Natural Tourism Vs. Man-Made Tourism. Isang Komparatibong pag-aaral sa preperensya sa paglalakbay ng mga mag-aaral ng Central Luzon State University PAMAGAT Carl Lester B. Dela Cruz Hayacent Estabillo Dannah Jazhmine Mangoba Denice Anne Buendia Desiree Mae Repato Diana Gawat Divine Apostol Dianne Natividad Fairy Geil Reyes Gian Carlo Escamillas Batsilyer ng Agham sa Tourism Management Isang Di-Gradwadong Pananaliksik na Ipinasasa Kaguruan ng Departamento ng Filipino, Kolehiyo ng Mga Sining at Agham Panlipunan, Central Luzon State University, Lungsod Agham ng Muñoz, Nueva Ecija, Pilipinas Bilang Katugunan sa Pangangailangan Para sa Kursong Batsilyer ng Agham sa Tourism Management FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA MARSO 2021 INTRODUKSYON Ang Kaligiran ng Pag-aaral Kung babalikan ang pangyayaring naganap bago pa man maipanganak ang turismo, nakakalungkot kung ito'y iisipin. Nakakamanghang isipin na ang tanging gamit ng mga taon noon sa kanilang paglalakbay ay tanging ang kanilang paa lamang. Sa pag-usbong ng sibilisasyon ay mas pinahirap pa ang paglalakbay dahil ang mga matitibay na tribo ang siyang namamahala at kinukumpiska ang mga pagmamay-ari ng mga mamamayan. Sa kabilang banda, humanap ng paraan ang mga tao upang maipagpatuloy ang kanilang pakikipagsapalaran. Dito sa panahong ito ay naimbento ang mga pangkalakalang ruta at mga mapang gawa ng mga tao. Dagdag pa rito ang pinaunlad ang mga ruta ng mga Egipto, Griyego at Roma. Dito nagsimulang umunlad ang turismo na siyang tinangkilik ng mga tao. Sa pagusbong ng Industriyalisasyon ay mas napadali ang paglalakbay dahil dito naimbento ang mga tren at iba pang uri ng makinerya na may kakayahan sa paglalakbay. Hudyat na rin nito ang pag-usbong ng ibat-ibang uri ng turismo at pagpapakilala sa mga tao na kahit saan man mapuntang lugar ay tiyak na ligtas at payapa. Sa kasalukuyang panahon, iba't ibang uri na ng turismo ang naipakilala sa mga mamamayan na siyang dahilan upang akitin ang kanilang interes. Iba’t ibang uri ng turismo na nakabatay sa kanilang kagustuhan o preperensya upang makaranas sila ng kasiyahan habang tumutuklas ng mga natatanging lugar. Nagsisilbi rin ang mga iba’t ibang uri ng turismo bilang bahay upang makapagpahinga dahil na rin sa mga patuloy na pag-agos ng trabaho at mga responsibilidad. Isa na dito ang natural na turismo na mismong kalikasan ang may gawa at naging atraksyon. Isa itong natural na atraksyon na bigay ng kalikasan para sa mga mamamayan. Ito ang turismo na isa sa mga pinapangalagaan ng mga tao tila ba bihira ang ganitong atraksyon. Dagdag pa rito, kadalasang nakikita ang mga ganitong atraksyon na malayo sa mga syudad at napapaligiran lamang ng mga anyong kalikasan. Sa kabilang banda, hindi naman magpapatalo ang mga mamamayan na may kakayahan ding gumawa ng mga atraksyon na kung tawagin ay man-made na turismo. Isa ito sa mga atraksyon na mismong mga tao ang may gawa para sa mga kapwa tao. Isa rin ito sa mga popular na atraksyon sa kadahilanang may kapangyarihan ang tao na baguhin at paunlarin ang atraksyon base sa mga preperensya ng mga turista. Laganap ang ganitong turismo at kadalasang malapit lamang ito sa mga syudad. Ang man made na turismo ay kinakailangan ng mga mahuhusay sa larangan ng inhinyero at kakayahang mag desinyo ng mga palamuti na siyang magiging paraan upang makaakit ng mga tao. Sa pagsasaliksik na isasagawa, layunin nito na matukoy ang preperensya ng mga mag-aaral ng Central Luzon State University sa ipagkukumparang Man-Made tourism at Natural Tourism sa kanilang paglalakbay. Bibigyang pansin din ang mga dahilan ng mga mag-aaral sa pagpili sa nasabing uri ng turismo. Dagdag pa rito, makapagbigay ng rekomendasyon na siyang makakatulong sa mga mag-aaral kung sila ay may interes sa paglalakbay sa ganitong uri ng turismo. Ang pagsasaliksik na ito ay maaaring maging basehan ng mga estudyante o mga pangkat ng tao na gustong bumisita sa ibang lugar na naglalayong magkaroon ng kaalaman at kamalayan kung ano ang kanilang inaasahan sa ganitong uri ng turismo. 1 Paglalahad ng Suliranin Ang pag-aaral na ito ay tumutukoy sa preperensya ng mga mag-aaral ng CLSU ukol sa Natural Tourism at Man-made Tourism sa kanilang paglalakbay. Layunin ng pag-aaral na ito kung ano ang mas higit na kagustuhan ng mga mag-aaral ng CLSU ukol sa Natural Tourism at man-made Tourism sa kanilang paglalakbay. Gayundin ang mga iba pang dahilan na magpapatunay sa kanilang napiling uri ng turismo. Ang mga sumusunod na tanong ay tiyak na masasagot ng Pananaliksik na ito: 1. Aling uri ng turimo ang preperensya ng mga mag-aaral sa kanilang paglalakbay? 2. Aling uri ng turismo ang mas higit bisitahin ng mga mag-aaral sa kanilang paglalakbay? 3. Ano ang mga dahilan na maging preperensya nila ang Natural na Tourism o Man Made Tourism sa kanilang paglalakbay? 4. Ano ang maaaring hadlang sa pagpili ng preperensyang pang-turismo ng mga mag-aaral? 5. Anong uri ng turismo ang mas kailangang paunlarin at pagyamanin? Kahalagahan ng Pag-aaral Para sa itatampok na pananaliksik, layuning matukoy kung ano ang preperensya sa pinagpipiliang Natural na Turismo at Man Made na Turismo na siyang makakatulong sa mga sumusunod na pangkat ng tao: Sa mga turista- Ang komparatibong pag-aaral na ito ay higit na magbebenepisyo sa mga turista sapagkat magkakaroon sila ng ideya at basehan sa pagpili ng kanilang preperensya sa paglalakbay. Makatutulong ang pananaliksik na ito upang lalong mapalawak ang kanilang kaalaman sa pagpili ng kanilang pupuntahan at upang malaman nila kung ano ang angkop na lugar o destinasyon na makapagbibigay sa kanila ng aliw at kasiyahan. Ito rin ay magsisilbing gabay o patnubay upang malaman ang pagkakaparehas at pagkakaiba ng man made na tourism sa natural na turismo. Sa mga mag-aaral- Layunin ng pananaliksik na ito na mabuksan ang isipan ng mga mag aaral tungkol sa komparatibong pag-aaral sa preperensya sa paglalakbay ng mga mag-aaral ng clsu. Lubos na makatutulong ang pag-aaral sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sapat na ideya at kaalaman ukol sa kalidad ng parehong man made na turismo at natural na turismo. Ang aral na kanilang makukuha mula sa komparatibong pag-aaral na ito ay maari rin nilang ibahagi sa kanilang kapwa mag-aaral upang mas mapalawak at makatulong na magkaroon ng wastong preperensya sa kanilang paglalakbay. Nagsisilbing gabay ito upang malinang ang kanilang kaisipan at kakayahan sa kanilang pag-aaral. Inaasahan na ang pag-aaral na ito ay posibleng makatulong hindi lang upang maging basehan sa preperensya ng paglalakbay ngunit para rin sa mga aktibidad sa eskuwelahan na may kinalaman sa turismo. 