Uploaded by May Ann Mabale

2.1 AWITING BAYAN

advertisement
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO
GRADO 7
IKALAWANG MARKAHAN
ARALIN 2.1
Panitikan:
Mga Bulong at Awiting Bayan
Teksto:
“Lawiswis Kawayan”, “Ili-ili Tulog Anay”,
“Si Pilemon, si Pilemon”
Wika:
Antas ng Wika Batay sa Pormalidad
Bilang ng Araw: 7 Sesyon
MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN
PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F7PN-IIa-b-7)
 Naipaliliwanag ang kaisipang nais iparating ng napakinggang bulong
at awiting-bayan.
PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F7PB-IIa-b-7)
 Nabubuo ang sariling paghahatol o pagmamatuwid sa ideyang
nakapaloob sa akda na sumasalamin sa tradisyon ng mga taga
Bisaya.
PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F7PT-IIa-b-7)
 Naiuugnay ang konotatibong kahulugan ng salita sa mga pangyayaring
nakaugalian sa isang lugar.
PANONOOD (PD) (F7PD- Iia-b-7)
 Nasusuri ang mensahe sa napanood na pagtatanghal.
PAGSASALITA (PS) (F7PS-IIa-b-7)
 Naisasagawa ang dugtungang pagbuo ng bulong at/o awiting-bayan.
PAGSULAT (PU) (F7PU-Ia-b-7)
 Naisusulat ang sariling bersiyon ng isang awiting- bayan sa sariling
lugar gamit ang wika ng kabataan.
WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F7WG-Iia-b-7)
 Nasusuri ang antas ng wika batay sa pormalidad na ginagamit sa
pagsulat ng awiting-bayan (balbal, kolokyal, lalawiganin, pormal).
Ikalawang Markahan| 1
TUKLASIN
I. LAYUNIN
PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F7PN-IIa-b-7)
 Naipaliliwanag ang kaisipang nais iparating ng napakinggang bulong at
awiting-bayan.
II. PAKSA
Panitikan:
Kagamitan:
Sanggunian:
Bilang ng Araw:
Pagkilala sa Awiting Bayan
Video clip mula sa youtube, pantulong na visuals
Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
1 Sesyon
III. PROSESO NG PAGKATUTO
Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral
AKTIBITI
1. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya (4 PIC, 1 WORD)
May ipakikitang apat na larawan ang guro. Huhulaan ng bawat mag-aaral ang
tamang terminolohiya para sa apat na larawan. Maaari itong gawing
pangkatang gawain kung saan ang grupo na makakakuha ng tamang sagot
ang magkakaroon ng puntos. Ang pinakamaraming puntos ang tatanghaling
panalo.
awit
Ikalawang Markahan | 2
bayan
kaugalian
bulong
https://www.google.com.ph/url?sa=i&rct=j&q=&esrc=s&source=images&cd=&ved=0ahUKEwjbn9e11bvSAhWBKJQKHYJ9DVYQjBwIBA&url=http%3A%2F%2Fclipartlibrary.com%2Fdata_i
mages%2F53082.png&bvm=bv.148747831,d.dGc&psig=AFQjCNHJNrPNgA6_tsPVbvVnsQmsucKnYg&ust=1488676261371934http://clipart-library.com/clipart/53130.htm
http://www.clipartkid.com/images/538/gossip-whispering-in-ear-secrets-drawing-illustration-mr-no-pr-no-iuXDxp-clipart.jpg
https://s-media-cache-ak0.pinimg.com/236x/20/9c/4d/209c4d67798122324d019265f519f796.jpg
Ikalawang Markahan| 3
Gabay na Tanong:
a. Ano ang kaugnayan ng awiting bayan at bulong sa kaugalian sa isa’t isa?
Pamilyar ba kayo sa mga ito?
Pag-uugnay ng guro ng ginawang aktibidad sa kasalukuyang aralin.
2. Pokus na Tanong
Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang gawain.
Pagbibigay ng guro ng pokus na tanong para sa aralin.
Bakit mahalagang pag-aralan ang mga bulong at awiting bayan?
3. Presentasyon
Mungkahing Estratehiya (AWITAN TIME)
Magpapanood ang guro ng videoclip ng mga awiting bayan mula sa youtube.
PARU-PARONG BUKID
https://www.youtube.com/watch?v=Z8LU6NswiDQ
SARONG BANGGI
https://www.youtube.com/watch?v=SaRJCG4MWjY
BAHAY KUBO
https://www.youtube.com/watch?v=1zltiVu94y4
LERON LERON SINTA
https://www.youtube.com/watch?v=firHRhLsprc
BULONG
Tabi tabi po….
