FilDis – 12-12-21 Discussion 4 Batayang Kaalaman sa mga Teorya sa Pananaliksik na Akma o Buhat sa Lipunang Pilipino Teorya – anumang pananaw na binubuo upang makapagpaliwanag, makatulong sap ag-unawa ng mga phenomenon, at sumuri ng ibat-ibang kabuluha. Nakikita mo ang mundo bilang literal na mundo. Nakapagsusuot tayo ng salamin na magpapakita ng bagong perspektiba at basahin ang mundo. Teorya: May malaking pagpapahalaga ang mga sinaunang Pilipino sa mga heavenly bodies. May Diwata ng langit, araw, buwan, bituin. Matagal na ang ganito sa atin. Nagiging gabay ito sa pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino ayon sa antropolohiya. Biitbit na natin ang gawain nito mula noon pa. babae na nagngangalang neneng. Hindi lang kwento ng pagpitas ng hilaw na prutas kundi pagbabanta at pagbababala sa batang si neneng sa kanyang sasapiting mas matanda na si leron. Si leron ay teen to adult na character. “pagdating sa dulo, lalamba-lambayo. Kumapit ka neneng baka ka mahulog”. Nagbabanta at nagbababala ang awat sa batang si neneng. Mukhang patibonf kung paano nabibigyang tuon ang patriyalkal na pananaw sa pilipinas, yung lakas ng lalake na maaaking nauuwi sa pagiging narsistiko bilang pang-amo at pamantayan ng pagpapa-ibig sa babae katulad ng sa awiting ito. Teorya ng eko-kritisismo: Ang pagdami ng maya sa siyudad ay hindi isang implikasyon na bumubuti ang kalikasan. Ang mga maya ay malungkot na katotohanan na bihira na ang mga ibon sa urbanidad at isa itong uri ng ibon sa ilalim ng kategoryang scavengers o nabubuhay sa pagkain ng basura o kalat, sa pulosyon. Ito rin marahil ang dahilan sa pagpapalit ng agila bilang national bird. Ang mga squirrel naman ay may banta para sa mga ibon tayo sa kalikasan dahil tulad ng daga, nagiging peste ang mga ito kapag dumadami sila at nagiging peste sa mga itlog ng ibon sa mga puno. SIkolohiyang Pilipino - Psycho-analytic theory: Pambata ba talaga ang kantang ito? Kwento din ito ng sexual intension ni leron sa batang Paraan ng pagsasabuhay sa larangang psychology gamit ang pananaw, paniniwala, at kulturang Pilipino. - - Binubo ni Sir Virgilio Enriquez (Ama ng sikolohiyang Pilipino) Sa pananaw na ito, hinahamon ang universal use of psychology. Hindi dapat universal dahil iba ang pag-iisip ng mga taga-kanluran kung saan nanggaling ang “psychology” sa ating mga takasilangan. Ang sikilohiyang Pilipino ay sikilohiyang bunga ng karanasan, kaisipan, at oryentasyong Pilipino. Binibihay nito ang panbansang identidad at kamalayan ng mga Pilipino, pakikisangkot sa mga isyung panlipunan at gawaing panlipunan, at sikolohiya ng wika at kultura. 1. Nasa mga sinaunang pamumuhay ang mga paraan ng ating pag-iisip at pag-uugali. - Ang teoryang ito ay higit na mailalapat sa mga pagaaral na nag-uusisa sap ag-uugali at paraan ng pagiisip ng Pilipino. Pantayong Pananaw - Binuo ni Zeus Salazar, ama ng bagong kasaysayang pilipino Panloob na pagkakaugnay-ugnay ng mga katangian, halagahin, kaalaman, karunungan, hangarin, kaugalian, pag-aasal, at karanasan ng isang kabuuang pangkalinangan. - - - Talahanayan na nagpapakita nab ago magkaroon ng pantayong pananaw nandoon na konseptong pangkayong pananaw, pangsilang pananaw, pangkaming pananaw. Pangkayong pananaw, pananaw ng banyaga sa kanilang kapwa banyaga. Pangkaming pananaw, banyaga pinag-uusapan bilang paksa ang mga Pilipino. (Ano ang kalayan natin sa conscoines ng mga banyaga.) Pangsilang pananaw, Pilipino ay kumakausap ng banyaga o banyaga sa pilipino. (Paggawa ng research paper). Pantayong pananaw, kailangan nating tumindig para sa ating sarili. Makikita lang natin na