Ms. G. Martin Ang pagsasalaysay ay pagpapahayag na may layuning magkuwnto ng mga pangyayari. � May dalawang uri ng pagsasalysay: pasalita at pasulat. Ang karanasan at nakikita sa kapaligiran ay maaring pagmulan ng pagsasalaysay ng isang tao. Isa sa mahalagang katangiang dapat taglayin ng isang magandang salaysay ay ang pagkakaroon ng magandang pamagat. Ito ang unang bagay na nakapupukaw sa interes ng mga mambabasa. May mga katangian dapat taglayin ang isang kaakit-akit at mabuting pamagat. Ito ay ang mga sumusunod: a. b. c. d. e. f. Pangunahing tauhan sa salaysay Pinakamahalagang bagay sa salaysay Pook na may malaking kinalaman sa mga pangyayari Isipan o damdaming namamayani sa salaysay Isang mahalagang pangyayari sa kuwento Katotohanang pinatunayan sa kuwento. Ang pang-ugnay ay tawag sa mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang salita, ng dalawang parirala, o ng dalawang sugnay at pangungusap. Ang mga sumusunod ay ang mga halimbawa ng angkop na paggamit sa mga pang-ugnay sa pagsasalaysay. 1. Pagkakasunod – sunod ng mga pangyayari – Ginagamit kapag nagsasaad ng pagdaragdag ng mga impormasyon sa pagsasalaysay at ito ay ginagamitan ng mga panandang isa pa, at, pati, saka, isang araw, isa pa, gayun din, sa dakong huli at samantala. Halimbawa: 1. Ang kanyang mga halaman ay mayayabong ang mga dahon pati ang mga bulaklak. 2. Ang magkasintahan ay muling nagkita kaya sa dakong huli, nabuo muli ang kanilang pag-iibigan. 2. Pahayag sa kinalabasan o wakas ng pangyayari – Ginagamit kapag nagsasaad ng resulta o katapusan ng pangyayari , ginagamit ang mga pang-ugnay na kasi, kaya, bunga, tuloy, dahil sa, sa dakong huli, sapagkat, at sa wakas. 2 Halimbawa: 1. Dahil sa kanyang determinasyon nakamit niya ang tagumpay. 2. Nakarating din ang matandang Ale sapagkat matiyaga siyang naglakad. SALAMAT SALAMAT