YUNIT II Filipino sa Humanidades, Agham Panlipunan at iba pang kaugnay na Larangan KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA TATLONG NAGING WIKANG OPISYAL 1. TAGALOG– katutubong wikang pinagbatayan ng Pambansang wika ng Pilipinas. (1935) 2. PILIPINO – unang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas. (1959) 3. FILIPINO-kasalukuyang pambansang wika ng Pilipinas.(1987) KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA MGA PANGKAT NA DAYUHAN SA ATING BANSA 1. NEGRITO – ambag ay ang pasalindilang anyo . 2. INDONES – maunlad na kabihasnan na nagdala ng kanilang alamat, epiko na naiupunlad rin ang kanilang dalang wika. 3. MALAY – nagmula ang sistema ng pamamahala, wika at sistema ng pagsulat. KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA Ayon kay Gleason: MALAYO-POLINESYO Dito nagmula ang wika sa Pilipinas. Nabibilang dito ang mga wika at wikain sa Pilipinas na kinabibilangan ng ss. na wika: a. Tagalog d. Pampanga b. Visaya e. Samar-Leyte c. Ilocano f. Bicol KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA • Sa pagdating ni Miguel Lopez de Legaspi sa Pilipinas na pormal na pananakop ng Kastila. Layunin ng kanilang pananakop ang pagtuklas ng pampalasa (spices) sa bansa. Kristiyanismo Ang unang nagsagawa ng pag-aaral sa mga katutubong wika sa Pilipinas ay mga Prayle. KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA SALIGANG BATAS NG BIAK-NA-BATO • Ang batas na nagpahayag na ang gamiting wikang opisyal sa panahon ng himagsikan ay Tagalog. • Ang naturang wika ay naging midyum sa mga pagbatid-sulat at dokumentong kilusan. KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA BATAS Blg. 74 KOMISYON NG PAMPILIPINAS • Batas na nag-utos na gamitin ang wikang Ingles bilang wikang panturo sa mga itatag na paaralang bayan. • Panahon ng Amerikano umiral ang batas na ito. KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA BATAS KOMONWELT Blg. 184 • Ito ay ipinatupad bilang probisyong pangwika sa Saligang Batas 1935 na pinamunuan ni Manuel L. Quezon noong Nobyembre 13, 1936 na naglalayong bumuo ng samahang pangwika. KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA BATAS KOMONWELT Blg. 333 • Ito ang batas na nagpapatibay sa pagkakaroon ng nasabing samahan ng Surian ng Wikang Pambansa. KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP Blg. 134 • Ito ay pinagtibay ni Pang. Quezon noong Disyembre 30, 1937 na Tagalog ay batayan ng Wikang Pambansa. KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP Blg. 263 KAUTUSANG PANGKAGAWARAN Blg. 1 • Sa bisa nito nabuong ganap ni Lope K. Santos ang talatinigang may pamagat na “A Tagalog-English Dictionary” at “Ang Balarila ng Wikang Pambansa”. • Inutos ni Jorge Bacubo na ituro ang wika base sa Tagalog sa taong panuruan 1940-1941 sa lahat ng pag-aaral. KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA ORDER MILITAR Blg. 13 • Ipinabisa ang paggamit ng wikang Hapon at Tagalog sa bansa noong Hulyo 1942 dahil sa pagsiklab ng ikalawang digmaang pandaigdig. • Naging masigla sa mga panahong ito ang mga manunulat ng mga ibang genre ng panitikan na kani-kanilang wika ang ginamit sa katha. Sitwasyong Pangwika sa Humanidades at Agham Panlipunan ANO ANG HUMUNIDADES? Sa pagtuturo sa larangan ng humanidades at agham panlipunan, batay sa probisyon ng patakaran ng bilinggwal, dapat gamitin ang wikang Filipino bilang wikang panturo sa mga larangang ito. Nabanggit nina San Juan et al., (2019), (mula kay Ferguson, 2006), na ang katanyagang taglay