DZRH 32.7 SERBISYONG TAPAT SA IYO TAMANG BALITA, TAMANG SERBISYO STATION ID: DZRH 32.7 (MUSIC ID) PROGRAM ID: SERBISYONG TAPAT SA IYO TAMANG BALITA, TAMANG SERBISYO HOST 1: MAGANDANG UMAGA PILIPINAS, MAGANDANG UMAGA AGUSAN DEL SUR HOST 2: MULA SA BULWAGANG PAMBALITAAN, SANDIGAN AT PINAGKAKATIWALAAN NG BAYAN HOST 1&2: ITO ANG DZRH 32.7 (VOICE: DZRH 32.7) HOST 1: MGA KAGANAPANG NAKALAP SA LOOB NG BANSA HOST 2: AMING TINUTUTUKAN HOST 1: ANG ORAS NATIN NGAYON AY __ MINUTO MAKALIPAS ANG ALAS__ NG__ ARAW NG__ (MUSIC FLASHBACK) HOST 1: DOH: 7K DAILY COVID-19 CASES SA NCR, POSIBLE SA HULYO SA BABA NG NAGPAPA BOOSTER. HOST 2: MARCOS, MANUNUMPA SA NATIONAL MUSEUM HOST 1: TAAS PRESYO NG TINAPAY DAHIL SA TAAS NA HALAGA NG SANGKAP HOST 2: KAMPO NI AIAI, KINONDENA ANG PERSONA NON GRATA RESOLUTION NG QC LABAN SA AKTRES. HOST 1: NBA FINALS: CELTICS, GINANTIHAN NG GSW SA GAME 2 MSC 1: (OFFICIAL PROGRAM SONG) HOST 1: DOH: 7K DAILY COVID-19 CASES SA NCR, POSIBLE SA HULYO SA BABA NG NAGPAPA BOOSTER, NARITO SI JEWEL ANAJAO PARA SA IBA PANG DETALYE. MSC 1: (OFFICIAL PROGRAM SONG) NP1: SALAMAT AMABHEILA, POSIBLENG SUMIPA SA 7000 ANG DAILY INFECTIONS SA METRO MANILA SA HULYO DAHIL SA BABA NG NAGPAPA BOOSTER SHOT AYON SA DEPARTMENT OF HEALTH (D O H). ITO ANG PROJECTION NA IBINAHAGI NI HEALTH UNDERSECRETARY MARIA ROSARIO VERGEIRE, HUWEBES SA ONE NEWS NGAYONG INILULUTANG ANG MUNGKAHING TANGGALIN NA ANG STATE OF PUBLIC HEALTH EMERGENCY SA BANSA NGAYONG DAHANDAHANG BUMABABA ANG MGA KASO. ITO PO SI JEWEL ANAJAO, NAGBABALITA. (OFFICIAL PROGRAM MUSIC) HOST 2: SALAMAT JEWEL, MARCOS MANUNUMPA SA NATIONAL MUSEUM, SUSUNOD NA SA PAGBABALIK NG DZRH 32.7 (OFFICIAL PROGRAM SONG) [COMMERCIAL BREAK] HOST 1: NAGBABALIK ANG SANDIGAN AT PINAGKAKATIWALAAN NG BAYAN HOST 1&2: ITO ANG DZRH 32.7 HOST 2: MANUNUMPA SI PRESIDENT- ELECT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR. BILANG IKA 17TH PANGULO NG PILIPINAS SA NATIONAL MUSEUM. ANG KARAGDAGANG DETALYE AY IHAHATID SA ATIN NI JOHN HERO APRESTO (OFFICIAL PROGRAM MUSIC) NP2: SALAMAT HANNA, NAUNA NANG SINABI NI MARCOS NA NAIS NIYANG GAWIN ANG INAGURASYON SA QUIRINO GRAND STAND KUNG SAAN NANUMPA ANG KARAMIHAN SA MGA NAUNANG PANGULO PERO GINAGAMIT PARIN ANG LUGAR PARA SA COVID -19. INIHAYAG NAMAN NI ANGPIN NA MAS MAHALAGA ANG KALIGTASAN AT KAPAKANAN NG MGA MAMAMAYAN KAYA INIIWASAN NILA NA MATIGIL ANG PAGBIBIGAY NG SERBISYONG MEDIKAL SA MGA PASYENTENG MAY COVID-19. ITO PO SI JOHN HERO APRESTO, NAGBABALITA (OFFICIAL PROGRAM MUSIC) HOST 1: MARAMING SALAMAT JOHN, PAGTAAS NG PRESYO NG TINAPAY DAHIL SA TAAS NG HALAGA NG SANGKAP. NARITO SI KARYLE CAMPAÑAS PARA SA KARAGDAGANG