Uploaded by Pia Loraine

Applied 1112 Pagsulat-sa-Filipino-sa-Piling-Larang-Akademik semIII CLAS1 Konsepto-ng-Sulating-Akademik v2 - RHEA ANN NAVILLA

advertisement
PANGALAN:_____________________________________
BAITANG/SEKSYON:___________________________
____
11/12
FILIPINO
SA PILING LARANG
(Akademik)
Kwarter I/III – Linggo 1
Konsepto ng Sulating Akademik
CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS
SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Filipino sa Piling Larang (Akademik) - Baitang 11/12
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter I/III – Linggo 1: Konsepto ng Sulating Akademik
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa CLAS na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa CLAS na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.
Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa
Bumuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets
Manunulat: Enrile O. Abrigo, Jr.
Pangnilalamang Patnugot: Enrile O. Abrigo Jr
Editor: Carol Baron V. Baron
Tagawasto: Josie Lyn C. Estrada, Yvie Writz M. Arzaga
Tagasuri: Luis R. Mationg, Enrile O. Abrigo Jr, Angie Lyka L. Galaroza, Agnes C.
Barrera - Mendoza
Tagaguhit: Kier P. Ambrocio
Tagalapat: Naphtalie M. Andre-e
Tagapamahala:
Servillano A. Arzaga CESO V, SDS
Loida P. Adornado PhD, ASDS
Cyril C. Serador PhD, CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
Luis R. Mationg, EPS-Filipino
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian II
Pandibisyong Tagasuri ng LR:
Ronald B. Brillantes
Ronald N. Fragata
Mary Jane D. Parcon
Joseph D. Aurello
Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)
Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Aralin 1
Konsepto ng Sulating Akademik
MELCs:
1. Nabibigyang kahulugan ang akademikong pagsulat.
2. Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa: (a.) Layunin,
(b.) Gamit, (c.) Katangian, (d.) Anyo.
Mga Layunin:
1. Nakabubuo ng sariling kahulugan ng makrong kasanayan sa pagsulat.
2. Natutukoy ang mahahalagang konsepto ng pagsulat batay sa tinalakay.
3. Naibibigay ang mga tumpak na impormasyon ukol sa kasanayan sa
pagsulat.
Subukin Natin
Panuto: Unawain ang mga katanungan at bilugan ang titik ng tamang sagot sa tinutukoy
ng bawat aytem.
(Para sa bilang 1 -5)
I. Ang mahusay na pagsulat ay may indayog, masarap sa pandinig. Gaya rin ng
isang awit ng pag-ibig – ito ay nanunuot at tumatagos sa puso. May balani ang
magandang awitin. Ito ay kaakit-akit at mapaghalina. Minsan nga habang ikaw ay
nakikinig, di mo namamalayang ikaw pala ay humihimig. Ganyan dapat ang pagsulat
lalo na kung personal na sulatin…may indayog…may mahika at mahiwaga.
II. Paano nga ba ang sumulat? Una, kailangan itong may kaakit-akit na panimula
at ang tema ng sulatin ay agad na mabubuo sa isipan. Karaniwan itong makikita sa
unang talata pa lamang. Bagama’t kung may kabigatan ang tema, maaaring malinang
ito sa pamamagitan ng mahaba-habang panimulang talataan. Ikalawa, ang mabisang
sulatin ay kailangan magtaglay ng malinaw na kaisipan bukod pa sa makukulay na
paglalarawan ng mga personal na kuro o palagay. At higit sa lahat, kailangang mag-iwan
ito ng isang impresyon sa puso at diwa ng target na tagabasa upang makapagsangasanga ito at mabigyan ng bagong ningning at sigla.
(Pinagkunan: Santos, Corazon L at Gerard P. Concepcion. Filipino sa Piling Larang
Akademik. Kagamitan ng Mag-aaral. Pasig City: Department of Education – Bureau of
Learning Resource 2016.)
