Uploaded by Cristell Biñas

DETALYADONG-BANGHAY-ARALIN-SA-ARALING-PANLIPUNAN

advertisement
Detalyadong Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 1
Inihanda ni: Coleen Kate H. Lapidez
I.
LAYUNIN:
Pagkatapos ng aralin, pitumpu’t limang porsyento (75%) ng mga magaaral ang inaasahang:
a. Natutukoy ang impormasyon tungkol sa sariling paaralan:
pangalan, at lokasyon,
b. Nasasabi ang kahalagahan o papel ng paaralan sa buhay ng
bata; at
c. Nakukulayan ng tama ang pisikal na kapaligiran ng paaralan.
II.
PAKSANG ARALIN:
Paksa: Pagkilala sa aking Paaralan
Sanggunian: Araling Panlipunan 1. 2012. pahina (109-115).
Kagamitan: Laptop, mga larawan (presentasyon), DLP, sagutang papel
Pagpapahalaga: Kahalagahan ng paaralan sa buhay ng bata
III.
NILALAMAN
GAWAIN NG GURO
GAWAIN NG BATA
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
- Magsitayo ang lahat para sa
panalangin.
(Panginoon, maraming Salamat po sa
ibinigay ninyong panibagong
pagkakataon upang kami ay matuto.
Gawaran mo kami ng isang bukas na isip
upang maipasok naming ang mga itinuro
sa amin at maunawaan ang mga aralin
na makatutulong sa amin sa
pagtatagumpay sa buhay na ito. Amen.)
2. Pagbati
- Magandang umaga Grade 1!
-Magandang umaga din po titser Coleen,
magandang umaga mga kaklase,
ikinagagalak ko kayong makita ulit,
Mabuhay!
-Maaari na kayong umupo.
3. Pampasigla
Tumayo ang lahat, tayo muna ay (Ang mga bata ay tatayo)
sasayaw.
-Umupo na ang lahat
B. PAGGANYAK
-Mga bata, may ipapakita ako sa
inyo na iba’t ibang mga larawan. Ang
mga larawan na ito ay may kinalaman
sa ating aralin ngayon.
UPUAN
PISARA
PAPEL
-Anu-anong larawan ng mga bagay
ang inyong nakita? Magbigay ng isa?
Nica?
Upuan po.
-Tama!
-Anu pa ang bagay ang iyong
nakita? Prince?
Libro po.
-Magaling!
-Magbigay ka pa ng isang bagay na
nasa larawan, Jyrie?
Pisara po.
-Tama!
-Anong bagay pa ang nasa
larawan, Kurt?
Bag po.
-Magaling!
-Magbigay ka pa nga ng isang
bagay na nasa larawan, Zhac?
-Tama!
Papel po.
LIBRO
BAG
KRAYOLA
-Bukod sa upuan, libro, pisara, bag,
at papel, ano pa ang nasa larawan,
Shaldrei?
Krayola po?
-Magaling!
-Sa tingin ninyo, saan kaya natin
madalas makita ang mga bagay na ito?
Sa Paaralan po!
-Tama ang lahat ng inyong mga
sinabi. Ang mga bagay tulad ng upuan,
libro, pisara, bag, papel at krayola ay
iilan lamang sa kadalasang makikita
natin sa loob ng paaralan.
-Ngayon ay tutungo na tayo sa
ating bagong aralin.
Opo!
C. PAGLALAHAD/TALAKAYAN
-Meron akong babasahing kwento at
dapat lahat ay making. Ang pamagat
ng kwentong ito ay “Ayokong pumasok
sa paaralan” na sinulat ni Rene O.
Villanueva.
Ngayon na natapos na nating basahin
ang kwento, sasagutan natin ang mga
katanungan tungkol sa kwento.
a. Bakit ayaw ni Bzz na pumasok sa
Kasi po gusto niya lang maglaro ng
paaral? Stevin?
taguan kasama ang kanyang mga
kaibigan.
-Tama!
b. ano ang gustong gawin ni Bzz ngunit
hindi nya magawa kaya
nagpapakuwento sya sa kanyang
Magbasa po.
nanay? Terence?
-Magaling!
c. saan sinamahan si Bzz ng nanay
Sa paaralan po.
nya? Jyrie?
-Tama!
d. Ano ang ginawa ni Bzz sa paaralan?
Naglaro sila ng kanyang mga bagong
Elnissi?
kaibigan.
-Magaling!
Ano pa? Querebel?
Nag-aral silang kumanta po.
Tama!
Magbigay pa ng isa? Nicole?
Nagkaroon si Bzz ng maraming kakilala.
Magaling!
e. Ano kaya ang nararamdaman ni Bzz
noong siya ay pumasok na sa
paaralan? Bakit ito ang kanyang
Masaya po. Kasi nakapasok sya sa
naramdaman?
paaralan.
-Tama!
f. kung ikaw si Bzz, papasok ka rin ba
Opo, dahil masaya ang mag-aral at
araw-araw sa paaralan?Bakit? Micha?
makipaglaro sa mga kapwa ko bata.
