[ ARALING PANLIPUNAN 8 (WORLD HISTORY) DRAFTS / NOTES / HANDOUTS ] QUARTER TWO Unit Topic 1: Pag-usbong at Pag-unlad ng mga Klasikong Lipunan sa Europa ● ● ● ● ● ● Sub Topic 1: Kabihasnang Klasiko ng Greece Sub Topic 2: Kabihasnang Klasiko ng Rome Sub Topic 3: Kabihasnang Africa Sub Topic 4: Kabihasnang Klasiko sa America Sub Topic 5: Kabihasnang Klasiko sa mga Pulo sa Pacific Sub Topic 6: Ambag ng Kabihasnang Klasiko sa Daigdig Unit Topic 2: Ang Daigdig sa Panahon ng Transisyon ○ ○ ○ Sub Topic 1: Ang Europe sa Gitnang Panahon Sub Topic 2: Paglakas ng Simbahang Katoliko Sub Topic 3: Muling Pagsigla ng Kalakalan sa Europe ==================================================================== 1.1 [ Mga ] Kabihasnan sa Greece [insert map ng greece] Ang mga kabihasnan na umusbong sa mga lugar na nasa paligid ng Agean Sea. ● Crete ● Cyclades ● Mainland Greece Minoan - Matatagpuan sa Crete - Ito ang kauna unahang kabihasnan sa Europa at Greece - Named after Haring Minos na nakatira sa Knossos - About Haring Minos : According to Greek Mythology, si Minos ay anak ni Zeus at ni Europa, isang Phoenician Princess - Hindi pa ma-trace ang pinagmulan ng sibilisasyon na ito pero as early as 2600 BCE ay naglilinang na ang mga tao ng bronze at ginto at mayroon na silang sistema ng pagsulat na kung tawagin ay Linear A [insert picture] - Ang rurok ng Minoan Civilization ay mula 1700 hanggang 1450 BCE - Nag-umpisang bumagsak ang sibilisasyong ito noong 1450 due to natural calamities (esp. Lindol and volcanic eruptions) at pagsalakay ng mga tao sa mainland greece. - 1400 BCE - Bumagsak ang Knossos Mycenaean - Mula sa mainland Greece at nag-umpisa noong ika 16 siglo BCE - Hango sa lugar na Mycenae - Nanghiram ng kultura ang mga Mycenaean sa mga Minoan - Ang kanilang sistema ng pagsulat ay hango sa mga Minoan, na kung tawagin ay Linear B [insert photo] - Sila ay nakikipagkalakalan sa mga karatig lugar kagaya ng Egypt, Phonecia, Sicily, Troy, Macedonia at Kanlurang Italy. - Rivals in power along Agean Region : Tiryns, Pylos, Thebes, Midea, Gla, Orchonemos, Argos, Sparta, Nichoria at Athens - 1300 BCE : Binuo ng hari ng Mycenae ang imperyo ng Achaean na hango sa rehiyon ng Aegean. Hellenic - Nag-umpisa noong 800 BCE - Mula sa salitang Hellas, ang pangalan ng Greece para sa mga Greek. - Hiniram ng mga Greek ang sistema ng pagsulat ng mga Phoenecian, ang Alphabet. - Olympics: - Ginagawa ito in honor of the Greek god Zeus - Ginagawa ito every 4 years - Sa panahon ng olympics, ang mga city-state na participant sa olympics ay sasailalim sa truce (ceasefire, hindi dapat makipagparticipate war) sa loob ng 1 buwan (later on naging 3) - Ang ancient olympics ay naganap sa pagitan ng 776 BC hanggang 393 AD - Ang event ay tumatagal ng 1 day (later on naging 5) - Sports: Wrestling, Boxing, Running, Pentathlon (a series of 5 events: discus, long jump, javelin, running, and wrestling.), Chariot Racing (para sa mga mayayaman) - Sa pagitan ng 800 hanggang 750 BCE, nagsimulang magtatag ng kolonya ang mga Greek. Ilan sa kanilang mga kolonya ay matatagpuan sa Asia Minor (which is matatagpuan sa Turkey), Hilagang Africa, mga isla sa Agaean Sea,Sicily , Southern Europe at mga baybayin sa black sea. Polis - Tawag sa city-states sa Greece. - Ang mga Polis: - Athens - Thebes - Megara - Sparta - Corinth - Miletus - Mitylene - Samos - Mga nangungunang Polis: Sparta and Athens Sparta - Also known as Lacedaemon - Matatagpuan sa katimugang greece na tinatawag na Laconia - Ang kanilang populasyon ay nahahati sa tatlong grupo : - Spartan - mga tunay na mamamayan ng Sparta - Helot - mga alipin; usually mga greek na mula sa Laconia at Messenia - Perioeci - mga craftsmen at mangangalakal sa Sparta - Nakatuon ang kultura ng sparta sa katapatan sa estado at serbisyong militar Ang mga batang lalake na may edad na 7 years old ay sumasailalim na sa pag-aaral at pagsasanay sa aspektong militar (also known as Agoge) Age of service (edad ng pagseserbisyo ng mga Spartan) - 20 hanggang 60 y/o Rivals in power: Athens at Corinth Tinalo ng mga Spartan ang Athens sa Peloponesian War (431 BCE - 404 BCE) Tinalo sila ng Thebes sa labanan sa Leuctra noong 371 BCE, bumagsak ang Sparta a year later. Athens - Matatagpuan sa Attica - Patron Goddess : Athena - Kontrolado ng mga aristokrata (aristrocrat) ang mga lupain at pamahalaan. - Ang mga aristocrat ang bumubuo sa pinakamataas na antas ng lipunan at kadalasang namamana ang kanilang katayuan - Nagkaroon ng reporma sa batas