Isa Pang Kaligrapiyang Prosa Sariwa pa ba sa iyong balintataw ang kay tamis na suyuan nina Crisostomo Ibarra at Maria Clara kasabay ng kanilang pagpapakita ng makalumang gawi ng ligawan? Naririnig mo pa ba ang marubdob na malakundimang pagtangis ni Amanda kaugnay sa paniniil ng pamahalaan sa kanilang karapatan ayon sa pagkakasalaysay ni Bautista sa Dekada ’70? Nababanaag mo pa ba ang langit na binabalot ng libo-libong bituin habang umaawit ang mga lulan ng kareta na sina Leon at Maria sa kwento ni Arguilla na “How My Brother Leon Brought Home a Wife?” Nadarama mo pa ba ang kilig, pag-ibig, awa at pagdurusa ng kung ilang libong taong iyong nakilala, nakasama at naintindihan sa pamamagitan ng kung ilang kaligrapiyang prosa na iyong nabasa? Ang pagbabasa ang siyang nagiging paraan natin upang makilala ang iba’t-ibang tao na may iba’t-ibang kultura at tradisyon mula sa iba’t-ibang lunan at panahon. Ito ang siyang nagiging paraan natin upang lalong makilala at maintindihan ang iba. Sa pagkakaintindihan ay nagkakaroon tayo ng ugnayan sa isa’t-isa na bagaman magkakalayo tayo ay tila pa rin tayong magkakasama. Sa pamamagitan ng pagbabasa ay lalo nating nauunawaan ang bawat buntung-hininga, gawi, pighati at dalamhati ng iba, napalalawak ang ating kaalaman at napagyayaman ang ating isipan na siyang nakapagbibigay sa atin ng pagkakataong maka-isip at makagawa ng mga makabagong paraan upang malutas ang bawat suliraning ating pinagdaraanan. Nasa pagbabasa ang susi at kasagutan upang lalo pa nating makilala ang iba, makapagisip ng solusyon sa ating mga problema, at magkaroon ng matibay na ugnayan sa bawat isa. Ngayon ay kunin ang aklat, at basahin nang buong puso ang kaligrapiyang nakalimbag na may adhikaing buksan ang bawat pananaw sa kahalagahan ng pagbabasa sa pagsasama-sama, pagiging makabago, at pag-uugnay-ugnay ng bawat isa. Kaibigan, ang iyong mga aklat ay buksan para sa maunlad na kinabukasan. Jay Jay Duruin Manangan Isa Pang Kaligrapiyang Prosa Sariwa pa ba sa iyong balintataw ang mga tanawing nakabibighani at nakamamangha na ninanais mong muling makita? Naririnig mo pa ba ang iba’t-ibang tugtugan at awitan sa mga pagdiriwang na iyong natunghayan sa iyong paglalakbay? Naaamoy mo pa ba ang mga pagkaing sa iyo ay nagpapatakam? Nadarama mo pa ba ang saya ng mga taong ipinagdiriwang ang iyong pagdating at ang lungkot ng iyong paglisan? Ilang lugar na nga ba ang iyong nalakbay, napuntahan at napasyalan sa pamamagitan ng kung ilang kaligrapiyang prosa na ang iyong nabasa? Ang pagbabasa ang nagbibigay sa atin ng pagkakataong makapaglakbay hindi lamang sa mundo ng katotohanan kundi maging sa mundo ng kathang-isip lamang na sa atin ay nagbibigay aral ukol sa buhay at kung paano ang mamuhay. Sa pagbabasa ay nakakakalap tayo ng kaalaman upang makapagbigay ng kalutasan sa ating mga suliranin at mga kahinaang taglay. Ito ay maihahalintulad sa isang portal na nagsisilbing tulay upang tayo ay magkakasama at magkaintindihan sa kabila ng milya-milyang layo ng ating mga lunan at kapanahunan. Nasa pagbabasa ang susi at kasagutan upang lalo pa nating makilala ang bawat taong mula sa iba’t-ibang lugar na may iba’t-ibang tradisyon at kultura, makapag-isip ng solusyon sa ating mga problema, at magkaroon ng matibay na ugnayan sa isa’t-isa. Ngayon ay ilabas na ang mga aklat na nakasalansan lamang sa gilid. Iyong basahin nang buong puso at pakinabangan ang bawat kaligrapiyang nakalimbag na may adhikaing buksan ang bawat pananaw sa kahalagahan ng pagbabasa sa pagsasama-sama, pagiging makabago, at pag-uugnay-ugnay ng bawat isa. Kaibigan, ang iyong mga aklat ay buksan para sa maunlad na kinabukasan. Sapagkat sa bawat pagbuklat ng aklat, ikaw ay makalilibot at ang lahat ay maaabot. Jay Jay Duruin Manangan A Whole New World Can you still remember how Paterson described the kingdom created by Jesse and Leslie for themselves in her novel, Bridge to Terabithia? Have you ever realized the name Narnia, created by the great lion, Aslan, was taken from the Italian town, Narni? Have you ever imagined how that whole new world for Aladdin and Jasmine look like? Have you ever counted the places you have been into without stepping outside of your door? Reading makes us travel through space and time, giving us a privilege to encounter people from different places and generations, with diverse cultures, traditions and beliefs. This kind of travel informs us of the kinds of people who inhabit the world. Through reading, we can feel the sense of belongingness as we understand people, and see the world in their perspective. We get to feel what they feel as we empathize with their greatest successes to their bitterest downfalls. These worlds in print provide us with opportunities to expand our knowledge and broaden our horizon in understanding societal problems and struggles. They help us create innovations and think of avenues toward better living. These opportunities not only reform us but more importantly, they bring macro effect that benefits the majority. Reading is a bridge that gaps the void that separates people in literal distance. It makes us feel together in spite of the distance that sets us apart. It helps transform people from independent citizens to interdependent members of one big community. Books can be likened to a whole new world; reading, the door; and you are the key. Not everyone is given an opportunity to open and explore a whole new world. Open this whole new world of inclusivity and belongingness, innovativeness and inventions, and interconnectedness and interdependence. Read, therefore, and be informed, reformed and transformed. Jay Jay Duruin Manangan