1. Sinulog Festival ( Cebu ) Ang salitang Sinulog ay nagmula sa salitang Cebuano na may ibig sabihin na, "tulad ng agos ng tubig." Itinutukoy dito ang sulong-urong na lakdaw padyak ng sayaw ng Sinulog. Ang mga mananayaw ay kadalasang sumasayaw ng pasulong at paurong kasabay sa tiyempo ng tambol. Sumisiklab ang Lungsod Cebu, Cebu tuwing Enero dahil sa pagdiriwang ng Sinulog. Gaya ng Ati-atihan, ang Sinulog ay tinatampukan ng sagradong imahen ng Santo Niño, at sa himig ng “Pit Señor! Hala, Bira!” ay yayanigin ng tambol, palakpak, at hiyawan ng mga tao ang buong lungsod. Ang Sinulog ay binubuo ng halos isang buwan na paggunita sa mahal na patron ng mga Sebwano, at kabilang dito ang Sinulog Bazaar, ang timpalak Sinulog, ang sining at pangkulturang pagtatanghal, prusisyon, ang parada doon sa Ilog Mactan, ang Reyna ng Sinulog, at ang makukulay na kuwitis na pinasasabog sa himpapawid. Bago pa man dumating ang mga Kastila, ang Sinulog ay sinasayaw na ng mga Filipino sa Cebu sa kanilang pagbibigay-bunyi sa kanilang mga anito. Noong dumating Ferdinand Magellan sa Cebu noong 1521, si Rajah Humabon, kasama ang kaniyang asawa na si Amihan gayun din ang mga 800 mga katutubo ang ninais na mabinyagan bilang Katoliko. Ibinigay ni Magellan ang imahen ni Santo Niño sa asawa ni Rajah Humabon at pinangalanang Juana. Ang pangyayaring ito ay hindi lamang nagpakilala kay Santo Niño sa mga tagaCebu kundi ito din ay naging isang napakahalagang karanasan: ang representasyon ni Reyna Juana, hawak ang imahen ni Santo Niño na binabasbasan ang kanilang mga tauhan upang mailayo sila sa sakit at masamang espiritu at maging importanteng bahagi ng sayaw ng Sinulog. Noong dumating si Miguel Lopez de Legazpi at ang kaniyang mga tauhan sa Cebu noong 1565, isa sa mga sundalo ang nakatuklas ng isang kahon na may imahen ni Santo Niño. Ito ay napapaligiran ng bulaklak at mga pigurin ng mga anito. Ayon sa mga mananalaysay, ang mga pagbabago, mula sa pagsayaw ng Sinulog, sa pagsamba sa mga anito hanggang sa pagbubunyi kay Santo Niño ay naganap sa loob ng 44 na taon sa pagitan ng pagdating ni Magellan at Legazpi. Idineklara ng Augustinian order na ang naturang imahen ay milagroso at itinatag nila ang simbahan kung saan ito nadiskubre. Ipinangalan ito na San Agustin Church hanggang pinalitan ito sa Basilica Minore del Santo Niño. Ang debosyon sa Santo Niño ay tumagal at sumulong sa kultura ng Pilipinas sa pagdaan ng mga siglo lalo na sa rehiyon ng Visayas. Ang mga pilgrimo ay naglalakbay taon-taon sa Basilica upang makilahok sa prusisyon at sa kapistahan. Noong 1980, ang lokal na pamahalaan ng Cebu ay nangasiwa sa pagsasaayos ng Sinulog festival. Ang direktor noon ng Ministry of Sports and Youth Development na si David S. Odilao, Jr., ay nagtatag ng grupo ng mga estudyante at tinuruan sila ng sayaw ng Sinulog kasabay sa tiyempo ng tambol at pinagsuot ng moro-moro costumes upang makilahok sa pinakaunang parada ng Sinulog. Sa tagumpay ng pinakaunang kapistahan, ang event na ito ay isinagawa kada-taon. Ang iba pang bersyon ng Sinulog ay makikita sa iba't-ibnag parte ng Cebu. Dahil sa commercialization ng pistang ito, ang Cebu ay ang nangungunang destinasyon ng mga turista tuwing buwan ng Enero sa Pilipinas. 