noong 621 BCE sa pamamagitan ni Draco - Nagkaroon ng mga additional na reporma sa batas sa pangunguna ni Solon na nakatuon sa mga kalupitan sa mga parusa sa mga krimen. - Nag-umpisa ang demokrasya sa Athens noong 594 BCE sa pamumuno ni Solon ngunit nagkaroon muli ng tyranny sa Athens matapos na malipat ang kapangyarihan kina Peisistratos at sa kanyang mga anak na sina Hippias at Hipparchus mula 546 hanggang 510 BCE) - Nabuhay muli ang demokrasya sa Athens sa pamumuno ni Cleistenes noong 508 - 507 BCE - Sa panahon ni Pericles ay natamo nila ang tugatog ng kanilang kapangyarihan mula 461 hanggang 429 BCE. - Nagtagal ang ganitong klase ng sistemang politikal hanggang 332 BCE Greco - Persian Wars (499 - 449 BCE) - Greece vs Achaemenid Empire ng Persia Notable battles: Marathon (490 BCE), Thermopylae (480 BCE), Salamis (480 BCE), Platea (479 BCE) Ending : nanalo ang mga greek. Peloponnesian War (431 - 404 BCE) - Sparta vs Athens - Part 1 : 460 hanggang 446 BCE Part 2: 431 hanggang 404 BCE Ending: Natalo ang Athens Mga Pamana: [ look for pictures ] ● ● ● ● ● ● ● Panitikan : Pericles Arkitektura : Parthenon at Acropolis (these are places) Teatro: Aeschylus, Sophocles, Euripides at Aristophanes Tula: Pindar Math and Science : Thales, Pythagoras, Democritus, Hippocrates Philosophy: Socrates, Plato at Aristotle History : Herodotus at Thucydides ====================================================================== Lesson 1.2 - Roman Civilization Etruscan - Matatagpuan sa Etruria (kasalukuyang nasa Tuscany, Italy) - Nagsimula noong 800 BCE - May possibility na sila ay mga Lydian na mula sa Asia Minor. - May iba pang katawagan sa kanilang grupo like Tyrrhenoi (or Tyrrhenian), Tusci at Etrusci. - From 4th and 6th century BCE, lumawig ang kanilang kapangyarihan sa Italy, patawid sa mga isla ng Corsica at Elba. - Nasakop din nila ang Latium, ang rehiyon kung saan matatagpuan ang Rome at Campania, kung saan nakatira ang mga Greek ng Naples. - Nasakop din nila ang Po Valley sa hilaga. - Narating ng mga etruscan ang tugatog ng kanilang kabihasnan noong 500 BCE. - Napalayas ang mga Etruscan noong 400 BCE Republika ng Rome - - According to legends, ang kambal na magkapatid na sina Romulus at Remus ang taong tagapagsimula ng Rome noong 753 BCE. Mula 753 hanggang 509 BCE, namuhay sila sa ilalim ng mga haring Etruscan. Imperium - Karapatan ng isang pinuno na maglabas ng mga kautusan at ipatupad ito sa pamamagitan ng pagpataw ng mga multa, pagdakip, at pagbibigay ng kaparusahan. Senado / Senate - Sila ang bumoboto kung kung makakalusot ang bawat batas na nais ipatupad ng mga Imperium - Asamblea - Binubuo ng mga mamamayan na pinapangkat sa 30. - Nasa kanila ang karapatang bumoto hinggil sa iba’t ibang isyung panlipunan. - Nagsimula ang republika ng rome noong 509 BCE matapos si Lucius Tarquinius Superbus, na ang kahuli hulihang hari ng Rome. Bago magkaroon ng hari, pinagpasyahan ng mga Roman na maghalal ng dalawang mahistrado which is called the Consul: - Consul - Kadalasan mga generals ang nakassign dito - Tungkulin niya na pamahalaan ang hukbo sa panahon ng digmaan - - - Dictator - Humahalili sa dalawang konsul na binibigyan ng kapangyarihan na hindi lalampas sa 6 months Ang dalawang social groups: - Patrician: - Pangkat ng mga naghaharing uri at pamilya na nagtataglay ng malawak na impluwensya sa pamamahala. - Plebeian - Tumutukoy sa karaniwang mamamayan ng Rome. - Later on ay nagkaroon din sila ng iba pang mga privileges sa iba’t ibang aspeto ng lipunan, specially ang pagbibigay ng isang slot for the Consul position noong 367 BCE - Mula 390 hanggang 290 BCE, nagpalakas ang hukbo ng rome matapos silang talunin ng mga Celt at sila ay bumuo ng hukbo na tinatawag na Legion - Legion: - Isang puwersang mahusay sa pakikipaglaban saanman o anumang uri ng digmaan. - Punic Wars - For Context: Malawak na ang sakop ng Roman Empire pagdating ng 270 BCE at ang natitirang civilization na mas mayaman sa kanila ay ang Carthage. - Ang Carthage ay matatagpuan sa hilagang bahagi ng Africa na pinasimulan ng mga phonenecian noong 800 BCE - First Punic War: - Nagsimula noong 264 BCE - Nakuha ng Rome ang Sicily, Sardinia at Corsica. - Second Punic War: - - Sa pamumuno ni Hannibal, nabuo ang puwersang lumusob sa Rome noong 218 BCE sa pamamagitan ng mahabang paglalakbay sa katimugang France hanggang Alps. Marami mang nasawi sa labanan sa Cannae noong 216 BCE, ay nasa kanila pa din ang mga lupain ng Latium, Etruria at Samnium. In