Masusing Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan Ika-8 Baitang I. Layunin Sa loob ng animnapung minutong talakayan, ang mag-aaral ay inaasahang makatamo ng 90 % na pagkatuto sa mga sumusunod: 1. Natutukoy ang epekto ng neokolonyalismo sa bansang sinakop nito. 2. Nakagagawa ng tula,jingle,Awit tungkol sa epekto ng neokolonyalismo. 3. Napahahalagahan ang pagmamahal sa bayan. Pagmamahal sa Bayan II. Paksang Aralin a. Paksa: Neokolonyalismo-Mga Epekto nito. b. Sanggunian: Batayang aklat c. Metodolohiya:’’ Differentiated Instructions’’ III. Pamamaraan Gawaing Guro Gawain ng Mag-aaral a. Panalangin Ang lahat ng mag-aaral ay magsitayo para sa ating panalangin. Mag-aaral A, maaari mo bang pangunahan ang ating panalangin. Sa ngalan ng ama, ng anak at espiritu santo. Amen. Ama maraming salamat po sa lahat ng biyayang ipinagkaloob nyo sa amin, gabayan nyo po kami sa lahat ng mga bagay na aming gagawin. Ama, bigyan nyo po kami ng lakas ng loob na magawa ang aming mga tungkulin, bigyan nyo po kami ng sapat na kaalaman na maaari naming ibahagi sa aming kapwa. Ang lahat ng papuri ay sa iyo aming panginoon. Sa ngalan ng ama, ng anak at espiritu santo. Amen. 2. Pagbati Magandang umaga sa inyong lahat. Magandang umaga rin po. Makikipulot ng mga basura sa ilalim ng inyong lamesa at upuan. Maaari na kayong umupo. Salamat po. 3. Pagtatala ng Lumiban sa klase Mayroon bang lumiban sa araw na ito? Wala pong lumiban sa araw na ito. Magaling! 4. pagbabalik-Aral Magbalik aral muna tayo. Ano ang tinalakay natin kahapon? B. Panlinang na gawain a. paganyak’’ panuto: Suriin ang mga produktong naka paskil sa pisara,pumili ng produkto at ipaliwanag kung bakit ito ang iyong napili. B. Paglalahad ng bagong aralin Gawain I- Pangkatang Gawain Panuto: Sa loob ng sampung minuto Bumuo ng 3 grupo Pumunta kayo sa inyong grupo a Bibigyan lamang ng 2 minuto para I presenta ito. Ito po ay tungkol sa kahulugan at uri ng Neokolonyalismo. Unang pangkat- ‘’tula’’ – Over dependence O labis na pag dedepende sa iba. Ikalawang pangkat- ‘’jingle’’- Loss of pride o kawalan ng karangalan. Ikatlong pangkat- ‘’Cartoon’’ –Continued enslavement o patuloy na pang-aalipin. Pamantayan: 10 points Para sa kaangkupan na nagawa. 5 points Para sa pagtutulungan, 5 points Para sa pagkamalikhain c. Pagsusuri (Analysis) Mga Gabay na Tanong: - 1.Bakit kaya nagkaroon ng Neokolonyalismo? -Ano-ano ang mga Epekto ng neokolonyalismo? -upang mapanatili an gang kanilang kapangyarihan sa mga nasasakopang bansa. Ito po ay ang sumusunod: Over dependence O labis na pag dedepende sa iba. Loss of pride o kawalan ng karangalan. Continued enslavement o patuloy na pangaalipin. 2. Paano nakaimpluwensya ang mga makapangyarihang bansa sa mga bansang kontrolado nila? Naiimpluwensyahan ang mga bansa dulot ng mga pakunwaring tulong. Paghahalaw(abstraction) Mga Tanong: Oo nakakaapekto ito sa bansang pilipinas sa paraang patuloy na pagtangkilik ng mga produktong dayuhan. 1. Nakaapekto ba ito sa bansang Pilipinas? Sa paanong paraan? D. Pagpapahalagang moral Bilang isang istudyante paano mo maipakita ang pagmamahal sa bayan. -pagtutulungan -pagkakaisa -pagsunod sa mga batas -para sa akin maipapakita ko ang pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng pagtangkilik sa sariling atin. c. pangwakas na Gawain(Application) Panuto: Dugtungan ang sumusunod na pangungusap: 1. Sa araling ito, natutunan kong_______ 2. Ang pinakamahalagang ideya na nakaapekto sa akin ay ___________ 3. Mahalaga ito sapagkat ___________ 4. Sa pagkakataong ito, naisip kong_______ IV. Pagtataya PANUTO: Sa isang kapat na papel, sagutan ang mga sumusunod piliin ang letra ng tamang sagot. 1. Ito ay sanhi ng impluwensya ng mga dayuhan. a. Over dependence o labis na pagdedepende b. loss of pride o kawalan ng karangalan c. continued enslavement o patuloy na pang-aalipin d. Pagmamahal sa bayan 2. Paano mapapatunayan na ang isang bansa ay patuloy na naimpluwesnyahan ng mga mananakop. a. Tinatangkilik ang sariling atin b. Nabuo sa isipan na lahat na galing sa kanluran na naimpluwensyahan ng mga mananakop c. Iisang bansa iisang diwa d. Pagkamakabayan. 3. Malinaw na umaasa ng labis ang mga tao sa malayang bansa lalong-lalo na sa may kaugnayan sa united states. a. Continued enslavement b. loss of pride c. over dependence d. Covert operation 4. Ito ay isang dahilan kung bakit ang tao ay nawalan ng interes sa sariling kultura at mga produkto a. Over dependence o labis na pagdedepende b. loss of pride o kawalan ng karangalan c. continued enslavement o patuloy na pang-aalipin d. Pagmamahal sa bayan 5.Ito ay tumutukoy sa lahat ng aspeto ng kabuhayan ay kontrolado pa rin ng kanluran . a. Over dependence o labis na pagdedepende b. loss of pride o kawalan ng karangalan c. continued enslavement o patuloy na pang-aalipin d. Pagmamahal sa bayan V. Takdang aralin -Pumili ng isang programa o palabas sa telebisyon na nagpapakita ng katibayan ng neokolonyalismo. Itala lahat ng napansing mga katibayan. Inihanda ni: KRIS ANGELA D.PASAOL