2 Sa mga guro- Magiging mahalaga ang pananaliksik na ito sa mga guro dahil mas mabibigyan nila ng sapat na gabay ang kanilang mga estudyante sa pagkakaiba at pagkakaparehas ng man made at natural na turismo. Sa pagtamo ng munting aral at pag obserba sa bawat hilig at interes ng mag-aaral magkakaroon sila ng kakayahan na gabayan ang bawat estudyante sa kanilang dapat gawin upang matulungan ang mga mag-aaral sa tamang pamamaraan ng kanilang pagaaral. Ang karagdagang kaalaman na posibleng makuha ng mga guro sa pag-aaral na ito ay magiging instrumento sa pag turo at pag alalay sa pagkamit ng wastong preperensya sa paglalakbay ng bawat mag-aaral. Sa mga susunod na mananaliksik- Para sa mga susunod na mananaliksik, ang pag-aaral na ito ay lubos na makatutulong lalo na kapag ang kurso at tema ng kanilang pag-aaral ay may kinalaman sa turismo. Isa sa rason kaya isinagawa ang pananaliksik na ito ay upang maibahagi ang mga nakalap na datos at impormasyon ng mga kasalukuyang mananaliksik sa susunod pang mga mag-aaral tungkol dito. Ang mga salik ng pag-aaral tungkol sa komparatibong pag-aaral ng man-made na turismo at natural na turismo ay lubos na makatutulong sa kanilang pag-aaral at pananaw sa preperensya sa paglalakbay. Makatutulong ang pananaliksik na ito na magbigay ng bagong kaalaman sa mga susunod na mga mananaliksik ukol sa komparatibong pag-aaral sa man-made tourism at natural made tourism, magbibigay linaw din ito sa mga tanong sa kanilang isipan at nakatutulong upang malaman ang iba't ibang preperensya ng mga mag-aaral ng clsu sa paglalakbay. Ang pananaliksik na ito ay maaari ring maging isang inspirasyon para sa mga susunod na mananaliksik na may interes na pag-aralan ang paksang may kinalaman sa turismo. Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagtukoy ng preperensya sa paglalakbay na mayroon ang mga mag-aaral sa Central Luzon State University mula ika-unang taon hanggang ika-apat na taon sa kolehiyo sa akademikong taon 2020-2021. Nililimitahan ng pag-aaral na ito ang mga estudyante na nagmula sa ibang paaralan o unibersidad at ang mga mag-aaral na nabibilang sa mababang antas tulad ng elementarya at sekondarya. Ang pananaliksik na ito ay nakatuon lamang sa pagtukoy ng preperensya sa paglalakbay ng mga mag-aaral sa Central Luzon State University at ang ibang aspeto patungkol sa turismo ay hindi saklaw ng pananaliksik na ito. 3 Depinisyon ng mga Termino Upang maging mas madali at mas maunawaan ng mga mambabasa ang ginawang pag-aaral, minabuti ng mga mananaliksik na bigyang kahulugan ang ilan sa mga terminolohiyang maaaring magdulot ng pagkalito sa mga mambabasa. Ang mga terminolohiyang nagamit sa pananaliksik na ito ay ang mga sumusunod: Atraksyon - isa lamang ito sa mga dahilan kung bakit bumabalik-balik ang mga turista sa isang lugar. Industriyalisasyon - ito ay ang pagbabagong sosyal at ekonomikal na pag-angkop sa mga bagong kagamitan na mas makapagpapadali sa pag unlad ng industriya. Komparatibo - ginagamit kung naghahambing ng dalawang magkaibang antas o lebel ng katangian ng ideya, bagay, pangyayari at iba pa. Man Made Tourism - ay turismo na gawa mismo ng tao upang maging pasyalan o destinasyon. Natural Tourism - ang natural tourism ay nagmula mismo sa kalikasan na siya na mas lamang pinaunlad upang maging atraksyon ng mga turista. Pananaliksik - isang sistematiko at siyentipikong proseso ng pangangalap, pagsusuri, pag-aayos at pagpapakahulugan ng mga datos o impormasyon sa paglutas ng suliranin at pagpapatotoo ng prediksyon. Preperensya - isang higit na kagustuhan para sa isang partikular na uri ng gawain Salik - ay ano mang bagay o pangyayari, mahahalagang elemento na maaaring makaimpluwensya sa kahihinatnan ng isang paksa. Sibilisasyon - ito ay tumutukoy sa pamumuhay ng sinaunang mga lungsod. Turismo - komersyal na operasyon nang paggalaw ng isang tao o mga tao sa isang lugar, para sa paglilibang, negosyo at iba pang mga layunin. 4 REBYU NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL Kaugnay na Literatura I. Pag-aaral ng kaso tungkol sa natural na turismo ng mga mag-aaral sa unibersidad Ang turismo sa kalikasan ay isang mahalagang bahagi ng industriya ng turismo sa mundo at mahalaga, isa na nakakakuha ng katanyagan. Nag-uulat na ang sektor ng turismo ng kalikasan ay umabot sa 7% ng lahat ng paglalakbay sa ibang bansa, ngunit malaki ang pagkakaiba-iba tungkol sa mga naibigay na rehiyon sa mundo. Dapat ituro na ang taunang pandaigdigang pandaigdigang rate ng paglago ng turismo ay tinatayang nasa 10-30% Ito ang rehiyon na ito, at mas tiyak ang konsentrasyon ng natural na mga assets (pati na rin ang imahe ng turismo) ng isang naibigay na patutunguhan, na tumutukoy sa mga malalaking pagkakaiba-iba. At sa gayon, bilang isang halimbawa, sa Australia ang sektor ng turismo ng kalikasan ay umabot ng hanggang 62% ng mga dayuhan at 16% ng mga domestic turista. Ang pangkat na ito ay nakikilala sa pamamagitan ng kakayahang kumita nito: noong 2008, ang mga dayuhang turista na "likas na turismo" ay nag-average ng paggastos ng $ 6009 bawat biyahe, habang ang mga "klasiko" na turista ay $ 37471 lamang. Ang likas na turismo ay itinuturing na isa sa mga pinakamahalagang salik na akit ang mga dayuhang turista sa maraming Aprika mga bansa. Gayunpaman dapat itong maituro na ang ganitong uri ng paglalakbay ay hindi palaging isang salamin ng positibong pagbabago. Sa opinyon ni Akama (1996), ang turismo sa kalikasan sa Kenya, na stereotypically nilikha ng mga organisasyong kanluranin, ay salungat sa mga pangangailangan at inaasahan ng lokal na populasyon . Ito ay sapagkat nakatuon lamang ito sa mga piling likas na pag-aari na kilala at na-promosyon sa daang siglo (sa isang malaking lawak dahil sa mga kolonyal na pagbabago at kasunod na henerasyon ng mga Europeo