Uploaded by cruzatashleya4

HUMSS-B Group 4

advertisement
Schools Division Office
City of Mandaluyong
MANDALUYONG HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL
KONSEPTONG PAPEL
Epektibong Paggamit ng Iba’t ibang Online
Platforms sa New Normal na Pag-aaral
Ipinasa nina:
Charles Mario C. Cura
Lemuel B. Jacinto
Angel Mae Deciembre
Rheilyn Clarice S. Rabang
Andria Monique A. Plang
HUMSS-B
Ipinasa kina:
Bb. Karen Q. Ignacio
Bb. Mary Janzel Paragaz
Pebrero 26, 21
I.
Panimula
Sabi nga nila, ang edukasyon ang tanging yaman na hindi
mananakaw ninuman kaya’t kailangan pahalagahan. Subalit bunga ng
pandemikong Coronavirus mas naging malaking hamon na ipagpatuloy
ang pag-aaral ngayong ‘new normal’ kung saan hindi maaaring isagawa
ang nakasanayang ayos ng pag-aaral. Dahil sa pandemiyang ito tanging
Alternative Learning System (ALS) lamang ang solusyon upang ipagpatuloy
ang panuuran 2020-2021, sa pamamagitan nito maaaring matuto ang
mag-aaral sa paggamit ng iba’t ibang print at online platforms katulad
ng Messenger, modules, Google Classroom, Discord at iba pa bilang
daluyan ng pag-aaral.
Ang online learning ay gumagamit ng teknolohiya na mag-uugnay
at maghaharap sa guro at mag-aaral nito sa pagsasalin ng karunungan,
kasanayan, at palitan ng kuro-kuro upang mas maunawaan ng magaaral ang aralin.
Layunin ng aming pananaliksik ang makapagbigay ng impormasyon
at datos ukol sa epektibong paggamit ng online platforms sa new normal
kung saan tatalakayin ang mga epekto, benepisyo at kahalagahan nito
upang makapagbigay ng mahahalagang kaalaman na magagamit ng
kapuwa naming mag-aaral pati na rin ng mga guro nang makatulong sa
pagtawid ng pag-aaral sa panahon ng pandemiko.
II.
Kaligiran
Gagamit ang pananaliksik na ito ng disenyong deskriptibo, kung
saan magpapasagot ng sarbey ang mga mananaliksik upang makakuha
ng impormasyon o datos sa iilang mag-aaral ng Senior High at mga guro
mula sa iba’t ibang paaralan sa Lungsod ng Mandaluyong upang mas
lalong matukoy ang kalagayan ng mag-aaral at guro sa paggamit ng
iba’t ibang online platforms bilang daluyon ng pag-aaral at pagkatuto sa
gitna ng pandemikong ito.
Sa pamamagitan ng Google Form, mangangalap ang mga
mananaliksik ng tiyak na impormasyon at datos ukol sa epektibong
paggamit ng iba’t ibang online platforms sa new normal na pag-aaral,
bukod dito, kukuha rin karagdagang impormasyon mula sa internet,
panayam at dokumento.
1Ayon
sa pag-aaral ni Cathy Li ng
World Economic Forum, mas
epektibo raw ang online learning kaysa sa pag-aaral sa loob ng silidaralan dahil mas natatandaan daw ng estudyante ang 25-60% ng
kanilang natutuhan online kumpara sa 8-10% lang kung sa silid-aaralan ito
itinuro. 40-60% ang nababawas na oras para matutuhan ng bata ang
isang aralin sa online learning. Ito raw ay dahil kayang balik-balikan ng
bata ang aralin, puwedeng lumaktaw at umabante sa ibang konsepto
batay sa sariling kakayanan ng bata.
Ayon naman sa artikulo ni Jhoemz Vercide ng The Lookout, sa kabila
ng mga batikos maraming magagandang dulot ang online learning gamit
ang iba’t ibang online platforms bilang daluyan ng kaalaman at narito
ang iilan lamang dahilan kung bakit mas epektibo.
a.) Mabilis na Proseso at Sistema
Sa paraang ito hindi na kinakailangang ng mga kung anu-ano
pang mga kagamitan, basta’t may koneksyon ka lamang sa internet
ay maaari ka nang makibahagi sa talakayan sa mas mabilis na
paraan.
b.) Matipid sa Oras at Pera
Hindi na kinakailangan ng mga mag-aaral na pumunta sa kanikanilang paaralan. Sa online education mas makatitipid ng oras ang
kabataan dahil hindi na nila kinakailangan gumastos ng pamasahe
papasok at siguradong makababawas sa gastos. Sa pananaw na
ito, marami ang mas makatitipid habang patuloy na natututo.
c.) Pagyakap sa Makabagong Teknolohiya
Sinasabing ang online education ang magiging daan upang
matuto ang kabataan sa paggamit ng makabagong teknolohiya.
Magkakaroon sila ng oras upang tuklasin ang ilan sa mga bagong
paraan ng pag-aaral katulad ng paggamit ng iba’t ibang online
platforms na kung saan mas madaling matuto sa ilalim ng
1
https://thelookout.com.ph/article/online-classes-epektibo-nga-ba-para-matuloy-ang-pasukan
https://archive.journal.com.ph/editorial/opinion/online-learning-sa-new-normal-ng-edukasyon
pandemikong ito , dahil din sa mga ito mas napapabilis ang
paghatid at pagkuha ng impormasyon na tiyak na magagamit sa
pag-aaral . Bukod dito , mas makasasabay na ang karamihan sa
pagtanggap ng makabagong paraan ng tungo sa paglinang at
pagkatuto ng kabataan, mga guro at ng bawat isa sa bansa.