1. Ang pagsulat ay inihambing sa ____________.
A. pag-ibig
B. mahika at hiwaga
C. awitin
D. balani
2. Ano ang layunin ng unang talata sa teksto 1?
A. Maglahad
C. Magsalaysay
B. Maglarawan
D. Mangatwiran
3. Alin ang HINDI TOTOO kaugnay sa pagsulat ng panimula ng isang sulatin?
A. Makikita ang tema ng sulatin sa bahaging panimula.
B. Kailangang makatawag-pansin ang panimula ng sulatin.
C. Kapag mabigat ang tema, mababasa ito sa dakong katawan ng sulatin.
D. Ang tema ay agad na mabubuo sa isipan ng mambabasa sa unahan pa lamang
ng isang sulatin.
1
4. Ano ang layunin ng ikalawang talata sa teksto 1?
A. Maglahad
C. Magsalaysay
B. Maglarawan
D. Mangatwiran
5. Batay sa ikalawang talata, ano ang pinakamahalagang dapat taglayin ng isang
mabisang sulatin?
A. Kaakit-akit na panimula
C. Impresyon sa puso at diwa
B. Malinaw na kaisipan
D. Lahat ng nabanggit
6. Ano ang dalawang yugto ng pagsulat?
A. limbag at elektroniko
B. mental at berbal
C. pangkognitibo at mismong pagsulat
D. malikhain at akademik
7. Ang nagwika na ang kakayahan sa pagsulat ay itinutura at natututuhan dahil hindi umano ito
namamana sa magulang. Siya ay si _______.
A. Hellen Keller
C. Patrocino V. Villafuerte
B. Isagani R. Cruz
D. Yuzhong Zilong
8. Alin sa sumusunod ang pagsulat na nasa paraang elektroniko?
A. Blog sa internet
C. Balita sa Dyaryo
B. Talaarawan
D. Pagkopya mula sa pisara
9. Alin sa sumusunod ang katangian ng isang pormal na uri ng pagsulat?
A. Malaya ang pagtalakay sa paksa.
B. Masaya at personal ang tono nito.
C. May sinusunod na kumbensyon.
D. Nasa unang panauhan
10. Kompletuhin ang pangungusap. “Ang pagsulat ay ______________ ng mga ideya, konsepto,
paniniwala at nararamdaman na ipinahahayag sa paraang pasulat, limbag at ____________.
A. artikulasyon – elektroniko
C. kumbinasyon -- pamamahagi
B. pagsusuri -- pagtatala
D. sanggunian -- pagkakalap
Ating Alamin at Tuklasin
BINHI NG KAALAMAN
Ayon kay Isagani R.
Cruz, ang kakayahan
sa pagsulat ay
maaaring matutuhan
sa pamamagitan ng
pagsasanay o
pagtuturo. Dagdag pa
niya, ang kakayahang
ito ay hindi raw
namamana sa mga
magulang bagkus ay
nadedebelop sa
isang
indibiduwal.
Bilang wikang pambansa, kinakailangang
magamit
ang
Filipino
hindi
lamang
sa
komunikasyon bagkus ay maging sa produksyon
ng kaalaman. Kapag nasa wikang Filipino ang
pagdukal at pagdiskurso ng iba’t ibang
akademikong disiplina, mas nailalapit ito sa
totoong pamumuhay ng mga Pilipino. Kung kaya,
ang akademikong pagsulat sa iba’t ibang larangan
gamit ang wikang Filipino ay isa sa mga paraan
upang
maisulong
nang
tuloy-tuloy
ang
intelektuwalisasyon ng wikang pambansa.
Bilang isang Pilipinong iskolar na kagaya
mo, marapat mong malaman ang tungkulin at
responsibilidad sa gawaing akademikong pagsulat
kabilang ang daynamiks at paglalapat nito sa
makabuluhang proseso sa kultura at lipunang
Pilipino.
2
MAKRONG KASANAYAN SA PAGSULAT
Nina: Josefina Mangahis, Rhoderick Muncio, at Corazon Javilla
Ang kasanayan sa pagsulat ay mahalagang malinang sapagkat sa pag-aaral mo
bilang isang estudyante, ang pagsulat ay hindi lamang simpleng pagtataya ng ideya na
inilalapat sa papel o minamakinilya sa kompyuter. May prosesong nakalangkap sa
akademikong pagsulat na iisa-isahin sa bahaging ito, kasama ang pagtalakay ng uri, anyo
sa layunin at organisasyon ng teksto.
