Uploaded by KENNETH LUBRICO

angkopnapang-ugnaysapagsasalaysay-201008104438 (1)

advertisement
Ms. G. Martin
Ang pagsasalaysay ay pagpapahayag na may
layuning magkuwnto ng mga pangyayari.
� May dalawang uri ng pagsasalysay: pasalita at
pasulat. Ang karanasan at nakikita sa kapaligiran ay
maaring pagmulan ng pagsasalaysay ng isang tao.
Isa sa mahalagang katangiang dapat taglayin ng isang magandang
salaysay ay ang pagkakaroon ng magandang pamagat. Ito ang unang
bagay na nakapupukaw sa interes ng mga mambabasa. May mga
katangian dapat taglayin ang isang kaakit-akit at mabuting pamagat.
Ito ay ang mga sumusunod:
a.
b.
c.
d.
e.
f.
Pangunahing tauhan sa salaysay
Pinakamahalagang bagay sa salaysay
Pook na may malaking kinalaman sa mga pangyayari
Isipan o damdaming namamayani sa salaysay
Isang mahalagang pangyayari sa kuwento
Katotohanang pinatunayan sa kuwento.
Ang pang-ugnay ay tawag sa mga
salitang nagpapakita ng relasyon ng
dalawang salita, ng dalawang parirala, o ng
dalawang sugnay at pangungusap.
Ang mga sumusunod ay ang
mga halimbawa ng angkop na
paggamit sa mga pang-ugnay
sa pagsasalaysay.
1. Pagkakasunod – sunod ng mga pangyayari –
Ginagamit kapag nagsasaad ng pagdaragdag ng
mga impormasyon sa pagsasalaysay at ito ay
ginagamitan ng mga panandang isa pa, at, pati,
saka, isang araw, isa pa, gayun din, sa dakong huli at
samantala.
Halimbawa:
1. Ang kanyang mga halaman ay mayayabong ang mga dahon
pati ang mga bulaklak.
2. Ang magkasintahan ay muling nagkita kaya sa dakong huli,
nabuo muli ang kanilang pag-iibigan.
2. Pahayag sa kinalabasan o wakas ng
pangyayari – Ginagamit kapag nagsasaad ng
resulta o katapusan ng pangyayari , ginagamit ang
mga pang-ugnay na kasi, kaya, bunga, tuloy, dahil
sa, sa dakong huli, sapagkat, at sa wakas.
2
Halimbawa:
1. Dahil sa kanyang determinasyon nakamit niya
ang tagumpay.
2. Nakarating din ang matandang Ale sapagkat
matiyaga siyang naglakad.
SALAMAT
SALAMAT
Download