Uploaded by Fergus Parungao

12-St.-Martha-1-Loraine-Lucas

advertisement
Ipinasa ng:
Grade 12 – St. Martha
Ika-Unang Pangkat
Lucas, Loraine Q.
Mga Miyembro:
Castrodes, Carl Angelo M.
Faustino, Moises Angelo L.
Fermin Jhanice I.
Galang, Napiel C.
Mendoza, John Rovie T.
Punzalan, Diane G.
Ipinasa kay:
G. Fergus H. Parungao
Guro sa Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Ika-3 ng Pebrero, 2023
1
PAPEL NG PAG-APRUBA
Ang Malikhaing Portfolio ng mga Akademikong Sulatin na ito ay orihinal na
isinulat at inihanda ng mga mag-aaral mula sa Grade 12 – St. Martha na sina:
Loraine Q. Lucas; Carl Angelo M. Castrodes; Moises Angelo L. Faustino;
Jhanice I. Fermin; Napiel C. Galang; John Rovie T. Mendoza; at
Diane G. Punzalan bilang katuparan para sa Inaasahang Pagganap ngayong
Unang Semestre, Taong Panuruan 2022-2023 sa Asignaturang Filipino sa
Piling Larang (Akademik).
Ang gawaing ito ay inaprubahan ng guro sa Asignaturang Filipino sa Piling
Larang (Akademik) upang mailimbag at mailathala bilang katuparan sa
Inaasahang Pagganap ngayong Unang Semestre, Taong Panuruan 2022-2023.
G. FERGUS H. PARUNGAO
Guro
PASASALAMAT AT DEDIKASYON
Taos puso ang pasasalamat ng pangkat sa bawat isa na naging parte sa
paglikha ng iba’t ibang sulating akademiko. Nagpapasalamat din kami sa aming
mga magulang na walang sawang sumusuporta sa lahat na aming tinatangkilik
sa larangan ng akademiko. Panghuli, kami rin ay nagpapasalamat sa aming guro
na si G. Fergus Parungao na nagbigay ng oras upang kami ay gabayan at turuan
upang maisakatuparan ang mga sulating akademiko.
Iniaalay ng pangkat ang likhang ito sa aming mga magulang na siyang nagbigay
sa amin ng moral at pinansyal na suporta upang maisakatuparan ang mga
sulatin. Iniaalay din namin ito sa aming guro na si G. Fergus H. Parungao na
siyang nagbigay ng karunungan at gumabay sa amin upang makalikha ng mga
sulating akademiko. Paghuli, iniaalay din namin ito sa mga susunod pang
magiging mag-aaral ng Baitang – 12 na magsisilbing gabay nila tungo sa
makabuluhan at tamang pagsulat ng iba’t ibang sulating akademiko.
2
TALAAN NG NILALAMAN
PAPEL NG PAG-APRUBA
2
PASASALAMAT AT DEDIKASYON
2
PANIMULA
4
KABANATA 1
ABSTRAK
7
KABANATA 2
BUOD AT BIONOTE
10
KABANATA 3
PANUKALANG PROYEKTO
12
KABANATA 4
MGA TALUMPATI
16
Wikang Filipino: Tulay sa Paglago ng Karunungan
ni Loraine Q. Lucas
Mga Maling Impormasyon
ni Carl Angelo M. Castrodes
Ang Bagong Simula
ni Moises Angelo L. Faustino
Maging Wais sa Paggamit ng Pera
ni Jhanice I. Fermin
Administrasyong Bong-Bong Marcos Jr.
ni Napiel C. Galang
Ang Kahalagahan ng Simbahan
ni John Rovie T. Mendoza
LGBTQ: Salot nga ba sa Lipunan o ang Lipunan ang Salot?
ni Diane G. Punzalan
KABANATA 5
AGENDA NG PULONG
26
KABANATA 6
KATITIKAN NG PULONG
28
KABANATA 7
REPLEKTIBONG SANAYSAY AT LARAWANG SANAYSAY
32
KABANATA 8
LAKBAY-SANAYSAY
34
APENDIKS
37
3
PANIMULA
AKADEMIKONG SULATIN
Ang akademikong sulatin, sa madaling salita, ay mayroong layuning
ipakita ang kadalubhasaan ng isang tao sa isang partikular na paksa o interes na
kung saan ang pangunahing awdyens ay mga propesor at kapwa mag-aaral.
Karaniwang binibigyang-diin nito ang kalinawan, katibayan, at lalim ng pag-iisip
kasama na ang paggamit ng tamang gramatika.
Sadyang napakahalaga nito higit lalo sa mga mag-aaral. Sapagkat, sa
pamamagitan nito, nabibigyan sila ng pagkakataong mapaghusay ang kanilang
kakayanan at malinang ang kanilang intelektwal na kapasidad. Kung saan, ito ay
kanilang maaaring magamit sa anumang propesyon na kanilang mapipili
pagdating ng panahon.
MGA AKADEMIKONG SULATIN
ABSTRAK
Ang abstrak ay nagbibigay sa mga mambabasa ng paunang ideya kung
tungkol saan ba ang mga susunod pang mga talata na nakapaloob sa isang
sulatin. Layunin nitong makapagbigay impormasyon sa maikli at madaling
paraan, ngunit kung ang ginawa abtrak ay hindi nagawa sa lohikal na paraan,
maaaring makapagdulot ito ng kaguluhan o kalituhan sa isip ng mga mambabasa
at hindi makamit ang layunin nito na mapaintindi, mabigyan ng pangunahing
puntos ang mga mambabasa, at mabuod ng tama ang isang teksto.
BUOD
Ito ay isang paraan ng pagpapaikli ng anumang teksto o babasahin na
kung saan kinukuha lamang ang pinakamahalagang kaisipan ng teksto. Ito rin ay
ang paglalahad ng mga impormasyong nakuha sa tekstong binasa, at hindi ito
sulating orihinal o hindi kailangang maging sariling akda dahil sa pagbubuod
walang isasamang sarili opinyon o palagay tungkol sa paksa.
BIONOTE
Ang bionote ay isang maikling impormatibong sulatin na naglalahad ng
mga klasipikasyon ng isang indibidwal at ng kaniyang kredibilidad bilang
propesyunal. Inilalahad dito ang kaniyang mga natamo na nagsasabing siya ay
maalam at may awtoridad sa larangang kinabibilangan niya.
4
PANUKALANG PROYEKTO
Ang panukalang proyekto ay isang dokumento na naglalarawan sa isang
iminungkahing proyekto, kung saan nakapaloob dito ang mga layunin nito, mga
hakbang na gagawin upang maisakatuparan ito, at ang mga posibleng maging
resulta nito. Ito ay nagbibigay organisasyon o tamang direksyon upang
maiwasan ang mga kawalan ng katiyakan, mga panganib, o mga pag-aaksaya.
Kaya ang panukalang proyekto ay nagsisilbing mapa na magiging gabay upang
maisakatuparan ang ating mga layunin sapagkat nakapaloob dito lahat ng mga
hakbang na dapat gawin.
TALUMPATI
Ang talumpati ay ang pagpapahayag ng kaisipan o opinyon ng isang tao
tungkol sa isang paksa na ipinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa
entablado o sa harap ng maraming tao.
AGENDA NG PULONG
Ito ay listahan ng mga tatalakayin sa pormal na pagpupulong. Layunin ng
dokumentong ito ay bigyan ng ideya ang mga kalahok sa mga paksang
tatalakayin at mga usaping nangangailangan ng atensyon.
KATITIKAN NG PULONG
Ito ay ang opisyal na rekord o tala ng pulong ng isang organisasyon,
korporasyon, o asosasyon. Ito ay isang uri ng akademikong sulatin na kung saan
nakasaad dito ang mga napagusapan, mga naging suhestiyon, at ang mga
napagkasunduan sa isang isinagawang pulong.