Ano nga ba ang pagsulat? Ang pagsulat ay artikulasyon ng mga ideya, konsepto,
paniniwala at nararamdaman na ipinahahayag sa paraang pasulat, limbag at elektroniko
(sa kompyuter). Binubuo ang pagsulat sa dalawang yugto. Una na rito ang yugtong
pangkognitibo, ibig sabihin, nasa isip lahat natin ang ating mga isusulat. Nagkakaroon ng
artikulasyon ang mga ideya, paniniwala at iba pa sa dahilang masusing dumaraan ito sa
isipan ng tao na pag-isipan, naisapuso o naunawaan bago naisulat. Ang ikalawang yugto
ay ang mismong proseso ng pagsulat. Nagkakaroon ng hulma at tiyak na hugis ang mga
ideya at konseptong nasa isipan ng tao habang unti-unting naisusulat ito sa papel.
Nagkakaroon ng kaganapan ang yugtong pangkognitibo sa pagsulat na mismo.
Magkakambal ang dalawang yugtong ito sa dahilang sabay na ginagamit ito sa pagsulat.
May tatlong paraan at ayos ng pagsulat tulad ng (1) pasulat o sulat-kamay na
kasama rito ang liham, tala ng leksyon sa klase, talaarawan at iba pa; (2) limbag tulad ng
nababasa sa jornal, magasin, aklat, ensayklopidya; at (3) elektroniko na ginagamit sa
pagsulat ng liham o kaya’y magsulat/magmakinilya sa kompyuter ng mga artikulo, balita,
dokumento, pananaliksik na ginagawa at iba pa.
IBA’T IBANG URI NG PAGSULAT
1. Pormal. Ito ay mga sulating may malinaw na daloy at ugnayan ng pangunahing paksa
at detalyadong pagtalakay ng balangkas ng paksa. May sinusunod na proseso ang pagsulat
at laging ginagamit dito ang ikatlong panauhan sa pagsulat ng teksto. Karaniwang mga
halimbawa nito ang akademikong pagsulat ng sanaysay, pamanahunang papel, at tesis.
Piling–pili ang mga salitang ginagamit sa pagsulat ng mga sulating pormal.
2. Di-Pormal. Ito ay mga sulatin na malaya ang pagtalakay sa paksa, magaan ang
pananalita, masaya at may pagkapersonal na parang nakikipag-usap lamang sa mga
mambabasa. Ang ilang halimbawa nito ay di-pormal na sanaysay, talaarawan, kuwento at
iba pa.
3. Kombinasyon. Malayo na rin ang narating ng malikhain at akademikong pagsulat sa
bansa lalo na sa hanay ng mga kabataang manunulat na nagsasagawa ng eksperimento ng
estilo, nilalaman at pormat ng pagsulat. May mga iskolarling papel na gumagamit ng tala
o istilo ng pagsulat ng jornal, liham at iba pang personal na sulatin kaya posibleng
magkaroon ng kumbinasyon ng pormal at di-pormal na uri ng pagsulat.
ANYO NG PAGSULAT AYON SA LAYUNIN
1. Paglalahad. Kung ang teksto ay nagbibigay-linaw o nagpapaliwanag hinggil sa proseso,
isyu, konsepto, o anumang paksa na nararapat na alisan ng pag-aalinlangan.
2. Pagsasalaysay. Kung ang teksto ay nagkukuwento ng mga magkakaugnay na
pangyayari.
3. Pangangatwiran. Kung ang teksto ay may layuning manghikayat at magpapaniwala sa
pamamagitan ng pagbibigay ng mga rason at ebidensya.
4. Paglalarawan. Kung ang teksto ay bumubuo ng isang imahe sa pamamagitan ng
paglalantad ng mga katangian nito.