response, kinuha naman ni Scipio Africanus ang Spain mula sa kontrol ng carthage via labanan sa Ilipa sa Spain noong 206 BCE. Nagtungo ang mga Roman sa Utica nong 204 BCE at nagapi si Hannibal ni Scipio sa labanan sa Zama noong 202 BCE. Third Punic War - Nagsimula noong 149 BCE. - Tuluyang winaasak ni Scipio Aemilianus (apo ni Scipio Africanus) ang Carthage noong 146 BCE. - Napasakamay ng Rome ang natitirang kolonya ng Carthage. Ang Republika sa Huling Bahagi (133 BCE - 31 BCE) - First Triumvirate - Binubuo nina Pompey the Great, Marcus Licinius Crassus at Julius Caesar - Nagsimula noong 60 BCE - Feats: - Pompey The Great - Mahusay na pinunong militar - Tinalo niya ang mga piratang Cilician - Nasakop ang Seleucid Empire at nakuha ang teritoryo ng Judea. - Crassus - Heneral na tinuturing na pinakamayamang tao sa Rome - Nagapi niya ang pag-aalsang sinimulan ni Spartacus noong 73 hanggang 71 BCE. - Julius Caesar - Isang politiko na nahalal as Consul noong 59 BCE. - Ang tatlong ito ay bumuo ng alyansa at tumigil lamang ang alyansang ito sa pagkamatay ni Crassus sa labanan sa Carrhae noong 53 BCE. Ang dalawa na natira, sina Pompey at Julius Caesar, ay may “trust issues” sa isa’t isa kaya nagkaroon ng civil war sa pagitan ng dalawang ito. Nagapi ni Julius Caesar si Pompey at pataksil na pinatay si Pompey sa Pelusium noong 48 BCE habang siya ay lumilikas patungo ng Egypt. Sa panahon ni Julius Caesar ay nag-umpisa ang Imperyo ng Rome. Lumawig ang teritoryo ng Rome hanggang sa english channel at Rhine. Nagkaroon ng reporma sa pamamahala ni Julius Caesar tulad ng pagkakaloob ng citizenship sa mga taong nasa labas ng Italy, pagtatalaga ng mga bagong miyembro sa Senado, pagpapababa ng - - utang at pagpapalit sa ginagamit na kalendaryo (Julian Calendar) [insert photo here] Sa kasamaang palad, pinagtaksilan si Julius Caesar nina Marcus Junius Brutus at Gaius Cassius Longinus at pinatay si Julius Caesar noong 44 BCE. Second Triumvirate: - Nag-umpisa noong 43 BCE - Binubuo nina Mark Antony, Lepidus at Octavian na pamangkin ni Julius Caesar. - Nagkaroon muli ng civil war sa pagitan ng tatlong ito at nagapi ni Octavius ang dalawang kasama niya sa triumvirate noong 31 BCE, na nagresulta din sa pagkawasak ng Republika ng Rome. - Ginawad sa kanya ang titulong Augustus na ang ibig sabihin ay “kamahalan at dakila”. - Renamed himself as Augustus Caesar and considered himself as “Unang Mamamayan” ng Rome o Princeps Civitatis . - Pax Romana (Roman Peace) - Nagsimula noong 27 BCE hanggang 180 BCE. - Ang huling pinuno sa panahon na ito ay si Marcus Aurelius na namatay noong 180 CE. - Simula noong mamuno si Commodus na anak ni Marcus Aurelius ay napabayaan niya ang kanyang nasasakupan na nagresulta sa pagtatapos ng katatagan ng Pax Romana. - Pamana - Mga imprastaktura kagaya ng public toilets, paliguan, sewerage at aqueduct (na kanilang noong 312 BCE). - Arkitekturang nagawa: Pantheon, Colosseum at Roman Forum - Acta Diurna - maagang porma ng pahayagan na nakasulat at nakaukit sa bakal o bato at nilalagay sa dinaraanan ng maraming tao. - Lex Frumentaria - isang batas na nag-uutos sa pamahalaang bigyan ng suplay ng murang binhi ang mga mamamayan. - Julian Calendar - Kalendaryong ginawa ni Julius Caesar noong 46 BCE na binubuo ng 12 buwan at 365 days. Ito din ang naging baseline para madevelop ang Gregorian Calendar noong 1582 dahil ang Julian Calendar ay kulang ng ilang minuto at may pagkakaantala sa mga panahon. - Mga terminolohiya na ginagamit sa Law na mula sa Roman Civilization : Subpoena, Habeas Corpus, Pro Bono at Affidavit. - Twelve Tables - Isang mahalagang saligang batas ng Republika na naglalaman ng mga batas sa pag-aari, relihiyon, diborsyo. Lesson 1.3 Kabihasnan sa Egypt - Ang kabihasnan na ito ay matatagpuan sa Nile River. - Tinatawag na “Handog ng Nile” ang Egypt sa kadahilanang kung wala ang ilog na ito magiging isang disyerto ang lupain. Madalang din ang ulan sa lugar na ito - Around 3000 BCE, nagkaroon ng dalawang malaking rehiyon sa ehipto: - Lower Egypt - matatagpuan sa rehiyong delta ng Nile - Upper Egypt - Located 800 meters south from the Delta, matatagpuan sa kasalukuyang Aswan. - Noong 3100 BCE nasakop ng hari ng Upper Egypt na si Menes ang Lower Egypt at pinag-isa ang buong lupain ng Egypt. - Pre-Dynastic Period (Before 3100 BCE) - Sa pagsapit ng ikaapat na milenyo BCE, nagkaroon mga tinatawag na nomes o malalayang pamayanan na naging batayan ng mga binuong lalawigan ng mga sinaunang estado. Tinatawag