Mula naman sa aming kapuwa mag-aaral sa Senior High, sa
kabila raw ng mga negatibong komento ng publiko tungkol sa
online class at epektibong paggamit ng iba’t ibang online platforms
bilang daluyan ng pag-aaral at pagkatuto, mula raw sa ilang
buwan na karanasan nila, masasabi raw nilang epektibo ito
sapagkat sa panahon daw natin ngayon, nagkakaroon ng
ebolusyon sa teknolohiya at malaking tulong daw kung
makasasabay tayo sa pagbabagong ito, at isang hakbang na raw
ang online learning na kung saan mas makapagpapadali ang pagaaral sa tulong ng iba’t ibang online platforms.
Dagdag pa nito, mula raw noong unang lingo ng
implementasyon ng distance learning kahit pa raw may mga
aberya, tagumpay na naisakatuparan naman daw ang
makapagbigay ng kaalaman, bunga na rin daw ng pagsusumikap
ng mga guro at kagawaran sa edukasyon, bukod dito, malaking
tulong daw ang pamimigay ng Local Government Unit (LGU) ng
Lungsod ng Mandaluyong, ng gadgets upang walang maiwan at
makasabay ang lahat sa makabagong paraan ng pagkatuto sa
ilalim ng pandemik.
Iilan sa mga online platforms at paano ito magagamit ng
lubusan.
1.) Messenger
Ginagamit ang Messenger sa pagtatalakay ng mga lesson at
interaksyon ng guro at mag-aaral sa pamamagitan ng paggawa ng
group chat maaari nang makapagsalitan ng kaalaman at
makipagdiskusyon, maaari ritong magsend ng video at mga larawan na
makatutulong sa paglinang ng kaalaman. Pagdating naman sa pagkuha
ng attendance gumagamit ang ilan ng poll upang malaman kung sino
ang mga nasa klase sa partikular na oras, karamihan naman gumagamit
na lamang ng reaction emoji pati rin sa pagtukoy sa mga nakasusunod
sa talakayan. Mainam na gumawa ng ibang account pang-online class
upang hindi humalo rito ang personal na buhay ngunit hindi ibig sabihin
nito na gagamitin ang account na pang -online class sa oras lamang ng
klase mainam din kada oras tinitignan ang mga GC subjects upang hindi
mahuli sa mga paalala at gawain ng guro. Masasabing ito ang pinaka
madaling online platform sapagkat marami na ang bihasa sa paggamit
nito dahil madali lang unawain at kahit na walang internet basta’t
nakabukas lang ang cellular data maaari na itong magamit para sa mga
android user at upang makilala ng guro kinakailangan maglagay ng
maayos na profile picture kung saan malinaw na makikita ang mukha at
hindi naka-wacky at mahalaga ring ilagay ang buong pangalan.
2.) Facebook
Dito naman sa Facebook maaaring maglive ang guro upang mas
matalakay ang lesson at sa comment section naman maaaring sumagot
ang mag-aaral sa katanungan ng guro at mag-attendance. Bukod dito
maaaring gumawa ng post ang guro kung saan doon ilalagay sa
comment section ang mga aktibidad ng mag-aaral. Mainam na gumawa
ng sariling group page sa dito upang kayu-kayo lamang nakakikita ng
mga aktibidad, video at larawang binabahagi.
3.) Google Classroom/Forms
Sa pamamagitan naman ng online platform na ito, dito maaaring
magpasa ng mga aktibidad, proyekto at sumagot sa mga pagsusulin
kinakailangan lamang mag-log-in gamit ang iyong DepEd account na
makukuha sa tulong ng iyong guro. Dito madali lang masubaybay ang
mga aktibidad na ginagawa, nagawa at kulang pindutin lamang ang Todo. Maaari ring maka-usap at malaman ang paalala ng guro sa
pamamagitan ng private comment sa ibaba ng your work kung saan
pinapasa ang mga gawain.
4.) Discord
Kilala ang online platform na ito sa larangan ng electronic games
ngunit sa ilalim ng makabagong paraan ng pagkatuto, ginagamit ito
bilang daluyan ng pag-aaral. Maaaring gumawa ng server dito na
magsisilbing silid-aralan, sa pamamagitan ng voice channel
makakapagdiskusyon ang guro at kanyang mag-aaral, maaaring
tumanggap ito ng higit sa 30 katao at habang nagdidiscuss ng aralin
ang guro maaari nitong ipakita ang kanyang visual sa pamamagitan ng
screen sharing o maaari ring gumawa ng channel para sa lectures at iba
pa upang mas lalong maunawaan ng mag-aaral ang aralin. Gumagamit
lamang ito ng kaunting data kumpara sa ibang online platforms na may
kapareho ring features.
III.
Kongklusyon
Tunay na isang malaking hamog para sa ating lahat ang
ipagpatuloy ang pag-aaral sa kabila ng pandemiko sa ilalim ng
makabagong paraan ng pagkatuto gamit ang iba’t ibang online
platforms bilang daluyan ng pag-aaral at pagkatuto subalit kung lubusang
yayakapin at pagyayamin ang paggamit ng mga makabagong
teknolohiya, mas magiging madali at mabilis ang pagkatuto ng kabataan
lalo’t kung sasabayan pa ito ng pagsusumikap at determinasyong matuto
. Kaya talaga namang masasabing ang edukasyon ang tanging
kayamanan di’ mananakaw ninuman, kahit pa man sa gitna ng
Pandemikong Coronavirus.
Download