2. Dinagyang Festival ( Ilo-ilo ) Ang Dinagyang Festival ay isang relihiyoso at kultural na pagdiriwang na ginaganap sa lungsod ng Iloilo tuwing ikatlong linggo ng Enero o pagkatapos ng Sinulog sa Cebu at Ati-Atihan sa Aklan. Ginagawa ito bilang pagdiriwang sa pista ng Santo Niño at para na rin sa pagdating ng mga Malay sa Panay na nagdala ng ita sa lugar. Simula ng ito ay gawing taunang selebrasyon, marami ang nakapansin sa pagdiriwang at nabigyan ito ng National Commission for the Culture and the Arts ng karangalan bilang Festival of Excellent Folk Choreography. Naging tradisyon ang Dinagyang matapos ipakilala ni Padre Ambrosio Galindez, isang pari sa parokya, ang debosyon sa Santo Niño noong 1967. Noong 1968, isang replica ng orihinal na imahen ng Santo Niño de Cebu ang dinala sa Iloilo ni Padre Sulpicio Enderez bilang isang regalo sa parokya ng San Jose. Ang mga miyembro ng simbahan, na pinangunahan ng Confradia del Santo Niño de Cebu ng Iloilo, ay nagtulung-tulong upang mabigyan ang imahe ng patron, kaya pumarada ang mga ito mula sa mga kalsada hanggang sa paliparan ng Iloilo. Noong una, ang pagdiriwang ay ginagawa lamang sa loob ng simbahan ngunit nang maglaon ay dinala na ito sa labas. Napagkasunduan ng Confradia na itulad ang selebrasyon sa Ati-Atihan ng Ibajay, Aklan, kung saan ang mga kalahok sa selebrasyon ay nagsasayaw sa daan habang ang kanilang mga katawan ay mayroong uling. 3. Kadayawan Festival ( Davao ) Ang Pista ng Kadayawan sa Dabaw ay isang linggong selebrasyon ng pasasalamat para sa masaganang ani. Ito ay ipinagdiriwang tuwing ikatlong linggo ng Agosto sa Lungsod ng Davao. Ang salitang “Kadayawan” ay nagmula sa katutubong salitang “dayao” na ang ibig sabihin ay “madayaw” – isang ekspresyon na ginagamit din upang ipaliwanag ang mga bagay na mahalaga, maganda, mabuti at kapakipakinabang. Sa Mandaya, ito ay tumutukoy sa isang magandang bagay na nagdadala ng suwerte. Noong dekada 70s, pinangunahan ni Mayor Elias B. Lopez ang pista ng mga tribo sa lalawigan. Ang mga kinatawan ng mga grupong Bagobo, Manobo, Mansaka at Mandaya, mga Muslim at iba pa, ay nagtitipon sa kapatagan upang mag-alay ng mga sayaw at ritwal ng pasasalamat. Maraming mamamayan ng lungsod at turista ang dumadayo upang masaksihan ang mayaman at makahulugang kultura ng mga katutubo. Noong unang bahagi ng dekada 80s, dahil sa mga isyung pangkapayapaan, ay natigil ang pagdiriwang ng pista. Ito ay muling ipinagpatuloy noong 1986 dahil sa programa ng gobyerno na “Unlad Proyekto Davao”, na naglayong pagisahing muli ang mga Davaoeño matapos ang Martial Law. Ang pista ay nakilala sa tawag na “Apo Duwaling Festival”. Ito ay naglayong itaguyod ang Davao bilang isang payapa at maayos na lungsod. Ang “Apo Duwaling” ay mula sa mga salitang Bundok Apo, ang pinakamataas na bundok sa bansa, durian, ang hari ng mga prutas, at waling-waling, ang reyna ng mga orkidyas – mga sagisag ng yaman ng Davao. Sa unang pagdiriwang ng “Apo