(Magpapakita ang guro ng
presentasyon para sa bagong aralin)
-Ang pag-aaralan natin ngayon ay
tungkol sa “Pagkilala sa aking
Paaralan”
- Ano ang paaralan?
-Ang paaralan ay lugar kung saan tayo
natututong magsulat, at magbasa. Dito
natututo ng maraming bagay ang mga
batang tulad ninyo.
-Ang paaralan ay tulad ng
pangalawang tahanan at ang mga guro
naman ang ating pangalawang
magulang.
-Alam nyo ba kung ano ang pangalan
ng inyong paaralan at saan ang
lokasyon nito?
Opo, titser.
-Ang pangalan ng ating paaralan ay
Sto. Niño Elementary School.
-Ano ang pangalan ng ating
Sto. Niño Elementary School.
paaralan? Jethro?
-Magaling!
Ang lokasyon naman nito ay nasa
Purok Twin River West, Barangay Sto.
Niño, Koronadal City.
-Saan naman ang lokasyon ng
inyong paaralan? Stevin?
-Tama!
Tandaan: Mahalaga na makilala mo
ang paaralang iyong pinapasukan. Ito
ang nagsisilbing iyong ikalawang
tahanan.
Purok Twin River West, Barangay Sto.
Niño, Koronadal City.
-Ngayon, tutungo naman tayo sa
kung ano “Ang Papel ng Paaralan sa
Aking Buhay”
-Ang paaralan ay isang lugar kung
saan marami kang makikilang mga
bagong kaibigan na iyong makakalaro,
makakasama mo sa pagbabasa,
pagsusulat, pagguhit at iba pang mga
gawain para matuto. Mahalaga ang
papel na ginagampanan ng paaralan sa
iyong buhay.
D. PAGLALAHAT
-Ang pangalan ng inyong paaralan
ay Sto. Niño Elementary School.
Sto. Niño Elementary School.
-Ang lokasyon nito ay nasa Purok
Twin River West, Baranggay Sto.Niño,
Purok Twin River West, Baranggay
Koronadal City.
Sto.Niño, Koronadal City.
-Bakit mahalaga ang paaralan sa
buhay ng batang katulad mo? Zach?
Ang paaralan po ay mahalaga dahil ditto
po natututo ng maraming bagay ang mga
Magaling!
bata.
-Paano mo naman maipapakitang
mahalaga sa iyo ang paaralan mo?
Sa pamamagitan po ng pagpapanatili ng
Prince?
kalinisan ng paaralan.
Tama!
Palagi nating tatandaan na Malaki ang
papel na ginagampanan ng paaralan sa
ating buhay dahil nagsisilbi itong
ikalawang tahanan natin upang matuto.
Naintindihan ba mga bata?
Opo, titser.
E. PAGLALAPAT
-Ngayon ay bibigyan ko kayong lahat
ng gawain. “Kulayan mo Ako”
Ilabas muna ang inyong mga
pangkulay.
Handa na ba?
Opo, titser.
-Babasahin ko muna ang panuto.
Making.
Panuto: Kulayan ang larawan ng
paaralan tulad ng nasa larawan na
nasa ibaba. Huwag kalimutan na Isulat
ang pangalan sa itaas.
-Maaari na kayong magsimula.
Bibigyan ko kayo nag sampung
minutos sa pagkulay.
Tapos na ba?
-Maaari na ninyong ipasa sa harap
ang inyong Gawain
Pangkatang Gawain
-Ngayon naman ay magkakaroon tayo
Pangkatang Gawain. “Buuin mo Ako”
Panuto: Hahatiin ko kayo sa apat na
pangkat at bawat pangkat ay bibigyan
ko ng puzzle. Kung sinong grupo ang
unang makabuo ng puzzle ay sisigaw
ng Darna!
Opo, titser.
(Pinapasa paharap ang mga gawain)
Ano ang nabuo ninyo?
IV. PAGTATAYA/ EBALWASYON
Panuto: Tukuyin ang tamang sagot
sa mga tanong. Bilugan ang letra ng
tamang sagot.
1. Ano ang pangalan ng ating
paaralan?
A. Sto. Niño Elementary School
B. Marbel 1 Elementary School
C. Osita Elementary School
2. Saang lugar tayo natututong
magbasa, magsulat at magbilang?
A. Klinika
B. Paaralan
C. Ospital
3. Saan ang lokasyon ng ating
paaralan?
A. Baranggay Mabini, Koronadal
City
B. Baaranggay Zone III
C. Purok Twin River West,
Barangay Sto. Niño, Koronadal City
4. Mahalaga ba ang paaralan sa ating
buhay?
A. Oo
B. Hindi
C. Medyo
5. Ano ang papel ng paaralan sa buhay
natin?
A. Upang matuto
B. Upang maging pasaway
C. upang maging tamad
V. TAKDANG ARALIN
-Gumupit ng limang larawan ng mga
lugar na makikita ninyo sa loob ng
Paaralan po.
paaralan at idikit ito sa kwaderno ng
inyong takdang aralin.
Halimbawa: Klinika
Opo, titser.
Download