at Hilagang mga Amerikano). Sa Poland ang turismo sa kalikasan ay paksa ng maraming gawaing pang-akademiko, kumpara sa iba Ang mga bansa sa Europa maraming mga patutunguhan na may mataas na likas na halaga (medyo nagsasalita) ay matatagpuan dito, at ang bilang ng mga dayuhang turista ay patuloy na lumalaki (makikita halimbawa sa mga serbisyong inaalok ng Eco-Frontiers Ranch). Gayunpaman ang pangunahing isyu ay tila namamalagi sa isang tumpak na kahulugan ng kung ano ang likas na turismo sa kalikasan kapwa sa Poland pati na rin sa pandaigdigang konteksto. Ito ay makabuluhan hindi lamang para sa akademikong pagsasaliksik ngunit din (at marahil ay mas mahalaga pa rin) para sa tumpak na mga pagsusuri sa merkado sa industriya ng turismo Ang mismong konsepto nito ng turismo sa kalikasan, na ang simula ay nagsimula pa noong ika-18 c. ang pagka-akit sa elemental na katangian ng Romantismo bilang taliwas sa lalong mas sibilisadong lungsod at industriyalisadong mundo, ay gumawa ng mga isyu at talakayan sa Polish pati na rin panitikang banyaga. Ang salita na turismo sa kalikasan ay madalas na ginagamit ng palitan ng berde, kahalili, malambot, napapanatiling, responsable o ecotourism . Ang Kowalczyk & Kulczyk ay gumagamit din ng konsepto ng eco-friendly na turismo samantalang Kamieniecka - pro-ecological turismo Bilang karagdagan, may mga anyo ng turismo na direktang nauugnay sa natural na kapaligiran. Gayunpaman, ang kanilang nomenclature ay tumutukoy sa isang naibigay na ecosystem, halimbawa sa turismo sa kagubatan, turismo sa lawa, iba pang turismo ng polar atbp, o iba pa tulad ng kanue, pakikipagsapalaran, panonood ng ibon o kaligtasan ng turismo, na nasa gitna ng kalikasan ngunit terminolohikal na nauugnay sa mga uri ng aktibidad 5 Sa konteksto ng mga pagkakaiba-iba sa konsepto partikular na mahalaga na ipakita ang magkakaibang pananaw ng iba't ibang mga mananaliksik. Pangunahin dapat tandaan na ang lahat ng uri ng turismo ng kalikasan, sa kabila ng kanilang pagkakaiba, ay kayang labanan ang malawak na turismo . Pangalawa, ang karamihan sa mga mananaliksik ay sumasang-ayon na ang turismo ng kalikasan ay sa katunayan anumang uri ng turismo na nagaganap sa natural na kapaligiran, dahil sa proviso na ang mapagkukunan ng kasiyahan ng turista ng likas na katangian ay nagmumula sa pakikipag-ugnay sa natural na Ang mga katulad na opinyon ay tininigan ng mga samahang kasangkot sa pamamahala ng turismo na isinasaalang-alang ito bilang isang uri ng paglilibang na sinasamantala ang mga likas na pag-aari sa isang partikular na pamamaraan Sa kabilang banda ang ilang mga mananaliksik ay binigyang diin na ang turismo ng kalikasan ay dapat na maiugnay sa mga aktibidad na nagaganap sa isang medyo hindi nabago na natural na kapaligiran. Gayunpaman, tama o hindi, sa puntong ito ang implikasyon ay ang turismo ng kalikasan sa mga lunsod na lugar, ngunit batay sa pagbisita sa mga zoo, arboreta, museo ng natural na kasaysayan o mga katulad nito, ay hindi kasama. Malinaw din na hindi lahat ng mga aktibidad na isinagawa sa isang likas na kapaligiran, na hindi nabago ng aktibidad ng tao, ay isinasagawa sa hangaring maging malapit sa kalikasan II. Pagsusuri ng mga likas o natural na atraksyon para sa turismo Sa patuloy na paglago at pag lawak ng mga turismong nakabatay sa kalikasan, ang mga protektadong lugar ay maaaring makaranas ng presyur mula sa mga turista. Ito ay dahil sa kalidad ng mga katangian na naihatid na ng ibat-ibang mga destinasyon na unang naranasan ng mga turista na siyang nagbigay o naghandog ng malaking impluwensya patungkol sa karanasan at kasanayan ng mga turista sa pag bisita sa mga naturang atraksyong at destinasyon (Deng, et al., 2002). Ang isang sistema ng pagsusuri at pag tatasa ng isang atraksyon at destinasyon ay maari o posibleng makatulong sa mga turista upang makapili ng wastong lugar o lokasyon, mapahusay at matugunan ang kasiyahan, pangangailangan, at preperensya ng turista, at posilbleng matulungang hikayatin ang mga turistang kumilos nang wasto at responsable sa mga lugar o lokasyon na nais nilang bisitahin. Bukod sa mga turista, ang mga tagapamahala o tagapangasiwa ng isang produktong turismo ay maaari ring makakuha ng isang mahusay at magiliw na pang-uunawa sa kung paano niya patatakbuhin at pamahalaan ang mga naturang atraksyon o destinasyon. Ayon kina Deng, King, at Bauer (2002), ang isinagawang pagsusuri na ito ay naglalayong mag mungkahi ng isang istrakturang herarkiya para sa pagtatasa at pagsusuri ng mga protektadong lugar sa pamamagitan ng pagtatalaga ng mga prayoridad sa iba’t-ibang mga elemento ng istraktura ng mga likas na turismo. Sa pamamagitan ng paglalapat ng pamantayang pamamaraan ng Deviation, ikinategorya nina Deng, King, at Bauer (2002) mula sa kanilang isinagawang pagsusuri o pananaliksik ang mga parke kabilang na ang parkeng Victorian mula sa Australia na kung saan natagpuan na maiuugnay sa antas ng pagbisita at kasikatan ng mga parke. Ang kabuuan ng pag-aaral patungkol sa pagsusuri ng mga likas o natural na atraksyon para sa turismo na isinagawa nina Deng, et al., (2002) ay naglalayong ipahiwatig ang epekto na nagagawa ng mga turista sa isang atraksyon o destinasyong pang turismo. Ang mga turismong nakabatay sa kalikasan o ang tinatawag nating natural na turismo ay unti-unti paring lumalago at lumalawak, kaya ang mga turista o bisita ng isang naturang lugar ay nararapat lamang na maging reponsable at kumilos ng naaayon o wasto sa lokasyon na ninanais nilang matunguhan. Naisaad 6 din ang tungkol sa kung paano naiimpluwensiyahan ng iba’t-ibang mga destinasyon at atraksyon ang pananaw at karanasan ng bawat turista na siyang nagiging rason sa posibleng pagtaas ng kalidad ng pagpili ng mga atraksyon na nais nilang bisitahin o puntahan. Nabanggit din ng mga may akda na sina Deng, et al., (2002) na ang isinagawang pag-aaral o pagsusuri na ito tungkol sa mga likas na atraksyon para sa turismo ay makatutulong at mapakikinabangan ng mga turista upang maging gabay sa pagpili at pag desisyon sa ninanais na bisitahing atraksyon at destinasyon at upang magkaroon ng karagdagang impormasyon upang malaman kung maaari bang matugunan ang kani-kanilang kagustuhan at inaasahan sa