Uploaded by alma zara

Q2-FILIPINO 3

advertisement
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
SCHOOLS DIVISION OFFICE
District IV-A
SUIT ELEMENTARY SCHOOL
DAGUPAN CITY
Ikalawang Markahang Pagsusulit sa Filipino 3
S.Y. 2022-2023
Pangalan: ___________________________________________ Iskor: ____________
I.A. Direksiyon: Pakinggan ang mga talata na babasahin ng iyong guro.
Pagkatapos mapakinggan ang talata, bigyan ng angkop na wakas ang
kuwento. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Matapat na bata si Evelyn minsan may nakaiwan ng kaniyang pitaka sa
upuan niya. Buti nalang kilala niya kung sino ang may-ari. Ano kaya ang
gagawin niya?
A. Isinauli sa may-ari ang pitaka.
B. Itinago ang pitaka sa kaniyang kuwarto.
C. Kinuha ang pera sa pitaka at itinapon niya sa kalsada.
2. Mahilig kumain ng tsokolate si Aliya kaya palagi siyang pinasasalubungan
ng tsokolate ng kaniyang Tatay tuwing galing trabaho. Ngunit, sinasabihan
naman siya na huwag marami ang kaniyang kakanin. Minsan, pagkatapos
maghapunan dumating ang kaniyang Tatay na may dalang maraming
tsokolate dahil sa katuwaan naparami ang kain niya nito. Ano kaya ang
puwedeng mangyari sa kaniya?
A. Masaya si aliya.
B. Mahimbing ang kaniyang tulog.
C. Nakatulog at iyak nang iyak dahil sumakit ang kaniyang ngipin.
3. Sabado ng umaga, maagang gumising ang magkapatid na Kc at Kia.
Agad silang kumuha ng walis tingting at nagwalis sa kanilang bakuran.
A. Nagalit ang kanilang ina.
B. Pinaalis sila ng kanilang ina.
C. Tuwang-tuwa ang kanilang ina sa kanilang ginawa.
4. Nagluluto si Nanay ng adobong manok sa kusina. Napansin niyang kulang
pala ang kaniyang sangkap sa pagluluto. Tinawag niya si Arnel upang bumili
ng toyo at paminta. Papunta na ng tindahan si Arnel nang bigla siyang
tinawag ng kaniyang kaibigan upang maglaro ng bisikleta. Masayang
naglalaro si Arnel ng bisikleta.
A. Masaya ang kaniyang inay dahil hindi nakabili si arnel.
B. Nagluto si inay ng adobo.
C. Nakalimutan na niya ang inutos nito. Pag-uwi niya pinagalitan siya
ng kaniyang inay.
5. Biyernes ng gabi, naglalaro si Alexis ng Mobile Legends. Nakalimutan na
niyang kumain dahil sa nasisiyahan na siya sa paglalaro hanggang sa siya ay
nakatulog.
A. Masaya siya dahil hindi siya nakakain kagabi.
B. Pinagalitan siya ng kaniyang inay.
C. Kinaumagahan ay biglang sumakit ang kaniyang tiyan.
I.B. Direksiyon: Babasahin ng guro ang teksto at sagutin ang mga sumusunod
na tanong sa ibaba. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
6. Ano ang pamagat ng tekstong iyong binasa?
A. Nakaiinis na araw
B. Nakatutuwa na araw
C. Nakababagot na araw
7. Anong laro ang nakasanayan ng laruin ng bata bago pa siya nakarating
sa bahay ng kanyang pinsan?
A. Patintero
B. Luksong Baka
C. Computer Games
8. Anong laro ang natuklasan ng bata sa teksto na gumagamit ng lata at
tsinelas?
A. Habulan
B. Patintero
C. Tumbang Preso
9. Bakit nainip ang bata sa teksto? Dahil______
A. Wala siyang malaro
B. Marami siyang kaibigan
C. Gusto na niyang umuwi sa kanilang bahay
10. Sa iyong palagay bakit kaya nawala sa isipan ng bata ang computer
games? Dahil___________________.
A. May bago na siyang laruang robot.
B. Napagod na siya sa kakalaro ng computer games.
C. Mas masaya parin maglaro sa labas ng bahay ng mga larong pinoy.
11. Maligaya si inay nang makatanggap siya ng regalo galing sa akin. Ano
ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
A. Masaya
B. Malungkot
C. Mahinahon
12. Si Carlo ay mabilis na tumakbo nang makakita ng aso. Anong ang
kasalungat ng salitang may salungguhit?
A. mabagal
B. mabilis
C. maliksi
13. Malakas _______ ng gatas ang bunso naming kapatid.
A. inom
B. iinom
C. uminom
14. Bumili ng ulam si Cardo sa palengke. Ano ang salitang-ugat ng salitang
may salungguhit.
A. bibili
B. buli
C. bili
15. Magsisimba kami sa susunod na linggo. Ano ang salitang-ugat ng
salitang may salungguhit.
A. simba
B. sisimba
C. imba
16.
Ano ang ipinahihiwatig ng larawan, ano ang kahulugan nito?
A. Tamang tawiran
B. Bawal tumawid
C. Hindi tatawid dito
17.