na mga nomarch ang mga pinuno ng mga nasabing pamayanan. - Nagkaroon sila ng sistema ng pagsulat na kung tawagin ay Hieroglyphic na ang ibig sabihin sa wikang Greek ay “Sagradong Ukit” - Early Dynastic Period - Pinag-isa ni Menes mula sa Upper Egypt ang buong Egypt matapos niyang sakupin ang Lower Egypt. - Siya ang pinakaunang Pharaoh sa panahon ng Unang Dinastiya sa Egypt. - Pharaoh - Literally means “ Great House”. Ito ang tawag sa mga pinuno / hari sa ehipto. - Naging kapital ng pamumuno ni Menes ang lugar na Memphis. - Old Kingdom (2666 - 2181 BCE) - Nagsimula sa Ika-3 dinastiya. - Dito nagsimua na magpatayo ng mga Pyramid na nagsisilbi bilang huling hantungan ng mga Pharaoh kapag sila ay namatay. Isang halimbawa ng pyramid na nananatili hanggang sa kasalukuyan ay ang Great Pyramid of Giza na pinagawa para kay Pharaoh na si Khufu noong 2600 BCE. Napabilang din ito sa Seven Wonders of the Ancient World ng mga Greek. - Si Pepi II ang pinakahuling Pharaoh ng ika-6 na dinastiya na pinaniniwalaang namuno sa loob ng 94 na taon, na kung saan madalas na tinuturing na pinakamahaba sa kasaysayan in terms of haba ng pamumuno. - Nagsimula ang kanyang pamumuno sa edad na 6 at siya ay namatay sa edad na 100. - Matapos ng pamumuno ni Pepi II, tuluyan nang bumagsak ang Old Kingdom - Middle Kingdom (2049 - 1786 BCE) - Nilipat ni Amenemhat I ang kabisera sa Lower Egypt noong 2055 BCE. - Simula sa pamumuno ni Senusret I, nakipagtunggali na siya sa rehiyon ng Nubia (na matatagpuan ngayon sa pagitan ng mga bansang Sudan at Egypt) na nagpatuloy sa pamumuno ni Senusret III nong 1878 BCE. - Sa pamumuno din ni Senusret III ay tinangka niyang palawakin ang kapangyarihan ng Egypt hanggang Syria. - Si Amenemhat II ang pinakamahusay na pinuno sa paahong ito na namuno sa loob ng 45 taon. - Sa panahon ng ika-12 Dynasty ay nagkaroon ng mga ekspedisyon sa mga lugar kagaya ng Nubia at Syria para makatuklas ng mga mahahalagang bagay na maaaring minahin o mga kahoy na maaaring gamitin. Nagkaroon din ng kalakalan sa pagitan ng Egypt at Crete. - Sa panahon ng ika-13 dynasty, dumating ang mga Hyksos o “mga prinsipe na mula sa dayuhang lupain”. Sila ay nagmula sa Asya at nagkaroon sila ng kontrol sa lugar sa katimugang Egypt at nag-umpisa ang kanilang dinastiya noong 1670 BCE. - New Kingdom (1570 - 1090 BCE) - Tinuturing na pinakadakilang panahon sa kabihasnang Egypt. - Nagsimula noong ika-18 na dynasty. - Tinatawag din ito bilang Empire Age. - Nagsimula ang panahon ng New Kingdom noong naitaboy ni Ahmose I ang mga Hyksos noong 1570 BCE. - Ilan sa mga notable na Pharaoh sa panahon na ito ay sina Thutmose II, Thutmose III, Amenophis III at Rameses II. - Umabot ang kanilang impluwensya mula Nubia hanggang Euphrates sa Mesopotamia, sa lupain ng mga Hittite. - Si Amenophis IV o mas kilala sa tawag na Akhenaton ay nagtangka na baguhin ang sistema ng paniniwala ng mga taga ehipto sa pamamagitan ng diyos ng araw na si Aton. Hindi ito tinangkilik ng mga pari kaya ito din ay nawala noong namatay si Akhenaton noong 1360 BCE. Siya ay pinalitan ni Tutankhamen na umupo sa trono sa edad na 9 na taon. - Nagsimula naman sa pamumuno ni Rameses I ang ika-19 na Dinastiya na sinundan naman nina Seti I at Rameses II. - Si Rameses II ang isa sa mga mahuhusay na pinuno sa panahon na ito. Sa loob ng 20 taon, kinalaban niya ang mga Hittite na mula Asia Minor na unti unting pumapasok sa silangang bahagi ng egypt. - Pinaniniwalaan din na ang mga kaganapan sa libro ng Exodus sa Bible ay nangyari sa pamumuno ni Rameses II - Matapos ang pagkamatay ni Rameses II, siya ay sinundan ng mga Pharaoh na sina Merneptah, Seti II at Rameses III. - Kay Rameses III nagsimula ang ika-20 na dinastiya. Late Period - Nagsimula kay Psammetichus ang ika-26 na dynasty at nagawa niyang makontrol ang buong Egypt noong 656 BCE. - Sinakop ng mga Persian ang Egypt at si Cambyses II ng Persia ang naging unang hari ng ika-27 na Dinastiya. - Sinakop ni Alexander the Great ang Egypt noong 332 BCE at ginawa niya itong bahagi ng Imperyong Hellenistic. - Si Cleopatra VII ang kahuli-hulihang pinuno sa egypt at noong 30 BCE, ang Egypt ay naging bahagi ng Imperyong Roman. Mga Pamana - Arkitektura - Mga Pyramids, halimbawa na dito ang Great Pyramids of Giza [insert photo] - Mummification - isang paraan ng pagpe-preserve sa mga patay na kung saan ay gumagamit sila ng kemikal para matuyo ang bangkay, pinipinturahan, binabalutan ng linen at pinalalamutihan ng mga alahas. - Ang salitang Mummy