FILIPINO 9 WEEK 7 - Nagagamit ang mga angkop na pang-ugnay sa pagsulat ng maikling skit. (F9WG-Iig-h-51) - A. nakabubuo ng pangungusap gamit ang pangugnay - Nakapagbibigay presentasyon ng iskit na nabuod na ginamitan ng angkop na pangugnay. BALIK TANAW • BASAHIN ANG PAHAYAG UPANG MASAGUTAN ANG TANONG: Nakasalubong ni Andrew si Denis mula sa naguumpukang mga estudyante_____ hindi siya pinansin ng dalaga _____ malungkot ang mukha sa resultang nakita. • Ang pang-ugnay ay mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa pangungusap, maaaring salita, dalawang parirala o ng dalawang sugnay. Ito ay binubuo ng mga pangatnig, pang-angkop at pang-ukol. A. Pangatnig -ay mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita,parirala o sugnay tulad ng sapagkat,dahil,subalit,datapwat,palibhasa, bagamat,sawakas,upang,kapag,ngunit, maging,para sa at marami pang iba. B. Pang-angkop – ito naman ay mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan. NA- ito ay ginagamit kapag ang unang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa letrang NG- ito ay ginagamit naman kung ang unang salita ay nagtatapos sa patinig na a,e,i,o,u. G- ginagamit kung ang salitang karugtong ay nagtatapos sa katinig na n. n C. Pang-ukol ay mga salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita tulad ng labansa/kay,alinsunodsa/kay,labagsa/ kay,ayonsa/kay,parasa/kay/ kina,ukolkay/ kina. (Kuha mula sa: https://www.myph.com.ph) PAGLALAHAT • KUMPLETUHIN ANG TALAAN: PANG-UGNAY PAGLALAPAT: • Gumawa ng skit ayon sa karaniwang nangyayari sa mga sumusunod na lugar. • • Bahay • Silid-aralan • Mall • Canteen PAGSASANAY SA BALARILA 1.Nahuli sa klase si Denise____ pinagalitan ito ng kaniyang guro. A. kasi B.upang C.dahil D.kaya 2.Sinundan ni Andrew si Denise ____alamin kung bakit ginawa niya iyon sa kanya. A.dahil B.para C.samantala D.kasi 3.Lagi____nag-uutos ng estudyante ang F4 para ibully si San Chai. A. –ng B. g C.na D.ng 4.Nagtaka si San Chai sa ginawa ni Lei ___nag-abot ito ng panyo sa kanya. A. g B.-ng C.ng D.na 5.Napabilib ni Andrew ang kaniyang kaibigan___si Ditchi na isa ring transferee. A. na B. g C.ng D.-ng