REPLEKTIBONG SANAYSAY
Ito ay isang uri ng akademikong sulatin kung saan magkakaroon ng
pagninilay o malalim na pagsusuri ang isang tao patungkol sa isang bagay o
pangyayari.
LARAWANG SANAYSAY
Ang larawang sanaysay ay isang sulatin na gumagamit ng mga larawan
sa paglalahad ng isang paksa o kaya naman ay naglalahad sa mga
pangyayaring naganap at ito ay itinuturing din bilang isang paraan ng
pagpapahayag ng impormasyon, saloobin, at pananaw ng manunulat hinggil sa
isang paksa.
5
LAKBAY-SANAYSAY
Ito ay isang sulating tumatalakay sa karanasan sa paglalakbay at ito ay
naglalarawan hindi lamang ng damdamin ng maglalakbay pati na rin ng mga
lugar na kanyang napuntahan kasama na dito ang mga tradisyon, kultura,
paniniwala at mga tao.
6
KABANATA 1
ABSTRAK
Deskriptibong Abstrak (Itemized)
Pamagat: Kamalayan ng mga Mag-aaral ng BSBA 1A – Marketing ng NEUST
ukol sa Kahalagahan ng Paggamit ng Wikang Filipino sa Patalastas, Pagaanunsiyo at Pag-eendorso ng mga Produkto at Serbisyo
Mananaliksik: Mananaliksik mula sa BSBA 1A – Marketing Management
Aguirre, Aliah Janine DF.
Bernardo, Christian Z.
Boy, Arlene P.
Catacutan, Rose Ann E.
Parungao, Fergus H.
Paaralan: Nueva Ecija University of Science and Technology – San Isidro
Campus
Tagapayo: G. Romel Tuliao, MAEd
I. Suliranin
Ang pananaliksik na ito ay tatalakay at susuri sa kamalayan ng mga magaaral ng BSBA 1A – Marketing ng NEUST ukol sa kahalagahan ng paggamit ng
wikang Filipino sa patalastas, pag-aanunsiyo at pag-eendorso ng mga produkto
at serbisyo.
II. Layunin
1. Upang malaman ang mabisang wika sa larangan ng pag-aanunsyo,
patalastas, pag-eendorso ng mga produkto.
2. Upang tiyakin ang kahalagahan ng paggamit ng mga titik, salita, parirala
at wika sa pag-aanunsyo, patalastas at pag-eendorso ng mga produkto.
3. Upang matukoy ang kahalagahan ng paggamit ng Wikang Flipino bilang
midyum sa mabisa at epektibong pag-aanunsyo, patalastas, at pageendorso ng mga produkto.
III. Metodolohiya
Ang disenyo ng pananaliksik na ito ay ang mapaglarawang pamamaraan
(descriptive method) kung saan ang questionnaire o talatanungan ang nagsilbi
bilang instrumento. Ito ay isang nakasulat na hanay ng mga tanong na ibinibigay
7
sa mga mga-aaral upang mangolekta ng mga katotohanan o opinyon tungkol sa
isang bagay. Sa partikular, ang closed questionnaire form gamit ang Likert-scale
ay ang instrumento na ginamit sa pag-aaral na ito. Sa Likert-type scale, tinutukoy
ng mga respondent ang kanilang antas ng pagsang-ayon o hindi pagsang-ayon
sa isang simetriko na sumang-ayon-hindi sumang-ayon na sukat para sa isang
serye ng mga pahayag.
IV. Saklaw o Sakop
Sakop ng pag-aaral na ito ang mga mag-aaral ng NEUST - SIC Annex,
Tabon, San Isidro BSBA 1A - Marketing sapagkat sakop ng kursong ito ang
usaping ukol sa pag-aanunsyo at pag-eendorso.
8
Deskriptibong Abstrak (Isang Talata)
Sinuri ng pag-aaral na ito ang kamalayan ng mga mag-aaral ng BSBA
1A – Marketing ng NEUST ukol sa kahalagahan ng paggamit ng Wikang Filipino
sa patalastas, pag-aanunsiyo at pag-eendorso ng mga produkto at serbisyo. Sa
partikular, ang pananaliksik ay tumatalakay sa mga sumusunod na layunin: 1.
Upang malaman ang mabisang wika sa larangan ng pag-aanunsyo, patalastas,
pag-eendorso ng mga produkto. 2. Upang malaman ang kahalagahan ng
paggamit ng mga titik, salita, parirala at wika sa pag-aanunsyo, patalastas at
pag-eendorso ng mga produkto. 3. Upang matukoy ang kahalagahan ng
paggamit ng Wikang Flipino bilang midyum sa mabisa at epektibong pagaanunsyo, patalastas, at pag-eendorso ng mga produkto. Ang disenyo ng
pananaliksik na ito ay ang mapaglarawang pamamaraan (descriptive method)
kung saan ang questionnaire o talatanungan ang nagsilbi bilang instrumento. Ito
ay isang nakasulat na hanay ng mga tanong na ibinibigay sa mga mga-aaral
upang mangolekta ng mga pananaw tungkol sa isang bagay. Sa partikular, ang
closed questionnaire form gamit ang Likert-scale ay ang instrumento na ginamit
sa pag-aaral na ito. Sa Likert-type scale, tinutukoy ng mga respondent ang
kanilang antas ng pagsang-ayon o hindi pagsang-ayon sa isang simetriko na
sumang-ayon-hindi sumang-ayon na sukat para sa isang serye ng mga pahayag.
Bilang karagdagan, naipapakita rin sa pag-aaral na ito kung gaano nakakaapekto
at kalaki ang ginagampanan ng tamang paggamit ng angkop na lenggwahe sa
buhay ng tao partikular sa pag-iisip, paggawa, at kalusugan nito. Dagdag pa rito,
nabibigyang pansin din ng pag-aaral na ito ang halaga ng paggamit ng tamang
gramatika. Sapagkat lumalabas sa pananaliksik na ito na ginagamit lamang ng
mga prodyuser ang Wikang Filipino kahit ito ay hindi wasto para sa sarili nilang
kapakinabangan at hindi sa pagnanais na mas mapalawak o mapalaganap ang
sarili nating wika. Sa ginawang pag-aaral na ito ay lubos na makikinabang hindi
lamang ang mga mag-aaral ng BSBA 1A - Marketing kundi maging ang mga
mamimili, mga prodyuser at manufacturer, mga advertiser, mga mambabatas at
ang mga susunod pang manananaliksik.
9
KABANATA 2
BUOD AT BIONOTE
Sa mataong lugar ng simbahan ng Quiapo, matatagpuan ang isang ulila at
musmos pa lamang na si Adong. Sa gulang na labingdalawa, natuto na siyang
tumayo sa sarili niyang mga paa at gumawa ng paraan upang siya ay makaraos
sa pang araw-araw niyang pamumuhay. Walang kabuluhan kay Adong ang
ibang bagay, bukod sa simbahan ng Quiapo, sapagkat ito ang kanyang buhay.
Sa kadahilanang dito siya nanlilimos at nanghihingi ng tulong sa mga
naglalabas-pasok na deboto ng simbahan simula araw hanggang gabi. Sinisikap
niyang makarami ng limos sa kagustuhang makabili man lang ng pagkain upang
kahit papaano ay mapawi ang kalam ng kanyang sikmura. Sa murang isip pa
lamang, mulat na siya sa kung anong klase ng mundo ang kaniyang
ginagalawan. Alam na niya ang bangis ng kanyang paligid dahil sa mga taong
katulad ni Bruno, isang mapang-api at makasariling tao. Walang-awa nitong
kinukuha nang sapilitan ang bawat baryang dadampi sa kanyang mga palad.