isang produktong turismo. Samakatwid, ang pagsusuri o pag-aaral na ito ay ginamitan ng mga may akda ng iba’t ibang istraktura ng sa gayon ay masuri at matasang mabuti ang ginagawang pag-aaral tungkol sa mga likas o natural na atraksyon para sa turismo. Nagpapahiwatig ito na ang mga turista ay nagkakaroon ng responsibilidad sa bawat atraksyon o destinasyon na kanilang nais bisitahin. Ipinahayag nina Deng, et al., (2002) kung paanong ang mga likas at natural na atraksyong turismo ay napakahalaga at patuloy dapat na nililinang at iniingatan. III. Masanting Karanasan at Pag-uugali sa Turismo na Nakabatay sa Kalikasan Ang magagandang karanasan ay kadalasang mahalaga sa mga tao. Ilang mga halimbawa nito ay ang karansan sa maganda o kahanga-hangang tanawin at pakikinig sa magandang musika na gawa ng kalikasain. Sinabi nina Shusterman at Tomlin (2008) na ang masinting ay may pangunahing halaga sa tao. Sa pagtaas ng pagtuon sa mga magandang karanasan at simbolikong halaga ng mga produkto at serbisyo, ito ay tumutukoy sa mga sentral na sukat ng santingan sa mga likas na karanasan batay sa kalikasan, at kung paano naiugnay ang pag-uugali ng turista. Ito ay isang empirikal na imbestigasyon na konsepto ng satingang mula sa parehong pananaw ng mga mga kostumer. Sa partikular, pinalawig ng aklat na ito ang nakaraang pagsisiyasat sa pamamagitan ng pagtuon sa mga kapaligiran sa mga lugar ng kalikasan. Ang pangkalahatang layunin nito ay dalawa. Una, naglalayon itong makakuha ng kaalaman sa sentral na sukatan sa turismo na nakabatay sa kalikasan. Pangalawa, nilalayon nitong makakuha ng kaalaman kung paano naiimpluwensyahan ang sukat na ito ang mga baryabol na kasiyahan, positibong emosyon, at katapatan ng kostumer. Upang makamit ang mga hangaring ito, ang konsepto ng santingan bilang isang hindi pangkaraniwang bagay ay ginalugad sa apat na sanaysay. Ang mga pamamaraang ginamit para sa pagkolekta ng datos ay mga panayam at isang pagsisiyasat sa isang kontekstong batay sa kalikasan. Ang pilosopiya at kagandahan ay hindi karaniwang ginagamit na konsepto sa pananaliksik sa turismo sa pangkalahatan. Sa halip, may kaugaliang wikain ang isang bagay tulad ng mga atraksyong panturista o patutunguhan kung ito ba ay "kawili-wili", "kaakit-akit", "maganda", "nakakaakit", atbp. Mayroong mga dahilan para sa pag-uugnay ng konsepto ng mga santingan sa likas na katangian ng turismo. Una, mayroong isang makasaysayang pag-uugnay sa pagitan ng pagliliwaliw tulad ng pamamasyal at turismo (Urry, 2002). Sa pananaliksik sa turismo, kinikilala na nakakaapekto ang katangian ng karanasan at kasiyahan ng mga turista, na nag-aambag sa kanilang katapatan patungo sa patutunguhan. Samakatuwid, ang mga katangian ng patutunguhan tulad ng tanawin, ay naging isang mahalagang sangkap ng maraming sukatan ng kasiyahan na ginamit sa pagsasaliksik sa turismo. Sa kabila ng katotohanang maraming mga pag-aaral na 7 kinikilala ang kahalagahan ng mga katangian, hanggang ngayon, ang katangiang ito ay higit na nabawasan sa isang solong dimensyonal na baryabol tulad ng "ang lugar ay maganda" sa pagtatasa ng kasiyahan sa patutunguhan. Sa kabila ng paglipas ng pagtuon ng karanasan sa ekonomiya sa pangkalahatan, kaunti ang empirikal na pananaliksik na isinagawa sa lugar na ito. Kamakailan lamang ito ay naging isang tema sa pananaliksik sa turismo na naguugnay sa mga karanasan ng turista. Ang ugnayan sa pagitan ng kalidad ng serbisyo at katapatan ay mahusay na kinikilala sa mga pag-aaral ng paguugali ng turista (hal., Baker & Crompton, 2000; Kozak, 2001). Ang mga positibong damdamin ay nauugnay kapag nag-aaral ng kalidad at katapatan ng turista. Samakatuwid, ang karagdagang pagsisiyasat sa mga isyung ito ay gumawa ng isang nakawiwiling pagpapatuloy sa pag-aaral na ito. Sinuportahan ng mga natuklasan ang konklusyon na ang mga katangian ng masinting karanasan sa “tanawin”, “kalinisan” at “katapatan” ay mahalagang mga kadahilanan na nakakaimpluwensya sa positibomg emosyon ng mga turista. Ang positibong emosyon ay may direktang epekto sa parehong layuning magrekomenda at layuning na muling bisitahin ang magagandang tanawin at upang bisitahin ang iba pang destinasyon. IV. Mga makabagong estratehiya na mapaunlad ang pagbisita ng mga turista. Kontekstong tumutukoy sa Atraksyong Gawa ng Tao sa Indonesia Nilalayon ng pag-aaral na ma-analisa ang istratehiya ng epekto sa pag impruba ng mga “Man-Made Tourism” sa Indonesia. Ngayon, ang “Man-Made Tourism” ay napakasikat para sa isang lipunan bilang isang kahaliling na turismo ng mga pamilya para sa libangan, edukasyon at kasiyahan. Ang uri ng pag-aaral na ito ay gumagamit ng isang “qualitative approach”. Ang mga diskarte sa pangangalap ng datos ay isinasagawa ng malalim na panayam sa mga aktor ng “Manmade Tourism”, na sina Jatim Park Batu Malang, Silangang Lalawigan ng Java, Taman Mini Indonesia Indah, Lalawigan ng Jakarta, Ragunan Zoo, Lalawigan ng Jakarta at Ancol, Lalawigan ng Jakarta, Indonesia . Ang pangkat ng mananaliksik ay nagsagawa rin ng koleksyon ng datos sa pamamagitan ng mga litrato at talaan sa larangan. Inirekomenda ng resulta sa pag-aaral na ang “Man-made Tourism” ay nangangailangan ng makabago, mabisa, mahusay at hindi madaling gayahin ang mga diskarte sa pagbabago upang madagdagan ang bilang ng mga turista at upang sila ay magkaroon ng laban sa mga iba pang turismo tulad ng natural at kult urang turismo. Dahil na rin sa paglaganap ng atraksyong ManMade Tourism, higit na tumataas ang kompetisyong nagaganap. Kaya't nagrekomenda ang pagaaral na ito ng mga mungkahi na siyang makakatulong upang maging mabisa at kapakipakinabang ang nga estratehiya sa pagtatayo ng mga man-made toruism. Ang mga humahawak sa negosyo na “Man-Made Tourism” ay kailangang pamahalaan nang maayos at propesyonal kung kaya't ang mga suki at taga dalo nito ay mas dumami pa hanggang sa pangmatagalan. Upang mas maging mabisa pa ang Man-Made Tourism, kinakailangan na ang mg mahahala nito ay may sapat na kakayahan at abilidad upang matugunan ang mga serbisyong ibinibigay sa mga turista. Kung ito'y maisasagawa ng maayos ay tiyak na maaakit ang mga turista na bumalik pa sa ganitong uri ng atraksyon. 