Ang pantawang pananaw ay nakakabit sa kamalayan at diwa ng mga Pilipino. May limang elemento ang pantawang pananaw. Ito ang: (1) midyum, (2) kontexto, (3) kontent o anyo, (4) aktor, at (5) manonood. Isang diwa ng karanasang Pilipino ang pantawang pananaw. Tatlong Anyo ng Sikolohiyang Pilipino Ayon kay Dr. Virgilio Enriquez 1. Sikolohiya sa Pilipinas - tumutukoy sa lahat ng mga pag-aaral, libro, at sikolohiyang makikita sa Pilipinas, banyaga man o makapilipino. 2. Sikolohiya ng Pilipino - tumutukoy sa lahat ng mga pag-aaral, pananaliksik at mga konsepto sa sikolohiya na may kinalaman sa mga Pilipino. 3. Sikolohiyang Pilipino - bunga ng karanasan, kaisipan at oryentasyon ng mga tao sa Pilipinas. Samakatuwid, mga Pilipino lamang ang makakasulat tungkol dito. Sa maikling salita, Ang sikolohiya sa Pilipinas ay "bisita sa bahay", Sikolohiya ng mga Pilipino ay "tao sa bahay, at Sikolohiyang Pilipino ay "ang maybahay" Mga Konsepto ng Sikolohiyang Pilipino: • Ang Katutubong konsepto ng Sikolohiyang Pilipino ay tumutukoy sa mga salitang galing at ginagamit sa Pilipinas. Ang kahulugan din nito ay kinuha mula sa mga Pilipino. • Ang Pagtatakda ng Kahulugan. Dito naman, ang salitang ginagamit ay galing sa Pilipinas, habang ang kahulugan nito ay banyaga. Mga halimbawa nito ay ang pagsasalin ng mga salitang alaala at gunitain sa mga salitang “memory” at “recall” upang mas mabuting maintindihan ng mga mambabasa ang ibig sabihin ng mananaliksik. Kasali rin dito ang lahat ng mga Pilipinong salita na binigyan ng kahulugan sa Ingles upang hindi maguluhan ang mga tao sa saliksik. • Ang Pag-aandukha ay ang pagkukuha ng salitang dayuhan at baguhin ang kanyang anyo hangga’t magkaroon siyang Pilipinong kahulugan. • Pagbibinyag - ang paglalagay ng mga dayuhan ng kanilang mga sariling kahulugan sa mga salitang Pilipino. • Paimbabaw na Asimilasyon - pinag-uusapan ang mga salitang banyaga na ginagamit sa Pilipinas ngunit mahirap isalin sapagkat iiba ang kahulugan nito. • Ligaw/Banyaga na mga salita - tumutukoy ito sa mga salita o konsepto na hindi ginagamit sa Pilipinas, kaya’t walang Pilipinong katapat ito. Ayon sa akdang “Nationalism” (2009) ni Anthony Smith, dating propesor sa London School of Economics, ang mga kahulugan ng nasyonalismo ay maaaring nagmula sa pagkakaroon ng nasyon. Ayon kay Smith, dalawang uri ang kinabibilangan ng mga kahulugan ng nasyon—ang objective factors at ang subjective factors. Ang objective factors ay mga kahulugang nakatuon sa wika, relihiyon, asal, teritoryo, at institusyon. Ang sinaunang kahulugan ng nasyonalismo na nakabatay sa geographical notion o pagsasama-sama ng mga tao sa iisang teritoryo ay isa sa mga halimbawa ng objective factors mula sa akda ni Smith. Idinagdag ni Lopez, propesor ng Literature sa Faculty of Arts and Letters ng UST, na ang mga naninirahan sa iisang teritoryo ang bumubuo ng nasyon at ang pananatili nila sa bansa ang nagiging sukatan ng nasyonalismo.Samantala, ang subjective factors naman ay tumutukoy sa mga kahulugang nakasentro sa mga saloobin, pang-unawa, at sentimyento ng mga mamamayan. Sa perspektiba ng politika at sosyolohiya, mayroong tatlong paradigm upang maunawaan ang pinagmulan at batayan ng nasyonalismo: primordialism (perrenialism); ethnosymbolism; at modernism (Smith, 2012). Isinulat ni Emilio Jacinto ang akdang Ningning at Liwanag upang maipahay ang kanyang nasyonalistang damdamin. Ang teoryang marksismo ay nakatuon sa mga paksa at datos na nakatuon sa mga uri ng lipunan (mayaman, mahirap, etc.) Ang feminismo ay nakatuon sa diskriminasyon na spesipiko sa isang kasarian Ang teoryang dependensiya ay