Isang araw, si Adong ay lubos na nagalak sapagkat minsan pang
dumagsa ang mga tao, kaya naman pinagbuti niya ang panlilimos ngunit sa oras
na iyon bigla rin itong napawi dahil paparating na si Bruno. Batid na niya na
katulad ng mga nakaraang araw, kukuhanin na naman nito ang kanyang mga
nalimos na salapi. Kaya't naisip niya na tumakbo at magtago. Ngunit natagpuan
pa rin siya nito at anumang pagpupumiglas niya ay tila ba hindi naging sapat
upang makatakas sa kalupitan nito. Sa mga oras ding iyon, siya ay nakaramdam
na nang matinding panghihina dahil sa bugbog na natamo mula sa mabibigat na
kamay ni Bruno. Natulig siya at nahilo. At pagkaraan ng ilang saglit, hindi na niya
naramdaman ang kabangisan sa kapayapaang biglang kumandong sa kanya.
10
BIONOTE
Efren R. Abueg
Si Efren R. Abueg ay isang
malikhaing manunulat, editor, awtor
nobelista,
fictionist,
propesor,
at
anthologist. Ang ilan sa kanyang mga
gawa ay lumabas sa mga magazine
tulad ng Liwayway, Bulaklak, Mod, at
Homelife. Siya rin ay kabilang sa mga
kilalang
Pilipinong
manunulat
na
nagbigay ng malaking kontribusyon sa
panitikan ng Pilipinas.
Ipinanganak siya noong Marso
3, 1937, sa Tanza, Cavite. Nagtapos
siya
ng
elementarya
sa
Naic
Elementary School at nagtapos ng high school sa Arellano (Public) sa Batangas.
Nagkaroon siya ng Associate in Arts degree at nagtapos ng Bachelor in Science
in Commerce, Major in Accounting noong 1960 mula sa Manuel L. Quezon
University sa Quiapo, Manila.
Pagkatapos niyang magtapos ng Junior College sa Imus Institute, nagaral siya sa De La Salle University para sa kanyang Masters in Arts in Language
and Literature degree at sa kanyang doctoral degree sa Filipino at Translation
Studies sa University of the Philippines Diliman. Bilang isang manunulat,
natanggap niya ang mga pagkilalang ito: (1) Don Carlos Palanca Memorial
Awards for Literature in years 1959, 1960, 1963, 1964, 1967, and 1974, (2)
Timpalak ng KADIPAN, 1st prize in 1957, (3) Pang-alaalang Gawad Balagtas in
1969, (4) Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas in 1992 from Unyon ng mga
Manunulat sa Pilipinas (UMPIL) at (5) Timpalak Liwayway sa Nobela in years
1964, 1965, and 1967.
Siya ay naging pangulo rin ng Kapisanan ng mga Propesor sa Pilipino
(KAPPIL) mula 1986 hanggang 1988 at Linangan ng Literatura ng Pilipinas.
Nagsilbi rin siyang direktor ng Philippine Folklore Society. Aktibo rin siyang
nagtuturo ng wika at panitikan sa Manuel L. Quezon University (1965–1972),
Philippine College of Commerce (1971–1972), Pamantasan ng Lungsod ng
Maynila (1974–1977), Ateneo de Manila University (1977–1978), at De La Salle
University (1979–2006).
11
KABANATA 3
PANUKALANG PROYEKTO
PANUKALANG PROYEKTO PARA SA PALIBRENG SOLAR-POWERED
STREET LIGHTS
Mula sa Unang Pangkat
Grade 12 – St. Martha (AM)
St. Paul School of San Antonio
Cando St., Brgy. Poblacion,
San Antonio, Nueva Ecija
Ika-18 ng Oktubre, 2022
Haba ng panahong gugugulin: Humigit-kumulang dalawang buwan
PAGPAPAHAYAG NG SULIRANIN
Ito ay isang panukala para sa pagpapa-ilaw o pagpapatayo ng solarpowered street lights sa Caingin, Purok 1, Barangay Lawang Kupang, San
Antonio Nueva Ecija. Isa sa mga pangunahing suliraning kinahaharap ng lugar
na ito ay ang kakulangan ng poste ng ilaw sa madilim at liblib na bahagi ng lugar
na siyang nagreresulta ng aksidente sa mga dumadaang motorista pagpatak ng
gabi. Nararanasan din ng mga mamamayan sa partikular na purok na ito ang
takot sa paglalakad tuwing gabi dahil sa kabi-kabilang krimen na nagaganap sa
parehong kadahilanan. Kaya naman tinawag ang purok na ito na “massacre
street”. Bilang karagdagan, ang ibang bahagi ng nasabing purok na ito ay
12
bukiran, kaya naman nakararanas ng hirap ang mga magsasaka sa tuwing
lulusong sila sa gabi.
LAYUNIN
Nilalayon ng panukalang ito na maisakatuparan ang pagpapatayo ng mga
solar-powered street lights upang masolusyunan ang paglaganap ng mga krimen
na nangyayari sa naturang lugar at maiwasan nang tuluyan ang mga aksidente.
Kapag naisakatuparan ang pagpapatayo ng mga pailaw, hindi na magkakaroon
pa ng lakas ng loob ang mga kriminal na isagawa ang kanilang mga
masasamang balak at mababawasan na rin ang pangamba o pag-aalala ng
bawat mamamayan tuwing sila ay uuwi o aalis kapag gabi. Iminumungkahi rin ng
panukalang ito ang paggamit ng solar-powered street lights kaysa sa dekuryenteng pailaw upang higit na makatipid sa bayad ng konsumo ang barangay.
PLANO NG DAPAT GAWIN
MGA
HAKBANG
PANAHONG
GUGUGULIN
Pakikipag-ugnayan sa pamunuan ng barangay upang
1. maaprubahan ang gagawing proyekto at ang kabuuang
Isang linggo
halaga ng magagastos para rito.
Pagsasagawa ng sarbey sa lugar na paglalagyan ng solar-
Isang araw
2. powered street lights upang malaman kung ilan ang
kakailanganin.
3.
4.
Paghahanap ng mga manggagawa na magkakabit ng
Tatlong araw
solar-powered street lights.
Pagbili ng mga materyales na gagamitin ng mga
Dalawang
manggagawa sa pagpapatayo o sa pagbubuo ng solar-
linggo
13
powered street lights.
5.
6.
Pagkakabit ng solar-powered street lights sa bawat bahagi
ng purok na nangangailangan ng ilaw.
Isa’t kalahating
linggo
Pag-testing ng mga kinabit na mga solar-powered street
Isang linggo
lights upang malaman kung wala itong magiging aberya.
BADYET
Ang halagang kinakailangan upang maging matagumpay ang panukalang
pagpapatayo ng solar-powered street lights ay P97,100.00.
MATERYALES/ KAGAMITAN
PRESYO
BILANG
KABUUAN
LED Road Street Light
₱6, 500.00
8
₱52, 000.00
Street Light Pole
₱3,500.00
8
₱28, 000.00
Wiring Cable
₱300.00
40
₱12, 000.00
Screw
₱20.00
50
₱1, 000.00
Welding rod
₱100.00
Isang kilo
₱100.00
Semento
₱250.00
10
₱2, 500.00
Buhangin
₱1,500.00
Kalahating
₱1, 500.00
truck
₱97,100.00
TOTAL
KAPAKINABANGAN NG PANUKALA
Mga Makikinabang sa Proyekto:
a. Mga Mamamayan
b. Mga Motorista
c. Pamunuan ng Barangay
Paano Mapakikinabangan ang Proyekto:
a. Mga Mamamayan – Mapapakinabangan ng mga mamamayan ang
proyektong ito sapagkat magkakaroon na sila ng seguridad sa kanilang
mga buhay at higit nang maiiwasan ang posibleng peligro na maganap
sapagkat may ilaw na sa madilim na bahagi ng purok.
b. Mga Motorista – Mapapakinabangan ng mga motorista ang proyektong
ito sapagkat kung may mga malalakas nang pailaw sa daan higit na nilang
makikita ang mga kalsadang kanilang mga dadaanan.
14
c. Pamunuan ng Barangay – Mapapakinabangan ng pamunuan ng
barangay ang proyektong ito sa kadahilanang makakatipid na sila sa
pagkonsumo ng kuryente. Mababawasan na rin ang mga ulat ng mga
aksidente o krimen sa kanilang pamunuan.