Duwaling” naganap ang ‘’Agro-Industrial Trade Fair’’, na nagpakita ng mga orkidyas, bulaklak, prutas at mga lokal na produkto ng Davao Noong 1988, sa pamumuno ni Mayor Rodrigo Duterte, ang “Apo Duwaling” ay pinalitan ng “Kadayawan” na siyang magpapakita ng yaman ng Davao sa mga bulaklak, prutas, at kultura. Ngayon, ang Kadayawan ay tumutukoy din sa pista na sumasalamin sa katutubo at etnikong selebrasyon. Pinahahalagahan din nito ang husay ng mga Davaoeño sa sining biswal at literatura. Noong 1995, pinangunahan ng Mindanao Federation of Cutflowers and Plant Growers, Inc, (MINFED) ang ika-sampung Pista ng Kadayawan sa Dabaw. Naging pananaw ng MINFED ang paglago ng industriya ng bulaklak at prutas sa lungsod. Ang ika labing-isang Pista ng Kadayawan sa Dabaw ay nagbigaypansin naman sa pagsulong ng lungsod bilang isang tourist destination at daan para sa Brunei Darusallam, Indonesia, Malaysia and Philippines - East Asean Growth Area (BIMP-EAGA). 4. Higantes Festival ( Rizal ) Ang Higantes Festival na kilala rin sa tawag na Pista ni San Clemente ay ipinagdiriwang tuwing ika-23 ng Nobyembre sa Angono, Rizal. Ito ang pinakamalaking pagdiriwang para kay San Clemente, patron ng mga mangingisda. Ang imahen ng santo ay binibitbit ng mga lalaking deboto habang nagpuprusisyon kasabay ang mga “pahadores”, (mga deboto na nakadamit ng makukulay na kasuotan o ng kasuotan ng mga mangingisda, sapatos na yari sa kahoy at may bitbit na sagwan, lambat at iba pang gamit sa pangingisda) at mga “higantes” (mga higanteng gawa sa papel na may taas na umaabot sa sampu hanggang labindalawang talampakan.) Nagtatapos ang pagdiriwang sa isang prusisyon patungong Laguna de Bay hanggang maibalik ang imahen ng santo sa parokya.Noong panahon ng mga Kastila, isang maliit na hasyenda lamang ang Angono. Ipinagbawal ng mga may-ari ng hasyenda ang pagkakaroon ng anumang pagdiriwang. Maliban sa gastos sa paghahanda sa pagdiriwang, iniiwasan din ng mga hasyendero na magkaroon ng pagdiriwang para sa mga paganong paniniwala. Ang pagdiriwang lamang para kay San Clemente ang kanilang pinapayagan. Sinamantala ng mga mamamayan ang pagkakataon kaya naghanda sila ng maraming pagkain, nagsuot ng makukulay na damit, at nagdaos ng isang malaking prusisyon kung saan kasama ang mga higante na gawa sa papel na kawangis ng kanilang mga among Espanyol. Noon ay dalawa o tatlong higantes lamang ang ginagawa bilang pagsimbulo sa mag-anak. Noong 1987, iminungkahi ni Perdigon Vocalan na lahat ng barangay sa Angono ay dapat mayroong dalawa o tatlong higantes na sisimbulo sa industriya o pagkakakilanlan ng mga ito. Naipatupad ang mungkahing ito sa tulong ng Kagawaran ng Turismo. 