doon na sa bahay niya mismo nagpasugal. Nang maging pasugalan ang bahay ng babae at ng kaniyang bana, nabura ang hanggahang nagbubukod sa pamilya at sa madlang sabik sa aliwan. Dito nagsimula ang pagguho ng ugnayang mag-asawa. Kahit buntis ay hindi napigil ang pangginggera sa kaniyang bisyo. Nahinto lamang sandali nang siya’y manganak, ngunit pagkaraan ay itinuloy ang pagsusugal. 15 Ang ikalawa niyang anak ay sumuso sa pasugalan, at ang dating mahiyaing babae ay naging burara at kumapal ang mukha. Ang masaklap, higit na malaki ang panahong ginugol ng babae sa panggingge kaysa sa pag-aalaga ng anak o pakikiharap sa asawa. Bukod dito, ayaw makinig ng babae kahit sa payo ng kaniyang biyenan, at ang biyenan pa ang binulyawan na parang nakaligtaan ang paggalang sa sinaunang kaugalian. Dahil maganda’t bata pa, ang pangginggera ay naging titis din upang pagawayan ni Pulis at ni Lalaki (na isa ring sugarol). Si Pulis ang magiging kabit ng pangginggera, at magiging protektor ng pasugalan, at sa bandang huli’y matatanggal sa serbisyo dahil sa mga kasalanan. Si Pulis din ang magiging dahilan upang maging laman ng tsismis ang pangginggera sa buong baryo, at masira ang puri. Darating ang sandali na mabubuntis muli si pangginggera, at ang pinaghihinalaang maysala’y si Pulis. Magkakahiwalay ang pangginggera at ang kaniyang mister nang magkunwa itong kalaguyo at mahuli ang misis na ang kinababaliwan ay si Pulis. Napilitan ang babaeng umuwi sa bahay ng magulang, at isama ang kaniyang anak. Ngunit hindi rito nagwawakas ang salaysay. Tinanggap si pangginggera ng kaniyang ama, nanganak sa ikatlong pagkakataon, at nabingit sa alanganin ang buhay. Tutulong naman ang kaniyang ama at biyenan upang magkabalikan ang mag-asawa. Naganap nga iyon, at nagpanibagong buhay ang mag-asawa. Si babae’y pananahi ang ikinabuhay, samantalang ang kaniyang bana’y naging katiwala sa pagawaan hanggang umangat ang posisyon. Nakaipon ang mag-asawa, nakabili ng mga gamit, nakapagpundar ng tahanan, nakabili ng lupa, at umupa pa ng katulong. Samantala, nagbago rin ang buhay ng hipag ni pangginggera. Iniwan ng hipag ang pagsusugal, at nakapangasawa pa ng lalaking mayaman kahit sabihin pang pangit ang anyo ng naturang hipag. Maganda na sana kung dito magwawakas ang tula. Subalit muling malululong sa panggingge ang babae, samantalang sabong ang pag-iigihan ng kaniyang asawa. Guguho ang anumang kabuhayang kanilang naipundar, at ang masaklap, magkakaroon ng kabit ang bana, samantalang ang pangginggera ay mahuhulog sa 16 pang-aakit ng mirong si Lalaki. Si Lalaki ang mahihiwatigang bubuntis kay Pangginggera, at magnanakaw ng itinatago nitong alahas. Habang lumalaon, mapapabayaan ni Pangginggera ang kaniyang tahanan, at magiging balasubas kahit sa pagpapalaki ng mga anak. May iba pang sanga ang banghay ng tula. Mabubuntis ang katulong dahil kinakalantari ng kaniyang kasintahan. Pababayaan ni Lalaki ang sariling pamilya, halos ibugaw ang anak na dalaga para magkasalapi, at mananakit ng asawang babae kapag wala itong maibigay na pambisyo. Masasangkot din sa kaso si Lalaki dahil sa paglulustay ng salapi, pagnanakaw ng mga alahas ni Pangginggera, at hahanapin ng mga alagad ng batas. Sasampahan din ng kaso ang mister ni Pangginggera, dahil nilustay nito ang mga salapi at benepisyong laan sa mga manggagawa. Binulutong ang dalawang anak ni Pangginggera. Isinumpa naman siya ng kaniyang hipag, magulang, at kapitbahay, dahil sa pagpapabaya sa mga anak. Pinakasukdulan ang pagkamatay ng kaniyang anak na lalaking umakyat ng punongkahoy, pagdaka’y nahulog, at natuhog ang tiyan ng urang na naging sanhi upang ikamatay ng bata. Maraming binabago ang “Ang Pangginggera.” Lumihis ito sa nakagawiang lalabindalawahing pantig bawat taludtod at apatang taludtod bawat saknong na ang dulong tugma’y isahan (aaaa, bbbb, etc) gaya ng kay Francisco