15
KABANATA 4
MGA TALUMPATI
Wikang Filipino: Tulay sa Paglago ng Karunungan
ni Loraine Q. Lucas
Panimula
Wikang Filipino ay wika ng bawat Pilipino. Ikaw, ako, tayo ay iisa, sa
mundong pilit kang binabago. Hindi na lingid sa ating kaalaman na halos Wikang
Ingles na ang nagmamanipula sa ating bansa. Nawawalan ng kabuluhan ang
wikang pambansa kapag hindi ito ginagamit sa lipunan, pamahalaan lalo't higit
sa paaralan. Aanhin natin ang wikang dayuhan kung iilan lamang sa atin ang
nakaiintindi? Hindi ba’t ang pagiging makabuluhan ng isang wika ay yaong
naiintindihan, nagagamit at napapakinabangan ng lahat?
Katawan at Paninindigan
Sa paaralan, ang mga mag-aaral ay walang interes pagdating sa
Asignaturang Filipino dahil sa mga babasahin tulad na lamang ng tula, maikling
kwento at maging mga nobela. Kinakailangan ng dobleng paghahanda sa isang
talakayan ng guro upang makuha ang atensyon ng mga mag-aaral sa partikular
na paksang tatalakayin. Kinakailangan nila ng sapat na kasanayan at kaalaman
sa pagsasalita sa Wikang Filipino. Ang mga guro sa Filipino ay nahihirapang
ipahatid ang gusto nilang iparating sa mga mag-aaral dahil sa kawalang sapat na
kaalaman ng mga ito sa mga malalalim sa salita sa Filipino. Sapagkat ang
pagiging guro sa Filipino ay para kang nakikipag-laban sa mga nagsusulputang
salita, propesyon at sa panahon ngayong modernisasyon ang teknolohiya. Lahad
pa nga sa panahon ngayon na karamihan sa ating mga Pilipino ay ignorante o
walang sapat na kaalaman sa Wikang Filipino, kung tatanungin mo pa ay
kailangan pa ng mahabang oras upang makapagbigay ka ng reaksyon.
Ito ang ilan sa dahilan kung bakit nararapat na ang Asignaturang Filipino
ay patuloy na ituro sa mga paaaralan lalo na sa Senior High School. Una, hindi
pa ganoon kalawak ang nalalaman natin ukol sa pormal na wika at pananalita na
siyang nararapat ngunit napalitan ng mga balbal at kolokyal na termino dahil sa
paglaon ng panahon. Pangalawa, nagdudulot pa rin ng pagkalito ang paggamit
sa ilang mga salita ng ating sariling wika tulad ng pagkakaiba ng “ng” sa “nang”
maging “rito” o “dito”. Panghuli, upang lalong pahalagahan ang wikang Filipino,
malaman ang tamang gramatika ng pagsulat ng iba’t ibang uri ng sulatin na
magreresulta sa pagkakaunawaan ng bawat isa na hahantong sa maayos na
daloy ng komunikasyon.
16
Sadya ngang napakahalaga ang pagkakaroon ng Asignaturang Filipino sa
paaralan lalo pa’t ito ang asignaturang nakatuon sa ating sariling wika at
kasasalaminan ng ating tradisyon, kultura, at higit sa lahat, ang pagkakakilanlan
bilang mamamayang bumubuo sa isang bansang hinubog ng makulay,
masalimuot, at hindi matatawarang kasaysayan. Nararapat lamang na mabatid
ng bawat Pilipino ang kahalagahan ng Wikang Filipino.
Ngayon, mayroong isang katanungan sa ating lahat. Hahayaan nalang ba
natin ang kaignorantehan at kawalang-malayan natin sa ating wikang kinagisnan
ay manatili?
Wakas
Wala tayo sa kinatatayuan natin ngayon kung wala ang wika na siyang
ating naging sandigan. Ano ba naman ang pag-titiis ng dalawang taon sa pagaaral nito kaysa sa paglaban ng mga bayani sa mga banyaga makamit lang ang
kalayaan na umabot pa ng daang-daang taon. Ngayon ay aking minumungkahi
na madagdagan pa ang kaalaman ng bawat isa sa wikang Filipino upang
magising ang kamalayan natin na wala ang natatamasa natin ngayon kung
walang naging pundasyon ang ating bayan at ng ating pagkakakilanlan. Ang
wikang Filipino ang ginagamit natin tungo sa pambansang kaunlaran. Wikang
ating kasangkapan sa pagkakaunawaan at pagkakaisa ng mga mamamayang
Pilipino saanmang panig ng Pilipinas. Talaga ngang wala ng ibang magmamahal
sa Wikang Filipino, kundi tayo ring mga Pilipino, kaya’t halina’t pagyabungin natin
ang isa sa mga pinaka-iingatang yaman ng ating bansa.
17
Mga Maling Impormasyon
ni Carl Angelo M. Castrodes
Panimula
Sa gitna ng laganap na impluwensya ngayon ng social media, ang
awtomatikong pag-detect ng mga pekeng balita ay nakakakuha ng malaking
atensyon mula sa mga akademikong komunidad at sa pangkalahatang publiko.
Ang mga kasalukuyang diskarte sa pag-detect ay umaasa sa mga algorithm ng
machine learning na may iba’t ibang katangian ng balita para makakita ng
pekeng balita. Gayunpaman, ang mga ganitong paraan ay may malaking
limitasyon sa pagtuklas ng pekeng balita nang maaga, ibig sabihin, ang
impormasyong kinakailangan para sa pag-detect ng pekeng balita ay kadalasang
hindi magagamit o hindi sapat sa maagang yugto ng pagpapalaganap ng balita.
Katawan at Paninindigan
Ang mga pekeng balita at panloloko ay nariyan na mula pa bago ang
pagdating ng Internet. Ang malawak na tinatanggap na kahulugan ng Internet
fake news ay mga gawa-gawa lamang na artikulo na sadyang ginawa upang
linlangin ang mga mambabasa. Ang social media at mga news outlet ay
naglalathala ng mga pekeng balita upang madagdagan ang mga mambabasa o
bilang bahagi ng sikolohikal na digmaan sa pangkalahatan, ang layunin ay
kumita sa pamamagitan ng mga maling impormasyon. Ang mga maling
impormasyon ay nakakaakit ng mga user at nakakaakit ng kuryosidad gamit ang
makikinang na mga headline o mga disenyo upang i-click ang mga link upang
mapataas ang mga kita sa mga advertisement. Sinusuri ng eksposisyong ito ang
paglaganap ng pekeng balita sa liwanag ng mga pagsulong sa komunikasyon na
naging posible sa pamamagitan ng paglitaw ng mga social networking site. Ang
layunin ng gawain ay makabuo ng isang solusyon na magagamit ng mga user
upang makita at i-filter ang mga site na naglalaman ng mali at mapanlinlang na
impormasyon.
Wakas
Huwag lamang tingnan kung ano ang sinasabi sa isang web page tungkol
sa kanilang sarili. Sa halip, magsagawa ng paghahanap sa web at alamin kung
ano ang sinasabi ng iba tungkol sa kanila. Makakatulong ito na matukoy ang
katotohanan ng impormasyon.
18
Ang Bagong Simula
ni Moises Angelo L. Faustino
Panimula
Ang
COVID-19
ang
maituturing
na
pinakamalaking
suliranin
na
kinahaharap hindi lang ng ating bansang Pilipinas, kundi ng buong mundo
ngayon. Dahil dito, maraming mga health protocols ang ipinatupad sa buong
bansa upang maiwasan o makontrol ang pagkalat ng virus. Mag-iisang taon na
nga mula noong unang ipinatupad ang lockdown sa buong bansa na siyang
naging sanhi ng maraming pagbabago sa ating normal na pamumuhay. Marami
sa ating mga kapwa Pilipino ang nawalan ng pamumuhay, mayroon ding mga
estudyanteng natigil sa pag-aaral at napilitang magtrabaho upang makatulong sa
gastusin sa pang araw-araw, marami rin sa atin ang nakaranas at patuloy na
nakararanas ng depression at anxiety dahil sa mga negatibong pangyayari tila
wala nang katapusan, mga isyu sa mental health na dulot ng pag-iisa sa bahay,
walang makausap, limitado o walang interaksyon sa kapwa, at marami pang iba.
