Pangasinan State University San Carlos Campus San Carlos City, Pangasinan Mala-Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan (Ekonomiks) Ipinasa Kay: G. Froilan Soriano Ipinasa Ni: Juene Elanie A. Armada BSE-SS-3A I.Layunin Pagkatapos ng 60 minutong talakayan, ang mga mag- aaral ay inaasahang matatamo ang mga sumusunod nang may 90% na tagumpay na: A. natutukoy ang konsepto ng pangangailangan at kagustuhan; B. nailalahad ang kahalagahan ng matalinong pagdedesisyon;at C. nakasusulat ng sariling pamantayan ukol sa pagpili ng pangangailangan. II.Nilalaman A.Paksa: Pangangailangan at Kagustuhan B.Sanggunian: Ekonomiks: Pagsulong at Pag-unlad Makabayan Serye ni Balitao B. Cruz Pahina 39-43, Wikipedia.com C.Kagamitan: Laptap at Projector D. Pagpapahalaga: Matalinong Pagdedesisyon III.Pamamaraan A.Panimulang Gawain 1.Panalangin 2.Pagbati 3.Pagtala sa mga lumiban 4.Pagganyak Quick Quest: Ang bawat estudyante ay magbibigay ng kanilang opinion o ideya ukol sa tanong na ibibigay. B. Paglalahad Batay sa ating isinagawang aktibidad , ano sa inyong palagay ang tatalakayin natin sa araw na ito? C.Pagtatalakay 1.Ano ang pagkakaiba ng pangangailangan at kagustuhan? 2.Paano makatutulong ang kaalaaman sa konsepto ng pangangailangan at kagustuhan ng matalinong pagdedesisyon? 3.Kailan nagiging pangangailangan ang isang kagustuhan?Bakit? 4.Bakit kaya umuusbong ang mas mataas na pangangailangan ng tao ayon kay Maslow? 5.Puwede bang makarating ang tao sa ikalawa, ikatlo hanggang sa ikalimang baiting na hindi dumadaan sa una?Bakit? Kaganapan ng Pagkatao Pagkamit ng respeto sa sarili at respeto sa ibang tao Pangangailangang Panlipunan SEGURUDAD AT KALIGTASAN PISYOLOHIKAL Teorya ng Pangangailangan ni Maslow D.Paglalapat 1.Gaano kahalaga ang matalinong pagdedesisyon sa pagpili ng pangangailangan at kagustuhan? 2.Paano mo makakamit ang iyong kagustuhan? 3.Sa iyong palagay, ano ang pinakamahalaga sa teorya ng pangangailangan ni Maslow? E.Paglalahat 1.Anong bagay ang pinakamahalaga sa iyo bilang mag-aaral? 2.Paano mo naman maiuugnay ang personal momg kagustuhan at pangangailangan sa suliranin sa kakapusan? 3.Ano sa iyong palagay ang mas umiiral sa mga Pilipino, ang Kagustuhan o Pangangailangan?Bakit? IV. Ebalwasyon Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang inyong dapat pagkagastusan , at (x) kung hindi. Isulat ang dahilan kung bakit (x) ang inyong sagot. Maaaring Pagkagastusan 1.koryente Halaga 1,000 2.tubig 500 3.pagbili ng paboritong junkfood 150 4.video game 100 5.upa sa bahay 2,500 6.pamamasyal at pagbisita sa mga kaibigan 500 7.pagkain ng pamilya 5,000 8.panonood sa sinehan 180 9.pamasahe at baon mo, ni tatay,ate,kuya at iba pa. 10.cable/internet 2,200 900 V. Takdang Aralin Bumuo ng sariling pamamantayn sa pagpili ng mga pangangailangan batay sa herarkiya ng mga pangangailngan. Ilahad ang inyong pamantayan sa pamamagitan ng sanaysay at isulat ito sa isang malinis na papel.