nakatuon sa ugnayan ng mga bansa sa usaping ekonomiya at kapitalismo Ang pagtataya ay ang pagsusuri o pagtingin sa kalidad ng mga bagay o pangyayari Ang paglalahad ay tumutukoy sa paglalarawan sa posibleng mangyari sa isang bagay at phenomenon batay sa matibay na korelasyon ng mga bagay na sinuri. Sa pagpili ng metodong gagamitin sa pananaliksik, nararapat na ipaliwanag ang mga pamamaraan kung paano ginamit ang datos at paano ito inanalisa Sa pagpili ng metodong gagamitin sa pananaliksik, nararapat na matapat na mailahad ang potensyal na limitasyon ng pag-aaral na maaaring makaapekto sa mga datos na makakalap Dulog etic at emic . Sa mga disiplina na katulad ng antropolohiya at agham panlipunan, ang emic at etic ay tumutukoy sa dalawang sangay ng pananaliksik batay sa pananaw; ang emic ay tinitingnan mula sa pangkat ng lipunan (social group) mula sa perspektiba ng paksa o subject, samantalang ang etic naman ay tinitingnan mula sa labas o sa perspektiba ng mga tagamasid. Pinahahalagahan ng dulog na emic ang pamamaraan kung paano nag-isip ang tao o lipunan. Suliranin ng ideolohiya . Ang panggitnang posisyon ay ang pagbibigay ng pribilehiyo o prayoritasyon ng dulog emic laban sa panghihiram o paglalaan ng konsepto, habang inilalayo ang huli sa prinsipyo. Ang wika ng tekstwal na eksposisyon ay nakasulat din sa wikang Filipino. Ang pantawang pananaw ni Rhoderick Nuncio ay nakapokus naman sa katutubong pagsipat sa paraan ng pagpapatawa ng mga Pilipino. Mababasa sa artikulong “Saysay at Salaysay ng Pantawang Pananaw Mula Pamumusong Hanggang Impersonasyon” pagsusuri ni Nuncio (2010) sa kasaysayan ng pagpapatawa sa bansa. Ang teoryang banga ay mula naman sa ideya ni Prospero Covar (1993). Masasalamin ito sa kaniyang “Kaalamang Bayang Dalumat ng Pagkataong Pilipino.” Ayon kay Covar, “Tambalang lapit ang pamamaraan sa pagdalumat ng pagkataong Pilipino: kung may labas, may loob; kung may kaluluwa, may budhi. Ginamit na halimbawa ang katawan ng tao bilang isang banga: may labas, loob, at lalim; at pinagagalaw ng tambalan ng budhi at kaluluwa.” Ang sikolohiya o dalubisipan sa pangkalahatang pagkilala rito ay tumutukoy sa pag-aaral ng isip, diwa, at asal. Ito ay ang siyentipikong pag-aaral ng kamalayan ng tao at sa tungkulin nito lalo na iyong nakaaapekto sa kilos. Ipinaliwana g naman sa isa pang modyul (Torraco, 1997) ang apat na tiyak na paraan kung paano mapatitibay ng batayang teoretikal ang pananaliksik: 1. tinutulungan nito ang mambabasa na suriing mabuti ang pananaliksik na kaniyang binabasa; 2. iniuugnay nito ang mananaliksik sa mga umiiral na kaalaman at pananaliksik na bahagi ng pagbabatayan ng mga paliwanag at pagsusuri sa tinitipong datos, at sa mga sagot sa mga tanong ng pananaliksik; 3. tinutulungan nito ang mananaliksik na malinaw at hakbang-hakbang na sagutin ang mga tanong ng pananaliksik sa pamamagitan ng swabeng transisyon mula sa simpleng paglalarawan ng penomenon at mga obserbasyon tungo sa pagbubuo ng mga kaisipan at/o teorya na may mas malawak na aplikasyon at magagamit sa pagsusuri ng iba pang kaugnay na penomenon, sitwasyon, at iba pa, 4. nililinaw rin nito ang saklaw at limitasyon ng pagsusuri sa datos at/o pagbubuo ng mga kaisipan at/o teorya na isasagawa ng mananaliksik. Pokus ng araling ito ang paglinang sa batayang kaalaman sa mga teorya sa pananaliksik na akma o buhat sa lipunang Pilipino. Binigyang diin ni Rolando Tolentino sa kanyang artikulo na pinamagatang “Ang mga Gamit ng Teorya ng Media at Lipunan, o Teorya ng Kritikal na Buhay at Lipunan” Ang momopolyo ng midya at ng nilalaman o direksyon mismo ng midya Ipaliwanag ang larawan.