Napakalantad na ang lahat ng aspeto ng ating pamumuhay ay biglaang binago
ng isang virus na tinawag ngang COVID-19. Dahil dito, maraming bagay ang
nagbago kabilang na ang sistema ng edukasyon sa bansa.
Katawan at Paninindigan
Bilang isang mag-aaral sa St. Paul School of San Antonio, nahihirapan
akong makipag-interaksyon sa aking mga kaklase dahil sa policy na social
distancing at ang pagsusuot ng facemask sa loob ng paaralan. Ngunit sa kabila
ng mga policy na ito mas natulungan ako ng limited face-to-face na mas
maintindihan ang tinuturo ng aking guro. Buong akala ko noon ay hindi ko na
mararanasan muli ang pumasok sa aming paaralan at mananatili na lamang sa
online learning, ngunit hindi pala. Bagama’t limitado ang face-to-face na ito, hindi
pa rin maiiwasan na makasalamuha ng iba lalo na kung bumabiyahe pa ang mga
mag-aaral.
Wakas
Lubos ngang mahirap ang sitwasyon ngayong may pandemya, sino man
ay hirap sa sinasabi nilang “new normal,” ngunit may pagpipilian ba tayo kung
hindi ang sumunod na lamang sa agos ng panahon. Marami man ang
nahihirapan ngunit kailangan pa rin ang sumabay sa naaayon na panahon kaya
ang suliraning kinakaharap ng edukasyon ay marapat lamang ng makisabay.
May pandemya man o wala, ang edukasyon ay tuloy pa rin.
19
Maging Wais sa Paggamit ng Pera
ni Jhanice I. Fermin
Panimula
Magandang umaga po sa inyong lahat ako po ay si Jhanice Ison Fermin
naririto po ako sa inyong harapan upang ibahagi ang akin talumpati at hangad ko
rin ay mabigyan kayo ng kamulatan mula sa talumpating ito. Paano nga ba
nakakaapekto sa pang araw-araw na pamumuhay natin ang pagtaas ng mga
pangunahing bilihin?
Katawan at Paninindigan
Malaki ang epekto sa atin nito dahil sa patuloy na pagtaas ng mga
pangunahing bilihin gaya ng gulay, karne, isda, kape, asukal, gatas, bigas at
marami pang pangunahing pangangailangan sa ating pamumuhay at isa ito sa
mga pangunahing problema na kinahaharap ng mga mamamayang Pilipino.
Gaya ng gulay sa halagang singkwenta pesos ay marami ng uri ng gulay ang
iyong mabibili hindi tulad ngayon hindi na sapat ang singkwenta pesos para sa
iba't- ibang klase na gulay na nais mong bilin sa kadahilanan ng pinagdadaanan
na krisis sa ating bansa na naging rason para masira ang mga pananim na gulay
at kung atin ngang pagninilay-nilayin ito paano na lamang ang mga tao na kapos
sa pinansyal sa buhay para mabili ang mga pangangailangan sa pang araw-araw
na gastusin.
Wakas
Ngayon ano nga ba ang maaari nating gawing solusyon? Ang magiging
tanging solusyon na lamang natin sa ating kinahaharap na problema na ito ay
magtipid tayo sa mga bagay na labis-labis tayo kung magwaldas dahil hindi
naman sa araw araw ay mayroon tayo na sapat o higit na pinansyal upang mabili
natin ang pangangailangan sa ating pamumuhay kaya't mas unahin natin ang
pangangailangan kesa sa ating kagustuhan at dapat din ay maging wais tayo sa
paggamit ng pera upang sa araw-araw ay mayroon tayong ipambibili sa ating
pangangailangan para hindi tayo humantong sa isang kahig at isang tuka at isa
na rin ay maging praktikal at maging madisiplina tayo sa paggamit ng pera sa
ating pamumuhay. Ito ang aking buong talumpati patungkol sa inflation o pagtaas
ng presyo ng mga bilihin nawa'y may napulot kayong aral sa aking
pagtatalumpati. Maraming salamat sa inyong pakikinig.
20
Administrasyong Bong-Bong Marcos Jr.
ni Napiel C. Galang
Panimula
Magandang umaga mga guro, mga magulang, mga bisita, at higit sa lahat,
mga mahal kong kamag-aral. Ang aking paksa ay patungkol sa administrasyong
Marcos Jr.
Katawan at Paninindigan
Dito natin matatalakay kung ano na nga ba ang mga nagawa niya.
Ipinresenta ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ilan sa mga nagawa ng
kanyang panunungkulan sa nakalipas na isandaang araw sa kapangyarihan. Sa
nagawa ng kanyang administrasyon, ang pagbabayad sa mga unpaid claims na
special risk allowance sa mga health workers mula sa pribado at pampublikong
sector. Ito ay ayon sa pangulo ay may pondo na at naglabas na aniya ang
Department of Budget and Management (DBM) ng budget ukol dito na aabot sa
1.4 billion pesos. Sa nakalipas na isandaang araw, sabi pa ng pangulo ay
nakabalik na rin ang may 28 million learners sa face-to-face learning set up para
sa school year 2022- 2023. Isa rin sa pinakamahalagang nagawa sa unang
isandaang araw, ayon sa pangulo ay ang Bangsamoro Transition Authority na
mahalagang hakbang tungo sa kapayapaan ulat ni Alvin Baltazar.
Wakas
Aking tatapusin ang aking talumpati sa pamamagitan ng masaya at
makabuluhang pagsasalaysay sana ay naunawaan ninyo ang aking sinabi.
Maraming salamat!
21
Ang Kahalagahan ng Simbahan
ni John Rovie T. Mendoza
Panimula
Magandang araw sa inyong lahat, ako ay naparito upang maging boses at
mag iwan ng aral sa kung ano ang papel ng simbahang katolika sa sambayanan,
ano nga ba ang kahalagahan ng simbahan? Pinapahalagahan ba natin ang mga
simabahan sa ating mga bayan? Ano nga ba ang simbahan? Ang simbahan ay
pinapadala sa bawat mananampalataya ang karaniwang pananampalataya at
ipinapahayag ito sa bawat isa sa kanila sa personal at komunal na paraan, bilang
isang puwang ng pakikipagtagpo sa Diyos na ipinahayag ni Hesu-Kristo. Ibig
sabihin itong mga simbahan na ito ay isang sakramento, ito ay isang tanda at
instrumento ng pakikipag-isa sa Diyos at sa mga tao. Bilang isang Pilipino at
katoliko mayroon tayong kinikilalang iisang Diyos na siyang may gawa ng langit,
lupa at lahat ng mayroon dito sa daigdig kasama na tayong mga tao.
Katawan at Paninindigan
Sa pamamagitan ng simbahang Katolika malalaman natin kung ano ang
mga mahahalagang salita at mensahe ng panginoon sa atin na kanyang anak.
Ang simbahan ay tinuturing na tahanan ng Diyos na gumawa sa atin kaya dapat
ito ay pahalagahan upang sa ganon ay makabawi tayo sa mga sakripsyo ng
ating panginoon dahil Siya lamang ang nagbayad ng mga kasalanan nating mga
tao. Sa simbahan din tayo maaaring mag aral at matututo ng mga dasal na mula
sa ating Panginoon at matanggap bilang isang Katoliko sa pamamagitan ng
pagbibinyag o mas kikilalanin tayong bilang anak na ng Diyos ama. Sa
simbahan, tayo ay natututo at napakikinggan natin ang mga aral ng Diyos at sa
simbahan nagkakabuklod-buklod tayo at nagkakasundo. Maaari tayong mag
Simba tuwing araw ng linggo upang sabay sabay tayong makinig sa salita ng
Diyos at matuto upang maisagawa rin natin ito sa ating pang araw-araw na
buhay.
