ARALIN 3: PAGSIPAT SA MGA PROBLEMA AT SOLUSYON NG PANITIKANG PILIPINO Salamin ng buhay ang panitikan at ito ay isang instrumento sa pagtataguyod ng bansa. Daan sa pag-unlad ng kabihasnan at pag-bunga ng bagong salinlahi. Winika ni F.R. Leavis, sa kanyang aklat na Selected Literary Criticism: Henry James:" “Ang kahalagahan ng ating hinahanap sa malikhaing panitikan ay isang sangkap na kaugnay ng pandama ng buhay, ang sangkap ng potensyalidad ng pantaong karanasan na ipinababatid nito." Isang magandang palatandaan na sa mga panahong ito,ang mga Pilipino ay nagbabasa na ng panitikang habi mula sa iba't ibang bansa, mula sa Amerika, Espanya, Britanya, Pranses, Alemanya, Rusya, Tsina gayundin ang mga bansang silanganan tulad ng Hapon, Indonesia, Malaysia, Thailand, Vietnam at iba pa. TULA SALAYSAY NOBELA DULA MGA SULIRANIN NG PANITIKANG PILIPINO NGAYON 1 Hindi tinatangkilik ang sarili nating panitikan bagkus ay sa mga panitikang banyaga. 2 May mga paaralang hindi ibinibilang ito sa mga asignatura dahil alam na raw ng mga mag-aaral ito. 3 Wala ng gaanong sumusulat para basahin ng kapwa Pilipino. MGA SULIRANIN NG PANITIKANG PILIPINO NGAYON 4 Umaasa na lamang ang mga kabataan ngayon sa mga pamumuna o pagsusuri ng ibang kritiko na nalalathala na sa magasin at internet. 5 Malayo na sa pulso ng mga bagong henerasyon ngayon. 6 May gusot na namamayani sa mga wikang tinatangkilik. 7 Kawalang halaga sa mga isinulat ng mga dakilang manunulat. MGA SULIRANIN NG PANITIKANG PILIPINO NGAYON 8 9 10 Hindi na lubos na pinag-aaralan ang sariling gawa at mas bumababa ang antas ng kaalaman sa sariling panitikan. Kulang na sa pagmamalasakit at papaunlad ng sariling wika at panitikan. Kawalang malay sa mga kaganapang namamayani ang mga namumuno para sa pagpapaunlad ng panitikang Pilipino.