Uploaded by Gibson Daen

KUWARTER 3 - MODYUL 11 edited v2.0

advertisement
Filipino
Kuwarter 3 – Modyul 11:
Paggamit ng Pang-abay
Filipino – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 11: Paggamit ng Pang-abay
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Jonabeth M. Banggay
Editor: Ramon S. Gravino Jr., Maylen F. Sardido
Tagasuri: Emma T. Esteban, Myrene Saragena, Eduardo Eroy
Tagawasto: Gemma G. Daño and Merla S. Silva, Myleen C. Robinos,
Juvy A. Comaingking
Tagaguhit at Tagalapat: Marco Regor A. Jumawan, Jimmy K. Laranjo, Lee Wilson C.
Precellas, Marlou G. Samontina, Thonver R. Sampaga, Roel S.
Palmaira
Tagapamahala: Evelyn R. Fetalvero
Janette G. Veloso
Analiza C. Almazan
Ma. Cielo D. Estrada
Mary Jane M. Mejorada
Cristy C. Epe
Beverly S. Daugdaug
Mary Joy B. Fortun
Imelda T. Cardines
Joan M. Niones
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – Region XI
Office Address:
F. Torres St., Davao City
Telefax:
(082) 291-1665; (082) 221-6147
E-mail Address: region11@deped.gov.ph * lrms.regionxi@deped.gov.ph
3
Filipino
Kuwarter 3 – Modyul 11:
Paggamit ng Pang-abay
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi
na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman
ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o
kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kanikanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng
mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon
ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang
natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat
ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro
kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit
ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,
umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
ii
Alamin
Magandang araw sa iyo.
Maligayang pagdating sa modyul na ito. Sa pagpapatuloy ng iyong pagaaral, matutuhan mo ang paggamit ng mga salitang naglalarawan ng kilos.
Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
 nakagagamit nang wasto ng mga pang-abay na naglalarawan ng isang kilos o
gawi. (F3WG-IIIh-6)
Subukin
Panuto: Punan ng angkop na salitang naglalarawan sa bawat kahon
batay sa kilos na ipinapakita. Isulat ang titik ng tamang sagot sa papel.
1. Paano tumatakbo ang bata?
a. mabagal
b. mabilis
c. malakas
2. Paano nakapatong ang aklat sa mesa?
a. maayos
b. malinis
c. makalat
3. Paano nananalangin si Ana?
1
CO_Q3_Filipino 1_ Module 11
a. mahina
b. malakas
c. maingay
4. Paano naglalakad ang pagong?
a. mahinhin
b. mabagal
c. mabilis
5. Paano niyayakap ni Gina ang kanyang Lola?
a. maluwag
b. mahigpit
c. matamlay
2
CO_Q3_Filipino 1_ Module 11
Aralin
1
Paggamit ng Pang-abay
Balikan
Panuto: Suriin ang bawat larawan batay sa kung ano ang ipinapakitang kilos o
gawi nito. Isulat sa papel ang iyong sagot.
1. ____________________
2. ____________________
3. . ___________________
3
CO_Q3_Filipino 1_ Module 11
Tuklasin
Basahin mo ang kuwento.
Ang Aming Pamilya
Isinulat ni: Jonabeth M. Banggay
Tuwing umaga, ang bawat miyembro ng aming pamilya ay may
kaniya - kaniyang gawain. Si Tatay ay maagang nagpapakain ng mga alagang
hayop sa likuran ng bahay, habang si Nanay ay abalang nagluluto ng aming
agahan.
Matiyagang nagdidilig ng mga halaman si Kuya samantalang
masiglang naglilinis ng bahay si Ate. Ako naman ay maingat na nagliligpit ng
aming higaan.
Sadyang kay inam pagmasdan kung nagtutulungan sa mga gawain
ang bawat isa. Bukod dito, madaling matapos ang mga gawaing bahay.
Suriin
Panuto: Sagutin mo ang mga tanong. Isulat ang iyong sagot sa papel.
1. Ano ang paksa ng kuwentong binasa?
2. Ano ang ginagawa ni Ate sa kanilang bahay?
3. Paano isinasagawa ni tatay ang kilos sa pagpapakain ng alagang hayop?
4. Ano ang tawag sa mga salitang may salungguhit?
5. Ano-ano ang salitang kilos na ginamit sa teksto? Paano
ito inilarawan?
