Uploaded by Lourince Delosa

Mga Salitang Nagsisimula sa Patinig Oo at Uu

advertisement
La Salle University
Integrated School
Ozamiz City
FILIPINO LEARNING PLAN ON THE TOPIC
Mga Salitang Nagsisimula sa Patinig Oo at Uu (Kindergarten)
Date and Time of Teaching: December 7, 2021 at 8:10 a.m.-8:50 a.m.
Meeting Link: https://meet.google.com/euv-yzdz-fbj
Written and Prepared by Judith D. Halandumon, BEED-4
judith.halandumon@lsu.edu.ph
0948-6527-123
Submitted to Ms. Eldie Salcedo
Adviser, Universal Kindergarten
December 3, 2021
I.
Mga Layunin: Pagkatapos ng talakayan, ang mga bata ay inaasahang:
a. nakakikilala sa mga bagay na nagsisimula sa patinig Oo at Uu;
b. nakapagbibigay ng kahalagahan ng pagiging maingat sa mga bagay;at
c. nakababasa ng mga salita na nagsisimula sa patinig Oo at Uu.
II. Subject Matter: Mga Salitang Nagsisimula sa Patinig Oo at Uu
Mga Sanggunian:
● Patinig na /O/ (May Larawan)
http://homeworks-edsci.blogspot.com/2012/06/patinig-na-oMay-larawan.html
● Patinig na /U/ (May Larawan)
http://homeworks-edsci.blogspot.com/2012/06/patinig-na-umay-larawan.html
● Teacher Zel (2019). PATINIG Oo || Titik Oo || Mga salitang
nagsisimula sa titik Oo @Teacher Zel
https://www.youtube.com/watch?v=iuGvrGAqoIg
● Teacher Zel (2019). PATINIG Uu || titik Uu || mga salitang
nagsisimula sa titik Uu.
https://www.youtube.com/watch?v=uxAxUWXr-s0
Mga Kagamitan: PowerPoint Presentation, Google Meet and Videos
III. Pamaraan: Marungko Approach
1. Paghahanda
Magandang Umaga UK!
Ako ang magiging guro n`yo ngayong umaga.
Kamusta kayo UK?
Ipakita n`yo sa akin ang inyong thumbs-up kung maganda ang araw n`yo ngayon.
Mabuti naman!
Nais kung tandaan ninyo ang aking tatlong panuntunan na nais kung sundin n`yo.
● Una, gusto kung maupo kayo nang maayos na walang hinahawakan na kahit ano
sa inyong mga kamay.
● Pangalawa, buksan ang inyong camera sa lahat ng oras at i-on lamang ang inyong
mikropono kung kayo ay tinatawag.
● Panghuli, itaas ang inyong kamay o i-click ang raise hand button kung gusto
nyong sumagot sa aking mga katanungan.
Naiintindihan nyo ba UK? Ipakita nyo sa kin ang inyong mga ngiti kung talagang
naiintindihan ninyo ang aking mga panuntunan.
Maraming salamat UK!
A. Balik Aral
Kaya ngayon, bago tayo magpatuloy sa ating bagong talakayan sa Filipino, ay
magkakaroon muna tayo ng pagbabalik-aral. Upang matukoy ko kung lubos nyong
naunawaan ang inyong nakaraang aralin ay mayroon akong mga katanungan para sa
inyo.
Tungkol saan ang inyong huling talakayan sa Filipino?
Ang inyong huling talakayan sa Filipino ay tungkol sa mga salitang nagsisimula sa patinig
Ee at Ii.
Mayroon akong mga iba't ibang larawan ng mga bagay o hayop na nagsisimula sa patinig
Ee at gusto kung basahin ninyo ang pangalan nito.
Magtatawag ako ng isa sa inyo na syang babasa sa pangalan.
Para sa unang larawan, ano ang pangalan ng hayop na ito?
Tama! Ulit ano ang pangalan ng hayop na ito?