Huwag po sanang manununo.
Ikalawang Markahan | 4
ANALISIS
1. Tungkol saan ang inyong mga narinig at napanood na mga awiting awit at
bulong?
2. Anong damdamin ang naramdaman ninyo habang inaawit ang mga awitin
at habang pinakikinggan ang mga bulong?
3. Kailan mo kadalasang naririnig o ginagamit ang mga bulong at awiting
bayan?
4. May masasalamin bang kultura sa ating mga katutubong awitin at mga
bulong? Pangatwiranan.
5. Nararapat bang hindi makalimutan ang mga bulong at patuloy na awitin ang
mga awiting bayan? Bakit? Patunayan ang kasagutan.
Pagbibigay ng Input ng Guro
D A G D A G K A A L A M A N- (FOR YOUR INFORMATION)
KAHULUGAN NG BULONG
Ang bulong ay isa pa sa mga yaman ng ating katutubong panitikang
pasalindila. Ito ay ginagamit pa rin ng marami nating kababayan sa pagpapasintabi
kapag napaparaan sa tapat ng isang nuno sa punso, sa kagubatan, sa tabing-ilog
at sa iba pang lugar na pinaniniwalaang tirahan ng engkanto, lamang lupa o
maligno. Binibigkas ang bulong para mabigyang-babala ang mga “nilalang na hindi
nakikita” na may daraan para maiwasang sila’y matapakan o masaktan.
Pinaniniwalaan kasing kapag hindi sinasadyang nasaktan ang mga “nilalang” na
ito ay maaari silang magalit o magdulot nang hindi maipaliwanag na karamdaman.
Gumagamit din ng bulong ang mga albularyo sa kanilang panggagamot.
KAHULUGAN NG AWITING BAYAN
Ang awiting bayan ay nagsimula bilang mga tulang may sukat at tugma
subalit kalauna’y nilapatan ng himig upang maihayag nang pakanta. Sa ganitong
paraan ay higit na naging madali ang pagtanda o pagmemorya sa mga awiting ito.
Hindi man nasusulat ay sa isip at puso naman ng mga mamamayan nanahan at
naisatitik ang mga awit kaya naman maituturing na walang kamatayan ang mga ito .
Uri ng Awiting Bayan:
 Kundiman - awit ng pag-ibig.
 Kumintang - awit ng pakikidigma
 Dalit o Imno - awit sa mga diyos- dyosan ng mga bisaya.
 Oyayi o Hele - awit sa pagpapatulog ng bata.
 Diona - awit sa kasal.
 Soliranin - awit ng mga manggagawa.
 Talindaw - awit ng pamamangka.
 Dungaw - awit sa patay
Sanggunian: PINAGYAMANG PLUMA 7, Alma M. Dayag et. al.
Ikalawang Markahan| 5
ABSTRAKSYON
Mungkahing Estratehiya (PICTURE-CONCEPT)
Bubuo ang mga mag-aaral ng pangkalahatang konsepto sa pamamagitan ng
pag-uugnay sa mga larawan.
AWITING
BAYAN
BULONG
Ang mga bulong at awiting bayan ay ______________________
APLIKASYON
Mungkahing Estratehiya (AWITING BATANGAS)
Sasagutin ng mga mag-aaral ang katanungan ng guro.
Kung susulat ka ng isang awiting bayan sa Batangas, anong kaugalian
ang magiging tema nito at bakit?
IV. KASUNDUAN
1. Magsaliksik ng isang awiting bayan at idikit ito sa iyong kwaderno.
2. Basahin at unawain ang awiting bayang “Si Pilemon, si Pilemon” ni Yoyoy
Villame. “Lawiswis Kawayan” at ”, “Ili-ili Tulog Anay”. Humanda sa
talakayan.
3. Magsaliksik ng ilang mga kaugalian at paniniwala na masasalamin sa
Kabisayaan.
Ikalawang Markahan | 6
LINANGIN
I.LAYUNIN
PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F7PB-IIa-b-7)
 Nabubuo ang sariling paghahatol o pagmamatuwid sa ideyang nakapaloob
sa akda na sumasalamin sa tradisyon ng mga taga Bisaya.
PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F7PT-IIa-b-7)
 Naiuugnay ang konotatibong kahulugan ng salita sa mga pangyayaring
nakaugalian sa isang lugar.
PANONOOD (PD) (F7PD- Iia-b-7)
 Nasusuri ang mensahe sa napanood na pagtatanghal.
PAGSASALITA (PS) (F7PS-IIa-b-7)
 Naisasagawa ang dugtungang pagbuo ng bulong at/o awiting-bayan.