Wakas
Kung dumating man tayo sa punto ng ating buhay na puno ng problema,
pagsubok sa buhay, at kung sa tingin natin na walang-wala na tayo at
nauubusan na ng pag-asang lumaban, ‘wag na ‘wag tayong panghihinaan ng
loob sa halip ay magpalakas tayo at manalig tayo sa ating mapagmahal na
Panginoon, dahil naniniwala ako na kahit hindi natin sya nakikita at nakakasama
ay andito lang siya sa atin palagi at ginagabayan nya tayo sa araw-araw nating
22
pamumuhay. Kung may mga pagsubok man tayong kinakaharap, isipin nalang
natin na pinagkaloob sa atin iyon dahil may mas magandang plano sa atin ang
Panginoon. Maaari tayong magsimba upang manghingi ng tulong at pasasalamat
sa ating Panginoon dahil sa pamamagitan ng simbahan, nagiging inspirasyon
natin ito upang maniwala at magtiwala kay Hesu-Kristo. Ngayon sa mga aral na
aking pinahayag sa inyo maaari ba nating hikayatin ang mga tao na pumunta sa
simbahan upang magdasal, magsimba, magpasalamat at humingi ng tawad sa
ating Panginoon upang mabawasan ang ating nga kasalanan sa ating buhay.
23
LGBTQ: Salot nga ba sa Lipunan o ang Lipunan ang Salot?
ni Diane G. Punzalan
Panimula
Magandang umaga sa inyong lahat. Bago ko simulan ang aking
talumapati, nais ko munang magpakilala. Ako nga pala si Diane Punzalan, narito
ako sa inyong harapan upang magbigay ng kaalaman tungkol sa Lesbian, Gay,
Bisexual, Transgender, Queer (LGBTQ). Maraming tao ang nagtatanong kung
ano nga ba ang LGBTQ? Ano nga ba ang kontribusyon ng mga ito sa lipunan?
May mga nagsasabing salot sila sa lipunan meron naman mga nagsasabi na
may naitutulong sila sa lipunan. Naniniwala ka bang salot sa lipunan ang mga
taong kabilang sa LGBTQ?
Katawan at Paninindigan
Ang LGBTQ ay inisyal na tumutukoy sa mga taong “lesbiyan, bakla,
biseksuwal, at mga transgender” sila yung madalas na sinasabihan ng
masasama at masasakit na salita at nahuhusgahan ng mga tao sa lipunan. Dahil
din sa kanilang mga kasarian madalas silang nakakatanggap ng pangungutya
galing sa kanilang kapwa at sila din ang madalas na iniinsulto, kinamumuhian ng
ibang tao dahil sa panlabas na anyo, pinangdidirihan na para bang may sakit
silang nakakahawa at palaging binabato ng mga salita ng Diyos na kesyo walang
ginawa ang Diyos na bakla, kesyo walang ginawa ang Diyos na tomboy. Pero
kung walang ginawa ang Diyos na ganitong kasarian, bakit nandito sila ngayon?
Kaya rin maraming takot na ipakita ang totoong sila dahil sa mga taong
mapanghusga.
Kadalasan, ang katagang "salot sa lipunan" ay linyahan ng mga
perpektong tao na tila ba'y kung makapanghusga sila ay parang hindi tao ang
kanilang hinuhusgahan. Ang kataga ring ito ay madalas na naririnig natin mula
sa lipunang mapanghusga, mapanakit at hindi bukas ang pag-iisip tungkol sa
ganitong kasarian. Ang mga tao na nanghuhusga sa mga ito ay parang isang tao
na walang pandinig at walang makita, bakit dahil bingi sila na marinig ang istorya
o ang damdamin ng mga ito, bulag sila dahil hindi nila nakikita ang mga tamang
ginagawa ng mga ito at bulag sila na makita ang katotoohan na hindi lang ang
mga babae at ang mga lalake ang meron kasarian sa mundo.
24
Wakas
Ang kasarian ay hindi isang dahilan upang husgahan ang isang tao,
bagkus ito'y namumuo lamang sa maduming isipan ng tao. Dahil ang mabuting
pamayanan ay nag sisimula sa isang malinis at mabuting kaisipan ng bawat tao.
Kaya kailangan nating kilalanin at tanggapin ang ganitong mga bagong
konsepto, kahit may mga tao sa Pilipinas na taliwas sa paniniwala. Kailangan din
nating ipaintindi nang mabuti sa mga tao ang iba't ibang kasarian, upang mas
lumawak pa ang kanilang pananaw sa konsepto ng kasarian. Bilang isang
mamayan sana magkaroon tayo ng malawak na kaisipan sa mga ganitong bagay
dahil hindi sila ginawa ng Diyos nang walang dahilan. Kahit ano pa man ang
kasarian lahat tayo ay pantay-pantay sa mata ng Diyos at lahat tayo ay binuhay
at gingawa ng Diyos na mayroong halaga at layunin na dapat gampanan sa
buhay.
Palagi natin tandaan na kahit anong kasalanan pa ang ating nagawa ay
patatawarin tayo ng Panginoon. Kaya tayo bilang tao magbago na tayo at
pahalagahan natin ang buhay na pinahiram sa atin. Mahalin natin ang Panginoon
at mahalin natin ang Kanyang tahanan at ito ang simabahang Katoliko.
25
KABANATA 5
AGENDA NG PULONG
Tinig ng Panitikan
Saan:
Silid-Aklatan (School Library), St. Anthony Building
Kailan:
Ika-9 ng Disyembre, 2022
Oras:
Ika-4 hanggang ika-5 ng hapon
Layunin:
Upang magkaroon ng malinaw na plano at pag-uusap tungkol sa idaraos
na na kompetisyon na mayroong temang "Patimpalak sa Pagsulat ng Maikling
Kwento" at masagot ang mga maaaring umusbong na katanungan at magiging
solusyon kung mayroon mang maging aberya o pagsubok ukol sa patimpalak na
ito.
Mga Adyenda:
1. Pag-uusap ukol sa mga dapat isaalang-alang sa idaraos na patimpalak
tulad ng nasaad sa ibaba:

Iskedyul kung kailan gaganapin ang naturang patimpalak

Lugar kung saan isasagawa ang patimpalak
 Bilang ng mga kalahok sa patimpalak
 Pag-imbita ng mga hurado (mga taong bihasa sa larangan ng
patimpalak)
2. Pagkwenta ng mga papremyo para sa mga mananalo sa patimpalak at
kung saan kukuha ng pagkukunan para dito
3. Pagtalakay kung saan kukuha ng mga gagamiting materyales ng mga
kalahok
4. Pagtalaga ng komite na mamumuno para sa gaganaping patimpalak
5. Pagsangguni sa punong-guro ng paaralan tungkol sa naging pagpupulong
para sa patimpalak
Listahan ng mga kalahok
1. Akiesha Santos
(Grade 7 – St. Philip)
2. Celesta Garcia
(Grade 8 – St. Isidore)
3. Khesha Alcantara
(Grade 9 – Our Lady of Lourdes)
4. Avyanna Salvador
(Grade 10 – Our Lady of Fatima)
26
5. Nathalia Gomez
(Grade 11 – St. Bonaventure)
6. Jomari Tolentino
(Grade 12 – St. Martha)
7. Haider Anderson Cruz
(Grade 8 – St. Paul)
8. Calix Mendoza
(Grade 12 – St. Teresa)
9. Faolan Aquino
(Grade 10 – Our Lady of Pillar)
10. Felix Castro
(Grade 7 – St. Peter)
Inaasahan naming ang inyong pagdalo! Maraming salamat!
