Uploaded by Charon Shadow

Jose Rizal Summaru

advertisement
Chapter 1. Ang Batang si Moy Mercado
Isinilang si Rizal sa Calamba noong Hunyo 19 1861 sa pagitan ng 11 at 12 ng gabi sa araw ng
miyerkules, at ang kaniyang pagsilang ay muntik nang ikasawi ng kaniyang ina kung hindi niya
naipangako sa mahal na birhen ng antipolo nadadalhin siya sa kaniyang simbahan. Sunod na rito
ipinakilala ang nanay ni Rizal, na nagngangalang Teodora Alonso, o mas kilala sa kanilang bayan bilang
Lolay, at ipinakilala siya bilang isang ina na mahilig sa literatura, matematika, at mas magaling sa
pagsalita ng espanol kesa kay Rizal. Siya ay umaasikaso ng 11 na anak, at sila ang nagsisilong ng tindahan
at iba pang maliliit na negosyo, at ayon kay Rizal, wala daw siya matutunguhan ngayon kung hindi siya
pinalaki ng maayos ng tulad ng pagpapalaki sa kanya ng kaniyang ina. Sumunod na ipinakilala ay ang
ama ni Rizal na si Francisco Mercado, o mas kilala bilang Kikoy, na kahit naman matahimik ay malapit
parin siya sa kaniyang mga anak. Noong isinilang si Rizal, ang kaniyang edad ay 40, at ayon kay Rizal, ang
kaniyang ama ang ay nagbigay ng edukasyon na naaayon sa kanilang kakayahan sa buhayat dahil sa
pagsisikap ni Francisco Mercado, nakapagpatayo siya ng bahay na bato, at nakapagpundar pa ng isa pa.
Parehas na tiga Binan ang magulang ni Rizal, ngunit sila ay lumipat sa Calamba kung saan sila ay
nangupahan sa lupa na may ari ay ang mga Prayleng Dominiko. Sunod na ipinakilala si Moy Mercado
bilang isang matahimik na bata ayon sa kaniyang mga kapatid at nahahalata sa kaniyang paglaki ng mata
kung siya ay natutuwa o nabibighani, mahilig magpinta ng mga hayop gamit gamit ang mga uling at
katas ng halaman bilang pintura, at mahilig din siya gumawa ng mga figurine ng mga kaniyang nababa sa
kaniyang mga aklat na abot 100 ang bilang. Nalungkot si Rizal dahil noong 6 na taon na siya ay lumayo
siya sa kaniyang tahanan upang magaral sa Binan at ipinakilala siya sa isang maestro na nangngangalang
Justiniano Cruz upang mamulat si Rizal sa isang pagtuturo na usong uso sa panahon na iyon. Ngunit sa
lahat ng masasayang pangyayare ay nagkaroon ng malagim na kasunod, ang in ani Rizal ay inaresto dahil
sa pagtangkang lasunin ang asawa ng kaniyang kapatid na si Alberto, pero ang pangyayare ay
kasinungalingan lamang dahil pinaratangan lamang siyang kasabwat sa paglason sa kaniya dahil gusto
niya lamang pagbatiin ang magasawa, ngunit naiinis yung babae dahil nangingialam siya at tumagal ng 2
at kalahating taon ang kaniyang pagkabilanggo. Pinagkaitan si Rizal at ang kaniyang mga kapatid sa mga
nangyare at ang kanilang mga kaibigan ay nagiba ng trato sa kanila, sa susunod na kabanata naman ay
ipinaalam kung saan sumunod ng pagaaral si Rizal, hinatid siya sa Ateneo Municipal sa Maynila na
nakatirik noon sa Intramuros.
Chapter 2: Jose Rizal Mercado, Atenistang Probinsyano
Si Rizal ay 16 taong gulang pa lamang nung siya ay napunta sa Ateneo at ang mga pari noon ay
nagdadalawang isip na ipasok siya dahil si Rizal ay napakaliit at napakatamlay kung ikukumpara siya sa
mga kaklase niyang espanol at di tulad sa mga sinasabi ng marami, hindi agad nakapagpakitang gilas si
Rizal bilang isang estudyante. Mas ginamit niya ang kaniyang oras sa pagsisimba dahil sa nangyare sa
kaniyang ina, at mas nagbabasa siya ng mga nobela at takdang pangkasaysayan, at nasasabi niya sa
kaniyang ama na bilhan siya ng istoria unibersal para magamit ito sa klase. Nakalaya ang Ina ni Rizal
nung nakatapos na siya ng kursong sekondarya at bumalik sa Ateneo para mag kolehiyo at mas
umusbong ang kaniyang pagaaral na nakakauwi siya ng mga premyo. Sa pagtulong ng kaniyang
professor na si Padre Francisco de Paula Sanchez, mas nakapagaral siya sa Wikang Espanol, at
nakapagsulat siya ng mga tula. Natanggap ni Rizal ang kaniyang Diploma sa Bachelor of Arts at 5 pang
medalya sa gulang 15. Sa susunod na pangyayare ay pinaaral ng kaniyang Ama si Rizal ng Pilosopiya sa
Unibersidad ng Santo Tomas, ngunit matapos ang isang taon ay napagdeisyonan ni Rizal na kumuha ng
kursong Medisina dahil nalaman niyang nabubulag na ang kaniyang ina, at dun niya na rin nakilala ang
kaniyang unang pagka in love, isang babae na nagngangalang Segunda Katigbak na kasamahan sa
dormitory ng kapatid ni Rizal na si Olympia. Nakailang pagkainteres o pinagkainteresan si Rizal bago niya
nakilala ang pagibig niya sa kaniyang kaanak na si Leonor Rivera. Noong nagbakasyon naman si Rizal sa
Calamba ay mayroong nangyare na nagbago sa pagtingin niya, nung isang gabi ay nakatanggap siya ng 3
hagupit dahil nakaligtaan niyang sumaludo sa teniente ng gwardya Sibil, at nung inilapit niya ang kaso sa
Malacanang ay di nila ito pinansin. Dito na nagsimula ang mga pagkamulat ni Rizal sa mga nangyayare sa
kaniyang paligid, lalo na sa nangyayare sa kaniyang Lipunan, dumdagdag din sa kaniyang pagmulat
noong nanalo siya sa isang entablado at nung nalaman na isang Pilipino ang nanalo, walang pumalakpak.
Dahil rito, nalaman niya na hindi sapat ang kaniyang pagaaral sa Santo Tomas para gumamot at
nagdesisyon na magaral sa Espanya at tinanggap ni Rizal ang hikayat ng kaniyang kaibigan, lalo na ang
ama ni Leonor na si Antonio Rivera, ngunit walang tatalo sa supporta na binigay ng kaniyang kapatid na
si Paciano na binigay ang ang pangarap na nakalaan sa kaniya kay Rizal at inilihim nila ito sa kaniyang
Pamilya
Download