BanghayAralinsa MTB-MLE Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art Ikatlong Markahan Ikawalong Linggo (Ikalawang Araw) I. Layunin: - nakapagkukuwento ng pabula, alamat, patalastas at iba pa na may wastong paghahati ng parirala, pahinga at diin. - nakababasa ng batayang salita sa unang kitanakababasa ng mga salitang pang-unang baitang na may wastong intonasyon, damdamin, at bantas - nakagagamit ng salitang kilos sa pagsasalaysay ng sariling karanasan. - nakatutugon sa mga kuwento, alamat, pabula sa pamamagitan ng pagtatalakayan, awit, sining. II. PaksangAralin: Ang Alamat ni Bernardo Carpio A. Talasalitaan: Pagkilala sa gamit ng mga salitang pinaikli(baka at kalabaw- baka’t kalabaw) B. Katatasan: Pagbasa ng mga salitang pang-unang baitang na may wastong intonasyon, damdamin, at bantas. C. Pabigkas na Wika: Pagkukuwento ng pabula, alamat, patalastas at iba pa na may wastong paghahati ng parirala, pahinga, at diin. D. Pag-unawa sa Binasa: Pag-unawa sa pangyayari sa kuwento Pagbaybay sa mga salitang kilos kilos na nasa pangungusap. E. Kamalayan sa Gramatika: Paggamit ng mga salitang kilos sa pagsasalaysay ng sariling karanasan. F. Pagkilala sa Salita: Pagbasa ng batayang salita sa unang kita. G. Pagbaybay: Pagbaybay ng wasto ng mga salitang natutuhan. H. Pagsulat: Pagsulat ng payak na parirala, pangungusap, at talata gamit ang wastong bantas, pasok ng salita, at kayarian. I. Pagbuo ng Komposisyon: Pagsulat ng mga pangungusap, tula, awit, maikling kuwento na may iba’t ibang dahilan. J. Pagpukaw sa Kamalayan: Pagtukoy sa katangian ng tauhan sa kuwento ayon sa kilos o sinsabi. K. Kagawian: Pagpapahayag ng pagmamahal sa panitikan sa pamamagitan ng pagbuklat sa aklat na kanilang binasa. L. Sanggunian: K-12 Curriculum Guide pah. MTB – MLE Teaching Guide pp. 69-78 Kagamitan: tsart ng kuwento K. Pagpapahalaga: Kahalagahan ng Anyong-Lupa III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain: 1. Balik-aral: Muling balikan ang mga mahahalagang detalye sa kuwentong narinig/nabasa kahapon. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento? Anu-ano ang kanyang mga katangian? Saan naganap ang alamat ni Bernardo Carpio? Ano ang nagyari kay Bernardo nang magkaharap sila ng engkantado? Ayon sa alamat, ano ang sanhi ng paglindol sa kabundukan ng San Mateo? 2. Pagganyak: Laro: Bigyan ang bawat pangkat ng manila paper para sa gawain. Isulat ang mga katangian ni Bernardo Carpio gamit ang word map. B. Panlinang na Gawain: 1. Bigyan ang bawat pangkat ng pagkakataong gumawa ng gawaing nakalaan sa bawat isa: Pangkat 1 – Iguhit mo Pagguhit sa isang kartolina ng bundok na tinitirhan ng mag-anak ni Bernardo Carpio. Pangkat 2 - Artista Ako Isadula kung paano naipit si Bernardo de Carpio sa dalawang nag-uumpugang bato. Pangkat 3 – Dalangin Pasulatin ang pangkat ng panalangin ng mag-asawa na magkaroon sila ng anak. 2. Talakayan: Tawagin ang lider ng bawat pangkat upang ibahagi ang gawa ng kanilang pangkat. IV. Pagtataya: Iguhit ang bahagi ng kuwento na pinakagusto mo. V. Kasunduan: Sumulat ng 5 paghahanda na dapat gawin kung may lindol.