II. PAKSA
Panitikan:
Tradisyon sa Kabisayaan na Masasalamin sa Mga Bulong at
Awiting Bayang Bisaya
Kagamitan:
Video clip mula sa youtube, pantulong na visuals
Sanggunian:
Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 2 Sesyon
III. PROSESO NG PAGKATUTO
Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral
AKTIBITI
1. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya (MANOOD TAYO)
Pagpapanood ng video clip tungkol sa kagandahan ng mga lugar sa Visayas.
ITS MORE FUN IN VISAYAS
https://www.youtube.com/watch?v=5CWLgoeVXJ0
Ikalawang Markahan| 7
Gabay na Tanong:
a. Ano-anong mga kultura at paniniwalang Bisaya ang inyong nakuha mula sa
pinanood?
b. Magbigay ng ilan pang paniniwalang Bisaya na inyong nalalaman.
Pag-uugnay ng guro ng ginawang aktibidad sa kasalukuyang aralin.
2. Pokus na Tanong
Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang gawain.
Pagbibigay ng guro ng pokus na tanong para sa aralin.
Ano-ano ang mga tradisyon sa kabisayaan na masasalamin sa mga
bulong at awiting bayang Bisaya?
3. Paglinang ng Talasalitaan
Mungkahing Estratehiya (PILIIN)
Tukuyin at salungguhitan ang konotatibong kahulugan ng mga salitang
nakasulat ng mariin kaugnay ng nakaugalian ng mga Pilipino.
1. Ang kulay itim ay karaniwang iniuugnay sa:
a. pagluluksa at kalungkutan
c. paghihirap at gutom
b. pag-ibig at pagkabigo
d. giyera at kaguluhan
2. Ang oyayi ay kaugnay ng:
a. Bangka, pamingwit, at isda
b. Walis, bunot at basahan
c. ina, hele at sanggol
d. rosas, gitara at pag-ibig
3. Ang balitaw at kundiman ay karaniwang iniuugnay sa:
a. Pangangaso
b. paggawa ng mga gawaing bahay
c. Panliligaw o pagsasaad ng pag-ibig
d. Pagiging matampuhin
4. Ang hilig sa pag-awit ng mga Pilipino ay karaniwang iniuugnay sa:
a. Pagiging mapamahiin
c. pagiging masayahin
b. Pagiging masipag
d. pagiging matampuhin
5. Ang awiting bayan ay karaniwang iniuugnay sa:
a. Materyal na kayamanan ng isang bayan
b. Pagsurudang dinanas ng isang bayan
c. Kultura’t kaugalian ng isang bayan
d. Politika sa isang bayan
Ikalawang Markahan | 8
Ilang salitang Bisaya ang ginamit sa pangungusap bilang pamalit sa katumbas
nitong salitang Tagalog. Piliin at salungguhitan ang kahulugan ng mga salitang
ito.
1. Dala ang kanyang lambat, si Mang Dante ay sumakay sa kanyang Bangka
at pumalaot. Siya ay namasol. Ang namasol ay…
a. lumangoy
b. naligo
c. nangisda
2. Sinabihan siya ng kanyang asawang si Aling Selya na magbalon para hindi
gutumin. Ang magbalon ay…..
a. maghukay ng balon
b. magbaon
c. magsaing
3. Ang mga huli ay guibaligya niya sa mga kapitbahay. Ang guibaligya ay…..
a. ipinagbili
b. ipinamigay
c. ipinadala
4. Nagluto siya ng sinigang. Gustong-gusto niya kasi ang sabaw na may
aslom. ang aslom ay....
a. init
b. asim
c. pait
5. Ginagawa niya ang lahat dahil sa pamilyang kaniyang gihigugma. Ang
gihigugma ay….
a. minamahal
b. hinihintay
c. binabantayan
4. Paghinuha sa Pamagat
Mungkahing Estratehiya (CONCEPT MAP)
Pagbibigay ng mga konseptong may kaugnayan sa mga pamagat ng awiting
bayan at bulong na tatalakayin.
Ili-ili
Tulog
Anay
Si
Pilemon,
si Pilemon
Lawiswis
Kawayan
Tabi
Tabi
Bulong
Ikalawang Markahan| 9
5. Pagpapabasa/ Pagpaparinig ng Akda
Mungkahing Estratehiya (PAGBASA/ PAGPAPARINIG)
Iparirinig ng guro at babasahin ng ilang piling mag-aaral ang mga awiting bayan
at bulong.