Lubos na gumagalang,
Inihanda ni:
LORAINE Q. LUCAS
DIANE G. PUNZALAN
Pangulo
Kalihim
27
KABANATA 6
KATITIKAN NG PULONG
Tinig ng Panitikan
Kailan:
Ika-9 ng Disyembre, 2022
Oras:
4:32 ng hapon
Saan:
Silid-Aklatan (School Library), St. Anthony Building
Namumuno:
Loraine Q. Lucas (Pangulo)
Layunin:
Upang magkaroon ng malinaw na plano at pag-uusap tungkol sa idaraos
na kompetisyon na mayroong temang "Patimpalak sa Pagsulat ng Maikling
Kwento" at masagot ang mga maaaring umusbong na katanungan at magiging
solusyon kung mayroon mang maging aberya o pagsubok ukol sa patimpalak na
ito.
Mga Dumalo:
1. Loraine Lucas
Pangulo
2. Calix Mendoza
Pangalawang Pangulo
3. Diane Punzalan
Kalihim
4. Akiesha Santos
Miyembro
5. Nathalia Gomez
Miyembro
6. Felix Castro
Miyembro
7. Jomari Tolentino
Miyembro
Mga Hindi Dumalo:
1. Avyanna Salvador
PRO
2. Khesha Alcantara
Ingat-yaman
Mga Adyenda:
1. Pag-uusap ukol sa mga dapat isaalang-alang sa idaraos na patimpalak
tulad ng nasaad sa ibaba:

Iskedyul kung kailan gaganapin ang naturang patimpalak

Lugar kung saan isasagawa ang patimpalak
 Bilang ng mga kalahok sa patimpalak
28
 Pag-imbita ng mga hurado (mga taong bihasa sa larangan ng
patimpalak)
2. Pagkwenta ng mga papremyo para sa mga mananalo sa patimpalak at
kung saan kukuha ng pagkukunan para dito
3. Pagtalakay kung saan kukuha ng mga gagamiting materyales ang mga
kalahok
4. Pagtalaga ng komite na mamumuno para sa gaganaping patimpalak
5. Pagsangguni sa punong-guro ng paaralan tungkol sa naging pagpupulong
para sa patimpalak
MGA NAPAG-USAPAN SA PULONG
1. Pag-uusap ukol sa mga dapat isaalang-alang sa idaraos na patimpalak
tulad ng iskedyul kung kailan gaganapin ang naturang patimpalak, lugar
kung saan isasagawa, bilang ng mga kalahok, at pag-imbita ng mga
hurado (mga taong bihasa sa larangan ng patimpalak)
 Gaganapin ang naturang patimpalak sa Disyembre 16, 2022
 Isasagawa ang patimpalak sa gym ng St. Paul School of San Antonio
 Walo (8) ang nagkompirma na lalahok
 Napagdesisyunan na ang mga guro sa Filipino ang magsisilibing mga
hurado
2. Pagkwenta ng mga papremyo para sa mga mananalo sa patimpalak at
kung saan kukuha ng pagkukunan para rito

Ang pangkalahatang budget na kakailanganin sa isasagawang
patimpalak ay nagkakahalagang ₱5,000 para sa mga tropeyo, cash
prizes at consolation prizes.

Napagkasunduan ng lahat na magsagawa ng solicitation upang
makalikom ng pondo
3. Pagtalakay kung saan kukuha ng mga gagamiting materyales ang mga
kalahok

Napagkasunduan na magkakanya-kanya na lamang na dala ang mga
kalahok ng kanilang mga gagamiting ballpen, correction tape/pen at
bond paper.
29
4. Pagtalaga ng komite na mamumuno para sa gaganaping patimpalak

Ang komite na mamumuno sa naturang patimpalak ay ang mga
opisyales ng organisasyon ng Tinig ng Panitikan sa pangunguna ng
pangulo nito kasama ng partisipasyon ng iba pang miyembro at sa
gabay ng gurong-tagapayo nito.
5. Pagsangguni sa direktor ng paaralan tungkol sa naging pagpupulong para
sa patimpalak

Pagkatapos mapag-usapan ang mga dapat isaalang-alang sa
gaganaping patimpalak ay isinangguni na ito sa punong-guro ng
paaralan. Ang punong-guro ay sumang-ayon sa naturang plano.
MGA NAPAGKASUNDUAN
Ang naturang patimpalak ay gaganapin sa Disyembre 16, 2022 na isasagawa
sa gym ng St. Paul School of San Antonio . Ang bilang ng nagkompirma na
lalahok ay walo (8). Napagdesisyunan na ang mga guro sa Filipino ang
magsisilibing mga hurado. Ang pangkalahatang budget na kakailanganin sa
isasagawang patimpalak ay nagkakahalagang ₱5,000 para sa mga tropeyo at
cash prizes na ibibigay sa mga mananalong kalahok at consolation prizes naman
para sa mga hindi papalarin. Napagkasunduan ng lahat na magsagawa ng
solicitation
upang
makalikom
ng
pondo
upang
matugunan
ang
mga
pangangailangan. Bilang karagdagan, Napagkasunduan na magkakanya-kanya
na lamang na dala ang mga kalahok ng kanilang mga gagamiting materyales
kagaya ng ballpen, correction tape/pen at bond paper. Ang komite na
mamumuno sa naturang patimpalak ay ang mga opisyales ng organisasyon ng
Tinig ng Panitikan sa pangunguna ng pangulo nito kasama ng partisipasyon ng
iba pang miyembro at sa gabay ng gurong-tagapayo nito. Bilang pagtatapos,
inaprubahan ng punong-guro ng paaralan ang isasagawang patimpalak.
ORAS NANG MATAPOS ANG PULONG: 5:47 ng hapon
Tinala ni:
Pinatotohanan ni:
DIANE G. PUNZALAN
LORAINE Q. LUCAS
Kalihim
Pangulo
30
LISTAHAN NG MGA DUMALO
PANGALAN
POSISYON
1.
Loraine Lucas
Pangulo
2.
Calix Mendoza
Pangalawang
Pangulo
3.
Diane Punzalan
Kalihim
4.
Akiesha Santos
Miyembro
5.
Nathalia Gomez
Miyembro
6.
Felix Castro
Miyembro
7.
Jomari Tolentino
Miyembro
DOKUMENTASYON
31
LAGDA
KABANATA 7
REPLEKTIBONG SANAYSAY AT LARAWANG SANAYSAY
HALINA’T BALIKAN ANG NAKARAAN
(Ika-180 na Taong Pistang Bayan ng San Antonio)
Panimula
“Viva, San Antonio Abad!” Ito ang sigaw ng mga mamamayan ng San
Antonio tuwing sasapit ang kapistahan upang ipahatid ang kanilang pasasalamat
sa patron dahil sa mabuting ani o mabuting nangyari sa bayan. Ngunit sa
paglaganap ng sakit sa ating bansa na mas kilala sa tawag na COVID-19,
maraming pagbabago ang nangyari at marami ring ipinagbawal sa ating bansa
para sa kaligtasan ng lahat. Isa na rito ang pagtitipon-tipon ng mga tao sa isang
lugar kaya't ang iba't ibang pagdiriwang sa Pilipinas na kinakailangan ng
pagtitipon o pagsasama-sama ng mga tao ay sandaling ipinahinto dahil sa
pandemyang ito. Kaya't sa bayan ng San Antonio mahigit dalawang taon ang
nakalipas bago muling maranasan at magkaroon ng ganitong pagtitipon-tipon sa
araw ng pistang bayan ng San Antonio. Ating mapapansin na ang mga
kapistahang ito ay ipinagdiriwang hindi lamang ng taong-bayan na nakatira sa
partikular na lugar kundi pati ang mga taong dito nagmula, lumaki o maging ang
mga taong gusto lamang makidiwang. Kaya naman sa pistang ito, muli nating
nakita ang hindi magkamayaw na mga taong nagsisiksikan ngunit sabik at puno
ng kagalakan.