ng wikang Ingles sa sistema ng edukasyon lalo na sa mga kolehiyo at mga unibersidad ay may kakambal na sosyo-ekonomiko. Naniniwala na ang marami sa pamamagitan ng pagiging mataas sa paggamit ng Ingles, pasalita o pasulat, ay magbibigay ng malaking oportunidad na magkaroon ng maayos na trabaho na mag-aangat sa kanilang kalagayang ekonomiko na maaaring maging daan upang magkaroon sila ng malawak na impluwensiya sa lipunan at politika. Higit na nauna ang larangan ng Humanidades kaysa sa agham na panlipunan. Marami sa teoretiko at pilosopikong pundasyon ng agham panlipunan ay nagmula sa humanidades. Bawat larangan ay may tiyak na set ng mga terminong ginagamit na tinatawag na REGISTER. •Isang kahulugan lamang dahil ekslusibo itong ginagamit sa isang tiyak na disiplina. •Dalawa o higit pang kahulugan dahil ginagamit sa dalawa o mahigit pang disiplina. •Isang kahulugan lamang sa dalawang magkaibang disiplina gawa ng pagkakaroon ng ugnayan ng mga disiplinang ito. LARANGAN NG HUMANIDADES Ang pangunahing layunin ng humanidades ay “hindi kung ano ang gagawin ng tao, kundi kung paano maging tao” Ang layuning ito ay sinugsugan ni J. Irwin Miller, na nagsabi na “ang layon ng Humanidades ay ang gawin tayong tunay na tao sa pinakamataas na kahulugan nito”. Ang larangan ng Humanidades ay umusbong bilang reaksiyon sa iskolastisismo sa panahon ng Griyego at Romano kung saan inihanda ang mga tao na maging Doktor, abogado at sa mga kursong praktikal, propesyonal at seyentipiko. Ang analitikal na lapit ay ginagamit sa pag-oorganisa ng mga impormasyon sa mga kategorya, bahagi, grupo, uri at mga pag-uugnay-ugnay ng mga ito sa isa't isa. Ang kritikal na lapit ang ginagamit kung ginagawan ng interpretasyon, argumento, ebalwasyon at sa pagbibigay ng sariling opinyon sa ideya. Ang ispekulatibong lapit ay kadalasang ginagamit sa pagkilala ng mga senaryo, mga estratehiya o pamamaraan ng pagsusuri, pag-iisip at pagsulat. TATLONG (3) ANYO SA PAGSULAT SA LARANGAN NG HUMANIDADES 1. Impormasyonal- maaring isagawa batay sa sumusunod: a. paktwal ang mga impormasyon bilang background gaya ng talambuhay o maikling bionote, artikulo sa kasaysayan at iba pa. b. paglalarawan nagbibigay ng detalye, mga imahe na denetalye sa isipan ng mambabasa, sinasabayan ng kritikal na pagsusuri na karaniwan ay isinasagawa sa mga akdang pampanitikan gaya ng krisismo, tula, kuwento, nobela at iba pa. c. proseso binubuo ng paliwanag kaugnay ng teknik, paano isinagawa at ang naging resulta na kadalasan ay ginagawa sa sining at musika. 2. Imahinatibo- binubuo ng mga malikhaing akda gaya ng piksyon (nobela, dula, maikling kuwento) sa larangan ng panitikan, gayundin ang pagsusuri nito. 3. pangungumbinse- pagganyak upang mapaniwala o di mapaniwala ang bumabasa, nakikinig at nanonood sa teksto o akda. Subhetibo ito kaya't ang mahalagang opinyon ay kaakibat ng ebidensya at katuwiran o argumento. LARANGAN NG AGHAM PANLIPUNAN Ang agham panlipunan ay isang larangang akademiko na pumapaksa sa tao-kalikasan, mga gawain at pamumuhay nito, kasama ang mga implikasyon at bunga ng mga pagkilos nito bilang miyembro ng lipunan. Tulad ng Humanidades, tao at kultura ang sakop nito subalit itinuturing itong isang uri ng siyensya o agham. MGA DISIPLINA SA LARANGAN NG AGHAM PANLIPUNAN SOSYOLOHIY A SIKOLOHIYA LINGGUWISTIK A ANTROPOLOHIY A KASAYSAYAN HEOGRAPIYA MGA DISIPLINA SA LARANGAN NG AGHAM PANLIPUNAN AGHAM PAMPOLITIKA EKONOMIKS ARKEOLOHIY AREA STUDIES A RELIHIYON Pagsulat sa Agham Panlipunan •Kaiba sa