8 Kaugnay na Pag-aaral I. Pagpaplano para sa Iceland bilang Natural na Turismo na nakaayon sa Pag-uugali Sa pag-aaral na isinagawa sa Iceland upang gawing Natural na Turismo ang ilang mga bahagi ng lugar. Ang resulta ng pag-aaral ay nagbigay ng pangkalahatang ideya patungkol kung paano isasagawa ang pagpaplano ng Iceland bilang natural na turismo sa mga lugar ng Myvatn, pambansang parke ng Skaftafell at Jokulsargljufur, pati na rin sa Landmannalaugar at Lonsoraefi. Sinuri ng pag-aaral ang mga karanasan ng mga bisita, uri ng mga turista na bumibisita sa iba’t ibang lugar, kanilang gawi sa paglalakbay, mga hinggil sa mga nakatayong imprastraktura at kanilang kasiyahan na mabigyan ng tamang serbisyo sa lugar ng Iceland. Ito ang mga nasabing suliranin na maaaring makaapekto kung gagawing natural na turismo ang mga nasabing lugar sa Iceland. Mahalagang mabigyang pansin ang ganitong mga dahilan upang mapagpasyahang mabuti kung ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagbuo ng atraksyon. Kumalap ng mga datos ang mga mananaliksik at tinalakay ang mga naging resulta ng ginamit na instrument para sa mga respondante. Tinalakay ang mga result ana may kaugnayan sa kapasidad sa pagdadala, potensyal na mga libangan at ang kakayahang makapagdala ng mga turista sa nasabing mga lugar. Batay sa resulta ng pag-aaral na isinagawa, sa mga bahaging kabundukan ng Iceland, maaaring bahagyang baguhin ang mga imprastrakturang nakatayo dito. Ipinakita dito na ang pagbabagong isinasaad ng mga respondante ay higit na makakapagpaganda sa tanawin sa mga kabundukang bahagi ng Iceland. Dagdag pa rito, naibahagi ng mga respondante ang nasabing pagbabago sa kadahilanang mas gusto nilang bumisita sa mga atraksyong may kinalaman sa kalikasan kung maaari. Maaaring ang dahilang ito ay nagpapakita na ang mga respondante ay may higit na pagmamahal sa atraksyong may kinalaman sa kalikasan. Dahil ang ganitong lugar ay higit na mas naipapakita ang tunay na kagandahan sa paghahanap ng mga destinasyon sa paglalakbay. Dagdag pa rito, ang mga patutunguhang lugar sa mga kapatagan ay dapat na paunlarin ang mga imprastrakturang nakatayo dito. Sa resulta pa lamang na ito ay ipinapakita na higit nitong mapapahusay ang serbisyo at matutugunan ang mga pangangailangan ng mga turista. II. Mga Pananaw ng Turismo na Batay sa Kalikasan, Mga Kagustuhan sa Paglalakbay, Mga Promosyon at Pagkakaiba sa pagitan ng Mga Domestiko at Internasyonal na Turista: Ang kaso ng Botswana Sinusuri ng pag-aaral na ito ang pananaw ng mga turista sa domestic at international tungkol sa kalikasan- nakabatay sa turismo gamit ang North-South conceptualization ng kalikasan at ang pag-set up ng mga pambansang parke bilang isang balangkas na pang-konsepto. Bilang karagdagan, gamit ang titig ng turista ni Urry (1990), tinatasa ng pag-aaral ang mga promosyon ng turismo sa Botswana mula sa pananaw ng mga lokal at turista ng mga turista. Bukod dito, tinatasa ng pag-aaral ang titig ng turista ng mga lokal at inihambing ito sa pang-internasyonal na titig ng turista. Ginamit ang mga kwalipikadong pamamaraan upang mangolekta ng datos, kasama ang malalim na panayam sa mga lokal na residente, internasyonal na turista, at tagapagtaguyod ng turismo tulad ng mga ahensya ng gobyerno at pribadong sektor. Isinasagawa din ang mga panayam sa photo-elicitation upang matulungan na makilala ang tingin ng mga respondente. Anim na mga site ng pag-aaral, kabilang ang mga protektadong lugar ng Chobe National Park (CNP), Moremi 9 Game Reserve (MGR), dalawang lungsod ng Gaborone at Francistown, at dalawang mga nayon sa lunsod ng Palapye at Maun ang napili para sa pag-aaral na ito. Ipinapahiwatig ng mga resulta na ang paraan ng pag-iisip ng mga tao sa Timog ng kalikasan ay naiiba mula sa kung paano ginagawa ng mga internasyonal na turista, at ito ay may epekto sa mga pagbisita sa mga pambansang parke. Habang para sa mga internasyonal na turista ang kalikasan ay sumasagisag sa libangan, pagpapabago, at isang pagkakataon na 'makalayo mula sa lahat', para sa mga lokal na nakikita ito bilang isang bahagi ng pang-araw-araw na buhay. Bukod dito, ang mga promosyon sa turismo sa bansa ay nakatuon sa pagtataguyod ng titig ng mga turista sa Kanluranin na ang lokal na titig ng merkado ay lubos na hindi pinansin ng sektor. Ang lokal na titig ay naiiba rin mula sa Kanlurang tingin. Habang para sa mga internasyonal na turista na bumibisita sa Botswana ang tingin ay nakadirekta patungo sa wildlife at ilang, para sa mga lokal, ang tingin ay nakadirekta sa mas maraming mga tradisyunal na patutunguhan, tulad ng mga bukid, pati na rin ng mas moderno. Ang pag-aaral ay mahalaga sa kanyang kontribusyon sa limitadong kaalaman sa domestic turismo sa di-Kanlurang mundo, lalo na sa Africa. Sinusuportahan ng pag-aaral ang panitikan na nauukol sa mga pananaw sa kalikasan at ilang ng mga tao sa Timog at Kanluran. Ang pag-aaral ay nagha-highlight ng mga pagkakaiba sa pagitan ng mga pang-internasyonal na turista at pananaw ng mga lokal sa turismo na nakabatay sa kalikasan pati na rin ang kani-kanilang tingin. Sa mga resulta na nagpapahiwatig ng isang intertwinement ng mga tao at kalikasan sa kontekstong Africa, ang paghahanap na ito ay makabuluhan sa pagpapaliwanag ng mababang pagbisita, dahil para sa ilan, ang mga pambansang parke ay pangkaraniwan lamang na mga kapaligiran na hindi ginagarantiyahan ang mga pagbisita dahil inaalok nila kung ano ang pamilyar na sa mga lokal. Para sa mga pandaigdigang merkado, kung saan ang mga respondente ay nagpapahiwatig ng isang pagdiskonekta sa kalikasan at kung saan ang kalikasan ay hindi isinasaalang-alang na isang bahagi ng pagkakaroon ng tao, ang ilang at mga pambansang parke sa Botswana ay itinuturing na pambihirang; kaya't ginagarantiyahan nila ang paningin ng Kanluranin. Dagdag dito, ipinapahiwatig ng pag-aaral ang kahalagahan ng kultura, kasaysayan at politika sa pagsusulong o hadlangan ang paglalakbay. Sinusuportahan din ng mga resulta ng pag-aaral ang pananaw na ang kasalukuyang mga teoryang turismo ng Kanluranin ay hindi ganap na maipaliwanag ang mga dinamika ng turismo sa mga umuunlad na bansa, higit sa lahat dahil sa pagkakaiba-iba ng kultura at kasaysayan sa pagitan ng dalawang grupo. Tulad ng ipinakita