DETALYE. NP3: NILINAW NG PAMUNUAN NG PHILIPPINE ASSOCIATION OF FLOUR MILLERS, INC (PAFMIL) NA ANG PAGTAAS NG HALAGA NG TINAPAY AY DAHIL SA TUMAAS NA PRESYO NG SANGKAP SA PAGGAWA NG TINAPAY AT HINDI DAHIL SA KAKULANGAN SA HARINA AYON KAY PAFMIL EXECUTIVE DIRECTOR RICA. ITO PO SI KARYLE CAMPAÑAS, NAGBABALITA. HOST 2: KAMPO NI AIAI, KINONDENA ANG PERSONA NON GRATA RESOLUTION NG QC LABAN SA AKTRES. SA SUSUNOD NA SA PAGBABALIK NG DZRH 32.7 (OFFICIAL PROGRAM MUSIC) [COMMERCIAL BREAK] AKTOR: “KALIKASAN, ATING TAHANAN, DAPAT INGATAN.” : ISANG PANGUNGUSAP NA MAYROONG MILYUN- MILYONG KAHULUGAN NA TUMATAK SA ATING ISIPAN. IWASAN ANG DAPAT IWASAN, GAWIN ANG DAPAT GAWIN UPANG MASAGIP ANG ATING INANG KALIKASAN. HOST: ISANG PAALALA NA DAPAT ATING ALALAHANIN AT ISAISIP PARA SA KAUNLARAN NG BANSA. (OFFICIAL PROGRAM MUSIC) HOST 1: NAGBABALIK ANG DZRH 32.7 ORAS: __ NG UMAGA HOST 2: KAMPO NI AIAI, KINONDENA ANG PERSONA NON GRATA RESOLUTION NG QC LABAN SA AKTRES. IBABALITA SA ATIN NI MONETTE ABAGON ANG IBA PANG MGA DETALYE. NP3: SALAMAT HANNA, KINONDENA NG KAMPO NI AIAI DELAS ALAS ANG IPINASANG RESOLUSYON NG KONSEHO NG QUEZON CITY NA NAGDEDEKLARA SA AKTRES AT SA ISANG DIREKTOR BILANG “PERSONA NON GRATA”. ANG NATURANG RESOLUSYON AY BUNGA UMANO NG PAMBABASTOS NI AIAI AT DIREKTOR NA SI DARRYL YAP, SA OFFICIAL SEAL NG LUNGSOD BATAY SA ISANG VIDEO POST SA SOCIAL MEDIA. SA PAHAYAG, SINABI NI ATTY. CHARO REJUSOMUNSAVAC NA MAPANGANIB ANG NATURANG RESULOSYON NA SISIKIL SA KALAYAAN NG PAGPAPAHAYAG.MALINAW DIN DAW UMANO NA “SATIRE” AT “PARODY” LAMANG ANG NATURANG VIDEO AT HINDI DAPAT ITO SINISERYOSO. ITO PO SI MONNETE ABAGON, NAGBABALITA. HOST 1: MARAMING SALAMAT MONNETE, NBA FINALS: CELTICS, GINANTIHAN NG GSW SA GAME 2. ANG KARAGDAGANG DETALYE AY IHAHATID SA ATIN NI ALI BANZON. NP4: SALAMAT AMABHEILA, MATAPOS MATALO SA GAME 2 NG NBA FINALS, GUMANTI NAMAN ANG GOLDEN STATE WARRIORS SA KATUNGGALI NA BOSTON CELTICS. HINDI PUMAYAG ANG WARRIORS NA MAULIT ANG PAGKATALO NILA SA GAME 1 KUNG SAAN NASAYANG ANG 12 PUNTOS NA ABANTE KAYA IPINAMALAS NG KOPONAN ANG DOUBLE- DIGIT ADVANTAGE SA THIRD QUARTER NG LABAN. BUKOD KAY CURRY, KUMAMADA RIN ANG MGA TEAMMATE NA SI JORDAN POOLE (17 PUNTOS), ANDREW WIGGINS (11 PUNTOS), KEVON LOONEY (12 PUNTOS) AT KLAY THOMPSON (11 PUNTOS). ITO PO SI ALI BANZON, NAGBABALITA. (OFFICIAL PROGRAM MUSIC) (VOICE: DZRH 32.7) HOST 2: AT YUN LAMANG PO, AKO PO SI HANNA PRIL BESINGA HOST 1: AT AKO NAMAN PO SI AMABHEILA AMPER, TAMANG BALITA HOST 2: TAMANG SERBISYO HOST 1&2: SERBISYONG TAPAT SA IYO. MULA SA BULWAGANG PAMBALITAAN, SANDIGAN AT PINAGKAKATIWALAAN NG BAYAN, ITO ANG DZRH 32.7 (VOICE: DZRH 32.7)