Humanidades, ang maga sulatin sa Agham Panlipunan ay simple, impersonal, direkta, tiyak ang tinutukoy, argumentatibo, nanghihikayat at naglalahad. •Di-piksyon ang anyo ng mga sulatin sa larangang ito na madalas ay mahaba dahil sa presentasyon ng mga ebidensya ngunit sapat upang mapangatuwiranan ang katuwiran o tesis. Mga Anyo ng Sulatin sa Agham Panlipunan report sanaysay papel ng pananaliksik abstrak artikulo rebyu ng libro Balita Proseso Sa kalahatan, may sinusunod na proseso sa pagsulat sa Agham Panlipunan. Ang mga ito ay ang sumusunod: a. Pagtukoy sa genre o anyo ng sulatin gaya ng binanggit sa itaas. b. Pagtukoy at pagtiyak sa paksa. Wala pa bang nakapgatatalakay nito? Kung mayroon na, ano ang bagong perspektibang dala ng pagtalakay sa paksa? Paano ito maiiba? c. Paglilinaw at pagtiyak sa paksang pangungusap. Karaniwang sa simula inilalagay ito ngunit maaari ding sa gitna o sa hulihan. Sa ibang pagkakataon, hindi ito isinusulat ngunit nalilinaw sa takbo ng pagtalakay d. Pagtiyak sa paraan ng pagkuha ng datos. Maaaring gamitin ang interbyu, mass media, internet, social media at new media, aklatan, sarbey, focus-group discussion, obserbasyon at iba pa. e. Pagkalap ng datos bilang ebidensya at suporta sa tesis. f. Analisis ng ebidensya gamit ang lapit sa pagsusuring kuwantatibo, kuwalitatibo, argumentatibo, deskriptibo, at etnograpiko. g. Pagsulat ng sulatin gamit ang lohikal, malinaw, organisado (simula, gitna at wakas), angkop, sapat at wastong paraan ng pagsulat. h. Pagsasaayos ng sanggunian at talababa sa mga ginamit na sulatin ng ibang may-akda. KASAYSAYAN AT TUNGKULIN NG PAGSASALIN SA PAGSULONG NG FILIPINO Napakahalaga ng papel na ginampanan ng pagsasalin sa patuloy na pagsulong ng wikang Filipino sa akademya. Ang pagsasalin ay nagmula sa salitang Latin na “translatio” na “translation” naman sa wikang Ingles. “Metafora” o “metaphrasis” ito sa wikang Griyego na pinagmulan ng salitang Ingles na metaphrase o salitang-sa-salitang pagsalin (Kasparek 1983 hango kay Batnag 2009). Ito ang dahilan kung bakit palaging inaakala na ang pagsasalin ay isang simpleng pagtatapatan lamang ng mga salita ng dalawang wika o rehiyong na wika Ang sumusunod na mga pakahulugan sa pagsasalin ay mula sa aklat nina A. Batnag at J. Petra (2009): 1. Translation consists in producing in the receptor language the closest, natural equivalent of the message of the source language, first in meaning and secondary instyle (Nida, 1964). Ang pagsasalin ay pagbuo sa tumatanggap na wika ng pinakamalapit at likas na katumbas ng mensahe ng simulaang wika, una ay sa kahulugan at ikalawa ay sa estilo. 2. Translation is made possible by an equivalent of though that lies behind its verbal epressions (Savory, 1968). Ang pagsasalin ay maaaring maisagawa sa pamamagitan ng pagtutumbas sa ideyang nasa likod ng pananalita. Layunin ng Pagsasalin 1. Magdagdag ng mga impormasyon at kaalaman mula sa pag-aangkat ng mga kaisipan mula sa ibang wika. 2. Mailahok sa pambansang kamalayan ang iba’t ibang katutubong kalinangan mula sa iba’t ibang wikang rehiyonal at pangkating etniko sa bansa. 