Filipino Kuwarter 3 – Modyul 11: Paggamit ng Pang-abay Filipino – Ikatlong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 11: Paggamit ng Pang-abay Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Jonabeth M. Banggay Editor: Ramon S. Gravino Jr., Maylen F. Sardido Tagasuri: Emma T. Esteban, Myrene Saragena, Eduardo Eroy Tagawasto: Gemma G. Daño and Merla S. Silva, Myleen C. Robinos, Juvy A. Comaingking Tagaguhit at Tagalapat: Marco Regor A. Jumawan, Jimmy K. Laranjo, Lee Wilson C. Precellas, Marlou G. Samontina, Thonver R. Sampaga, Roel S. Palmaira Tagapamahala: Evelyn R. Fetalvero Janette G. Veloso Analiza C. Almazan Ma. Cielo D. Estrada Mary Jane M. Mejorada Cristy C. Epe Beverly S. Daugdaug Mary Joy B. Fortun Imelda T. Cardines Joan M. Niones Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – Region XI Office Address: F. Torres St., Davao City Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147 E-mail Address: region11@deped.gov.ph * lrms.regionxi@deped.gov.ph 3 Filipino Kuwarter 3 – Modyul 11: Paggamit ng Pang-abay Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kanikanilang tahanan. Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan. ii Alamin Magandang araw sa iyo. Maligayang pagdating sa modyul na ito. Sa pagpapatuloy ng iyong pagaaral, matutuhan mo ang paggamit ng mga salitang naglalarawan ng kilos. Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: nakagagamit nang wasto ng mga pang-abay na naglalarawan ng isang kilos o gawi. (F3WG-IIIh-6) Subukin Panuto: Punan ng angkop na salitang naglalarawan sa bawat kahon batay sa kilos na ipinapakita. Isulat ang titik ng tamang sagot sa papel. 1. Paano tumatakbo ang bata? a. mabagal b. mabilis c. malakas 2. Paano nakapatong ang aklat sa mesa? a. maayos b. malinis c. makalat 3. Paano nananalangin si Ana? 1 CO_Q3_Filipino 1_ Module 11 a. mahina b. malakas c. maingay 4. Paano naglalakad ang pagong? a. mahinhin b. mabagal c. mabilis 5. Paano niyayakap ni Gina ang kanyang Lola? a. maluwag b. mahigpit c. matamlay 2 CO_Q3_Filipino 1_ Module 11 Aralin 1 Paggamit ng Pang-abay Balikan Panuto: Suriin ang bawat larawan batay sa kung ano ang ipinapakitang kilos o gawi nito. Isulat sa papel ang iyong sagot. 1. ____________________ 2. ____________________ 3. . ___________________ 3 CO_Q3_Filipino 1_ Module 11 Tuklasin Basahin mo ang kuwento. Ang Aming Pamilya Isinulat ni: Jonabeth M. Banggay Tuwing umaga, ang bawat miyembro ng aming pamilya ay may kaniya - kaniyang gawain. Si Tatay ay maagang nagpapakain ng mga alagang hayop sa likuran ng bahay, habang si Nanay ay abalang nagluluto ng aming agahan. Matiyagang nagdidilig ng mga halaman si Kuya samantalang masiglang naglilinis ng bahay si Ate. Ako naman ay maingat na nagliligpit ng aming higaan. Sadyang kay inam pagmasdan kung nagtutulungan sa mga gawain ang bawat isa. Bukod dito, madaling matapos ang mga gawaing bahay. Suriin Panuto: Sagutin mo ang mga tanong. Isulat ang iyong sagot sa papel. 1. Ano ang paksa ng kuwentong binasa? 2. Ano ang ginagawa ni Ate sa kanilang bahay? 3. Paano isinasagawa ni tatay ang kilos sa pagpapakain ng alagang hayop? 4. Ano ang tawag sa mga salitang may salungguhit? 