3
PROSESO NG PAGSULAT
Ayon kay Isagani R. Cruz, naituturo ang pagsulat sapagkat hindi naman namamana
ang kakayahang ito. Pinag-aaralan sa kolehiyo ang proseso ng pagsulat upang maging
epektibo at makabuluhan ang gawaing pangkomunikatibo at pang-akademiko. Tingnan
natin ang anim na yugto sa proseso ng pagsulat:
1. Pagtatanong at Pag-uusisa. Kung ang kahingian naman sa klase ay isang sulating
pananaliksik o tesis, karaniwang maraming tanong ang nag-uudyok para sulatin ang mga
kasagutan para rito. Nabubuo rito ang paksa ng sulatin. Hindi ganap ang pagtatanong
lamang kung kaya’t ang mausisang isipan ang nagbibigay-daan para makahanap ng sagot
sa tanong. Ang pag-uusisa ang pangunahing simula ng isang masinop na pananaliksik.
2.Pala-palagay. Kung ang mausisang isipan ang binhi para sa simula ng pananaliksik, sa
isang banda, unti-unting nabubuo ang pala-palagay ng manunulat sa paksang susulatin.
Habang wala pang tiyak na balangkas at daloy ng pagtalakay sa paksang susulatin,
naghahain muna ng hakahaka ang manunulat.
3. Inisyal na pagtatangka. Sa bahaging ito, kailangang maipokus ng manunulat ang
saklaw ng pananaliksik na gagawin. Ito ang yugto na tatangkain ng manunulat na ayusin
ang panimulang datos, pala-palagay at iba pang impormasyon para makabuo ng
balangkas. Ang pagsulat ng balangkas ng pananaliksik o anumang dokumento ay
palatandaan na may direksyon na ang pagsulat na gagawin ng isang manunulat.Kapag
may balangkas na, babalik muli ang manunulat sa aklatan upang tiyak nang makuha ang
kailangang sanggunian, o di kaya’y pupunta na sa mga taong may ekspertong kaalaman
hinggil sa paksa para kapanayamin.
4. Pagsulat ng unang borador. Kung handa na ang lahat ng sanggunian at maayos na ang
daloy ng paksa at detalye ng paksa ayon sa balangkas nito, maaaring sulatin na ang unang
borador. Dito na ibubuhos ng manunulat ang kaniyang kasanayan, kaalaman at
kakayahan upang mabuo ang papel.
5. Pagpapakinis ng papel. Kung tapos na ang unang borador, muli’t muling babasahin ito
para makita ang pagkakamali sa ispeling, paggamit ng salita, gramatika at ang daloy ng
pagpapahayag, impormasyon at katwirang nakapaloob sa komposisyon.
6. Pinal na papel. Kapag nasuyod nang mabuti ang teknikal na bahagi at nilalaman ng
papel, puwede nang ipasa at ipabasa ito sa guro o sa iba pang babasa’t susuri nito.
ORGANISASYON NG TEKSTO
Ang lahat ng sulating pang-akademiko ay binubuo ng apat na bahagi:
1. Titulo o Pamagat. Naglalaman ito ng titulo o pamagat ng papel; pangalan ng sumulat,
petsa ng pagkasulat o pagpasa, at iba pang impormasyon na maaaring tukuyin ng guro.
2. Introduksyon o Panimula. Karaniwang isinasaad dito ang paksa, kahalagahan ng
paksa, dahilan ng pagsulat ng paksa at pambungad na talakay sa daloy ng papel.
3. Katawan. Dito matatagpuan ang mga pangunahing pagtalakay sa paksa. Ang
pangangatwiran, pagpapaliwanag, pagsasalaysay, paglalarawan at paglalahad ay
matatagpuan sa bahaging ito.
4. Kongklusyon. Dito nilalagom ang mga mahahalagang puntos ng papel.Isinasaad din sa
bahaging ito ang napatunayan o napag-alaman batay sa paglalahad at pagsusuri ng mga
impormasyong ginamit sa papel o sa pananaliksik.
(Pinagkunan: Corazon L. Santos at Gerard P. Concepcion, Filipino sa Piling Larang Akademik,
Kagamitan ng Mag-aaral, Pasig City: Department of Education – Bureau of Learning Resource
2016, 30-37.)
4
Tayo’y Magsanay
GAWAIN
1
Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan batay sa mga konseptong tinalakay.
Gawing gabay ang mga tanong.
1. Paano nagaganap ang dalawang yugto ng pagsulat? Ito ba ay magkahiwalay o sabay na
nagaganap? Ipaliwanag.
