Uploaded by Josue Feliciano

Sanaysay tungkol sa pagsasalin ng wika sa larangan ng eduksyon

advertisement
Jesreel P. Villaflor
BSED III – Major in Filipino
SANAYSAY TUNGKOL SA PAGSASALIN NG WIKA SA LARANGAN NG
EDUKSYON
Sa larangan ng edukasyon, higit na kapaki-pakinabang ang pagsasaling-wika sa pagtuturo
ng mga paksa at asignaturang malapit na kaugnay ng mga karanasan, kapaligiran, ugali at kaasalan
ng mga mag-aaral. Sapagkat sa paggamit nila ng kanilang sariling wika sa gayong mga
pangyayari ay higit na nagkakaunawaan at nagkakadamahan sila sa kanilang mga interaksiyon.
Ang pagsasalin ng wika ay isa itong proseso kung saan ang isang pahayag ito man ay
pasalita o pasulat ay nagaganap ang isang wika at ipinapalagay na may katulad ding kahulugan sa
isang dati nang umiirall na pahayag sa ibang wika.
Sa ganitong katotohanang pangwika marahil ang dahilan kung bakit umiiral ang
patakarang bilinggwal sa edukasyon sa bansa.Bunga nito’y lalong kinakailangan sa ngayon ang
mga pagsasalin hindi lamang ng iba’t ibang sangay kundi ng panitikan kundi ng mga kagamitang
panturo sa lahat ng antas ng pag-aaral.Ang mga nakasulat at nakalimbag sa Ingles na aklat-aralin,
sanggunian, at iba pang pantulong na kagamitanat babasahin sa pagtuturo ay kakailanganing
maisalin sa Pilipino
Dahil din sa pagsasalin ng wika sa nagkakaroon tao ng kaalaman at karunungang nababasa
at napag aaralan sa iba’t – ibang wika. Napapahalagahan ang aspekto ng kasaysayan at kultura ng
ibat ibang bansa sa mga partikular na panahon, at sa edukasyon naman mas kapakipakinabang sa
pagtuturo ng mga paksa at asignaturang malapit na kauagnay ng mga karanasan, kapaligiran, ugali
at kaasalan ng mga mag aaral.
Download