ay hango sa Latin na Mumia na hiram sa salitang Arabic na Mumiya at salitang Persian na Mum. - Book of the Dead - isang libro na kung saan naglalaman ng mga proseso tungkol sa Mummification. Naglalaman din ito ng mga magic spells na magiging gabay ng mga yumao sa kanyang paglalakbay sa kabilang buhay upang makapiling si Osiris, ang diyos ng mga patay. - Systema ng Pagsulat - Hieroglyphics - Rosetta Stone - isang bato na nadiskubre ng mga inhiyerong French noong 1799 na naglalaman ng mga hieroglyphics - Sa larangan ng medisina, nagkaroon ng kaalaman ang mga taga ehipto sa estruktura ng katawan (human anatomy), pagsasaayos ng mga nabaling buto at pagpapagaling ng mga sugat. - Nagkaroon din sila ng kalendaryo na nakabatay sa araw na mayroong 365 na araw na kanilang gabay sa kanilang pagsasaka at mga sagradong pagdiriwang. Lesson 1.4 - Ang mga kabihasnan sa America 1.4.1 - Ang mga kabihasnan sa Mesoamerica / Central America Olmec - Tinuturing na kauna-unahang kabihasnan sa america noong 1200 BCE - Ang kanilang mga pamayanan ay matatagpuan sa kasalukuyang estado ng Veracruz at Tabasco sa Mexico - Ang mga pangunahing sentro ng sibilisasyon na ito ay ang San Lorenzo (1200 - 900 BCE) at Laventa (900 - 500 BCE) - Tinuturing na “mother culture of the Americas” dahil sa impluwensya nito sa mga susunod na sibilisasyon sa rehiyon. - - - Ang salitang “Olmec” ay may ibig sabihin na “Rubber People” dahil pinaniniwalaan na ang mga Olmec ang unang gumamit ng goma mula sa mga rubber trees Mayroong sistema ng pagsulat ang mga Olmec na maihahalintulad sa Hieroglyphics ng Egypt pero patuloy pa din ang pag-aaral sa mga ito at ang resulta nito ay umaasa lamang sa mga naiwang labi at iba pang cultural evidence para magkaroon ng impormasyon sa mga nasabing kabihasnan Ang mga olmec ay mayroong seremonya na kung tawagin ay pok-a-tok na inihahambing sa kasalukuyang Basketball na kung saan ay gumagamit sila ng siko at bewang upang maipasok ang bola sa loob ng ring sa mataas na dingding. Ang mga Olmec ay kilala sa kanilang mga gawang pang-sining at mga arkitektura, ilan sa mga ito ay mga rebulto ng mga ulo ng kanilang mga ninuno na karaniwang umaabot ng 18 tonelada sa bigat Ilan sa pangunahing pangkabuhayan ng mga Olmec ay pag-ukit ng Jade, pagsasaka, pagkakaingin at pakikipagkalakalan Hindi pa rin matukoy ang mga dahilan ng pagbagsak ng nasabing kabihasnan at may posibilidad na dahil ito sa mahinang leadership na nagresulta sa hindi paglawak ng mga pamayanan Teotihuacan - Tinuturing na pinakaunang lungsod sa mesoamerica na matatagpuan sa Valley of Mexico noong 100 CE - Ito ay matatagpuan malapit sa kasalukuyang Mexico City - Nangangahulugang “where the gods live” - Ang pinakahamalagang diyos ng mga teotihuacanos ay si Quetzacoatl (The feathered serpent god) na tinuturing na diyos ng kapayapaan at pagpapakumbaba. - Sa pagsapit ng 600 CE, sinalakay ng mga grupo mula sa hilaga ang Teotihuacan at sinunog ang lungsod. Maya - Matatagpuan sa Yucatan Peninsula sa pagitan ng kasalukuyang Mexico at Guatemala - Ang rurok ng kaunlaran ng kabihasnang Maya ay naganap sa pagitan ng 300 at 700 CE - Si Yum Kaax ang isa sa pinakamahalagang diyos ng mga Mayan na sinasabing nangangalaga sa mga kagubaan at mga kabukiran - Mayroon silang dalawang kalendaryo: - Haab - Ang kalendaryong sibil na mayroong 365 days, 18 months at 20 days sa bawat buwan - Tzolkin - ang sagradong kalendaryo na may 260 araw - Mahahalaga ang mga Pari sa lipunan ng Maya na nangangasiwa sa mga rituwal at seremonya - Halac Uinic - mga pinuno na namamahala sa gawaing pangkabuhayan at pamamahala (a “mayor” of some sort). Nangangahulugan itong “true man” Mais ang pambayad - buwis ng mga magsasaka sa kabihasnang ito Lumawak ang impluwensya ng kulturang Mayan na umabot hanggang sa kasalukuyang mga bansa ng Mexico, Guatemala, Belize, Honduras at El Salvador Hindi pa rin natutukoy ang tiyak na dahilan ng pagbagsak ng mga Mayan ngunit sa pagsapit ng 850 CE, nahinto ang pagpapatayo ng mga templo at gusali at unti unting nilisan ang mga city-states Tuluyang bumagsak ang kabihasnan noong 950 CE Aztec - Itinatag ng mga nomadikong grupo ang pamayanan na kung tawagin ay Tenochtitlan na matatagpuan sa Lake Texcoco na matatagpuan sa kasalukuyang Mexico City noong 1325 - Ang mga grupong ito ay sinasabing nanggaling sa Aztlan sa hilagang Mexico at sila ay mas kiala sa tawag na Tenochca at Mexica - Naitatag ang imperyong Aztech noong 1428 na kung saan ay nagsanib puwersa ang mga lungsod ng