Magaling!
Dumako naman tayo sa pangalawang larawan?
Ano ang tawag sa bagay nato?
Tumpak!
At sa pangatlong larawan, ano naman ang tawag sa bagay na ito?
Mahusay!
Mayroon naman akong mga iba't ibang larawan ng mga bagay o hayop na nagsisimula sa
patinig Ii at gusto kung basahin din ninyo ang pangalan nito.
Para sa unang larawan, ano ang pangalan ng insekto na ito?
Tama! Ulit ano ang pangalan ng insekto na ito?
Magaling!
Dumako naman tayo sa pangalawang larawan?
Ano ang pangalan ng hayop nato?
Tumpak!
At sa pangatlong larawan, ano naman ang tawag sa pagkain na ito?
Mahusay! At talagang naiintindihan ninyo ang inyong nakaraang talakayan sa Filipino.
B. Pagganyak
Ngayon, mayroon akong ginawang dalawang puzzles at gusto kung buuin ninyo ito.
Jamboard Link para sa dalawang puzzles:
https://jamboard.google.com/d/1zsXHiD_N20bEfCrMx8BXn3-so8nmZrLAbon2iOlF_I/viewer?f=0
(Mga Larawan na mabubuo sa dalawang puzzles)
Anong larawan ang inyong nabuo sa unang palaisipan/puzzle?
Tama! Sa anong patinig nagsisimula ang salitang “Orasan”?
Tumpak! Ano ang tunog ng titik Oo?
Magaling! Dumako naman tayo sa pangalawang palaisipan/puzzle.
Anong larawan naman ang inyong nabuo sa pangalawang palaisipan/puzzle?
Magaling! Sa anong patinig naman nagsisimula ang salitang “Unggoy”?
Mahusay! Ano naman ang tunog ng titik Uu?
Tama!
Kaya ngayong umaga, ang tatalakayin natin ay tungkol sa mga salitang nagsisimula sa
patinig Oo at Uu.
C. Paglalahad ng Layunin
Nais ko kayong makinig ng mabuti dahil kayo ay inaasahang nakakikilala sa mga
bagay na nagsisimula sa patinig Oo at Uu; nakapagbibigay ng kahalagahan ng
pagiging maingat sa mga bagay; at nakababasa ng mga salita na nagsisimula sa
patinig Oo at Uu.
2. Sounding Letter
Mayroon akong ipapakita sa inyong dalawang video, at gusto kung makinig at
pagmasdan n`yo ito ng maigi upang kayo ay makasagot sa aking mga katanungan
mamaya.
Para sa unang video:
Youtube Link:
https://www.youtube.com/watch?v=iuGvrGAqoIg
Sa anong patinig nagsisimula ang mga salitang ipinapakita sa video?
Tumpak!
Ano ang tunog ng titik Oo?
Magaling! Ano ulit ang tunog ng titik Oo?
Mahusay! Paki-ulit muli.
Tama!
Ano-ano ang mga salitang nagsisimula sa patinig Oo? Magbigay ng isa,
Magaling! Ano pa?
Mahusay! Ano pa?
Tama!
Ito ang halimbawa ng mga salitang nagsisimula sa patinig Oo:
Pakibasa ang unang salita. (Magtatawag ng dalawang mag-aaral na babasa sa salita)
Tama!
Ang pangalawang salita naman. (Magtatawag ng dalawang mag-aaral na babasa sa
salita)
Tumpak!
Para sa pangatlong salita. (Magtatawag ng dalawang mag-aaral na babasa sa salita)
Magaling!
At sa pang-apat na salita. (Magtatawag ng dalawang mag-aaral na babasa sa salita)
Mahusay!
At ang panghuling salita. (Magtatawag ng dalawang mag-aaral na babasa sa salita)
Tama!
Dumako naman tayo sa pangalawang video.
Youtube Link:
https://www.youtube.com/watch?v=uxAxUWXr-s0
Sa anong patinig naman nagsisimula ang mga salitang ipinapakita sa video?