sa pag-aaral na ito, ang sapilitang paglilipat at pagtanggal ng mga lokal pati na rin ang pagkawala ng pag-access sa lupa at mga mapagkukunan nito ay nailalarawan ang pag-set up ng mga protektadong lugar. Samakatuwid, para sa mga lokal na respondente, ang turismo sa mga pambansang parke ay magkasingkahulugan ng mga lokal na pagbubukod, samakatuwid ang pagsasama ng gayong mga puwang sa mga puting Amerikano at Europa, na palaging mayroong at patuloy na may access, dahil sa mga patakaran na nagtataguyod ng mga ideal na Kanluranin. Sa gayon ang pag-aampon ng mga ideal na Kanluranin sa pagpapatakbo ng mga protektadong lugar ng mga independyenteng estado tulad ng Botswana ay lalong pinalayo 10 ang mga lokal mula sa mga naturang puwang at hadlangan ang pagbisita. Sa mga tuntunin ng kultura, kinumpirma ng pag-aaral ang pananaw na ang mga tao mula sa magkakaibang kultura ay naiiba ang pagtingin sa turismo (Alneng, 2002). Ang kaso ng Botswana ay nagpapahiwatig ng papel na ginagampanan ng kultura sa karagdagang hadlang sa paglalakbay at turismo sa mga Batswana. Gayunpaman, ipinapahiwatig din nito ang kahalagahan ng pagbuo ng mga produktong naka-embed ng kultura tulad ng agro-turismo at mga pakete na isinasaalang-alang ang "malapit na istrakturang panlipunan" na pinaboran ng lipunan. Sa kabilang banda, ipinapakita sa pag-aaral ang matanda at umunlad na kultura ng paglalakbay sa mga internasyunal na turista na nakapanayam. Ang industriya ng turismo samakatuwid ay nakatuon sa kasiyahan ang matanda na manlalakbay at ang kanyang / kanyang mga pangangailangan at pag-alaga sa kalikasan bilang isang kagamitang pang-libangan, mahalaga para sa mga estetika nito, at mga katangian ng libangan. Para sa mga Kanluranin, ang paglalakbay at ang kahalagahan ng Aesthetic ay palaging isang mahalagang bahagi ng buhay mula pa noong romantiko at transendental na mga panahon sa Europa at Hilagang Amerika (Burnett, 1989). Gayunpaman, sa konteksto ng Botswana, ang mga lokal na respondente ay nag-ulat ng isang parusa sa paglalakbay, lalo na ng mga kababaihan. Bukod dito, ang turismo ay nauugnay din sa pagiging maaksaya. Gayunpaman, kung saan pinahusay nito ang kabuhayan at isinulong ang pagkakaroon ng mga nasasalat na mga resulta, ang paglalakbay ay itinuturing na isang mahusay na pakikipagsapalaran na maaaring makisali. Samakatuwid, ang iba't ibang mga pananaw sa paglalakbay, kaakibat ng makasaysayang katangian ng panahon ng kolonyal at ang pag-set up ng mga pambansang parke, ay may mahalagang papel sa mga pagbisita sa parke. III. Pag-usad sa Kasiyahan ng Turista Patungong Katapatan sa Turismong Nakabatay sa Kalikasan Ang turismo na nakabatay sa kalikasan, ang pagoobserba sa kalikasan at likas na mga tanawin ay lumalaganap sa buong mundo (Newsome, Moore, & Dowling, 2013). Nakahanay sa mga ito ang pagtaas ng pagbisita sa mga protektadong lugar, ang pokus ng karamihan sa turismo na nakabatay sa kalikasan sa mundo. Isang kamakailang pag-aaral ni Balmford et al. (2009) sa bilang ng pagbisita sa 280 mga protektadong lugar sa 20 mga bansa na natagpuan na ang bilang ay karaniwang dumarami sa karamihan ng mga bansa (ang mga pagbubukod ay ang USA at Japan). Ang pagtaas na ito ay nagpapakita ng isang problema para sa mga protektadong lugar, na binigyan ng kanilang dalawahang mandato ng pagprotekta sa pagkakaiba-iba ng biyolohikal at pagbibigay ng mga makahulugang karanasan para sa mga bisita sa natural na mga lugar (Newsome et al., 2013; Worboys, Lockwood, & de Lacy, 2005). Ang isang mahalagang layunin para sa mga protektadong lugar na ahensya ay upang magbigay ng mga oportunidad sa libangan na kung saan nakukuha ng kasiyahan ang mga gumagamit. Gayunpaman, dahil ang mga bisita ay maaaring makaapekto sa mga halaga ng mga protektadong lugar, pinukaw nila ang halo-halong pakiramdam mula sa mga tagapamahala ng naturang mga lugar. Gayunpaman, lumalaki ang pagpapahalaga para sa mga benepisyo ng mga bisita sa naturang natural mga lugar at kanilang kinabukasan. Ang kawalan ng pagsususri sa kasiyahan o kasunod na pag-unawa sa katapatan ng bisita ay kumpleto nang walang paggalugad ng kasiyahan at kalidad ng serbisyo bilang magkakaugnay na 11 mga konsepto. Baker at Compton (2000, p. 786) na tandaan sa kanilang pagsusuri sa pananaliksik sa turismo na ang 'kakulangan ng pinagkasunduan sa pagbuo ng konsepto ng dalawang mga konstruksyon [kasiyahan at kalidad ng serbisyo] ay nagresulta sa pagkalito sa puntong ang dalawang konstruksyon ay madalas na ginagamit na palitan '. Sa pangkalahatan ay napagkasunduan, subalit, ang kasiyahan ay isang sukatan ng emosyonal na kalagayan ng isang bisita pagkatapos makaranas ng isang patutunguhan, habang ang kalidad ng serbisyo ay nakatuon sa pinaghihinalaang kalidad ng pagganap batay sa pagsusuri ng mga serbisyo (hal. Pakikipagugnay ng kawani sa mga bisita) at mga pasilidad (hal. Imprastraktura) (Baker & Crompton, 2000; Parasuraman, 1985; Tian-Cole, Crompton, & Wilson, 2002; Zabkar, Brencic, & Dmitrovic, 2010). Ang talahanayan 1 ay nagbubuod ng kasalukuyang mga konsepto na ginagamit, na kasunod na ipinakalat sa natitirang papel. Ang isang pangkalahatang modelo ng mga ugnayan sa pagitan ng mga konseptong ito ay ibinigay sa Larawan 1. Ang pagkalito na ito ay maaaring maiugnay sa ibinahaging pinagmulan ng kasiyahan at kalidad ng serbisyo sa paradahan ng pagkumpirma sa pag-asa (Oliver, 1980). Ang paradigm na ito ay tumutukoy sa isang bisita pang-unawa sa kalidad ng pagganap (hal. kalidad ng serbisyo) at antas ng kasiyahan sa mga tuntunin ng laki ng kanilang 'pagkumpirma'. Ang mga pananaw sa pagbisita ay inihambing sa paunang mga inaasahan na nagreresulta sa kumpirmasyon (natutugunan ang mga inaasahan), negatibong pagkumpirma (mas masahol kaysa sa inaasahan), o positibong kumpirmasyon (mas mahusay kaysa sa inaasahan) (Baker & Crompton, 2000). Ang pag-unawa at pagpapabuti ng katapatan sa mga likas na lugar ay mahalaga sa mabilis na pagbabago ng panlipunan at pampulitika na kapaligiran ng ikadalawampu't isang siglo. Hindi na namin maaaring ipalagay na ang mga likas na lugar ay magpapatuloy na umiiral at marami na ang naghihirap mula sa pag-uugali bilang nakakasira sa paggamit ng lupa, tulad ng pagkuha ng troso, pumapasok