Uploaded by Bonifacio Sherilyn

PANGKAT-DALAWA

advertisement
PANGHIRAM NA SALITA
AT
PAGGAMIT NG DIKSUNARYO AT FORMULASYON
NG MGA SALITA
Ano ba ang panghihiram ng salita?
Walang salitang buhay na gaya ng Filipino ang puro dahil sa pagkakaiba-iba sa
kultura ng mga bansa, may mga salitang banyaga na hindi matatagpuan sa salitang
Filipino kapag isinasalin sa pangyayaring ito, ang tanging magagawa ay manghiram o
di kaya ay lumikha ng bagong salita. Walang masama sa panghihiram ng salita, hindi
naman kailangan pang humingi ng pahintulot sa bansang hihiraman na magsalita, hindi
rin kailangan pang isauli ang salita pagkatapos na hiramin, hindi rin ito nakakahiya.
Bukod sa katotohanang ang wika ay nakasanding sa kultura, may mga salita rin na
hango sa pangalan ng kilalang tao tulad ng voltage, watt, quixotic na tinatawag na
eponym. Dahil dito, hindi lahat ng salita ay maaring bigyan ng salin at talagang hindi
maiiwasan ang panghihiram ng mga salita lalo ang mga salitang agham at teknikal.
Ayon sa Pag-aaral
 Limang libong salitang kastila na hiniram sa Filipino.
 Tatlong libong salitang malay.
 Isang libo sa Ingles at daan-daang mga salita rin ang hiniram natin sa Intsik,
Arabe, Sanskrito, Latin, Niponggo, Aleman, Pranses at iba pa.
Mga Tuntunin sa Panghihiram
1. Sundin ang mga sumusunod na lapit sa paghanap ng panumbas sa mga hiram na
salita.
a. Gamitin ang kasalukuyang leksikon ng Filipino bilang panumbas sa mga
salitang banyaga.
Halimbawa: Hiram na Salita sa Filipino
Attitude
Saloobin
2. Kumuha ng mga salita mula sa iba’t-ibang katutubong wika ng bansa.
Halimbawa:
Hiram na Salita
Hegemony
Katutubong Wika
Gahum (Cebuano)
3. Bigkasin sa orihinal na anyo ang hiram na salita mula sa Espanyol, kIngles at iba
pang wikang banyaga at saka baybayin sa Filipino.
Halimbawa:
Ingles
Filipino
Centripetal
Sentripetal
4. Gamitin ang mga letrang C, N, Q,X,F,J,V,Z kapag ang salita ay hiniram nang buo
ayon sa mga sumusunod na kondisyon
a. Pantanging ngalan
Hal. Quirino
b. Salitang teknikal o siyentipiko
Hal. Cortex
x-ray
c. Salitang may natatanging kahulugan
Hal: Senora-ale
d. Salitang may natatanging kahulugang kultural
Cañao (Ifugao) - pagdiriwang
Senora (Espanyol) - ale
e. Salitang may irregular na ispeling o gumagamit ng dalawang letra o higit pa na
hindi binibigkas o ang mga letra ay hindi katumbas ng tunog.
Halimbawa:
Bouquet
f. Salitang may internasyonal na anyong kinikilala at ginagamit
Halimbawa: Taxi
5. Gamitin ang mga letrang F, J,V,Z para katawanin ang mga tunog, /f/,/j/,/v/,/z/
kapag binabaybay sa Filipino ang mga salitang hiram.
Halimbawa: Fixer fikser
Subject
sabjek
6. Gamitin ang mga letrang C, Ñ, Q, X sa mga salitang hiniram nang buo.
Halimbawa:
Cornice Xenophobia
Paggamit ng Diskyunaryo at formulasyon ng
mga Salita
Ano nga ba ang diksyunaryo?
 Ang Diksiyunaryo o Diksyunaryo ay isang aklat o libro na naglalaman ng mga salita
na may mga kahulugan. Mayroon itong maliit na sukat lamang na pwedeng dalhin
kahit saan. Mayroon din nitong malaking sukat na kadalasan ay makikita sa mga
silid-aklatan. Madali mo lamang makikita ang mga salita na nais mong malaman
sapagkat ito ay nakaayos sa sunod-sunod na alpabeto. Maaari mo rin ditong makita
hindi lamang ang kahulugan ng mga salita ang matatagpuan sa librong ito at ito ay
isang malaking tulong sa estudyante, mga nagtatrabaho at sa ibang tao lalo na sa
mga nagpupunta sa ibang bansa.
 At paano naman nagsimula ang Diksyunaryo?
Ito ay nagsimula sa bansang Tsina ngunit ang pinakaunang diksyunaryo na naglalaman
ng wikang Ingles ay nagsimula noong 1604, na isinulat ni Robert Cawdrey, isang guro
sa isang paaralan sa Inglatera.
Kahalagahan ng Diksyunaryo
 Dahil sa librong ito, marami ang estudyante ang natulungan tungkol sa tamang
salita, kahulugan at mga diksyon nito.
 Dahil sa librong ito, natutulungan ng mga tao na magkaroon ng ideya o
impormasyontungkol sa mga salita na kanilang nakikita o naririnig.
 Dahil sa librong ito, nagkakaroon ng mga bagong salita o bagong kaalaman ang
bawat tao lalo na ang mga estudyante.
 Dahil sa librong ito, marami ang natuto lalo na sa wikang Ingles.
Formulasyon ng mga Salita
A. Paglalapi- isang morpema na inilalagay sa isang salita upang magbigay ng dagdag
o pagbabago ng kahulugan
• Anyo ng Panlapi- Unlapi, Gitlapi, Hulapi, Unlapi at Gitlapi, Kabilaan, Gitlapi at
Hulapi at Laguhan
Gamit ng Panlapi- Panlaping Makangalan, Panlaping Makauri, Panlaping Makadiwa
b. Pag-uulit
• Uri ng Pag-uulit
Ganap na Pag-uulit- Parsyal
c. Paglikha
d. Paghiram at Pag-aasimila
e. Pagtatambal- pagsasama ng dalawang salita upang makabuo ng bagong salita
 Uri ng Pagtatambal
1. Malatambalan- nananatili ang kahulugan at madalas ay ginigilitan
2. Tambalang Ganap- nagkakaroon ng bagong kahulugan ang dalawang
Pinagsamang salita
f. Balbal, Lalawiganin, Kolokyal, o diyalektal na salita
g. Paggamit ng Idyomatikong Pahayag
h. Paggamit ng Tayutay at Talinhaga
Download