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
2. Ano-ano ang pagkakaiba at pagkakapareho ng pormal, di pormal, at kombinasyon na
uri ng pagsulat? Itala sa pamamagitan ng venn diagram.
Pormal
Di Pormal
Kombinasyon
GAWAIN
2
Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan batay sa mga konseptong tinalakay.
Gawing gabay ang mga tanong.
1. Magbigay ng mga halimbawa ng sulatin na ginagamitan ng iba’t ibang anyo ng pagsulat
ayon sa layunin.
ANYO NG SULATIN
1. Paglalahad
2. Pagsasalaysay
3. Pangangatuwiran
4. Paglalarawan
HALIMBAWA
Do It Yourself Tutorial ng pagkukumpuni ng appliances
•
•
•
•
5
2. Batay sa iyong sariling karanasan, anong bahagi ng proseso ng pagsulat ang
pinakamahirap gawin? Bakit?
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
3. Kung susulat ka ng isang akademikong sanaysay tungkol sa CoViD-19, ano ang
gagamitin mong pamagat?
Pamagat:
__________________________________________
Ating Pagyamanin
GAWAIN
1
Panuto: Sumulat ng sariling kahulugan ng MAKRONG KASANAYAN SA PAGSULAT.
Tiyakin na ito ay orihinal na ideya na pinagyaman mula sa mga ideyang natutuhan mula
sa talakayan.
Para sa akin, ang MAKRONG KASANAYAN SA PAGSULAT ay …
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
Gawain 2
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
6
_____________________________________________________________.
GAWAIN
2
Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan batay sa mga konseptong tinalakay.
Gawing gabay ang mga tanong.
1. Anyo ng pagsulat na gumagamit ng paglalantad ng katangian ng paksa.
P
A
G
A
L
A
A
2. Ayon sa kanya, ang pagsulat ay natututuhan sapagkat hindi naman ito namamana.
A
N
R
U
Z
3. Uri ng pagsulat na pinagsamang pormal at di-pormal.
O
M
N
A
Y
O
4. Tatlong paraan ng pagsulat: 1. Pasulat, 2. Limbag, 3. _____________.
E
L
T
R
N
K
5. Dito na ibubuhos ng manunulat ang kaniyang kasanayan, kaalaman at kakayahan
upang mabuo ang papel.
B
R
A
R
Ang Aking Natutuhan
7
Ating Tayahin
Panuto: Unawain ang mga katanungan at bilugan ang titik ng tamang sagot sa tinutukoy
ng bawat aytem.
1. Alin sa sumusunod ang pagsulat na nasa paraang elektroniko?
A. Blog sa internet
C. Balita sa Dyaryo
B. Talaarawan
D. Pagkopya mula sa pisara
2. Alin sa sumusunod ang katangian ng isang pormal na uri ng pagsulat?
A. Malaya ang pagtalakay sa paksa.
B. Masaya at personal ang tono nito.
C. May sinusunod na kumbensyon.
D. Nasa unang panauhan
3. Kompletuhin ang pangungusap. “Ang pagsulat ay ______________ ng mga ideya, konsepto,
paniniwala at nararamdaman na ipinahahayag sa paraang pasulat, limbag at ____________.
A. artikulasyon – elektroniko
C. kumbinasyon -- pamamahagi
B. pagsusuri -- pagtatala
D. sanggunian – pagkakalap
4. Ano ang dalawang yugto ng pagsulat?
A. limbag at elektroniko
B. mental at berbal
C. pangkognitibo at mismong pagsulat
D. malikhain at akademik
5. Ang nagwika na ang kakayahan sa pagsulat ay itinutura at natututuhan dahil hindi umano ito
namamana sa magulang. Siya ay si _______
A. Hellen Keller
C. Patrocino V. Villafuerte
B. Isagani R. Cruz
D. Yuzhong Zilong
(Para sa bilang 6 -10)
I. Ang mahusay na pagsulat ay may indayog, masarap sa pandinig. Gaya rin ng
isang awit ng pag-ibig – ito ay nanunuot at tumatagos sa puso. May balani ang
magandang awitin. Ito ay kaakit-akit at mapaghalina. Minsan nga habang ikaw ay
nakikinig, di mo namamalayang ikaw pala ay humihimig. Ganyan dapat ang pagsulat
lalo na kung personal na sulatin…may indayog…may mahika at mahiwaga.