Pagtalakay sa Aralin
4
CO_Q3_Filipino 1_ Module 11
Magiging epektibo at malinaw ang iyong pagpapahayag kung
mailalarawan mo nang maayos ang mga kilos o gawi na nais mong ipabatid.
Ang salitang maaga, abala, matiyaga, masigla at maingat sa binasang
kuwento ay mga salitang naglalarawan ng kilos na tinatawag na pang-abay.
Ang nagpapakain, nagluluto, nagdidilig, naglilinis, nagliligpit ay mga
salitang kilos o gawi. Ang tawag natin dito ay pandiwa.
Ang pang-abay ay tawag sa mga salitang naglalarawan ng
isang kilos o gawi na sumasagot sa gabay na tanong na paano.
Halimbawa
1. Ang atleta ay patihayang
lumangoy.
pang-abay
pandiwa
2. Nagsasalita nang mahinahon ang guro.
pandiwa
pang-abay
5
CO_Q3_Filipino 1_ Module 11
Pagyamanin
Panuto: Kopyahin ang mga pangungusap sa inyong papel at piliin sa
kahon ang tamang sagot.
1. Si Ben ay ___________umawit.
mahusay, masinop, maingat
2. _____________na nanalangin si Marie.
Mahusay, Taimtim, Maingat
3. Tumalon nang __________ang batang lalaki.
mahusay, taimtim, mataas
4. ___________na niligpit ni Nanay ang mga gamit sa kusina.
Maingat, Taimtim, Mataas
5. ____________na niligpit ni Tatay ang mga damit.
Masinop, Taimtim, Mataas
Isaisip
Panuto: Punan ng angkop na salita ang patlang upang mabuo ang ideya. Isulat
ang sagot sa papel.
Natutunan ko sa modyul na ito na ang ___________ ay salitang
naglalarawan ng isang ______ at ______ na may gabay na tanong na
_____________.
6
CO_Q3_Filipino 1_ Module 11
Isagawa
Panuto: Piliin ang tamang pangungusap na may angkop na pang-abay batay sa
isinasaad ng larawan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong papel.
1.
2.
a. Nagwawalis ang bata.
b. Nagwawalis ang mga bata.
c.Nagwawalis nang mabuti ang bata.
a. Ang pamilya ay magbabakasyon.
b. Ang pamilya ay sabik
na magbabakasyon.
c. Ang pamilya ay namamasyal.
3.
a. Naglilinis si Nanay.
b. Sadyang masarap ang ulam na niluluto ni
Nanay.
c. Masayang nagluluto ng ulam si Nanay.
4.
a. Pinapainom ni Lolo ang
mga hayop.
b. Hinahabol ni Tatay ang mga hayop.
c. Pinapakain nang maigi ni Tatay ang mga
hayop.
7
CO_Q3_Filipino 1_ Module 11
5.
a. Si Abby ay naliligo.
b. Si Ben ay masayang naliligo.
c. Naliligo ang pamilya.
Tayahin
Panuto: Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na pang-abay sa pangungusap.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. (Maingat, Malawak, Malamig)_________ na umakyat ang mga tao sa
matarik na bundok.
2. Ang mga bata ay (matipid, masayang, maliwanag) _____________ nageehersisyo.
3. Tumakbo nang (mabilis, masipag, mahiyain) ____________ ang atleta.
4. (Mabilis, Malikot, Malapad)_________ na nagtatanim ang mga
manggagawa.
5. Kumain si Fauna nang (mapait, maasim, matamis) _______ na ampalaya.
8
CO_Q3_Filipino 1_ Module 11
Karagdagang Gawain
Suriin ang mga larawan. Batay dito, bumuo ng mga pangungusap
na may pang-abay. Isulat ang sagot sa kuwaderno.
1. ______________________
2. _______________________
3._____________________________
9
CO_Q3_Filipino 1_ Module 11
Susi sa Pagwawasto
10
CO_Q3_Filipino 1_ Module 11
Sanggunian
K to 12 Filipino Curriculum Guide
Diwang Kayumanggi Aklat sa Wika at Pagbasa pp.347, 356
For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Download