Bangang Manunggul Sanggunian ng mga Sinaunang Paniniwala at Kaugalian Bangang Manunggul • Kinikilala bilang isa sa pinakamahusay na likhang sining ng sinaunang panahon • Isa lamang sa maraming bangang natagpuan sa pagitan ng 1962 hanggang 1964 ng pangkat ng mga arkeyologo na pinangunahan ni Dr. Robert Fox sa Tabon Cave Complex sa Lipuun Point, Quezon, Palawan • Tinatayang nagawa sa pagitan ng 890 – 710 B.K. • May taas na 66.5 sentimetro o di nalalayo sa dalawang talampakan • Natagpuan sa loob ng banga ang mga buto ng isang tao. Dalawa ang proseso ng paglilibing sa sinaunang panahon: ang paglibing sa kamamatay pa lamang paglibing sa mga buto ng tao pagkalipas ng isang taon o higit pa Dito sa pangalawang libing ginamit ang Bangang Manunggul Sa Kwebang Manunggul ay may mga natagpuang malalaking banga na halos doble o higit pa ang taas kaysa sa Bangang Manunggul. Ito ay tinatayang ginamit para sa unang paglilibing Pagpapakahulugan sa Disenyo Kung pagmamasdan ay may tatlong mukha na makikita sa takip ng Bangang Manunggul. Una ay ang mukha ng tao na nakaekis ang mga kamay sa dibdib. Ganito inaayos ng mga sinaunang Pilipino ang posisyon ng mga kamay ng mga taong namatay. Ang ikalawang mukha ay nasa bangkero na siyang nagmamaniobra sa tinatahak na daan sa gitna ng mga along lalakbayin. Pansinin din sa dalawang imahen ng tao na tila nakatali ng bandana ang ulo hanggang sa ilalim ng panga,ito ay isang kagawian sa pagsasaayos ng namatay. Ang ikatlong mukha ay matatagpuan sa bangka, isang pagpapakita ng paniniwala ng mga sinaunang Pilipino sa pagkakaroon ng buhay at kaluluwa ng mga bagay sa kanilang paligid kung kaya naman labis ang kanilang respeto sa anumang nasa kapaligiran nila. Ayon sa isinalaysay ni Fr. Juan de Plasencia, isang paring Pransiskano na nanirahan sa Katagalugan mula noong 1578 hanggang sa kanyang kamatayan noong 1590, ang mga namamatay noon ay inilalagak sa isang bangka na nagsisilbing kabaong. "The manner of burying the dead was as follows: The deceased was buried beside the house, and if he were a chief, he was placed beneath a little house or porch which they constructed for this purpose. Before interring him, they mourned him for four days, and afterward laid him on a boat which served as a coffin or bier, placing him beneath the porch..." Fr. Juan de Plasencia, OSF, “Customs of the Tagalogs", Blair and Robertson (eds.), The Philippine Islands7: 194. Sa kabuuan, ang Bangang Manunggul ay nagpapahayag ng sinaunang paniniwala ng mga Pilipino sa kabilang buhay. Inilalarawan nito ang paniniwala ng paglakbay ng mga kaluluwa sa tubig sakay sa isang bangka tungo sa kabilang buhay. Ang Bangang Manunggul ang patunay ng panlahatang pamana ng ating mga ninunong Austronesyano sa kabila ng pagkakaiba-iba ng kultura ng mamamayang Pilipino. Marami sa ating mga epiko ay nagpapahayag ng paniniwala sa paglalakbay ng kaluluwa patungo sa kabilang buhay sakay ng bangkang tatawid sa kailugan at karagatan. Ito ay kaugnay ng paniniwala ng mga Austronesyano sa mga anito. Sintesis Ang Bangang Manunggul ay isang artefact na naglahad ng mga paniniwala at kaugalian ng mga sinaunang Pilipino partikular sa pagsasaayos ng mga taong namatay. Dito ay mahihinuha ang paggalang ng lipunan sa kanilang patay sa paglalagak sa mga buto nito sa isang banga upang patuloy itong mapangalagaan. Sa banga ay nakita ang kahalagahan ng mga ilog at dagat sa mga paglalakbay na ginagawa ng ating mga ninuno. Ang paglalakbay ng mga namatay ay sumasalamin sa paniniwala ng ating mga ninuno sa pagkakaroon ng tao ng kaluluwa at sa konsepto kabilang buhay. Sintesis Maaring sa kasalukuyan ay nabago na ang pagsasaayos sa ating mga namayapang kapamilya subalit buhay pa rin ang kaugalian ng pagbuburol at paglilibing. Patuloy pa rin ang ating paniniwala na ang bawat tao ay may kaluluwa at ang kaluluwang ito ay maglalakbay patungo sa kanyang hangganan batay sa kung paano siya namuhay sa lupa. • Chua, M. B. (1995). The Manunggul Jar as a Vessel of History. Artes De Las Filipinas. http://www.artesdelasfilipinas.com/archives/50/the-manunggul-jar-as-avessel-of-history. Retrieved on August7, 2020 • Diokno, M. I. (2017). Mga Saksi ng Kasaysayang Pilipino. Department of Education, Philippines. Sanggunian: • _____________(2014). Manunggul Jar. National Museum. https://www.nationalmuseum.gov.ph/nationalmuseumbeta/Collections/ Archaeo/Manunggul.html. Retrieved on August 5, 2020. • _____________(2010). #185 Manunggul Jar. 365 Great Pinoy Stuff. https://365greatpinoystuff.wordpress.com/2010/07/04/185-manungguljar/. re Retrieved on August 7, 2020. • __________________. Tabon Caves – Cradle of Philippine Civilization. Discover Palawan from A to Z. http://www.discoverpalawan.com/tabon-caves/. Retrieved on August 8, 2020