Uploaded by cruzatashleya4

SCRIPT IN RPH REPORT

advertisement
SCRIPT IN RPH REPORT
Good morning everyone so ang aming report is Taxation during the Spanish era. And
ito yung mga contents ng aming report.
Taxes imposed by the Spanish Government in the Philippines at nakapaloob dito
ang mga laws na itinatag ng mga spaniards ito ay ang mga
- Tributo
- Sanctorum
- Donativo
- Caja de Comunidad
- Servicio Personal
Revolts against Tribute nakapaloob dito ang
- Cagayan and Dingras Revolts (1589)
- Sumuroy’s Revolt
- Maniago’s Revolt
- Malong’s Revolt
Lastly, ang Tax reform of 1884 na nakapaloob dito ang cedula personales.
Una, alamin muna natin kung ano ang kahulugan ng Tax. Ang tax ay ang pagpapataw
ng isang pananagutang pampananalapi o ibang kapatawan sa isang tagapagbayad ng
buwis (isang indibiduwal o katauhang legal) mula sa isang estado o isang
pantungkuling katumbas ng isang estado, na kung saan ang pagkabigong magbayad ay
mapaparusahan ng batas. Samakatuwid, ang buwis ay pera o dapat bayaran ng mga
tao sa pamahalaan.
Taxes imposed by the Spanish government in the Philippines
-
Mga buwis na ipinapataw ng Pamahalaang Espanyol sa Pilipinas
Ang mga buwis noong panahon ng Kastila ay sapilitan. Ang lahat ng Spanish Colonies
sa America at Pilipinas ay kailangang magbayad ng buwis sa dalawang dahilan.
1. Bilang pagkilala sa Soberanya ng Espanya sa mga Kolonya.
2. Upang bayaran ang mga gastusin sa pasipikasyon (Ang pagkilos ng sapilitang
pagsupil sa poot sa loob ng mga kolonya) at pamamahala, pagkatapos.
-
Several colonial laws on taxation were made by the Real y Supremo Consejo de
las indias or Council of Indies for the Spanish monarch. The Council of the
Indies, officially the Royal and Supreme Council of the Indies, was the most
important administrative organ of the Spanish Empire for the Americas and those
territories it governed. These laws were embodied in the compilation of
legislation related to the new world. It was a four-volume collection of laws
relating to the indies, published in Madrid in 1861.
Ang tributo ay isang sistemang pagbubuwis na siyang pangunahing pinagkukunan ng
pondo o salapi ng mga Espanyol sa panahon ng kanilang pananakop nila sa Pilipinas.
Ipinatupad ang sistemang ito batay sa Recopilacion de leyes de los Reynos de las
Indias, na ang Hari ng Espanya ay naglabas ng malaking halaga para sa kaniyang
paglalayag sa Pilipinas at bilang ganti, marapat na bayaran ito ng mga Pilipino sa
pamamagitan ng tributo. Lahat ng mamamayan ay obligadong magbayad ng kaukulang
halaga sa pamahalaan upang maituring na lehitimong sakop ng Hari ng Espanya,
maliban na lamang sa mga gobernadorcillo, cabeza de barangay, (at ang kanilang mga
delegado), mga kalalakihang kabilang sa sandatahan, mga may sakit at baldado, mga
walang sapat na ani sa taon at mga mamamayang edad animnapu pataas.
Download