sa kanilang mga halaga. Ang mga tapat na bisita ay may potensyal na maging tagapagtaguyod para sa mga nasabing lugar pati na rin ang handang magbayad upang bisitahin at masiyahan sa mga nasabing lugar. Tulad ng naturan, kritikal na magpatuloy na isulong ang pagsasaliksik sa katapatan, na may isang partikular na pagtuon sa mga nauna sa kanya, upang maunawaan at mapahusay ng mga tagapamahala ang katapatan ng bisita at sa gayo'y mas mahusay na maprotektahan ang ating hindi mapapalitan natural na mga lugar. IV. Turismo na nakabatay sa kalikasan, Mga katangiang ng turismong nakabatay sa kalikasan at mga Paganyak ng turismong nakabatay sa kalikasan Sa lahat ng uri ng turismo sa mundo, ang turismo na nakabase sa kalikasa ay nagkaroon ng mataas na parte na tinatayang 20% at patuloy pa itong tumaas (Center for Responsible Travel,2018). Sa South Africa, ang turismo na nakabase sa kalikasa at kasalukuyang kumikita na katumbas ng kabuoang kita sa pagsasaka, pangangaso, at pangingisda. Sa buong mundo, tinataya sa kabuoang na ang turismo ay naglalaman ng 10% ng Gross Domestic Product (GDP). Ang pag-obserba ng mga hayop sa kagubatan at mga aktibidad na ginagawa sa labas at ang pinaka importante at pinakama-unlad na sangkap sa pagbuo ng mga kita na ito (Balmford,etc.al,2009). Ayon sa World travel and tourism council, ang paglalakbay at turismo ay naglagawa ng kontribusyon sa GDP na tinatala na nada 7.6 trillion o nasa 10.2 rate at ang sektor na ito ay nagbibigay ng oportunidad na magkaroon ng trabaho sa isa sa sampong tao sa buong mundo. Ayon sa World Bank, ipinakilala 12 na ang turismo na nakabase sa kalikasan ay bumubuo ng 10% of GDP sa Tanzania at 19 % na pagbibigay hanapbuhay sa Namibia (pubdocs.worldbank.org). Sa Australia, 68% na dayuhan ang bumisita sa lugar para sa aktibidad na pang turismo na nakabase sa kalikasan taong 2016. Sa parehas na taon, ang kabuoang parte ng turismo na nakabase sa kalikasan sa kalakaran ay nagtala ng 17% sa China, 11% sa UK, 10% sa New Zealand at 9% sa USA. Bukod pa doon, ang bilang ng mga turista na gusto ang atraksyon na nakabase sa kalikasan ay nasa edad 15-29 at mayroon itong pinakamataas na bilang na 33% sa kabuoang. Bilang resulta, bininigyang hulanna ang ganitong uri ng turismo ay may kakayahang umunlad sa hinaharap dahil may posibilidad na ang mga turista na na tumatangkilik sa turismo na nakabase sa kalikasan ay nasa batang edad. Bilang karagdagan dito, ang karaniwang gastos ng mga turista na may gusto sa natural na atraksyon sa bansang Australia ay 55,485 at ang karaniwang bilang ng turista na nakikilahok sa ibang aktibidad ng turismo ay mayroong 36,215. Sa kasong ito, ipinapakita na ang halaga ng turismo na nakabase sa kalikasan sa aspeto ng paggawa ng kita (www.ecotourism.org.au). Sa kabilang banda, ukol sa World Bank, mayroong biglaang pagtaas ng demand sa wildlife tourism sa nakalipas na sampong taon na sakop ng turismo na nakabase sa kalikasan. Gayon pa man, nilinaw ng World Bank na isa lamang itong maliit na banda, kung ibabase sa patuloy na pagtaas ng pangangailangan at oportunidad, buhay sa kalikasan at kapaligiran, pagkasira ng kalikasan, pagpuslit at kakulangan sa pondo (www.worldbank.org) V. Isang Ulat sa Pagsisiyasat sa Ilan sa Mga Bagay na na Ginawa ng Tao na Ginawang Turista ng mga atraksyon sa Beijing Ayon sa istatistika na ginawa ng mga nauugnay na kagawaran, higit sa apatnapung mga tanawin at atraksyong gawa ng tao ang itinayo sa Beijing sa nakaraang ilang taon. Ang mga mayakda ay gumawa ng paunang pagsisiyasat sa ilan sa kanila noong Mayo at Hunyo, 1995. Ang mga nalikhang tanawin at atraksyong gawa ng tao ay may iba't ibang uri. Ang mga tanawin o atraksyong nabanggit sa pag uulat na ito ay naglalahad na bagaman malaki ang nasasakop ng atraksyon, kinakailangan ito ng malaking kapital upang maihambing ang nga kagustuhan ng mga turista. Bagaman ang mga atraksyong gawa ng tao ay nagpapakita na kayang pagyamanin ang mga produktong turismo sa kabisera, pasiglahin ang lokal na ekonomiya, pagbutihin ang pangkalahatang imahen ng Beijing, pagtibayin ang mga ugnayang pang-ekonomiya at pakikipagpalitan sa mga banyagang bansa at mga domestikong lugar ay mapagsasawalang bahala na din ang mga perang ipinuhunan dito. Dagdag pa rito sa mga nasabing maaaring maging resulta na pagtatayo ng atraksyong gawa ng tao sa Beijing ay maaari ding magresulta sa mababang benepisyo ng ekonomiya at mabigat na pasanin ng mga utang. Ang mga may-akda ay nagbanggit ang tatlong mga kadahilanan patungkol sa pagtatayo ng mga atraksyong gawa ng tao sa beijing. Una, kakulangan sa pagpaplano ng mga nararapat at praktikal na estratehiya sa mga atraksyong gawa ng tao. Batay sa ulat ng may-akda, kulang na kulang sa pagpaplano ang mga nasabing nagtatayo ng atraksyon para sa turista. Panglawa, kakulangan sa pagsasagawa ng macrocontrol. Dahil na rin sa hindi gaanong pagpaplano, hindi nagiging balanse ang mga kalakarang nagaganap sa indutriya ng turismo na nagreresulta sa mataas na inflation. Mahalagang maisagawa ang macrocontrol na siyang gobyerno ang mangangasiwa ng mga interbensyon upang maibalik ang balanse ng ekonomiya.Pangatlo, ang pagkakaroon ng mahal 13 na bayarin sa pagpasok sa mga atraksyon. Isa ito sa maaaring makaapekto sa pagbisita ng mga turista sa mga ilang ginawang atraksyon sa Beijing. May mga ilang turista na mapag-isipang hindi na lamang bumisita dahil sa mataas na presyo. Pang-apat, ang paglaganap at patuloy na pagtaas ng kompetisyon sa mga atraksyon. Dahil na rin sa patuloy na pagdami ng atraksyon gawa ng tao sa Beijing tumataas ang antas ng kompetisyon ng mga atraksyoN. Kaugnay na Literatura Breiby, M. A. (2014). Aesthethic experiences and behaviour in nature-based tourism. Retrieved from Norweigan University of Life Sciences: https://nmbu.brage.unit.no/nmbuxmlui/handle/11250/2428946 Deng, J., King, B., & Bauer, T. (2002, April). Annals of Tourism Research. Evaluating Natural Attraction for tourism, pp. 422-438. Spychala, A., & Zwolinska, S. G. (2013, January). ResearchGate. Retrieved from What is nature tourism? Case study of university students: https://www.researchgate.net/publication/271965441_What_is_nature_tourism_Case_study_o f_university_students