LAWISWIS KAWAYAN
https://www.youtube.com/watch?v=LK4fRG6x7Zs
SI PILEMON SI PILEMON
https://www.youtube.com/watch?v=HWArQM9E4oQ
ILI ILI TULOG ANAY
https://www.youtube.com/watch?v=QLJ-CoGrFlo
MGA BULONG
Sa Ilonggo
Tabi tabi….
Maaga lang kami
Kami patawaron
Kon kamo masalapay namon
Salin sa Tagalog
Tabi tabi….
Makikiraan lang kami
Kami’y patawarin
Kung kayo’
6. Presentasyon
Mungkahing Estratehiya (CULTURE IN THE SONG)
Pagbibigay ng mga tradisyon at kaugalian na nasalamin sa mga awiting bayan
at bulong na napakinggan.
Si Pilemon,
si Pilemon
Tradisyon/
Kultura
Ili-ili Tulog
Anay
Tradisyon/
Kultura
Lawiswis
Kawayan
Tradisyon/
Kultura
Tabi Tabi
Bulong
Tradisyon/
Kultura
Ikalawang Markahan | 10
7. Pangkatang Gawain
Mungkahing Estratehiya (IPAKITA ANG GALING)
Ipakikita ng bawat pangkat ang kanilang mga galing sa pagbuo ng bulong at/o
awiting-bayan na sasalamin sa kultura at tradisyon ng mga Bisaya.
1
SELEBRASYON
DIYOS
(FIESTA)
PAMILYA
2
PANINIWALA SA
3
4
PAG-AASAWA
RUBRIKS NG PANGKATANG GAWAIN
BATAYAN
Napakahusay
Mahusay
Nilalaman
at
Organisasyon
ng mga
Kaisipan
o Mensahe(4)
Lubos na
naipahatid ang
nilalaman o
kaisipan na nais
iparating sa
manonood (4)
Naipahatid ang
nilalaman o
kaisipan na nais
iparating sa
manonood (3)
Lubos na
kinakitaan ng
kasiningan ang
pamamaraang
ginamit ng
pangkat sa
presentasyon (3)
Lubos na
nagpamalas ng
pagkakaisa ang
bawat miyembro
sa kanilang
gawain (3)
Istilo/
Pagkamalikhain
(3)
Kaisahan
ng Pangkat
o
Kooperasyon
(3)
Di-gaanong
Mahusay
Di-gaanong
naiparating ang
nilalaman o
kaisipan na nais
iparating sa
manonood (2)
Nangangailangan
ng Pagpapabuti
Di naiparating ang
nilalaman o
kaisipan na nais
iparating sa
manonood (1)
Kinakitaan ng
kasiningan ang
pamamaraang
ginamit ng
pangkat sa
presentasyon
(2)
Di-gaanong
kinakitaan ng
kasiningan ang
pamamaraang
ginamit ng
pangkat sa
presentasyon(1)
Di kinakitaan ng
kasiningan ang
pamamaraang
ginamit ng pangkat
sa presentasyon
(0)
Nagpamalas ng
pagkakaisa ang
bawat
miyembro sa
kanilang gawain
(2)
Di-gaanong
nagpamalas ng
pagkakaisa ang
bawat miyembro
sa kanilang
gawain (1)
Di nagpamalas ng
pagkakaisa ang
bawat miyembro
sa kanilang gawain
(0)
Ikalawang Markahan| 11
8. Pagtatanghal ng pangkatang gawain
9. Pagbibigay ng feedback ng guro sa itinanghal na pangkatang gawain
10. Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na nagpakita
ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa rubriks na ibinigay ng
guro
ANALISIS
1. Ano-anong bahagi ng kultura ng Kabisayaan ang masasalamin sa mga
awiting bayan at bulong na napakinggan/ napanood? Isa-isahin ito.
2. Suriin ang ginawang pagtatanghal ng pangkatang gawain. Ano ang
mensahe na nais nitong iparating?
3. Naging madali ba ang paglikha ng mga awiting bayan/ bulong ng bawat
pangkat? Bakit?
4. Ano-anong mga bagay ang masasalamin sa mga katutubong awitin at mga
bulong?
5. Paano mapananatili at mapapalaganap ang mga katutubong panitikan tulad
ng mga awiting bayan at bulong sa kasalukuyang henerasyon.
Pagbibigay ng Input ng Guro
D A G D A G K A A L A M A N- (FOR YOUR INFORMATION)
ANG KABISAYAAN
Ang mga Bisaya ay isang multilinggwal na pangkat etnikong Pilipino.
Pangunahin silang naninirahan sa Kabisayaan at sa hilagangsilangang Mindanao habang ang iba naman ay dumayo sa ibang mga
bahagi ng bansa, kasama na ang Kalakhang Maynila, kung saan sila ang
bumubuo ng mayoriya.
Cebuano, Hiligaynon (o
Ilonggo),
at Waray-Waray ang
mga
nangungunang wika ng mga Bisaya pagdating sa bilang ng mga
tagapagsalita. Bagaman maaaring magkaunawaan ang mga tagapagsalita
ng mga wikang ito (at ng iba pang mga wikang Bisaya) kung pipilitin, hindi
pa rin ito sapat para sa masaysay na talastasan, at
karaniwang Filipino o Ingles ang ginagamit bilang wikang pantalastasan sa
pagitan ng mga kasapi ng iba’t ibang pangkat linggwistiko. Higit 40% ng mga
Pilipino ang may kanunununuang Bisaya.
Ikalawang Markahan | 12
ABSTRAKSYON
Mungkahing Estratehiya (CONCEPT NOTE)
Tutukuyin ng mga mag-aaral ang mga notang naglalaman ng mga tradisyon at
kulturang masasalamin sa mga awiting bayang tinalakay.
Si Pilemon, si
Pilemon
Ili-ili Tulog
Anay
Tabi Tabi
Bulong
Lawiswis
KAwayan
Ikalawang Markahan| 13
APLIKASYON
Mungkahing Estratehiya (SA SARILING BAYAN)
Magpapanood ang guro ng videoclip tungkol sa probinsiya ng Batangas.
Pagkatapos ay bubuo ang mga mag-aaral ng awiting bayan/ bulong na
sasalamin sa kultura at tradisyon ng mga Batangueño.
SILIP SA LUGAR NG TAAL
https://www.youtube.com/watch?v=i2QnhbYsV_U
AWITING BAYAN/
BULONG
EBALWASYON
Panuto: Sagutin ang mga katanungan. Piliin at isulat ang titik ng tamang
sagot.
1. Sa ating bansa ay maraming genre ng akdang pampanitikan, alin sa mga
akdang pampanitikan na inaawit ng ating mga ninuno noong unang
panahon ang lumitaw sa anyong patula na sumasalamin sa mga kultura at
paniniwala ng mga Pilipino?
a. Awiting bayan
b. kwentong bayan
c. nobela
d. tula
2. Sa linya ng awit na “ Ang benta nya’y nawala, Ang benta niya’y nawala,
Ibinili ng tuba” Ipinakita sa pahayag na ang tauhan ay may katangiang
________.
a. maadhika sa buhay
b. marunong sa negosyo
c. mahilig kumain ng isda
d. mahilig uminom ng alak
3. Ang mga Bisaya ay isang multilinggwal na pangkat etnikong Pilipino.
Pangunahin silang naninirahan sa Kabisayaan at sa hilagangsilangang Mindanao. Anong katangian ng mga Bisaya ang masasalamin sa
awiting bayang “Ili ili Tulog Anay”?
a.
b.
c.
d.
Pagmamahal ng ina sa kanyang anak
Pagiging maadhika sa buhay
Pagkakaroon ng disiplina sa sarili
Pagkakaroon ng mga bisyong masama
Ikalawang Markahan | 14
4. Ano ang ipinahahayag ng bulong sa ibaba?
Sa Ilonggo
Tabi tabi….
Maaga lang kami
Kami patawaron
Kon kamo masalapay namon
Salin sa Tagalog
Tabi tabi….
Makikiraan lang kami
Kami’y patawarin
Kung kayo’
a. Gumagawa ng mga paraan ang mga magulang para sa ikabubuti ng
anak.
b. Ang mga Pilipino ay likas na magalang ay mapagpaumanhin sa kapwa
tao.
c. Hindi gumagalang ang mga sinaunang Pilipino sa kapwa tao sapagkat
sila ay mapagmataas.
d. Maraming mga bagay ang sadyang hadlang sa pag-unlad ng buhay ng
isang tao.
5. Pillin ang tamang pares ng awiting bayan at mensaheng ipinababatid nito.
a.
b.
c.
d.
Si Pilemon, si Pilemon- maling paraan ng pamumuhay
Ili-ili Tulog Anay- pagmamahal ng magulang sa anak
Lawiswis Kawayan- pagmamahal ng magulang sa anak
Ili-ili Tulog Anay- maling paraan ng pamumuhay
a. A at B
b. B at C
c. C at D
d. A at D
Sagot:
A
D
A
B
A
Pagkuha ng Index of Mastery
SEKSYON
BILANG NG MAG-AARAL
INDEX (%)
IV. KASUNDUAN
1. Magsaliksik ng isa pang awiting bayan na nagmula sa Kabisayaan. Alamin
ang kaugalian at tradisyon ng awiting bayan na inyong napili.
2. Isa-isahin ang mga barayti ng wika at ibigay ang kahulugan ng bawat isa.
3. Magbigay ng 3 halimbawa sa bawat isang barayti ng wikang nasaliksik.
Ikalawang Markahan| 15
PAUNLARIN
I.LAYUNIN
WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F7WG-Iia-b-7)
 Nasusuri ang antas ng wika batay sa pormalidad na ginagamit sa pagsulat
ng awiting-bayan (balbal, kolokyal, lalawiganin, pormal).
II. PAKSA
Wika:
Kagamitan:
Sanggunian:
Bilang ng Araw:
Antas ng Wika
Video clip mula sa youtube, pantulong na visuals
Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
2 Sesyon
III. PROSESO NG PAGKATUTO
Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral
AKTIBITI
2. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya (MANOOD TAYO)
Magpapanood ang guro ng video clip ng dalawang awiting iisa ang pinapaksa.
Bebot (Black Eyed Peas)
Ikalawang Markahan | 16
Ang Dalagang Pilipina
Gabay na Tanong:
a. Pansinin ang pamagat ng dalawang awit. Kapwa tumutukoy sa babae ang
mga salitang ito subalit masasabi mo ba kung paano nagkaiba ang mga
ito?
b. Sa ano-anong pagkakataon o saan-saang lugar mo maaaring marinig ang
salitang dalagang Pilipina? ang salitang bebot?
Pag-uugnay ng guro ng ginawang aktibidad sa kasalukuyang aralin.
3. Pokus na Tanong
Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang gawain.
Pagbibigay ng guro ng pokus na tanong para sa aralin.
Ano-ano ang iba’t ibang mga antas ng wika?
4. Presentasyon
Mungkahing Estratehiya (DOKUMENTARYO)
Pagpapanood ng video clip mula sa youtube na may kaugnayan sa aralin.
HULING HIRIT SA BUWAN NG WIKA: ANG WIKANG FILIPINO SA
MODERNONG PANAHON
https://www.youtube.com/watch?v=eWkw6EsA_m8
ANALISIS
1. Ano ang masasabi mo sa wikang Filipino batay sa napanood na
dokumentaryo tungkol sa wika?
2. Sa iyong palagay bakit nagkakaroon ng iba’t ibang antas ng wika? Isaisahin ang mga dahilan nito.
3. Saan o kanino mo kadalasang naririnig ang mga salitang naimbento o
nabuo lamang? Madali ba para sa iyo na maunawaan ang mga ito?
4. Suriin ang mga antas ng tao sa lipunan na gumagamit ng mga malalamin
na salita, ng mga salitang karaniwan at ng mga salitang hindi pormal.
5. Mahalaga ba ang kasanayan sa iba’t ibang antas ng wika? Bakit?
Pangatwiranan.
Ikalawang Markahan| 17
Pagbibigay ng Input ng Guro
D A G D A G K A A L A M A N - (FOR YOUR INFORMATION)
MGA ANTAS NG WIKA
1. Balbal o Pabalbal – Ito ang wikang ginagamit sa lansangan. Ito ang
pinakamababang antas ng wika. Ang salitang balbal ay nabubuo sa
pamamagitan ng iba’t ibang paraan tulad ng pagkuha ng dalawang huling pantig
ng salita,pagbaligtad ng titik sa salita, pagkuha ng salitang Ingles at pagbibigay
rito ng ibang kahulugan.
Halimbawa:
Amerikano- kano
Tigas-astig
Datung- pera
bagets- kabataan
charing-biro
sikyu- guwardiya
2. Kolokyal – Mataas lamang ito ng kaunti sa salitang balbal. Wikang sinasalita
ng pangkaraniwang tao ngunit bahagya lamang na tinatanggap sa lipunan.
Madalas na ginagamitan ng pagpapaikli o pagkakaltas ng ilang titik sa salita
upang mapaikli o mapagsama ang dalawang salita.
Halimbawa:
Pa’no- mula sa paano
P’re mula sa pare
kelan- mula sa kailan
meron mula sa mayroon
3. Lalawiganin – Ito’y wikang ginagamit sa isang rehiyon at sila lamang ang
nagkakaintindihan kung ang pagbabatayan ay wikang pambansa.
Halimbawa:
Ambot- mula sa salita Bisaya na ang ibig sabihin ay ewan
Kaon- mula sa salitang Bisaya na ang ibig sabihin ay kain
4. Pambansa o Karaniwan – Ito ang wikang sinasalita ng balana na tinatanggap
sa lipunan.
Halimbawa:
Maybahay sa halip na waswit
Ama at ina sa halip na erpat at ermat
5. Pampanitikan – Ito ay pinakamataas na antas ng wika. Ito ang ginagamit ng
mga makata at pantas sa kanilang pagsusulat. Kabilang dito ang
matatalinghagang salita at mga salitang nagbibigay ng pahiwatig, simbolismo at
larawang diwa.
Halimbawa:
Ang bilugang pisngi’y may biloy na sa kanyang pagngiti ay binubukalan
mandin ng pag-ibig.
Sanggunian: PINAGYAMANG PLUMA 7, Alma M. Dayag et. al.
Ikalawang Markahan | 18
ABSTRAKSYON
Mungkahing Estratehiya (STUDYANTE BLUES)
Tutukuyin ng mga mag-aaral ang mga estudyante na nagpapakita ng iba’t
ibang antas ng wika.
Ang mga antas
ng wika ay ang
balbal,kolokyal,
lalawiganin,
pambansa at
pampanitikan.
Ang mga antas
ng wika ay ang
Pangatnig at
pang-ugnay.
Ang mga antas
ng wika ay ang
sanhi at bunga.
Ang mga
antas ng wika
ay ang
eksistensyal,
modal,
phenomenal
at pormal.
Ang mga antas ng wika ay ang balbal,kolokyal,lalawiganin, pambansa at
pampanitikan.
Ikalawang Markahan| 19
APLIKASYON
Ginabayang Pagsasanay
Mungkahing Estratehiya (USAP TAYO)
Gumawa ng isang usapan na nagpapakita ng paggamit ng iba’t ibang antas ng
wika. Pumili sa mga sitwasyong ibibigay ng guro.
Paggamit ng
iba’t ibang
antas ng wika
A.
B.
C.
D.
Palengke
Plaza
Paaralan
Mall
Malayang Pagsasanay
Mungkahing Estratehiya (GAWIN NATIN)
Suriin ang barayti ng wikang ginamit ng bawat tauhan sa usapang naganap sa
isang family reunion. Kilalanin at isulat sa patlang kung ang nakadiin ay balbal,
kolokyal, lalawiganin o pormal.
___________Lola: Ang pagdating ng buong angkan ay tila sinag ng
bulalakaw na nagdulot sa akin ng kaligayahan. (pampanitikan)
___________Jean: Uy, si Lola emote na emote……(balbal)
___________Lito: Hayaan mo nga siya, Jean. Moment niya ito eh. (balbal)
___________Tita Lee: O sige, kaon na mga bata. Tayo’y magdasal na muna.
(lalawiganin)
___________Ding: Wow! Ito ang chibog!!! Ang daming putahe. (balbal)
___________Kris: Oh, so dami. Sira na naman ang diet here. (balbal)
___________Nanay: Sige, sige, kain ngarud para masulit ang pagod namin
sa paghahanda. (lalawiganin)
___________Lyn: Ipinakikilala ko ang syota kong Kano. Dumating siya para
makilala kayong lahat. (balbal)
___________Tito Mando: Naku, nag-aamoy bawang na. Kailan ba naman
ang pag-iisang dibdib? (pampanitikan)
___________Lolo: Basta laging tatandaan, nga apo, ang pag-aasawa’y hindi
parang kaning isusubo na maaaring iluwa kapag napaso. (pampanitikan)
Ikalawang Markahan | 20
EBALWASYON
Panuto: Sagutin ang mga katanungan. Piliin at isulat ang titik ng tamang
sagot.
1. Ito ang pinakamataas na antas ng wika. Ginagamit ng mga makata at pantas sa
kanilang pagsusulat. Kabilang dito ang matatalinghagang salita at mga salitang
nagbibigay ng pahiwatig, simbolismo at larawang diwa.
a. Karaniwan
c. balbal
b. kolokyal
d. pampanitikan
2. Alin ang pangungusap na nagpapakita ng antas ng wika na nasa anyong balbal?
a. Huwag mawawalan ng pag-asa dahil ang buhay ay parang gulong. Minsan
nasa itaas minsan nasa baba.
b. Dapat ay gora lamang sa lahat ng mga pagsubok sa life.
c. Ang mga taong may paniniwala sa Panginoon ay matatag sa buhay.
d. Wala sa nabangit
Panuto: Tukuyin ang antas ng wikang binabanggit sa mga salitang may
salungguhit sa pangungusap. Piliin ang titik at isulat ang tamang sagot.
a. Balbal
b. Kolokyal
c. Lalawiganin
d. Pambansa
e. Pampanitikan
_____3. Mainit ang panahon nitong mga nakaraang araw. Kaya naman nauuso ang
mga iba’t ibang uri ng sakit.
_____4. Dinedma si Ruel ng kanyang kasintahan dahil sa naging away nila kagabi.
_____5. Wala siyang paki kung pag-usapan man siya ng ibang tao. Siya ay may
sariling diskarte sa buhay.
Sagot:
D
B
D
A
B
Pagkuha ng Index of Mastery
SEKSYON
BILANG NG MAG-AARAL
INDEX (%)
IV. KASUNDUAN
1. Magbigay ng mga halimbawa ng mga salita sa iba’t ibang antas. Gamitin ito
sa makabuluhang pangungusap.
2. Humanda sa pagsulat ng Awtput 2.1.
Ikalawang Markahan| 21
ILIPAT
I.LAYUNIN
PAGSULAT (PU) (F7PU-Ia-b-7)
 Naisusulat ang sariling bersiyon ng isang awiting- bayan sa sariling lugar
gamit ang wika ng kabataan.
II. PAKSA
Pagsulat ng Awtput 2.1
Kagamitan:
Pantulong na visuals
Sanggunian:
Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 1 Sesyon
III. PROSESO NG PAGKATUTO
Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral
AKTIBITI
1. Motibasyon
Mungkahing Estatehiya ( SINE TIME)
Magpapanood ang guro ng isang videoclip tungkol sa lalawigan ng Batangas.
Pagkatapos ay magkakaroon ng talakayan ukol dito.
BATANGAS LUNGSOD KONG MAHAL
https://www.youtube.com/watch?v=HI3UCrXqKOc
Gabay na Tanong:
c. Ano ang iyong masasabi sa lalawigan ng Batangas?
d. Gaano kaunlad ang lugar na ito?
e. Isa-isahin ang mga kultura at paniniwala sa lalawigan ng Batangas.
Ikalawang Markahan | 22
2. Pagtalakay sa Awtput sa tulong ng GRASPS
GOAL:
Naisusulat ang sariling bersiyon ng isang awiting- bayan sa
sariling lugar gamit ang wika ng kabataan.
ROLE:
Mag-a-“audition” ka sa “Moon Records” dahil magtatampok sila ng mga
bagong kompositor/ mang-aawit para sa kanilang launching o
pagbubukas. Nakapokus sila sa mga kabataang may pagmamahal sa
sariling musika. Nais mong maging kakaiba sa mga bagong sikat na mga
mang-aawit.
AUDIENCE: Mga Pilipinong mahilig sa OPM
SITUATION: Nais mong bigyan ng ibang bersyon ang mga awiting bayan na kilala sa
inyong lugar bilang entry mo sa gaganaping audition ng “Moon Records”.
PRODUCT: Kuwentong bayan na sasalamin ng tradisyon o kaugalian ng
lugar na pinagmulan nito gamit ang wika ng kabataan
STANDARD:
ORIHINALIDAD
AT
NILALAMAN
(4)
RUBRIKS NG AWTPUT
Lubos na nagpapakita
ng orihinalidad ang
nilalaman ng awit.(4)
PAGGAMIT NG
SALITA
(3)
Napakahusay ng
pagpili sa mga
salitang ginamit sa
awit.(3)
Nagpakita ng
orihinalidad ang
nilalaman ng
awit.(3)
Mahusay ang
naging pagpili sa
mga salitang
ginamit sa awit.(2)
SUKAT AT
TUGMA
(3)
Lubos na kinakitaan
nang maayos na sukat
at tugma ang naisulat
na awit.(3)
Kinakitaan nang
maayos na sukat at
tugma ang naisulat
na awit.(2)
Ang nilalaman ng
tula ay nagmula sa
mga naisulat nang
mga awit.(1)
Hindi gaanong
mahusay ang
naging pagpili ng
mga salitang
ginamit. (1)
Hindi kinakitaan nang
maayos na sukat at
tugma ang naisulat
na awit.(1)
KABUUAN (10)
3. Pagkuha ng mga awtput na ginawa ng bawat mag-aaral.
4. Pagpapabasa ng ilang piling awtput na kinakitaan ng kahusayan sa
pagkakasulat.
IV. KASUNDUAN
1. Sumulat ng isang talatang nagpapakita ng wastong paggamit ng antas ng wika.
2. Ano ang alamat bilang isang akdang pampanitikan? Magsaliksik ng tungkol dito.
Ikalawang Markahan| 23
Download