Texcoco at Tacuba - Lumawak ang kanilang sakop noong 1500 at umabot ang kanilang impluwensya hanggang Guatemala na pinamunuan nina Itzcoatl (1427 -1440) at Moctezuma (1440 - 1469) - Si Moctezuma ang itinuturing na pinakamahusay na mandirigma at tinuturing na “Ama ng Imperyong Aztec” - Kagaya ng mga naunang sibilisasyon bago nila, mahalaga din ang relihiyon sa kanila. Ang pinakamahalagang diyos ng mga Aztec ay si Huitzilopochtli, Ang diyos ng pakikidigma at sumisimbulo sa araw. - Nagapi ang mga Aztec noong sinakop sila ng mga Espanyol noong 1521 1.4.2 - Mga kabihasnan sa Latin America Inca - Ito ay matatagpuan sa mga lugar na malapit sa Andes Mountan Range Sa pamumuno ni Pachacuti (1438 - 1471) at Topa Inca (1471 - 1493), sinakop ng mga Inca ang mga teritoryo na matatagpuan sa kasalukuyang Peru, Chile, Equador, Bolivia at Argentina Sa lambak ng Cuzco itinatag ni Pachacuti ang sentro ng pamahalaan ng mga Inca. Tinawag nila ang kanilang imperyo na Tawantinsuyu o Land of the Four Corners at ang kanilang opisyal na wika ay Quencha. Hinati sa Apat na Suyu ang kanilang imperyo at itinatag ang Cuzco bilang kapital ng imperyo Ang mga Inca ay may pagpapahalaga din sa relihiyon kagaya ng mga naunang kabihasnan. Ang mga Inca ay nagpatayo ng templo ng Araw na tinawag na Coricancha ng mga espanyol na ang ibig sabihin “bahay ng ginto” na nilarawan ng isang espanyol na si Bernabe Cobo sa isang kronika - Walang sistema ng pagsulat ang mga Inca. Bagkus ay gumagamit sila ng tinatawag na Quipu na likha mula sa mga buhol ng sinulid at sa bawat buhol ay may katumbas na bilang, tunog o salita. Machu Picchu - Isa itong lungsod na itinayo sa ibabaw ng kabundukang Andes sa hilagang-kanlurang bahagi ng Cuzco. According sa mga arkeologo, ito ay isang sentrong panrelihiyon dahil ito ay itinayo sa kabundukan na tinuturing na sagradong lugar ng mga Inca Bumagsak ang imperyong Inca dahil sa mga digmaang sibil na naganap noong ika-16 siglo. Bukod pa ito sa pagdating ng mga espanyol mula 1530s. Sumuko ang huling lungsod na Vilcabamba noong 1572. 1.5 - Kabihasnan sa Pacific Austronesian - Mga grupo ng mga manlalayag na sinasabing nagmula sa China at Taiwan at naglayag sa mga pulo ng Pacific - Ang mga ito ay dumaan sa Pilipinas at Melanesia bago dumating ng Polynesia - Ito din ay tumutukoy sa “language tree” na kung saan kabilang ang mga wika sa Timog-silangang asya at mga kapuluan sa pacific. - Dahil sa mahabang kasaysayan ng mga austronesian na nakakabit sa paglalayag at mga pulo, binuo ni Wilhelm Solheim II na isang amerikanong anthropologist at archaeologist ang terminong Nusantao (“nusa” meaning isla o pulo at “tau” meaning tao) Narito ang comparison ng bawat salita sa bawat austronesian language : Indonesian Javanese Balinese Sundanese Acehnese Tagalog Hiligaynon Maori Fijian Hawaiian Malagasy sun matahari (mata ‘eye,’ hari ‘day’) island pulau water air banana pisang srengenge, Surya matanai, Surya panonpoe mata uroe araw adlaw ra siga la masoandro (maso’ ‘eye,’andro ‘day’) pulo pulau, nusa pulau, nusa pulo pulo, isla polo, isla motu yanu-yanu moku nosy banyu, Toya yeh, Tirta, Toya cai ie tubig tubig wai wai wai rano pisang gedhang cau pisang saging saging maika jaina mai’a akondro - Ilan din sa mga kasanayan na kanilang ginawa ay ang paggawa ng mga bangka, pagkain ng mga halamang ugat kagaya ng ube at gabi, pagtatanim ng palay at paggamit ng mga tapayan sa mga sekondaryong paglilibing. Polynesia - Ito ay isang subregion na binubuo ng humigit kumulang 1000 pulo saklaw ang gitnang pacific hanggang new zealand at hawaii. - Ang termino na ito ay galing sa dalawang salitang greek: Polus na ang ibig sabihin ay “Marami” at Nesos na ang ibig sabihin naman ay “Pulo” - Tinatayang 3000 taon na ang nakakalipasnang unang manirahan sa kanlurang bahagi ang polynesia ang mga taong nagpasimula ang kulturang Lapita. - Napaunlad ng mga Polynesian ang kanilang kamalayan at kaalaman sa paglalayag. - Natutunan nilang tantyahin ang galaw ng alon, unawain ang lagay ng panahon base sa mga bituin, galaw ng ulap at huni ng mga ibon. - Mahigpit ang social hierarchy ng mga Polynesian at ito ay binubuo lamang ng dalawang klase: Ang Pinuno, na kadalasang namamana sa linya ng ama at ang mga commoner o pangkaraniwang tao. - May ilang mga lipunan, kagaya ng mga nasa Hawaii na mayroong middle class sa social hierarchy at ang mga alipin ay itinuturing na hindi kabilang sa mga ito. Ang mga alipin ay matatagpuan sa ilang lipunan kagaya ng sa New