Tumpak!
Ano ang tunog ng titik Uu? (Magtatawag ng 3 mag-aaral na sasagot)
Mahusay!
Ano-ano ang mga salitang nagsisimula sa patinig Uu? Magbigay ng isa,
Magaling! Ano pa?
Mahusay! Ano pa?
Tama!
Ito ang halimbawa naman ng mga salitang nagsisimula sa patinig Uu:
Pakibasa ang unang salita. (Magtatawag ng dalawang mag-aaral na babasa sa salita)
Tama!
Ang pangalawang salita naman. (Magtatawag ng dalawang mag-aaral na babasa sa
salita)
Tumpak!
Para sa pangatlong salita. (Magtatawag ng dalawang mag-aaral na babasa sa salita)
Magaling!
At sa pang-apat na salita. (Magtatawag ng dalawang mag-aaral na babasa sa salita)
Mahusay!
Panglimang salita. (Magtatawag ng dalawang mag-aaral na babasa sa salita)
Tama!
Pang-anim na salita. (Magtatawag ng dalawang mag-aaral na babasa sa salita)
Tumpak!
Pang-pitong salita naman, pakibasa. (Magtatawag ng dalawang mag-aaral na babasa sa
salita)
Magaling!
At ang panghuling salita. (Magtatawag ng dalawang mag-aaral na babasa sa salita)
Mahusay!
3. Mastery of the Sound
Ano nga uli ang tunog ng titik Oo?
Ano naman ang tunog ng titik Uu?
Pakibasa muli ang mga salitang nagsisimula sa patinig Oo.
At ang mga salita naman na nagsisimula sa patinig Uu.
Paglalahat
Magbigay ng mga salitang nagsisimula sa patinig Oo.
Sa anong patinig nagsisimula ang salitang orasan, oto at oso?
Magbigay ng mga salitang nagsisimula sa patinig Uu.
Sa anong patinig nagsisimula ang salitang unan, ulap at uod?
Magaling UK!
Halagang Pangkatauhan
Mahalaga ba na dapat nating ingatan ang mga bagay? Katulad ng mga bagay na nasa
ating mga bahay.
Tama!
Bakit naman kailangan nating ingatan ang mga bagay na nasa ating bahay?
Magaling!
Sino pa ang mayroong ideya?
Mahusay!
Mahalaga talaga na dapat nating ingatan ang mga bagay na nasa ating bahay upang
hindi ito masira at patuloy pa natin itong magagamit. At maiwasan din nating maggasta
ng pera pambili ng bagong gamit na papalit sa sirang bagay.
Paggamit:
Gawin natin ang aktibidad na ito sa Quizizz.
Ipapadala ko ang link sa chat box at i-click lang ang link para makasali kayo sa aktibidad.
(Mga magulang, paki tulungan ang UK sa pagsali sa aktibidad. Salamat!)
Panuto: Piliin ang larawan na tumutugma sa bawat salitang nakasaad.
1. orasan
2. oto
3. unggoy
4. okra
5. uod
6. ulap
7. oktopus
8. unan
9. ugat
10. oso
IV. Pagtataya
Dumako na tayo sa ating panghuling gawain.
Pakikuha ang inyong Filipino book at buksan ito sa pahina 56 at pagkatapos n`yong
sagutan ang gawain na nasa pahina 56 ay pakisagutan na rin ang nasa pahina 57.
Bibigyan ko lamang kayo ng 5 minuto upang tapusin ang gawain.
(Kung sino man sa inyo ang tapos na, pindutin lng ang raised hand button at pagkatapos
ay tatawagin ko kayo upang ipakita n`yo sa akin ang inyong mga sagot.)
Napakahusay n`yo UK! Lahat ng inyong mga sagot ay tama.
At dito nagtatapos ang ating talakayan sa umagang ito.
Maraming salamat UK sa inyong pakikinig!
Download