Uii, M., T., W., Diharto, A. K., & Bagus, P. (2018). Innovation Strategy role in tourist visit improvement: Context of man-made tourism in Indonesia. Journal of Environmental Management and Tourism, 304-109. Kaugnay na Pag-aaral An Investigation Report on Some of the Newly-Built Man-Made Tourist Attractions in Beijing. (1995). Retrieved from Google Scholar: https://scholar.google.com/scholar?start=20&q=man+mande+tourism+attractions&hl=en&as_s dt=0,5#d=%3Dts2sGO0YFRoJ Metin, T. C. (2019, March). Travel Motivations: A Systematic Analysis of Travel Motivations in Different Context. Nature Based Tourism, Nature Based Touris Destinations' Attributes and Nature Based Tourists' Motivations, p. 31. Moore, S. A. (2013, June 06). Current Issues in Tourism. Moving beyong visitor satisfaction to loyalty in nature-based tourism: A review and research agenda, pp. 667-683. Nyaupane, G. P., Timothy, D. J., & Mbaiwa, J. B. (2014, December). Perceptions of Nature-Based Tourism, Travel Preferences, Promotions and Disparity between Domestic and International Tourists: The case of Botswana. Retrieved from Core UK: https://core.ac.uk/download/pdf/79574518.pdf Saeporsdottir, A. D. (2010, January 19). Tourism Geographies. Planning Nature Tourism in Iceland based on Tourist Atttitudes, pp. 25-52. 14 PAMAMARAAN AT METODOLOHIYANG GINAMIT SA PAG-AARAL Disenyo ng Pag-aaral Sa isasagawang pananaliksik na layuning malaman ang preperensya ng mga maglalakbay, gumamit ng natatanging estratehiya ang mga mananaliksik at ito ay ang Kuwantitabo. Ang kuwantitabong pag-aanalisa ay isang uri ng disenyo ng pag-aaral na ginagamitan ng sistematiko at matematikal na imbestigasyon ng iba’t ibang paksa at penomenang panlipunan. Ang disenyo ng pag-aaral na gagamitin ng mga mananaliksik ay mas nakakatiyak na sakto ang resulta na makukuha. Dagdag pa rito, natukoy din ng mga mananaliksik ang paggamit ng paglalarawan o deskriptibo sa pag-aaral na ito. Ang Paglalawaran o deskriptibo ay isang uri ng pananaliksik na tumutukoy sa mabusising pangangalap ng mga datos o impormasyon. Inilahad ng mananaliksik ang paggamit ng Paglalarawan sa kadahilanang ang pag-aaral na ito ay tumutukoy sa pananaw at karanasan ng mga maglalakbay sa kanilang pagibisita sa Natural na Turismo o Man-Made na Turismo. Lokal na Pag-aaral Ang pananaliksik na ito ay nakatalaga lamang sa mga maglalakbay o mag-aaral ng Central Luzon State University, isang kilalang unibersidead sa Nueva Ecija. Isang pretihiyosong unibersidad na kilala at may kakayahang linangin ang isipan at karunungan ng mga mag-aaral. Ang unibersidad na ito ay may lawak na anim na raan at limampu’t walong ektarya (658 hectares). Dagdag pa rito, ang sentro ng kahusayan ng unibersidad ay ang agrikultura dahil ito ang naging unang kursong inialok. At sa paglipas ng panahon ay nadagdagan ang mga kurso at propesyon na iniaalok sa mga interesadong mag-aral sa unibersidad. Gayundin, ang sentro ng kahusayan sa larangan ng agrikultura ay mas higit na napaunlad ang mga nadiskubreng bagong kaalaman. Napili ng mga mananaliksik na pagganapan ang nasabing unibersidad sa Nueva Ecija sa kadahilanang ang mga mag-aaral ay may sapat na kaalaman sa mga uri ng paglalakbay tulad ng Natural na Turismo at Man Made na Turismo. Dagdag pa rito, noong nakaraang taon ay nagdagdag ng mga kurso ang unibersidad sa larangan ng turismo na siyang ikinatuwa ng mga interesado dito. Sa pamamagitan nito, mas makakatulong ang pagdadagdag ng unibersidad ng nasabing kurso sa mga mag-aaral na tinatahak ang propesyon sa larangan ng turismo at maging sa mga mananaliksik. Sampling ng Populasyon Para sa pananaliksik na ito, nagtalaga ang mga mananaliksik ng natatanging sampling. Ito ay ang Convenience Sampling na tumutukoy sa mga respondante kung sila ay malaya at maaaring magamit sa pag-aaral. Kadalasang ang Convenience sampling ay isinasagawa sa mga grupo ng respondate na taos-pusong magsasagot ng kwestyuneyr. Dagdag pa rito, sila ay may karagdagadang kaalaman sa pananaliksik na isinasagawa. 15 Convenience Sampling ang napiling sampling ng mga mananaliksik dahil ang kwestyuneyr ay isasagawa online sa pamamagitan ng Google Survey. Dahil ito ay nangangailangan ng malakas na koneksyon ay napag-isipan ng mga mananaliksik na maghanap ng mga respondante na may kakayahang masagutan ang talatanungan kahit na anong oras at may malakas na koneksyon. Instrumento ng Pag-aaral Sa pag-aaral na ito, tiyak lamang na instrumento ang gagamitin ng mga mananaliksik na magiging batayan upang matukoy ang preperensya ng mga mag-aaral ng Central Luzon State University sa Natural na Turismo at Man Made Turismo. Gumawa ang mananaliksik ng kwestyuneyr na magsisilbing sarbey para sa mga respondate ng pag-aaral. Ang kwestyuneyr ang magsisilbing instrumento ng mga mananaliksik sa pag-aaral upang matukoy ang preperensya ng mga mag-aaral. Ang kwestyuneyr ay mayroong tatlong bahagi na tumutukoy sa suliranin ng pagaaral. Ang kwestyuneyr ay kinapapalooban ng mga dahilan na tumutukoy sa preperensya ng mga mag-aaral sa kanilang paglalakbay sa Natural na Turismo o Man Made na Turismo. Pamamaraan ng Pagkalap ng Datos Datos ang pinaka importante sa pagsasagawa ng pag-aaral o anumang imbestigasyon. Sa pag-aaral na ito, ang magsisilbing datos ng mga mananaliksik ay ang paggawa ng kwestyuneyr. Ang kwestyuneyr ay isang sarbey ng paraan ng pagkalap ng mga datos sa mga respondante. Gagamit din ang mga mananaliksik ng Google Survey na siyang nakapaloob ang kwestyuneyr. Ang Google Survey ang magsisilbing bilang papel na sasagutan ng mga respondante ng pananaliksik na ito. Sa paggamit ng Google Survey tiyak na makikita ang mga pagbabagong nagaganap sa pagsagot ng kwestyuneyr ng mga respondante. Ang mga resultang mangagaling sa mga respondante ay maaaring naka graph or pie chart ang mga ito sa Google Survey. Kaya’t higit na makakatulong ang paggamit ng Google Survey upang mas maanalisa ng mabuti ang mga resulta ng pananaliksik. Ang pangangalap ng datos ay magtatagal ng limang araw para sagutan ng mga respondante. Isinasaalang-alang din ng mga mananaliksik ang kakayahan ng mga respondante na makasagot sa kwestyuneyr sa kadahilang ang Google Survey ay nangangailangan na malakas na koneksyon sa internet. 16