Zealand. - Pangingisda at pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mga Polynesian, gumagamit sila ng mga kagamitang gawa sa bato, buto, shell at kahoy. - May paniniwala ang mga polynesian na hindi lahat ng pananim at halaman ay maari nilang gamitin o anihin at pinaniniwalaan din na may mga uri na isda na nakalaan lamang sa Pinuno at ang pamilya nito. - Communal ang pagmamay-ari sa mga lupain ngunit kontrolado ng pinuno ang pagbabahagi ng mga ani sa mga mamamayan. - Ang pangunahing puwersa na nakapangyayari sa buhay ng mga austronesian: - Mana - Espirituwal na kapangyarihan na taglay ng mga diyos at ng mga pinuno - Mayroon ding mana ang mga pangkaraniwang tao ngunit hindi ito kasing lakas ng mga pinuno - Bawal sa lipunang polynesian ang mag-asawa o magkaroon ng kahit anong interactions sa pagitan ng dalawang indibiduwal na may magkaibang mana. - Tapu - Dito nanggaling ang konsepto ng “taboo” na ginagamit natin sa kasalukuyan. - May mga lugar na hindi maaring puntahan, mga bagay na hindi maaring galawin o mga pagkain na hindi maaring kainin para sa ikatatahimik ng mga diyos. Micronesia - Matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Pacific - Sumasaklaw sa humigit kumulang 600 pulo - Mula sa salitang greek na Mikros o “Maliit” at Nesos o “isla” - Sinasabi na unang nanirahan ang mga ninuno ng mga Micronesian sa rehiyon as early as 1500 BCE - Limitado ang archeological evidence tungkol sa sinaunang kasaysayan ng kabihasnan ng Mirconesia at ang mga impormasyon na mayroon sa kasalukuyan ay mula sa lingguistical evidence o kulturang nakapaloob sa wika kaya ito din ay kadalasan na tinatawag bilang “The forgotten zone of the pacific” - Sinasabi na mas malapit ang mga Micronesian sa mga Polynesian sa aspetong kultural - Sinasabi na mas mahuhusay ang mga micronesian sa paggawa ng mga bangka. - Nakagawa sila ng mga Stick Chart na unang ginamit bilang navigational map na nagpapakita ng lokasyon ng mga pulo at mga galaw ng tubig - dagat - Mayroon din silang tinatawag na Hos o Weather Charm na maihahalintulad sa anting-anting. - Pinakamahalagang diyos ng mga Micronesian ay si Yalulawei, ang diyos ng karagatan - Ginagamit nila ang paraan ng wayfinding sa kanilang pangingisda. - Wayfinding - Paggamit ng araw, buwan at bituin bilang gabay sa paglalayag - Parehas din ng social hierarchy ang mayroon sa lipunang micronesian nguniy hindi kasing higpit ng mga polynesian ngunit nagiging sanhi ito ng digmaan sa pagitan ng mga pamayanan. Isa ding dahilan ng mga nasabing hidwaan ang limitadong likas na yaman na matatagpuan sa rehiyon - Ang mga Micronesian ay naniniwala sa maraming diyos at sa kaluluwa ng mga namatay na kaaak na nagsisilbing tagapagbantay at tagapagpangalaga ng likas na yaman at mayroon ding mga spiritual leaders na nagsisilbing tagapamagitan sa diyos at tao. Melanesia - Mas kilala sa tawag na Black Islands - Subregion sa pacific na matatagpuan sa hilaga ng australia at silangan ng indonesia - Unlike sa Polynesia at Micronesia, hindi ganoong lumawak ang kultura ng pangingisda at paglalayag sa kulturang melanesia. Mas naging malawak ang kanilang kaalaman sa pagtatanim ng mga halamang ugat kagaya ng gabi at yam - - Ang estado ng kapangyarihan ng mga Melanesian ay nakabatay sa sentro ng kanilang yaman at sila ay kilala sa tawag na Big Man. Ang pagiging isang Big Man ay hindi namamana at hindi produkto ng kasunduan at walang politikal na kapangyarihan. Ang komunidad ng mga Melanesian ay binubuo ng mga kamag-anakan na sama-samang naninirahan at ang political unit kung gayon sa sinaunang Melanesia ay nakabatay sa mga pamilya at kamag-anakan. Walang religious leader ang mga Melanesian ngunit naniniwala din sila sa maraming diyos. Ang mga Melanesian ay naniniwala na may mga mabubuti at masasamang mga diyos. ////////////////////////////////////////////////////////////////////////////// 2.0 Paglakas ng Simbahang katolika - Pag-usbong ng Kristiyanismo - Ito ay isang relihiyon na nabuo out of Judaism noong 1st century CE - Ito ay itinatag ni Jesus sa pagitan ng 2 hanggang 7 BCE at pumasok siya sa ministry noong siya ay 30 years old kasama ang kanyang mga 12 na disipulo sa loob ng 3 taon - Namatay si Jesus around 30 to 33 CE matapos siyang akusahan ng criminal charges kagaya ng Blasphemy at pinarusahan ng kamatayan by Crucifixion. Pinaniniwalaan na siya ay nabuhay muli after 3 days. - Ang unang simbahan ay naitatag matapos ang 50 araw matapos ang pagkamatay ni Jesus sa kaganapan na kung tawagin ay