5. Ano-ano ang salitang kilos na ginamit sa teksto? Paano ito inilarawan? Pagtalakay sa Aralin 4 CO_Q3_Filipino 1_ Module 11 Magiging epektibo at malinaw ang iyong pagpapahayag kung mailalarawan mo nang maayos ang mga kilos o gawi na nais mong ipabatid. Ang salitang maaga, abala, matiyaga, masigla at maingat sa binasang kuwento ay mga salitang naglalarawan ng kilos na tinatawag na pang-abay. Ang nagpapakain, nagluluto, nagdidilig, naglilinis, nagliligpit ay mga salitang kilos o gawi. Ang tawag natin dito ay pandiwa. Ang pang-abay ay tawag sa mga salitang naglalarawan ng isang kilos o gawi na sumasagot sa gabay na tanong na paano. Halimbawa 1. Ang atleta ay patihayang lumangoy. pang-abay pandiwa 2. Nagsasalita nang mahinahon ang guro. pandiwa pang-abay 5 CO_Q3_Filipino 1_ Module 11 Pagyamanin Panuto: Kopyahin ang mga pangungusap sa inyong papel at piliin sa kahon ang tamang sagot. 1. Si Ben ay ___________umawit. mahusay, masinop, maingat 2. _____________na nanalangin si Marie. Mahusay, Taimtim, Maingat 3. Tumalon nang __________ang batang lalaki. mahusay, taimtim, mataas 4. ___________na niligpit ni Nanay ang mga gamit sa kusina. Maingat, Taimtim, Mataas 5. ____________na niligpit ni Tatay ang mga damit. Masinop, Taimtim, Mataas Isaisip Panuto: Punan ng angkop na salita ang patlang upang mabuo ang ideya. Isulat ang sagot sa papel. Natutunan ko sa modyul na ito na ang ___________ ay salitang naglalarawan ng isang ______ at ______ na may gabay na tanong na _____________. 6 CO_Q3_Filipino 1_ Module 11 Isagawa Panuto: Piliin ang tamang pangungusap na may angkop na pang-abay batay sa isinasaad ng larawan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong papel. 1. 2. a. Nagwawalis ang bata. b. Nagwawalis ang mga bata. c.Nagwawalis nang mabuti ang bata. a. Ang pamilya ay magbabakasyon. b. Ang pamilya ay sabik na magbabakasyon. c. Ang pamilya ay namamasyal. 3. a. Naglilinis si Nanay. b. Sadyang masarap ang ulam na niluluto ni Nanay. c. Masayang nagluluto ng ulam si Nanay. 4. a. Pinapainom ni Lolo ang mga hayop. b. Hinahabol ni Tatay ang mga hayop. c. Pinapakain nang maigi ni Tatay ang mga hayop. 7 CO_Q3_Filipino 1_ Module 11 5. a. Si Abby ay naliligo. b. Si Ben ay masayang naliligo. c. Naliligo ang pamilya. Tayahin Panuto: Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na pang-abay sa pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. (Maingat, Malawak, Malamig)_________ na umakyat ang mga tao sa matarik na bundok. 2. Ang mga bata ay (matipid, masayang, maliwanag) _____________ nageehersisyo. 3. Tumakbo nang (mabilis, masipag, mahiyain) ____________ ang atleta. 4. (Mabilis, Malikot, Malapad)_________ na nagtatanim ang mga manggagawa. 5. Kumain si Fauna nang (mapait, maasim, matamis) _______ na ampalaya. 8 CO_Q3_Filipino 1_ Module 11 Karagdagang Gawain Suriin ang mga larawan. Batay dito, bumuo ng mga pangungusap na may pang-abay. Isulat ang sagot sa kuwaderno. 1. ______________________ 2. _______________________ 3._____________________________ 9 CO_Q3_Filipino 1_ Module 11 Susi sa Pagwawasto 10 CO_Q3_Filipino 1_ Module 11 Sanggunian K to 12 Filipino Curriculum Guide Diwang Kayumanggi Aklat sa Wika at Pagbasa pp.347, 356 For inquiries or feedback, please write or call: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph