Uploaded by KyungSOOJU Do

MY DEMO

advertisement
I.Layunin
Pagkatapos ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang matatamo ang
sumusunod ng may 75 bahagdang tagumpay:
A. nasusuri ang mga batas na nangangalaga sa mga manggagawa;
B. napahahalagahan ang karapatan ng mga manggagawa;at
C. naipaliliwanag ang bawat layunin ng patakaran para sa mga manggagawa.
II.Nilalaman
A. Paksa: Mga Batas na Nangangalaga sa Karapatan ng Manggagawa
B. Sanggunian: Ekonomiks.Araling Panlipunan,Modyul para sa Mag-aaral, ng Kagawaran
ng Edukasyon, pahina 419-423
C. Kagamitan: laptop, kartolina at graphic organizer
D. Pagpapahalaga: Malaman ang Karapatan
III.Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagtaya ng lumiban
3. Balik-Aral
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Magpapanood ng video clip sa klase. Ang bawat mag-aaral ay magbibigay ng
kanilang sariling saloobin sa naturang video na kanilang napanood.
2. Paglalahad
a. Batay sa video na inyong napanood, ano sa inyong palagay ang paksang
ating tatalakayin ngayong araw?
b. Ang klase ay papangkatin sa apat na grupo, ang bawat grupo ay
magbibigay ng kanilang ideya sa layunin ng bawat patakaran sa karapatan
ng mga manggagawa sa pamamagitan ng broadcasting.
3. Pagtatalakay
a. Ano-ano ang mga benepisyo para sa manggagawa na ayon sa batas?
b. Bakit kailangang siguruhin ang kapakanan ng bawat manggagawang
Pilipino?
c. Alin sa mga patakaran ang maituturing mong pinaka-nakabubuti sa mga
manggagawa? Bakit?
d. Anong patakaran para sa manggagawa ang dapat na pagtuunang pansin ng
pamahalaan?
e. Sa kasalukuyan ,ano sa iyong palagay ano kalagayan ng mga
manggagawang Pilipino?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalapat
a. Kung ikaw ay mabibigyang pagkakataon na maging isang mambabatas ,
anong patakaran ang iyong ipatutupad upang matulungan ang mga
manggagawang Pilipino?
2. Paglalahat
a. Isa-isahin ang mga batas na nangangalaga sa karapatan ng mga
manggagawa na ayon sa handbook ng Department of Labor and
Employment.
b. Ang bawat mag-aaral ay isusulat ang kanilang mga natutunang patakaran
sa nakahandang graphic organizer.
Mga Batas na Nangangalaga sa Karapatan ng Manggagawa
IV. Ebalwasyon
Panuto: Tukuyin ang tamang sagot. Piliin ang tamang sagot sa Hanay B at isulat ito sa
Hanay A.
HANAY A
HANAY B
_______1.Karagdagang bayad sa pagtratrabaho sa gabi.
A. separation pay
_______2. Tumutukoy sa bayad ng mga manggagawang
B. wage rationalization act
nahihiwalay sa trabaho.
_______3. Nagsasaad ng mga mandato para sa
C. overtime pay
pagsasaayos ng pinakamababang sahod.
_______4. Karagdagang bayad sa isang oras na pagtratrabaho na lampas ng walong oras.
D. holiday pay
_______5. Ito ay nararapat lamang sa mga
E. parental leave
nagdadalang taong manggagawa.
_______6. Ito ay ibinibigay sa mga empleyado na
F. thirteenth month pay
hindi lalampas sa ika-24 ng Disyembre bawat taon.
_______7. Ipinagkakaloob sa sinumang solong
G. paternity leave
manggagawang magulang.
_______8. Karagdagang bayad sa mga manggagawa sa
H. premium pay
araw ng pahinga at special days.
_______9. Pagbibigay bayad sa isang araw na sahod
I. maternity leave
kahit hindi pumasok sa araw ng pista opisyal.
_______10. Ito ay naaayon lamang sa empleyadong
lalake sa unang apat na araw na manganak ang
J. retirement pay
K. night shift differential
legal na asawa.
V. Takdang Aralin
Magsaliksik sa mga aklatan, magasin, o sa mga internet website ng ilang mga isyu tungkol
sa mga patakaran na nangangalaga sa karapatan ng mga manggagawa. Isulat ito sa isang malinis
na papel.
Download