5. Ati - atihan Festival ( Aklan ) Ipinagdiriwang tuwing ikalawa hanggang ikatlong linggo ng Enero kada taon ang pista ng Ati-atihan sa Kalibo, Aklan, bilang pagdakila sa Santo Niño. Nagpapahid ng uling sa mukha at katawan ang mga mananayaw, samantalang patuloy ang ritmo ng tambol na waring nagsasagutan sa himig ng “Hala, Bira!” Makikilahok ang buong bayan sa pista, magbabahaginan ng pagkain at inumin, at isang linggong malalango ang mga lansangan. Hinango ang pista sa maalamat na pagtatagpo ng mga katutubo at ng mga Kristiyanong mananakop, at ang pagsamba sa Santo Niño na malimit hinihingan ng milagro. Ang selebrasyon ng Ati-atihan ay dinadagsa ng mga lokal at dayuhang turista hanggang ngayon. Noong ika-13 siglo (c.1212AD), ipinagbili ng isang grupo ng mga Ati ang isang maliit na lupain sa mga Malay datus. Ang mga Ati ay ang mga orihinal na naninirahan sa Panay Island. Sa sobrang katuwaan, ipinagbunyi nila ito sa pamamagitan ng pagpinta sa kanilang mukha gamit ang uling upang maging kahawig ang mga Ati. Ang mga Ati ay kilala sa pagkakaroon nila ng maitim na balat at kulot buhok, at ang salitang "Ati-atihan" ay may ibig sabihin na "Maging katulad isang Ati." Ang kapistahang ito, tulad din ng Sinulog sa Cebu, ay itinuturing "Ina ng mga Pista sa buong Pilipinas" kung saan ginaya ang selebrasyon na sa ibang parte ng Pilipinas tulad sa: na ng na ito Dinagyang sa Iloilo Halaran sa Capiz Binilirayan sa Antique Maskarahan sa Bacolod At sa iba pang barangay sa Aklan, Antique at Capiz. Ang Ati-atihan dati ay isang pagan festival at ito ay unti-unting nagkaroonng kahulugang pang-Kristiyano noong dumating ang mga misyonaryo. Sa ngayon, ang ati-atihan ay ipinagdiriwang sa pagbibigay bunyi kay Santo Nino. 6. Masskara Festival ( Bacolod ) Ang MassKara Festival ay ipinagdiriwang sa Bacolod tuwing Oktubre. Kilala ito bilang isa sa pinakamakulay na pagdiriwang sa buong Pilipinas. Unang ginanap ang MassKara Festival bilang panghalili sa kinagawian nang pagdiriwang sa Bacolod na kinatatampukan ng parada ng mga militar, pagkilala sa ilang mga piling personalidad at mga programang musikal tuwing anibersaryo nang pagkakatatag ng naturang lungsod. Nagsimula ito noong panahon ng krisis sa naturang bayan. Ang MassKara ay mayroong dalawang kahulugan. Una, ito ay resulta ng pinagsamang Ingles na salitang “mass” na ang ibig sabihin ay “marami” at Español na salitang “kara,” na nangangahulugan ng “mukha.” MassKara rin ang lokal na tawag sa salitang “mask”, na itinuturing ngayong isang malaking parte nang pagdiriwang. Ang konsepto ng pagsasama ng mga salitang “mass” at “kara” ay nagmula sa dating pangulo ng Asosasyong Pang-sining ng Bacolod na si Ely Santiago, na sinuportahan naman ng dating tagapangasiwa sa turismo ng lungsod na si Romeo Geocadin at dating puno ng Kagawaran ng Turismo sa Negros Occidental na si Atty. Evelio R. Leonardia. Mula sa isang konsepto ay ipinagdiwang ang unang MassKara Festival noong 1981. Makalipas ang tatlong taon, itinigil ang pagdiriwang ngunit dahil na rin sa pagsisikap ni Leonarida, nakakalap ang lungsod ng suporta mula sa pamahalaan at mga pribadong sektor upang maipagpatuloy ang pagdiriwang taun-taon. 7. Moriones Festival ( Marinduque ) Ang Pista ng Moriones ay isa sa makukulay na pagdiriwang sa pulo ng Marinduque. Ang Morion ay nangangahulugan “maskara”, na parte ng armor ng Romano na ipinapantakip sa mukha noong panahong Medyibal. Ang Moriones ay ang mga taong nakasuot ng maskara at nakagayak, na nagmamartsa paikot sa bayan, sa