Uploaded by shein yt vlogs

BALAGTASAN (1)

advertisement
BALAGTASAN
Isinulat nila:
Shein Denise Ituralba, Bennise Laqui, at Destiny Georgina Dela Cruz
Paksang Pagtatalunan:
Ano ang mas mahalaga para sa mga kababaihan, Talino o Ganda?
Amicus 8
Lakambini:
Buong galang sa inyo’y bumabati’t nagpupugay,
Handa na ba kayo sa isa na namang balagtasan?
Alin ba ang mas mahalaga, talino o kagandahan?
Walang itulak, kabigin ngunit marapat na pagnilayan.
Bago ang lahat, nais ko munang magpakilala,
Ako si Destiny Dela Cruz, ang inyong lakambini,
At ito si Binibining Shein ang nagsasabing, ganda ang mas mahalaga,
Samantalang si Binibining Bennise ay talino ang ikakasa!
Alin nga ba ang mas matimbang, anyo o karunungan?
Tara na at ating simulan,
Bigyan ng masigabong palakpakan
Si Binibining Bennise para sa katalinuhan.
Makata 1:
Ako’y naniniwalang talino ang mas mahalaga
Sapagkat, ito ang likas na yaman na mahirap makuha,
Mahalagang aspeto para sa kaunlaran ng ating lipunan,
Nakasalalay sa kamay ng ating maalam na mamamayan.
Maraming mamamayan
Naghihirap dahil sa kawalan ng karunungan,
Basta-bastang ginagastos ang pera
Sa bagay na walang kakuwenta-kuwenta.
Lakambini:
Si Binibining Bennise ay inyong napakinggan,
Kayo ba’y napahanga sa kanyang paninindigan?
Saglit, teka lang! Si Binibining Shein ay di magpapatalo,
Para sa kanya ganda ay mas panalo.
Makata 2:
Ako’y naniniwalang ganda ang mas mahalaga
Biyayang may kapal kung tukuyin ay maganda,
Kagandahan ay makapangyarihan
Sapagkat ginagawa itong basehan.
Kung kaya naman mahalaga
Na mapanatili ang ganda,
Sapagkat, ang unang paghusga
Ay kung ano ang unang nakikita ating mga mata.
Lakambini:
Si Binibining Shein ay inyong napakinggan
Bukod sa mahirap ang pagpipilian,
Talino at ganda parehas nating inaasam
Muli nating ipagpatuloy ang balitatakan.
Makata 1:
Ang katalinuhan’y mahalaga
Hindi lang para magpakadalubhasa,
Ito din ay nakakaganda
Sa pisikal na anyo man ay di pinagpala.
Matatalino’y mayroong dunong
Kaalaman upang sumulong,
Hindi lamang sap ag-iisip
Kundi pagandahin kahit ang pangit.
Makata 2:
Kagandaha’y di pahuhuli
Sa pagkakaroon ng silbi,
Mga kababaihang nakabibighani
Maituturing na ring bayani.
Mga Pilipinang nag-gagandahan
Kinikilala saan man,
Aanhin ang katalinuhan
Kung makha’y di maiharap sa karamihan.
Makata 1:
Kung ang mukha man ay di kanais-nais
Dahil di maturan ang kawangis,
Ngunit kaisipa’y mabangis
Ipagmamalaki na din ang talinong bagwis.
Aanhin ang kagandahan
Kung anga utak ay walang laman,
Hindi ba kahiya’hiya lamang
Kung sa pagsagot ay di maalam?
Makata 2:
Mga magaganda’y iginagalang
Ng kahit na sinong nilalang,
Hindi nan ga kinakailangang
Patunayan pa kung may alam.
Sa unang tingin pa lang
Ay hindi na maikakailang,
Kapag ang babae’y may kagandahan,
Sa lahat ng bagay sya’y nakakalamang.
Lakambini:
Sandali! Saglit muna nating awatin ang inyong bangayan,
Hinga muna nang malalim at kalmahan ang kalooban
Ganda ba dapat ang inyong paraan?
Kayo’y umayos at muling ituloy ang laban!
Makata 1:
Hindi sa lahat ng bagay
Ay kagandahan ay lamang,
Dahil kung salat sa kaalamaan
Anong matuturan ng kagandahan?
Hindi nalang ba magsasalita
Upang walang makahalata.
Na ang may magandang mukha
Ay salat sa talino at adhika?
Makata 2:
Paanong maipaparating sa iba
Ang katalinuhang taglay,
Kung ang kapangitan ay humahadlang
Upang makaharap sa madla.
Lakambini:
Kay gagaling ng ating dalawang mahusay na batikan
Pareho silang may katuwiran at may malalim na pinaglalaban,
Ang sagot ay sa atin nakasalalay
Kaya naman, talino ang nagtagumpay!
Salamat sa inyo mga mahal na manonood sa inyong pagsubaybay
Sana kayo’y naaliw at maraming napulot na kaalaman,
Hanggang sa muli nating pagkikita at balagtasan
Mabuhay tayong lahat, sana ganda at talino kapwa nating makatamtan.
Download