3. Mapagyaman ang kamalayan sa iba’t ibang kultura mula sa pagbubukas ng bagong mundo mula sa mga salin. Uri ng Pagsasalin 1. Pagsasaling Pampanitikan - nilalayon na makalikha ng obra maestra batay sa orihinal na akdang nakasulat sa ibang wika 2. Pagsasaling siyentipiko-teknikal komunikasyon ang pangunahing layon KASAYSAYAN NG PAGSASALIN PANAHON NG KASTILA Nagsimula ang kasaysayan ng pagsasalin sa bansa noong dumating ang mga Español at ipayakap ang Kristiyanismo sa mga Pilipino. Naging napakalaking suliranin para sa mga Español ng wikang umiiral sa bansa sapagkat lubhang magkalayo ang pamilya ng mga wika sa bansa at sa España. PANAHON NG HAPON Iba naman ang estratehiyang ginamit ng mga Hapon upang mapaniwala ang mga Pilipino sa kanilang adhikain sa bansa. Ang panahong ito ang itinuring na Gintong Panahon ng Panitikan dahil sa paggamit ng wikang Tagalog o Pilipino (Filipino ngayon) sa pagsulat at pilit na pag-aalis sa sistema ng mga Pilipino ng wikang Ingles. Ilang mga akdang pampanitikan din ang naisalin noong panahong ito. Kadalasang may paksang politikal at panlipunan ang mga dula noon samantalang ang mga maiikling kwento naman ay nasa anyong panitikang pambata. PANAHON NG AMERIKANO Naging hudyat ng pagsisimula ng kasaysayan ng imperyalismong Amerikano sa bansa noong pumirma ang Estados Unidos at Espanya sa Kasunduan sa Paris noong ika-10 ng Disyembre 1898 na simula naman ng pagwawakas ng kasaysayan ng pananakop ng España. Batay sa kasunduan, ang pagsakop ng Estados Unidos sa Pilipinas ay may layuning: 1) ekspansyong ekonomiko; 2) pagtatayo ng depensang militar at pandagat sa Asya-pasipiko; at 3) pagpapalaganap ng protestantismo (San Juan et al., 2019). Kapwa nabigyan ng pagkakataong makapag-aral ang mahihirap at mayayaman kung saan mga sundalong Amerikano ang nagsilbing mga guro na higit na kilala sa tawag na Thomasites. Kasabay nito ang pag-usbong ng pagsasalin upang higit na maunawaan ng mga Pilipino ang mga panitikang ito. Hindi mabilang ang mga tula, dula, maikling kwento, nobela at sanaysay na naisalin sa Filipino. Naging napakalaking pangangailangan ng pagsasalin sa kasalukuyang panahon dahil sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya ng kompyuter at komunikasyon. lalong lumakas ang pagkakakapit ng wikang Ingles sa mga Pilipino dahil sa paniniwalang ito ang wika ng globalisasyon. Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng wika sa buhay ng bawat mamamayan, subalit mawawalan ito ng saysay o kabuluhan kung hindi ito maiintindihan ng mga taong nakikinig o makababasa nito. Mga Tungkulin ng Pagsasalin sa Pagsusulong sa Filipino Ilan sa mga tungkulin ng pagsasalin sa pagsusulong sa Filipino ayon kina San Juan et al.,: 1. Sa naipamamalas na hindi hanggang sa ordinaryong talakayan lamang magagamit ang Filipino kundi kaya nitong magamit sa pagpapahayag ng mga intelektuwal na diskurso na makikita sa mga naisaling akda sa agham, teknolohiya, agham panlipunan, panitikan at marami pang iba. 2. Napapaunlad ang korpus ng Filipino habang patuloy ang mga gawaing pagsasalin. Sa mga katulad na inisyatiba, nabibigyang katumbas sa ating wika ang mga konsepto na tanging sa Ingles o ibang wika natin nababasa. 3. Naiimbak ang mahahalagang kaalaman sa iba’t ibang larangan sa pamamagitan ng Filipino. 4. Kung mga aklat at materyales na panturo o sanggunian ang mga naisalin magiging mas madali na ang pagtuturo at hindi na magiging dahilan ang kawalan ng kagamitan kaya hindi ginagamit ang Filipino sa mga kursong wala pang nalilimbag na aklat sa Filipino. 5. Napauunlad nito ang pedagogical idiom sa isang larangan. Bagamat pagpapaunlad din ito sa korpus ng Filipino, partikular na tinutukoy nito ang mga salita na magagamit para maituro nang mabilis at episyente ang isang kurso gamit ang Filipino. Dahil sa mga naisaling akda, unti-unti itong mabubuo ng mga gagamit ng Filipino sa pagtuturo ng iba’t ibang larangan.