Balagtas. Ginamit sa tula ang sukat na 12/12/6/12/612, at ang tugmaan ay aababana masasabing kombinasyon ng isahan at salitang tugma. Hindi uso noon ang ganitong eksperimento, at napakahirap gawin lalo sa mahabang tulang pasalaysay na halos doble ng haba ng Florante at Laura. Bukod sa tugma at sukat ay pinayaman ng “Ang Panginggera” ang wikang Tagalog noon, dahil ipinakita ni Santos na lumalago ang Tagalog at nalalahukan kahit ng mga balbal na salitang hindi matatagpuan sa mga awit at korido. Ang realistang pagdulog sa paksa ay isa ring positibong punto at winawakasan ang mga awit at koridong pulos hari at reynang hinalaw kung saan-saang bansang malayo sa kalagayan ng Filipinas. Nanghihinayang ako at hindi napag-aaralan nang mabuti ang “Ang Pangginggera” ni Santos. Marami roong mapupulot, gaya ng pagbubuo ng banghay, 17 paglilinang ng tauhan, pagkakatalogo ng mga pangyayari, paglalarawan ng kaligiran, paglalatag ng mga tunggalian sa isip o kalooban, pagdidisenyo ng tugma at sukat na pawang aangkop sa yugto ng pagsasalaysay, paggamit ng punto de bista, at pagtitimpla ng mga salita at talinghaga. Magiging kapana-panabik ang pagtuturo ng naturang tula kung iigpaw ang guro at estudyante sa paghalungkat ng “aral” o “liksiyon” ng nasabing tula, at pag-aralan iyon sa pamamagitan ng mga kasangkapan sa panunuring pampanitikan. Tiyak kong maraming matutuklasan ang sinuman sa “Ang Pangginggera” ni Santos. Ang pagkaadik sa sugal ay dati nang nagaganap. Ang pagkawala ng puri at dangal dahil sa sugal ay dati nang nagaganap. Ang pagbangon mula sa pagkabalaho sa sugal ay dati nang nagaganap. Ngunit ang mahalaga’y dapat tayong matutong talikdan ang masasamang bisyo’t gawi; at gaya ng itinuturo ng Katipunan nina Andres Bonifacio at Emilio Jacinto, makita nawa natin ang tunay na “liwanag” ng pagpapagal at pagkayod sa mabuting paraan, kaysa umasa sa ginhawang ipinangangako ng kapalarang hindi natin batid kung kailan mapasasakamay. (Mula sa Alimbukad Roberto Anounevo). Tanong: Kung ikaw ay mahaharap sa mga tukso tulad ng sugal/bisyo paano mo maiiwasan ang pagkahumaling dito? ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ Kung ikaw si Lope K. Santos paano mo hihikayatin ang ibang tao na talikdan ang nakagawian nilang bisyo tulad na lamang ng pagkaadik sa sugal at pagkalulong sa droga? 18 ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ Amado V. Hernandez Isinilang siya sa Tondo, Maynila noong 13 Setyembre 1903 kina Juan Hernandez at Clara Vera. Napangasawa niya ang Reyna ng Sarsuwela at Kundiman at kapuwa Pambansang Alagad ng Sining sa Teatro na si Atang de la Rama. Si Amádo V. Hernández ay hinirang na Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan noong 1973. Mas kilala siya bilang Ka Amado sa kaniyang mga kaibigan at kasáma sa kilusang paggawa. Kinilala siya dahil sa mga akdang makabayan at nakikisangkot sa mga problemang panlipunan at dahil sa kaniyang totoong paglahok sa organisasyong pampolitika. ISANG DIPANG LANGIT Ni Amado Vera Hernandez Ako’y ipiniit ng linsil na puno 19 hangad palibhang diwa ko’y piitin, katawang marupok, aniya’y pagsuka, Damdami’y supil na’t mithiin ay supil. Ikinulong ako sa kutang malupit: bato, bakal, punlo, balasik ng bantay, lubos na tiwalag sa buong daigdig at inuring kahit buhay man ay patay. Sa munting dungawan, tanging abot-malas ay sandipang langit na puno ng luha, maramot na birang ng pusong may sugat, watawat ng aking pagkapariwara. Sintalim ng kidlat ang mga mata ng tanod, sa pintong maysusi’y walang makalapit; Sigaw ng bilanggo sa katabing muog, anaki’y atungal ng hayop sa yungib. Ang maghapo’y tila isang tanikala sa kalakaladkad ng paang madugo, ang buong magdamag ay lumambong luksa ng kabaong waring lunga ng bilanggo. Kung minsa’y magdaan ang payak na yabag, kawil ng kadena ang kumakalansing; sa maputlang araw saglit ibibilad, sanlibong