loob ng pitong araw sa paghahanap kay Longhino. Ang isang linggong pagdiriwang na ito ay nagsisimula sa Araw ng Lunes Santo at nagtatapos sa Pasko ng Pagkabuhay. Ayon sa alamat, si Longinus, isa sa mga sundalong bulag ang isang mata at nakasaksi sa pagpapako ni Hesukristo ay ibinaon ang kaniyang espada sa tagiliran ni Hesukristo upang matiyak na siya ay tunay na patay na. Tumilamsik ang dugo sa matang hindi nakakakita ni Longinus at himalang ito ay biglang gumaling at nakakita. Dahil dito, siya ay nagbalik-loob at naging isang Kristiyano. Hinabol ng mga sundalo si Longinus sa buong kabayanan hanggang siya ay nahuli at hinarap sa isang aktor na tumayo bilang si Ponsyo Pilato. Ang iba ay tumayo bilang mga Pariseo upang husgahan siya at noong Pasko ng Pagkabuhay, si Longinus ay hinatulan sa kaniyang pagbabago ng relihiyon sa pamamagitan ng pagpugot. 8. Pahiyas Festival ( Quezon City ) Ang Pahiyas ay isang makulay na pista na ipinagdiriwang tuwing ika-15 ng Mayo sa Lucban, Quezon. Sa pamamagitan ng pistang ito, pinasasalamatan ng mga magsasaka dahil sa kanilang masaganang ani ang kanilang patron na si San Isidro Labrador. Ang selebrasyon kalimitan ay isinasagawa sa pamamagitan ng isang prusisyon ng imahe ni san Isidro at ng parada. Lahat ng mga bahay sa bayan ay napapalamutian ng kanilang sariling ani tulad ng mga prutas, gulay, palay, bulaklak, dahon, 'pako' at 'kiping' na siyang nagdadala ng isang makulay na kabuuan. Ayon sa mga naitalang kasaysayan ng Lucban, ang piyesta ng San Isidro Labrador ay naunang ipinagdiriwang ng mga Katagalugan na naninirahan sa paanan ng Bundok Banahaw noong panahon ng pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa Lucban noong 1500. Ang mga mamamayan sa Lucban sa panahong iyon ay nagdiriwang sa pamamagitan ng isang simpleng pag-aalay sa mga Anito para sa kanilang masaganang ani. Sa panahon ng ani, nakaugalian ng mga magsasaka na ipunin ang kanilang ani sa loob ng kapilya ("Tuklong") kung saan sila nagtitipon-tipon at kumakain. Matapos nito ay iinom sila ng tuba na nagmula sa katas ng bulaklak ng niyog, buri o cabo negro (kaong). Naniniwala ang mga katutubo na sa pamamagitan ng pagdiriwang ng ganitong kasiyahan ay magkakaroon silang muli ng masaganang ani sa susunod na taon. Nang maipatayo ang kauna-unahang simbahan, sa panahon ni Kapitan Lukas Martin (1630) sa ilalim ng pamamahala ni Fr. Alfonso de San Miguel (1628), naging mas hayag ang pagiging Kristiyano ng mga katutubo. Naging matulungin ang mga katutubo sa Kura Paruko. Pagsapit ng anihan, dinadala ng mga magsasaka ang kanilang mga napiling produkto sa loob ng bago at mas malaking simbahan, kung saan naroon ang kura upang basbasan ang mga ani bilang pasasalamat sa Panginoon. Bunga nito, naging masagana ang kanilang ani sa mga sumunod na taon at ito ang nagpatibay sa kanilang debosyon kay San Isidro Labrador bilang tagapagugnay sa Panginoon. 