Pentecost na kung saan ay bumaba ang Holy Spirit sa mga mananampalataya. - Si Paul na mas kilala noon sa tawag na Saul ay isang pharisee at manunusig ng mga sinaunang Kristiyano hanggang sa makilala niya si Jesus nang siya ay patungo sa Damascus at matapos nito, siya ay nag-umpisa na sa buhay bilang isang Kristiyano at sa loob ng 20 taon ay nagtungo siya sa Greece at Asia Minor para ipalaganap ang Kristiyanismo. - Nakaramdam ng persecution ang mga sinaunang kristiyano mula sa Imperyong Romano partikular na sa pamumuno nina Nero, Diocletian at Galerius. - Nabuo ang simbahan ng Byzantine sa pamumuno ni Constantine at ito ay pinangalanang Constantinople kalaunan. - Noong 318 CE, dineklara ni Emperor Thedosius I ang katolisismo bilang opisyal na relihiyon ng Roman Empire at ang Pope bilang pinuno ng Roman Catholic Church. - Ang dalawang simbahan (Byzantine at Roman) ay tuluyang naghiwalay noong 1054. - Monastisismo - Nag-umpisa kay St. Benedict noong itinatag niya ang Monasteryo ng Monte Cassino sa Itay noong 529 CE. - Paraan ng paumuhay kung saan ang mga monghe at madre ay tumitira sa monasteryo upang ialay ang kanilang buhay sa paglilingkod sa Diyos. - Kinakailangan nilang panatilihin ang asetikong pamumuhay o ang disiplinadong pamumuhay na lumalayo sa kahit anong luho at kamundohan. - Ang simbahan bilang Tagapagtanggol ng Kabihasnan - Lumakas ang prsesensya ng simbahan nang lumaganap ang Imperyong Muslim mula sa kanlurang Asya. - Noong 711 CE, bumagsak ang mga kaharian sa Iberian Peninsula at sa pamumuno ni Charles Martel ay naitaboy nila ang mga Muslim sa Iberia noong 732 CE. - Sa pamumuno ni Charlemagne na apo ni Charles Martel noong 768 CE, nagkaroon siya ng pagtatangka na palaganapin na palawakin ang Simbahan at noong Pasko ng taong 800 CE ay hinirang siya ni Pope Leo III bilang emperador ng mga Romano. - Krusada - Ito ay isang mga serye ng pakikibaka sa pangunguna ng mga europeo bilang tugon sa patuloy na pagsakop ng mga Muslim sa Europa. - Ilan sa mga objectives ng nasabing krusada ay ang mga sumusunod: - Mabawi muli ang Jerusalem mula sa Muslim - Mapalaganap ang Kristiyanismo sa mga teritoryong pagano - Mabawi ang mga teritoryo na dating hawak ng Simbahan - Para sa mga kasama sa krusada, ito ay isang paraan para sila ay mapatawad sa kanilang mga kasalanan. - Ito ay nag-umpisa mula 1095 hanggang 1291. - Unang Krusada (1095-1099) - Sa pangunguna ni Pope Urban, siya ay nanawagan ng krusada upang mabawi ang Jerusalem - Apat na grupo ang nabuo sa pamumuno nina Raymond of Saint-Gilles, Godfrey of Bouillon, Hugh of Vermandois and Bohemond of Taranto at ang mga ito ay umalis mula sa Byzantium noong 1096 - Inatake nila ang Nicea na kapital ng mga Seljuk Turk sa Anatolia noong 1097 at nabawi nila ang Antioch noong 1098. - Nabawi nila ang Jerusalem noong 1099. - Ikalawang Krusada (1147-1149) - Nakuha ni Zangi, isang Seljuk General ang Edessa noong 1144 - - Dahil dito, naglunsad ng panibagong Krusada sina King Louis VII ng France at King Conrad III ng Germany noong 1147. Inatake nila ang Damascus ngunit sila ay natalo nang tinulungan ni Nur al-Din ang pinuno ng Damascus. - Ikatlong Krusada (1187-1192) - Sinakop ni Nur al-Din kasama si Saladin ang Cairo noong 1169 - Inatake ni Saladin ang Jerusalem at napuksa niya ang mga Kristiyano doon. - Dahil sa pagkatalong ito, ito ay nagresulta sa ikatlong Krusada sa pamumuno nina Emperor Frederick Barbarossa , King Philip II ng France, at King Richard I ng England (na mas kilala sa pangalan na Richard the Lionheart) - Noong 1191, natalo nila ang grupo ni Saladin sa labanan sa Arsurf at kalaunan ay nakuha din niya ang Jaffa. - Nagkaroon ng kasunduan sa pagitan ni King Richard I at Saladin noong 1192 at dito na natapos ang Ikatlong Krusada. - Ikaapat na Krusada (1202-1204) - Nagpatawag muli ng panibagong krusada si Pope Innocent III noong 1198. - Mayroong power-struggle sa pagitan ng Europa at Byzantium na naging dstraction para sa mga naglulunsad ng krusada. - Ito ay nagresulta sa pagbagsak ng Constantinople - Marami pang krusada ang inilunsad ng ilang mga pinuno sa Europa ngunit ito ay nagresulta sa mga pagkatalo laban sa mga Muslim. - Ang huling krusada na ginanap noong 1291 sa Acre ay tuluyan nang bumagsak sa mga Muslim. Epekto ng Krusada - Humina ang presensya ng Pope at lumakas ang presensya ng mga Monarch - Nagresulta sa pagkakaroon ng pakikipagkalakalan sa pagitan ng mga europeo na nasa Mediterranean area at sa Middle East - Humina ang Imperyong Byzantine.