II. Paano nga ba ang sumulat? Una, kailangan itong may kaakit-akit na panimula
at ang tema ng sulatin ay agad na mabubuo sa isipan. Karaniwan itong makikita sa
unang talata pa lamang. Bagama’t kung may kabigatan ang tema, maaaring malinang
ito sa pamamagitan ng mahaba-habang panimulang talataan. Ikalawa, ang mabisang
sulatin ay kailangan magtaglay ng malinaw na kaisipan bukod pa sa makukulay na
paglalarawan ng mga personal na kuro o palagay. At higit sa lahat, kailangang mag-iwan
ito ng isang impresyon sa puso at diwa ng target na tagabasa upang makapagsangasanga ito at mabigyan ng bagong ningning at sigla.
(Pinagkunan: Santos, Corazon L at Gerard P. Concepcion. Filipino sa Piling Larang
Akademik. Kagamitan ng Mag-aaral. Pasig City: Department of Education – Bureau of
Learning Resource 2016.)
8
6. Ang pagsulat ay inihambing sa ____________.
A. pag-ibig
B. mahika at hiwaga
C. awitin
7. Ano ang layunin ng unang talata sa teksto 1?
A. Maglahad
B. Maglarawan
C. Magsalaysay
D. Mangatwiran
D. balani
8. Alin ang HINDI TOTOO kaugnay sa pagsulat ng panimula ng isang sulatin?
A. Makikita ang tema ng sulatin sa bahaging panimula.
B. Kailangang makatawag-pansin ang panimula ng sulatin.
C. Kapag mabigat ang tema, mababasa ito sa dakong katawan ng sulatin.
D. Ang tema ay agad na mabubuo sa isipan ng mambabasa sa unahan pa lamang
ng isang sulatin.
9. Ano ang layunin ng ikalawang talata sa teksto 1?
A. Maglahad
B. Maglarawan
C. Magsalaysay
D. Mangatwiran
10. Batay sa ikalawang talata, ano ang pinakamahalagang dapat taglayin ng isang
mabisang sulatin?
A. Kaakit-akit na panimula
C. Impresyon sa puso at diwa
B. Malinaw na kaisipan
D. Lahat ng nabanggit
9
Susi sa Pagwawasto
Subukin Natin
1. A
2. B
3. C
4. A
5. D
6. C
7. B
8. A
9. C
10. A
Ang Aking Natutuhan
Artikulasyon
Konsepto
Nararamdaman
Inilimbag
Pasulat
Limbag
Ating Tayahin
1. A
2. D
3. A
4. A
5. B
6. A
7. B
8. C
9. A
10. D
Tayo’y Magsanay
Gawain 1
1. Nakabatay sa paliwanag ng mag-aaral.
2. Nakabatay sa palliwanag ng mag-aaral
Gawain 2
1. Nakabatay sa paliwanag ng mag-aaral.
2. Nakabatay sa paliwanag ng mag-aaral
3. Nakabatay sa paliwanag ng mag-aaral.
Ating Pagyamanin
Gawain 1
1. Nakabatay sa paliwanag ng mag-aaral.
Gawain 2
1. PAGLALARAWAN
2. ISAGANI R. CRUZ
3. KOMBINASYON
4. ELEKTRONIKO
5. BORADOR
Sanggunian
Aklat
Santos, Corazon L. at Gerard P. Concepcion. Filipino sa Piling Larang Akademik. Kagamitan
ng Mag-aaral. Pasig City: Department of Education – Bureau of Learning Resource
2016, 30-37.
10
FEEDBACK SLIP
A. PARA SA MAG-AARAL
Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito
ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya.
1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?
2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang
nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa iyong pagkatuto?
3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong
kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?
4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan
(kung Opo, ano ito at bakit?)
B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY
Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo
at pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?
Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)
Wala
Contact Number : __________________________________
PANGALAN NG PAARALAN:
Pangalan at Lagda ng Guro:
Pangalan at Lagda ng Magulang
o Tagapatnubay:
Petsa ng Pagtanggap ng CLAS:
Petsa ng Pagbalik ng CLAS:
11
OPO
HINDI
Download