Uploaded by Yen Yen

CASE ANALYSIS

advertisement
CASE ANALYSIS:
GUIDE QUESTIONS TO CASE ANALYSIS:
1. Anu-ano ang sakit na pueding makuha ni Mrs. Coral dahil sa paninigarilyo?
-Maaari siyang makakuha ng sakit kagaya ng stroke, gangrene, emphysema at kanser sa bunganga pati na
rin sa baga na maaari rin makaapekto sa kanyang timbang at maging sa iba pang bahagi ng kanyang katawan.
2. Batay sa inyong pag-aaral, anu-ano ang mga pangunahing sakit ng mga Pilipino na nagdudulot ng malubhang
sakit at kamatayan?
-Batay sa aming pag-aaral ang mga pangunahing sakit na nagdudulot ng pagkamatay ng mga 66 na
Pilipino kada oras ay ang hypertension o high blood pressure, cardiovascular disease, diabetes at kanser.
3. Paano mo matutulungan si Mrs. Coral sa pamamagitan ng inyong proyekto?
Matutulungan naming si Mrs. Coral sa pamamagitan ng aming proyekto sa pagkuha ng mga katanungan
sa aming mga tagapakinig at ipaliwanag at sagutin ang mga ito. Maaari rin naming siyang tulungan sa pagbibigay
ng kaalaman tungkol sa kanyang karamdaman at imungkahi na dumalo sa propesyonal na doctor na makakasagot
ng maagi sa kanyang mga katanungan at para na rin malunasan ang kanyang sakit. Ibabahagi din naming ang
kailangang iwasan at kung paano onti-onting ipabuti ang kanyang kalusugan upang mabawasan ang sakit na
kanyang nararamdaman.
4. Gumawa ng listahan ng 3 sakit at sa bawat isang sakit, magbigay ng mga katangian, sanhi, at pag-iwas.
o Diarrhea ang tawag sa sakit na pagtatae ng tubig, pagsakit ng tiyan at pagsusuka ng maraming beses.
Ang nagiging sanhi nito ay ang mga sumusunod:
●
●
●
●
●
●
●
Paginom ng alak
Pagkakaroon ng sakit na diabetes
Pagkakaroon ng Crohn’s disease (intestine disease)
Food poisoning
Pagkain ng mga dairy products katulad ng gatas
Pagkaroon ng kanser sa bituka
Inpeksyon ng bacteria galing sa pagkain
Narito ang mga dapat gawin upang ito’y maiwasan:
●
●
●
●
●
●
Paginom ng malinis na tubig katulad ng mineral water.
Iwasang bumili ng mga ice na gawa sa tap water o galing sa gripo.
Iwasang kumain ng mga pagkain mula sa mga street vendors.
Kailangang malinis ang paggawa o pagluto ng pagkain.
Iwasang kumain ng hilaw na pagkain katulad ng karne at isda.
Kumain ng masusustansyang pagkain katulad ng mga gulay at prutas.
o Measles o kilala bilang rubeola ito ay pwedeng maging dahilan ng pagkamatay ng tao na madalas mga
bata mula lima pataas ang dinadapuan nito. Ito ay ang pagkalat ng virus sa buong katawan mula 10-14 na
araw bago makita ang mga senyales nito katulad ng pagkalagnat, pagkaroon ng ubo, sipon, rashes na
malalaki.
Sanhi ito ng pagkalat ng virus galing sa paramyxovirus family mula sa hangin na kumakalat sa buong respiratory
system hanggang sa buong mainpeksyonan nito ang katawan.
Upang ito’y maiwasan kailangang magpaturok ng dalawang beses ang mga bata ng measles vaccine mula 12
hanggang 15 months old at 4 hanggang 6 na taong gulang upang hindi sila nito madapuan.
o Malaria ay ang pagkakaroon ng mataas na lagnat, sakit ng ulo, pagtatae, pagsusuka, pagsakit ng buong
katawan at panginginig.
Sanhi ito ng paglilipat ng mga virus sa pamamagitan ng pagkagat ng mga lamok, ito ay nagtatagal sa katawan ng
6 hanggang 8 na araw bago ito maglabas ng mga senyales na maaaring ikapahamak o ikamatay ng pasyente.
Upang ito’y maiwasan, narito ang mga dapat gawin:
● Linisin ang buong bahay maging sa labas.
● Magkaroon ng community clean up upang malinisan ang buong paligid at maiwasan ang pagdami ng
lamok.
● Tanggalin ang mga containers na may mga lamang tubig na maaaring pangitlogan ng mga lamok.
● Isarado ang mga bintana ng maigi lalo na sa pagpatak ng 4 to 5 ng hapon.
● Kumain ng masusustansyang pagkain.
● Pagnagkaroon ng ganitong sakit kumain ng nilagang itlog kada araw upang pataasin ang platelets cells.
● Uminom ng maraming tubig.
Download