9. Panagbenga Festival ( Benguet ) Ang Pista ng Panagbenga o ang Pista ng mga Bulaklak ng Baguio (Ingles: Panagbenga Festival, Baguio Flower Festival) ay ang taunang kapistahan sa Lungsod Baguio na idinaraos sa buong buwan ng Pebrero. Ipinagmamalaki dito ang kasaganahan ng mga bulaklak sa Baguio gayun din ang mayamang kultura nila kung kaya't ito ay dinarayo taon-taon ng mga turista. Ang salitang panagbenga ay may kahulugang, "panahon ng pagyabong, panahon ng pamumulaklak". Tatak nito ang magarbong kaayusan ng bulaklak, sayawan sa kalye, flower exhibit, paglilibot sa hardin, paligsahan ng pagayos ng bulaklak, maningning na pagsabog ng mga paputok, at iba pa. Noong taong 1995, ang abugadong si Damaso Bangaoet, Jr., ang dating Direktor ng John Hay Management Corporation (JHMC) ay bumuo ng ideya na magtatag ng isang kapistahan upang ipagmalaki ang masaganang bulaklak na matatagpuan sa Baguio. Sumang-ayon naman si Victor A. Lim, Tagapamahala ng Bases Conversion Development Authority (BCDA) at si Rogelio L. Singson. Itinatag ang proyektong ito upang tulungan ang lungsod na maka-ahon muli sa pagkakalugmok noong 1990 Luzon earthquake. Sa pagutulungan ng iba't-ibang organisasyon tulad ng John Hay Poro Point Development Corporation (JPDC), dating JHMC at mga boluntaryo na mahilig sa bulaklak, nabuo ang Baguio Flower Festival (BFF). Bahagi ng kapistahang ito ang pagbubunyi ng kasaysayan at kultura ng Lungsod Baguio at ng Cordillera. Ang logo na puro sunflowers ay masterpiece ng isang estudyante mula sa Baguio City National High School na nagngangalang Trisha Tibagin na sumali sa Annual Camp John Hay Art Contest. Si Macario Fronda naman na nagmula sa Saint Louis University ang nagsulat ng opisyal na himno na kasabay ang tradisyonal na sayaw ng Ibaloi, ang Bendian dance. Noong taong 1996, hinango ng flower festival ang Kankanaey na kung tawagin ay Panagbenga. Ito ay may kahulugang panahon ng pagyabong, panahon ng pamumulaklak na nilikha ni Ike Picpican, isang arkibista at kurado. Ipinagdiwang ang unang linggo ng flower festival noong Pebrero 9-18, 1996 sa komendasyon ng Resolution 007-1996. Mula noon, ang kaspitahang ito ay naging pangunahing atraksyon ng Lungsod Baguio na dinadayo ng libo-libong mga lokal at dayuhang turista upang matunghayan ang magarbong mga floral floats at street-dancing parade. Noong 2001, ang dating isang linggong selebrasyon ay naging isang buong buwan na pista sa komendasyon ng Resolution 033-2001. Noong Hulyo 2002, nabuo ang Baguio Flower Festival Foundation, Inc. (BFFFI). Noong umupo si Braulio Yaranon bilang alkalde ng lungsod, itinatag niya ang Baguio Flower Festival Association (BFFA), at mula noon ang dalawang organisasyon na ito ang punong namamahala na ng kapistahan. 10. Pintados Festival ( Leyte ) Ang Pista ng Pintados, o tinatawag ding Pista ng Pintados-Kasadyaan, ay isang masayang pagdiriwang na tumatagal ng isang buwan, kung kailan din ginaganap ang "Leyte Kasadyaan Festival of Festivals", ang "Pintados Festival Ritual Dance Presentation" at ang "Pagrayhak Grand Parade". Ang mga pagdiriwang ito ay sinasabing nagmula sa Pista ni Señor Santo Niño tuwing ika-29 ng Hunyo. Ang mga taga-Leyte ay ipinagdiriwang ang nasabing pista sa isang bukod-tangi at makulay na pamamaraan. Bihasa ang mga Bisaya sa