hindi tayo madumi kung kaya nating magbigay ng interpretasyon sa sarili natin bayan – pantayong pananaw. Ang mga Pilipino ay nag-uusap tungkol sa pagka-pilipino. Ito ay kapakinabangan ng mga Pilipino. Tayong tayong ang mag-uusap at ang paksa natin ay ang nasa loob ng ating bansa. (ang pagbuburo ay titignan as katalinuhan). Madalas nagagamit ito ng mga mananaliksik sa mga talakayang pangkasaysayan. Sarili, Pilipino, tayo-tayo. Markismo - Pinangunahan ng mga sosyalistang sina Friedrich Engels at Karl Marx. Kinikilala ang teoryang ito na nagpapamalas ng tunggalian sa pagitan ng mahihina at malalakas na uri sa lipunan. Sa pangkasaysayang konteksto nito, ang isang kapitalistang lipunan ay binubuo ng mga - kapitalista na siyang nagmamay-ari ng kapital o namumuhunan at mga manggagawang nagtatrabaho para sa kapakanan at kayamanan ng kapitalista. Ang teoryang ito ay produkto sa panghahamon sa kawalan ng pagkakapantay-pantay sa lipunang Pilipino o bunsod sa pananaig ng kapitalismo sa bansa at paghahari ng iilang pamilya sa larangan ng pulitika. Sa ganitong sitwasyon, habang yumayaman ang kapitalista, ay lalong naghihirap o nahihirapan naman ang mga manggagawa. - - (Ayon sa diayagram) Binubuo ang lipunan ng dalawang antas, ang itaas ay tinatawag na super estruktura. May mga naghahari at nag-uutos sa idolohiyang manatili sa sining (hal. Inuutos nito kung ano ang mananatili sa kultura natin, sa relihiyon, sa pilosopiya, sa sining , batas, media, pulitika, agham, edukasyon. Konti lang sila pero dahil sa kapangyarihan na meron ito, sinusunod ang super structure sa lipunan). Ang nasa ilalim naman ay ang sangay na kumikilos at nagtatrabaho. Sangay ng lakas paggawa, nagpapawis na ang puhunan ay lakas. Kumikilos ayon sa naghaharing super structure. - Ang super structure ang nagpapanatili ng anumang kaisipan at ano mang idolohiya. Hawak nito ang anumang iko-konsumo natin sa media, pulitika, at edukasyon. Sila ang nagtatakda ng tama at mali. Ano ang dinadakila at kinasusuklaman sa loob ng isang lipunan. Ang nasa ilalim ang may tunay na kapangyarihan upang mabago ang mga ideology sa loob ng lipunan, ayun sa pananaw ng maskismo dahil nasa ilalim ang dami. Kagamit0gamit angteoryang ito sa pagbasa ng ating kalagayan sa reyalidad ng lipunan. Hal. sa usapin ng palay o bigay. Simple at natural na pagkain ito para sa mga Pilipino pero kapag ginamitan mo ng kaisipang markismo, makikita mo na may bigas na ang makaka-afford lang ay yung mga may kaya tapos may sobra pa silang pera para magamit sa kagustuhan nuilang produkto na bilhin. Pero may mga bigay din na tinuturing na para sa mga karaniwan. Mas mura, mas affordable pero hindi kasing puri ng bigas ng mga may pribiliheyo at may kakayahang bumili ng mas mahal ang presyo. Ayon ay Marx at Engles, kung may mga mali na nananatili sa lipunan na itinatakda ng super structure hindi lang dapat ito isisi sa nasa super structure dahil responsibilidad din ito ng mga nasa ilalim lalo nakung hindi pa nauunawaan ng lahat Sistema ng kanyang lipunan sa sub-structure. Oo, nasa super structure ang pagme-mentain, tandaan na nasa kolektibong desisyon pa rin. Kung kaya ng super structure na maghugis at magpanatili, kaya din ng nasa sub-structure ang maghugis at magpanatili kung nakikita nila yung kolektibo. Nasa kanila ang dami at kung kritikal lang mag-isip yung nasa sub-structure. Magagamit ito sa mga pananaliksik na tumatalakay sa 1. Migrasyon at diapora (bakit nagkakaroon nito, dahil sa usapin). 2. Karahasan sa mga kababaihan, 3. Pang-aabuso sa mga manggagawa, 4. Kahirapan, 5. Globalisasyon ay iba pang kaugnay ng mga ito. [42:00]