Ibigay ang kahulugan ng larawang ito.
A. Bawal ang kamay dito.
B. Bawal magtapon ng basura dito.
C. Bawal maipit ang kamay dito.
18.
Ano ang ipinahihiwatig ng simbolong ito?
A. Bawal mag-ingay dito.
B. Bawal ang torotot dito.
C. Bawal ang bumusina dito.
19. Alin mga sumusunod na salita ang magkatugma?
A. tubig-lubid
B. guro-suso
C. halaman- palaman
20. Alin ang salitang katugma ng katawan?
A. Kalesa
B. Krayola
C. Kalamnan
II. A. Direksiyon: Pag-aralan ang mga sumusunod na larawan. Tukuyin ang
tamang pangungusap o salita sa bawat bilang. Isulat ang tamang titik sa
patlang.
_______ 21.
A. Lugar na dinadasalan
B. Silid- tulugan
C. Nag-aaral ang mga pari
_______ 22. A. Pagkamasunurin
B. Paggalang
C. Pagkamahiyain
_______ 23. A. Mano po, lola.
B. Bakit ka ba nandito, lola?
C. Magandang araw.
_______ 24. A. Ano ba itong binigay mo?
B. Maraming salamat po.
C. Maganda ba ito?
________ 25. A. Pari-Hari
B. Mani-Hari
C. Pari- Ani
II.B. Direksiyon: Pagtambalin ang mga pangyayaring naganap sa ating
bansa na nasa Hanay A sa mga larawang nasa Hanay B. Isulat ang letra
sa patlang.
Hanay A
Hanay B
________ 26. Pagputok ng Bulkan
A.
__________ 27.
B.
Banggaan ng sasakyan sa daan
________ 28. Isang malaking sunog sa lungsod
C.
________ 29. Pag – aalaga ng mga frontliners
D.
sa mga pasyente ng Covid 19
________ 30. Paghahanda sa Bagyo
E.
III. A. Direksiyon: Basahin ang sumusunod na mga pahayag. Iguhit sa
patlang
ang kung ito ay may pagkakatulad at
kung ito ay may
pagkakaiba.
_______ 31. Malamig ang simoy ng hangin sa bukid. Malamig ang hangin
tuwing Disyembre.
_______ 32. Mga atleta sina Glen at Mar. Magaling sa larong basketbol si
Glen samantalang sa sipa naman si Mar.
_______ 33. Bibong bata si Jen at samantalang si Len ay tahimik.
_______ 34. Namumunga ang puno ng abokado at hinog na rin ang bunga
ng mangga.
_______ 35. Matulin kung tumakbo ang mga kabayo gayundin ang mga
kuneho.
III. B. Direksiyon: Basahin mo ang mga sitwasyon at ibigay ang angkop na
pagpapaliwanag sa mga ito. Isulat ang sagot sa guhit.
36.Lumiban ka sa klase kahapon dahil nagkaroon ka ng lagnat. Paano mo
ito ipapaliwanag sa iyong guro gamit ang magagalang na pananalita?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
IV. Panuto: Tingnan mo ang mga larawan at basahin ang mga
pangungusap na nasa ibaba ng mga ito. Sagutin mo ang sumusunod na
mga katanungan. Isulat ang iyong mga sagot sa guhit.
Ito ay isang lapis. Isang
mahaba at mapurol na
lapis. Ginagamit ng mga
bata sa pagsusulat.
Ito ay isang lapis. Isang
maikli at matulis na lapis.
Ginagamit ng mga bata
sa pagsusulat.
37. Ano ang inilalarawan sa itaas?
__________________________________________________________________________________
38. Ano ang pagkakatulad ng dalawang larawan sa itaas?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
39. Ano ang pagkakaiba ng dalawang larawan sa itaas?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
40. Ano ang gamit ng mga lapis?
________________________________________________________________
Babasahin: No. 6-10
Nakababagot na Araw
Isinama ako ni Tatay Luis sa bahay ng aking mga pinsan. Noong una
ayokong sumama dahil sila ay nakatira sa malayong baryo. Pero wala
akong nagawa.
Unang araw pa lamang ay inip na inip na ako dahil wala akong
malaro.
Hindi pinadala ang PSP ko.
Wala ring computer shop sa lugar na ito. Sana nadala ko ang laruan kong
robot at kotseng de-remote. Nakababagot talaga.
Kinahapunan, habang nakadungaw ako sa bintana, nakita ko ang
aking mga pinsan at iba pa nilang kaibigan na masayang naghahabulan.
Nagtataka ako dahil nakita kong may latang pinatumba gamit ang tsinelas,
bago sila nagtakbuhan. Kitang-kita ang kasiyahan sa mukha nila.
Mayamaya, kumaway ang isang pinsan ko at pinalabas ako ng bahay.
Hindi nagtagal, kasali na rin ako sa tawanan at kulitan nila. Nalaman ko
na tumbang preso pala ang tawag sa larong iyon.
Isinali rin nila ako sa larong patintero, luksong-baka, at piko. Nawala sa
isip ko ang computer games, pati na ang aking mga laruan.
Download