pagtatato, ang mga lalaki't babae ay mahilig magtato sa kanilang sarili. Ipinapakita ng Pista ng Pintados ang mayamang kultura ng Leyte at Samar, sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga katutubong sayaw at musika. Ang "Leyte Kasadyaan Festival of Festivals" naman ay nagpapakita ng bukodtanging kultura at makulay na kasaysayan ng probinsiya ng Leyte. Sinimulan ni dating Gobernador Remedios Loreto-Petilla, ang pagdiriwang ay unang ginanap noong ika-12 ng Mayo, 1996. Ang mga pista ay hindi laging ginaganap tuwing ika-29 ng Hunyo dahil sa unang tatlong taon ay nangyari ito sa magkaka-ibang petsa. Noong 1999 lamang ito opisyal na itinakda sa araw ng Hunyo 29, ang Pista ni Señor Santo NIño de Leyte. Ang kahulugan ng "Kasadyaan" sa dayalektong Bisaya ay katuwaan at kasiyahan. Maraming pista ng munisipalidad ng Leyte ang nagsasama-sama sa kabisera, sa Lungsod ng Tacloban, upang makiisa sa selebrasyon. Masisiglang parada ng mga drama at sayaw ang nagaganap. Isang mahalagang papel ang ginagampanan ng mga pistang ito, iyon ay upang mas mahikayat ang bawat Leyteño na ipagmalaki at pahalagahan ang kanilang kultura. Bawat munisipalidad ay gumagawa ng kanilang istorya ibabahagi sa pista tungkol sa kanilang lokal na mga kuwento at alamat. Noong 1668, dumating ang mga Espanyol sa Visayas at natagpuan nila ang mga babae't lalaki na puno ng tato ang mga katawan, na tinawag nilang "pintados". Gamit ng mga pintados ang matalas na bakal na pinaiinitan muna sa apoy bago gawin ang pagtatato. Ang mga taong ito ay may sariling kultura, mayaman sa mga pagdiriwang at pagsamba sa mga diyos tuwing masagana ang ani. Dinala ng mga misyonaryong Espanyol noong 1888 ang imahe ng batang Jesus, na kilala bilang "El Capitan", sa Pilipinas. Maganda ang pinagmulan nito kaya nakuha agad ang debosyon at pagsamba ng mga katutubo ng Leyte sa Santo Niño. Noong 1986, itinayo ang Pintados Foundation, Inc. ng mga negosyante at mangangalakal sa Tacloban. Sinimulan nilang mag-organisa ng mga aktibidad para sa pista ng lungsod na parangal kay Señor Santo Niño. Dito nagsimula ang Pista ng Pintados, na unang ipinagdiwang noong Hunyo 29, 1987. Ngayon ay tinatawag itong Pista ng Pinatados-Kasadyaan, na binansagang "Festival of Festivals". KAPISTAHAN SA LUZON • Panagbenga Ito ay ginaganap taun-taun sa Baguio naipinagdiriwang sa buong buwan ng Pebrero.Ito ay ipinagdiriwang dahil sa kasaganahanng mga bulaklak sa Baguio. • Pahiyas Isang makulay na pista na ipinagdiriwang tuwing ika-15 ngMayo sa Lucban, Quezon."Sa pamamgitan ng pistang ito pinasasalamatan ang mga magsasaka sa dahil sa kanilang masaganang ani ang kanilang patron na si "San Isidro Labrador” • Carabao Festival Sa Pulilan,Bulacan Idinaraos ito tuwing ika-14 ng Mayo sa bawat taon. Dahil sa daming naitutulong ng kalabaw tinitiyak ng mga magsasaka na, araw-araw aynapapakain at nabibigyan ng hustong pag-aalaga ang mga ito kapalitng kanilang paglilingkod. Ayon sa mga Pulileno, ang carabao (esti)alay isang pagdiriwang ng pasasalamat sa kanilang patron, si "San Isidro Labrador. Bilang pagkilala, sa pagdaraos ng parada