Mga Regulasyon at Kautusan ng Pamahalaang Lokal Kaugnay ng Napiling Negosyong Panserbisyo at Produkto EPP- INDUSTRIAL ARTS 4 QUARTER 4 Layunin: • Kaalaman: Nalalaman ang iba’t-ibang mga regulasyon at kautusan ng pamahalaang local kaugnay sa napiling negosyong panserbisyo at produkto. • Saykomotor: Naisasagawa ang iba’t-ibang regulasyon at kautusan ng pamahalaang local kaugnay sa napiling negosyong panserbisyo at produkto. • Apektiv: Napahahalagahan ang pagtupad sa regulasyon at kautusan ng pamahalaang local kaugnay sa napiling negosyong panserbisyo at produkto. Awitin natin ang “Leron-Lerong Sinta” PAGGANYAK : 1. Bigyang pansin ang mga sumusunod na larawan: • Ano ang iyong masasabi sa bawat larawan? • Saan niyo sila kadalasan nakikita? • Maliban sa mga larawan, • Ano-ano pang ibang negosyong panserbisyo ang alam niyo? Bakit mahalagang nakauniporme ang mga nagtitinda? Bakit iisa ang kulay ng tricycle at nakapila sila sa pagpapasasakay ng pasahero? Sa paanong paraan isinisilbi ang pagkain sa isang fast food? Ano-ano ang mga regulasyon at kautusan mula sa pamahalaang local ang dapat na sinusunod ng bawat negosyong panserbisyo at produkto? Paglalah ad: Ang bawat negosyong panserbisyo at produkto ay may sinusunod na regulasyon at kautusan mula sa pamahalaang local. Ano-ano kaya ito? Nangangailangan ng permit ang Negosyo ng: 1. a.Permit sa barangay: -Ito ay makukuha sa mga opisina ng barangay upang makapagbigay ng serbisyo sa komunidad nang maayos at legal. b. Permit sa munisipyo: - Ito ay permit na hinihingi sa munisipyo upang maging legal ang operasyon ng Negosyo. c. Permit sa Sanidad: - Ito ay permit na ginagawa ng ating mga doctor at iba pang mga health officials upang maging maayos ang kalinisan ng mga ibinebenta. 2. Kung negosyong panserbisyo tulad ng botika, panaderya o karinderya: -Medical certificate ng nagtitinda. May tamang kaalaman. Nakauniporme ang nagtitinda. 3. Kung panserbisyo at pantransportasyon: -May permit sa munisipyo. Nakarehistro ang motor. May lisensya ang drayber. Nakauniporme ang drayber. May rutang sinusunod. Mga dapat sundin sa pagpapatayo ng isang Negosyo: 1. Kumuha ng Permiso sa napiling Negosyo para sa operasyonm (Barangay, Bayan/Munisipyo, siyudad at DTI. 2. Magkaroon ng sanitation permit at health permit kung ang Negosyo ay may kinalaman sa: • Pagkain • Karinderya • Turo-turo • Kantina • Botika • Spa . Paglalapat/Aplika syon: Panuto: Maghanap ng kapareha at sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang mga sagot sa isang pirasong papel at ipabasa sa harapan. 1. Ano-ano ang iba’t-ibang mga regulasyon at kautusan ng pamahalaang local kaugnay sa negosyong pang serbisyo at produkto? 2. Bakit kailangang sumunod ang mga negosyong panserbisyo at produkto sa local na pamahalaan? Pagtatay a: Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa buong papel. 1. Ano-ano ang mga kakailanganin mo para makakuha ng permit sa; a. Barangay b. Munisipyo c. Siyudad d. DTI Takdang Aralin: Pumasyal sa isang tindahan, interbyuhin o tanungin ang namamahala kung ano-anong mga regulasyon at kautusan ang kanilang ginagawa o sinusunod. Thank you for your participation.