aninong iniluwa ng dilim. Kung minsan, ang gabi’y biglang magulantang sa hudyat-may-takas-at asod ng punlo; 20 kung minsa’y tumangis ang lumang batingaw, sa bitayang muog, may naghihingalo. At ito ang tanging daigdig ko ngayon – bilangguang mandi’y libing ng buhay; sampu, dalawampu, at lahat ng taon ng buong buhay ko’y dito mapipigtal. Ngunit yaring diwa’y walang takot-hirap at di habang araw ang api ay api, tanang paniniil ay may bayang gaganti. At bukas, diyan din, aking matatanaw sandipang langit na wala nang luha, sisikat ang gintong araw ng tagumpay! Tanong: 1. Sa iyong palagay ano ang naging inspirasyon ni Amado V. Hernandez nang isulat niya ang kanyang tula na Isang Dipang Langit habang siya ay nasa bilangguan? ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ 2. Ano ang mensaheng nais iparating ng tulang Isang Dipang Langit sa mga mambabasa? ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ Pagsasanay Pangalan:____________________________________Kurso/Seksiyon_________ Panuto: Ibigay ang sariling opinyon o kuro sa mga sumusunod na pahayag sa bawat 21 bilang. 1. Ano ang tunay at wagas na pag-ibig para sa iyo? _________________________________________________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________ ________________________________________________________ 2. Sa iyong palagay, bakit tila ang mga Pilipino ay nahuhumaling sa mga iba’t ibang uri ng sugal at handang umubos ng perang malaki? _________________________________________________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________ ________________________________________________________ 3. Kultura bang maituturing ang sugal? Para sa iyo, ano ba talaga ang kahulugan ng Kultura? _________________________________________________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________ ________________________________________________________ 4. Lahat ba ng nabibilanggo ay may sala? Palalimin ang iyong sagot. _________________________________________________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________ ________________________________________________________ 5. Sa kasalukuyang panahon, gaano kasahol o kalala ang ginagawang pagyurak sa karapatang pantao sa Pilipinas? _________________________________________________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________ ________________________________________________________ Repleksiyon 1. Sa kabuuan ng aralin, gaano kahalaga sa iyo ang kaugnayan ng mga Akdang 22 Pampanitikan sa panlipunang kaganapan sa kasalukuyan. ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ 2. Sa mga akdang inilahad, alin sa mga ito ang maihahalintulad mo sa iyong kasalukuyang sitwasyon. ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ Pagtatasa Pangalan:_______________________________Kurso/Seksiyon______________ 23 I. Panuto: Mula sa mga nabasang akdang pampanitikan. Magbigay ng isang salita na maaaring iugnay sa naging daloy ng akda. Ipaliwanag kung bakit para sa iyo ay iyon ang angkop na salitang tugma sa ipinakitang katotohanan ng akda. Suyuan sa Tubigan Hippie Ang Pangginggera Isang Dipang Langit I. Pumili ng isang akdang pampanitikan mula sa mga akdang nabasa. Ang iyong napiling akda ay gagawan mo ng bago nitong pamagat. Ipaliwanag kung bakit ganoon ang napiling maging pamagat. 24 _________________________________________________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________ Talasanggunian ANACLETO I. DIZON - Philippine Studies vol. 18, no. 2 (1970): 350 - 363, 25 Ateneo De Manila University CultuEd: Philippines Cultural Education Online https://philippineculturaleducation.com.ph/hernandez-amado-v/ https://philippineculturaleducation.com.ph/pineda-macario/ https://philippineculturaleducation.com.ph/santos-lope-k/ Roberto Anounevo – Alimbukad https://dakilapinoy.com/2008/07/02/ sugal-babae-sugal/ 26