ay lumuluhod ang mga kalabaw sa tuwing tatapat o bago tumapat sa simbahan. . • Mango Festival "Sa masaganang aning mga bungang mangga na mas kinilalang “sweetest and most delicious mango world-wide” ay apat na araw ang ilulunsad na piyesta sa lalawigan ng Zambales na tinaguriang Dinamulag 2015. • Ati-atihan Festival Ipinagdiriwang tuwing ikalawahanggang ikatlong linggong /nero kadataon ang pistang Ati"atihan sa Kalibo,Aklan, bilang pagdakila sa "Santo Nino. Nagpapahid ng uling sa mukha at katawan ang mga mananayaw, samantalang patuloy ang ritmong tambol nawari ng nagsasagutan sa himig ng Hala, Bira! Makikilahokang buong bayan sa pista, magbabahagi na ng pagkain at inumin, at isang linggong malalango ang mga lansangan. Hinango ang pista samaalamat na pagtatagpong mga katutubo at ng mga Kristiyanong mananakop, at ang pagsambasa "Santo Nino” na malimit hinihingan ng milagro. Ang selebrasyon ng ati-atihan ay dinadagsa ng mga lokal at dayuhang turista hanggang ngayon. KAPISTAHAN SA VISAYAS • Sandugo Ang "Sandugo ay ang tradisyunal na kasunduan na pinatutunayan ng pagiisang dugo. Ito ay higit na tumutukoy sa ginawang pag-iisang dugong Kastilang si Miguel de Legazpi at Boholanong si Datu Sikatuna” noong Marso 16, 1565 sa Bohol upang selyuhan ang kanilang pagkakaibigan. Pinasok ni Lopez de Legazpi ang kasunduan upang tiyakin maayos napakikitungo sa kanilang mgakatutubo. Ito ang sinasabing unang kasunduang internasyonal sa pagitan ng dalawang tao mula sa magkaibang lahi, ang Pilipino at Kastila. • Sinulog "Sumisiklab ang Lungsod Cebu, Cebu tuwing Enero dahil sa pagdiriwang ng Sinulog. Gaya ng Ati-atihan, ang Sinulog ay tinatampukan ng sagradong imahenng Santo Nino, at sa himig ng “Pit Senyor! Hala, Bira! ay yayanigin ng tambol, palakpak, at hiyawan ng mga tao ang buong lungsod. Ang Sinulog ay binubuo ng halos isang buwan na paggunita sa mahal na patron ng mga Sebwano, at kabilang dito ang Sinulog Bazaar, ang timpalak Sinulog, ang sining at pangkulturang pagtatanghal, prusisyon, ang parade doon sa Ilog Mactan, ang Reyna ng Sinulog, at ang makukulay na kuwitis na pinasasabog sa himpapawid. • Mascara Festival Unang ginanap ang Masskara Festival bilang panghalili sa kinagawian nang pagdiriwang sa Bacolod na kinatatampukan ng parada ng mga militar, pagkilala sa ilang mga piling personalidad at mga programang musikal tuwing anibersaryo nang pagkakatatag ng naturang lungsod. Nagsimula ito noong panahon ng krisis sa naturang bayan. Ang mga kalahok sa pagdiriwang na ito ay nagsusuot ng makukulay na maskara. Nakangiti ang mga nasabingmaskara na sumisimbulo ng ugali at pagkakakilanlan sa mga residente ng Bacolod bilang lungsod ng mga ngiti. • Pintados de Pasi Festival Ang Pintados de Pasi Festival ay taunang pagdiriwang na dinaraos tuwing ikatlong linggo ng Marso sa probinsiya ng Iloilo. Itinaon ang kapistahan sa petsa kung kailan naging siyudad ang Passi, Marso 14, 1998. Ang selebrasyong ito ay sumasalamin sa mayamang kasaysayan ng Passi, Iloilo. Pangunahing bahagi ng Pintado de Pasi Festival ang sayawan ng mga tao. MGA PAGDIRIWANG NG MINDANAO