32
Katawan
“Nasaan na ang artista? Nand'yan na ang kalabaw!” Ilan lang ito sa mga
salitang parati nating naririnig tuwing magdadaos ng parada sa ipinagdiriwang na
pistang bayan. Bago pa man sumapit ang kapistahan ng patrong San Antonio,
Abad na taun-taong ginaganap ay dama na ang kasayahan ng mga tao sa bayan
ng San Antonio sapagkat kahit hindi pa man araw ng pista ay mararamdaman na
agad ang kapistahan dahil sa masasayang kaganapan tulad ng panonood ng
"float parade" kung saan ang bawat barangay na nasasakupan ng ating bayan
ay may kanya-kanyang kalahok ng kani-kanilang karosang sumasalamin sa kung
gaano kamalikhain ang mga taga San Antonio. Sa mahigit dalawang taon na tila
ninakaw ng pandemya sa atin, maraming nawala, ngunit sa ika-180 na taong
selebrasyon ng pista ay ating muling narinig ang mga hiyawan kasabay sa
malakas na tugtog ng mga banda ng musiko, mga masasayang mata ng mga tao
na kay sarap tingnan kapara ng pagtingin sa makukulay na banderitas, at ang
mga nag-uunahang kamay makakuha lamang ng larawan sa kanilang mga
iniidolo.
Wakas
Sa ika-180 na taong pistang bayan ng San Antonio na may temang "Balik
Tanaw Sa Nakaraan" ay tunay ngang nagbalik sa nakaraan ang mga
mamamayan ng San Antonio. Sa nakalipas na dalawang taon ng pandemya muli
ngang nabuhayan at nagalak ang bawat isa. Makikita sa larawang ito ang iba't
ibang klase ng tao, iba't iba ng pinanggalingan ngunit iisa ang nararamdaman at
yuon ay pananabik at tuwa sa kanilang mga puso na minsan pa nagkaroon sila
ng pagkakataong magtipon-tipon upang magsaya. Tunay ngang isa sa makulay
na parte ng ating kultura ay ang pagkakaroon ng mga pista. Kaya't nahinto man
ito ng halos tatlong taon, wala pa ring pinagkaiba ang nararamdamang saya at
galak ng mga tao bagkus lalo pa silang nanabik dito.
33
KABANATA 8
LAKBAY-SANAYSAY
Sa Pagitan ng Lupa at Tubig
‘Reclamation Nation’
Panimula
“It’s more fun in the Philippines!” Ito ang opisyal na tagline ng turismo ng
ating Bansang Pilipinas. Ang isa sa mga rason kung bakit nabuo ang slogan na
ito ay dahil sa di matatawarang kagandahan ng mga islang taglay ng Pilipinas.
Ang Pilipinas ay kilala sa pagkakaroon ng mga nakabibighani at mga natatanging
isla. Ito ay isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit patuloy na dinarayo lalo
na ng mga banyaga ang ating bansa. Ang mga puno na tila ba nilikha bilang
disenyo, mga puting buhangin na kay sarap hawakan at laruin sapagka’t pino, at
panghuli, ang iba’t ibang uri ng karagatan na matatagpuang nakapalibot dito, ang
siyang mga biyayang maituturing ng mga Pilipino. Ngunit, paano na lamang kung
isang beses, maglaho ang mga ito? Paano na lamang kung ang dating mga
nagtatatasan at malalagong puno ay biglang makalbo? Ano na lang ang
mangyayari kung ang mga puti at pinong buhangin ay mawala, at ang malinis na
tubig sa karagatan ay maglaho na? Masasabi pa ba nating “It’s more fun in the
Philippines,” kung ang mga isla na siyang nagpasikat sa ating bansa at ang
dahilan kung bakit dinarayo tayo ng mga banyagang turista ay unti-unti nang tila
ninanakawan ng kagandahan at dahan-dahang sinisira? Paano na?
34
Katawan
Sa aking paglalakbay sa bayan ng Coron, isang kilalang bayan sa
lalawigan ng Palawan, nasaksihan ko ang mga natatanging tanawin at mga
ipinagmamalaking pook-pasyalan. Subalit sa ‘di kalayuan, nakita ko ang mga
pagbabagong unti-unting isinasagawa sa lugar at ito ay parte ng tinatawag na
reclamation project. Ang reclamation ay tumutukoy sa prosesong paglikha ng
bagong lupa mula sa karagatan, dagat, o ilog sa pamamagitan ng pagtatambak
ng mga ito.. Marahil para sa mga nakatataas at developers, ang nasabing
proyekto ay bahagi ng pag-unlad na makatutulong sa bansa bilang kabuuan.
Ngunit para sa mga naninirahan sa Coron, lalo na sa mga nasa laylayan,
kasabay ng pag-unlad, ito ay magiging sanhi rin ng kahirapan. Bakit? Sapagkat
apektado rito ang mga pangunahing kabuhayan nila tulad ng pagsasaka, pati na
rin ang pangingisda, dahil resulta ng reclamation ang pagbaba ng klase o uri ng
mga isdang matatagpuan sa karagatang malapit sa reclamation site; pagbaba ng
timbang at bilang ng mga isda dulot ng pagkasira ng mga bahura, bakawan, o
sea grass ecosystems na siyang nagsisilbing tirahan ng mga ito. Hindi lamang
iyon, ang pagsasagawa ng reclamation ay maaring magdulot ng kapahamakan.
Ang mga quarrying site na tila hindi na nabibigyang pansin ang pinakahalimbawa
para rito dahil sa maaaring pagguho ng lupa na pinagkuhanan ng panambak lalo
na’t mayroon nang nagtatayo ng mga estruktura malapit sa lugar. Isang
nakababahalang proyekto ang reclamation, at sa tingin ng mga mamamayan sa
lugar na ito ay hindi ito isang isyu na maaaring iasa na lamang sa pamahalaan
dahil alam nilang mabilis magbago ang hangin sa pamahalaan. Kaya naman ang
mga tao sa Coron ay hindi nanahimik bagama’t sila ay nakagawa ng isang grupo
na tinawag na “Sagip Coron Palawan” kung saan tinututulan nila ang reclamation
projects. Walang takot ang mga tao sa pagtutol sa mga reclamation projects,
kahit na sila ay nakatatanggap ng banta sa kanilang buhay ay patuloy ang
kanilang hakbang at patuloy silang lumalaban. Sa katunayan, hindi nauwi sa
wala ang kanilang ginawa dahil sa taong iyon din ay kinansela ng Department of
Environment
and
Natural
Resources
(DENR)
ang
reclamation
nation.
Gayumpaman, ayon sa mga survey at ginawang pag-aaral, ang bansang
Pilipinas ang pinakadelikadong bansa sa Asya para sa mga Environmental
Defenders; samantala, pang-apat naman sa buong mundo. Sa paglalakbay kong
ito, tingin ko ay panahon na upang dinggin at irespeto ang ating mga
kababayang nais mamuhay kasama ang kalikasan at hindi ang mga
nagtataasang gusali.
35
Wakas
Magandang tanawin, malinis na tubig, at tahimik na paligid. Ito ang
kapaligirang inaasam-asam ng karamihan. Malayo sa lungsod, sa magulong
bayan, at sa mga mapangsamantalang mga tao. Subalit, sa kasamaang palad,
sa ginagawa ng iba ay para bang gusto na rin nila’y gawing tila lungsod ang mga
isla. Nakalulungkot at nakapanghihinayang! Tunay nga na sobrang laki na ng
ipinagbago ng ng mga islang itinuturing na yaman ng ating bansa, at patuloy pa
itong magbabago sa paglipas ng panahon. Siguro nga ay malaki ang maitutulong
ng reclamation project para sa paglago ng ating ekonomiya ngunit kung kapalit
nito ay ang pagkasira ng kalikasan na siyang pangunahing pinagkukunan natin
ng halos lahat ng pangangailan sa araw-araw na pamumuhay, masasabi pa rin
ba natin na dapat itong ipagpatuloy? Ano sa tingin mo?
36
APENDIKS
37
Download