Basahin ang isang balita. Kaso ng Dengue, Tumataas Akda ni Rejulios M. Villenes Dumarami ang kaso ng mga biktima ng Dengue ayon sa kinatawan ng DOH o Department of Health. Ito ay pagkatapos na makumpirma mula sa mga ospital ang tungkol sa bilang ng mga taong naipasok sa mga pagamutan na taglay ang sakit na ito, ang ilan sa mga biktimang ito ay namamatay. Ayon sa mga doktor, ang ilang sintomas ng pagkakaroon ng Dengue ay ang pabalik-balik at mataas na lagnat, pagkakaroon ng rashes, at pagdurugo ng ilong at gilagid. Naglunsad na ng mga programa ang pamahalaan laban sa sakit na ito. Ayon sa kanila, may mga seminar at pabatid impormasyon ng isinasagawa sa radyo, telebisyon at mga plasa sa bawat bayan na tumatalakay kung paano maiiwasan at malulunasan ang problema sa Dengue. Maraming paraan upang makaiwas sa Dengue. Unang-una na dito ang pagsugpo sa mga lamok na siyang tagapagdala ng sakit na ito. Wastong paraan ng pagiimbak ng tubig at kalinisan sa paligid ang ilan sa mga solusyon upang hindi tayo makasama sa mga naging kaawa-awang biktima ng sakit na ito. Sagutin ang mga tanong: 1. Sino ang nagsabing dumarami ang kaso ng dengue? _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ 2. Bakit nasabi ito ng DOH? _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ 3. Ano ano ang palatandaan o sintomas ng pagkakaroon ng Dengue? _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ 4. Ano ano ang ginawang hakbang ng pamahalaan upang labanan ang sakit na ito? _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________