Uploaded by Lourince Delosa

Pamaraang Pagkukwento

advertisement
I.Layunin: Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. naisasalaysay ang mga pangyayari sa kwento:
b. nakapagbabahagi ng kahalagan sa pagpapakatotoo sa sarili; at
c. nakaguguhit ng isang pangyayaring malungkot na nararanasan ni Uwak mula
sa kwento.
II. Paksang-aralin: ANG UWAK NA NAGPANGGAP
Sanggunian: Domingo. (N. D).Pluma. Retrieved from
https://plumanatin.wordpress.com/2010/02/25/ang-uwak-na-nagpanggap-ni-g-domingo/
Mga Kagamitan: Powerpoint presentation,Larawan
III.
Pamamaraan: Pamaraang Pagkukwento
.
Gawaing Guro
Gawaing Bata
1. Paghahanda
Magandang umaga mga bata!
Magandang umaga po titser.
Kamusta kayo ngayong araw mga bata?
Okay lang po kami titser.
Mabuti naman kung ganun!
May lumiban ba sa klase?
May takdang aralin ba kayo na dapat
ipapasa ngayong araw mga bata?
Magaling!
A. Balik-aral
Kaya ngayon, bago tayo magpatuloy sa
ating bagong talakayan, ay magkakaroon
muna tayo ng pagbabalik-aral. Upang
matukoy ko kung lubos nyong naunawaan ang
inyong nakaraang aralin ay mayroon akong
mga katanungan para sa inyo.
Wala po titser.
Wala po titser.
Tungkol saan ang huling tinalakay natin
kahapon?
Ang kwentong tinalakay natin noong
nakaraang tagpo ay ang Leon at ang Daga
titser.
Magaling!
Upang malaman ko kung talagang
nakikinig at naiintindihan ninyo ang kwento
na ating tinalakay noong nakaraang tagpo,
magkakaroon tayo ng gawain.
Panuto: Sagutan ang mga katanungan.
1. Sino ang naglalaro sa likod?
Ang daga.
2. Saan nakulong ang leon?
Sa lambat titser.
3. Ano ang ginawa ng daga sa leon ng
makita niya itong nakakulong sa lambat?
Tinutulungan ng daga ang leon na makalabas
sa lambat.
Magaling mga bata! Naintindihan ninyo ng
mabuti ang ating tinalakay noong nakaraang
tagpo. Bigyan ng tatlong palakpak ang iyong
sarili.
Pagganyak
Mga bata bago tayo magsimula sa ating
bagong talakayan ngayong umaga meron muna
akong ipapakita sa inyong larawan.
Handa na ba kayo mga bata?
Anong uri ng hayop ang inyong nakikita sa
larawan?
Opo titser.
Ibon po, titser.
Tumpak!
Nakakita na ba kayo sa ibon na ito?
Opo titser.
Magaling!
Paano ninyo ilalarawan ang ibon na ito?
Kulay itim po ang balahibo ng uwak.
Tama!
Ano pa?
Medyo mahaba po ang kanyang tuka titser.
Magaling
Uwak po, titser.
Ano kaya ang tawag sa ibon na ito?
Mahusay!
Kaya ngayon mga bata ating tatalakayin ang
kwento na pinamagatang “Uwak na
Mapagpanggap”.
Paglalahad ng Layunin
Kaya mga bata makinig ng mabuti dahil
pagkatapos sa talakayan na ito kayo ay
inaasahang napagsusunod-sunod sa mga
pangyayari sa kwento, nakapagbabahagi ng
kahalagahan sa pagpapakatotoo sa sarili at
nakakabasa
sa
kwento
ng
may
pagkamalikhain.
2.Mga Motibong Tanong
Bago tayo dumako sa pagbabasa ng
kwento sa araw na ito ay meron akong mga
katanungan sa inyo
1. Bakit naisipan ng uwak naidikit ang
mga nakitang balahibo sa kanyang
katawan?
2.Ano kaya ang nangyari ni uwak
matapaos nalaman ng kanyang mga
kauri na siya ay nagpanggap?
3. Pagbasa sa Kwento
“ANG UWAK NA NAGPANGGAP”
Isang uwak ang nakakita ng mga lagas na
balahibo ng pabo sa lupa. Pinagmasdan niya
iyon at nasiyahan sa iba't ibang kulay na taglay
niyon. At dahil sawa na siya sa pagiging isang
itim na ibon, iyon ay kanyang pinulot isa-isa at
saka idinikit sa kanyang katawan.
(PICTURE)
Iyon lang at dali-dali siyang lumipad patungo
sa grupo ng mga pabo at nagpakilala bilang
kauri ng mga ito.
Ngunit sadyang kilala ng mga pabo ang
kanilang kauri, kaya naman hindi rin nagtagal
ay nabisto ng mga ito ang nagkukunwaring
uwak.
(PICTURE)
Dahil dito, inalis ng mga pabo ang iba't ibang
kulay na balahibong nakadikit sa katawan ng
uwak. Pagkuwa'y pinagtutuka nila ito
hanggang sa takot na lumisan.
(PICTURE)
Nang magbalik ang uwak sa kanyang mga
kauri, hindi na rin siya tinanggap ng mga ito. At
sinabing, "Hindi namin kailangan ang isang
tulad mong walang pagmamahal sa sariling
anyo!"
4. Pagtatalakay sa Kwento
Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?
Ano ang nakita ng uwak na nalagas sa lupa?
Ano ang ginawa ng uwak sa mga balahibong
nalagas sa lupa?
Bakit naisipan ng uwak naidikit ang mga
nakitang balahibo sa kanyang katawan?
Sino ang may-ari sa balahibo na iyon?
Ano ang ginawa ng uwak pagkatapos idikit
ang mga balahibo ng pabo sa kanyang
katawan?
Ang uwak po.
Balahibo ng pabo po.
Idinikit ng uwak ang balahibong nalagas sa
lupa.
Ito ay dahil sawa na siya sa pagiging itim na
ibon.
Ang mga pabo po.
Dali-daling lumipad patungo sa grupo ng
mga pabo ang uwak at nagpakilala bilang
kauri ng mga ito.
Nalaman ba ng mga pabo na hindi nila kauri
ang nagpanggap na uwak?
Opo.
Ano ang ginawa ng mga pabo nang nalaman
nila na nagpanggap ang uwak?
Pinagtukatuka ng pabo ang uwak.
Ano ang sinabi ng kauri ng uwak noong
bumalik siya sa kanila?
"Hindi namin kailangan ang isang tulad mong
walang pagmamahal sa sariling anyo!"
Halagang Pangkatauhan
Mga bata dapat ba nating gayahin ang
ginawa ng uwak?
Hindi po titser.
Bakit?
Dahil masama po ang magpanggap po titser.
Mahalaga ba ang pagpapakatotoo sa ating
sarili? Bakit?
Opo, para hindi tayo matawag na manloloko
titser.
Ano pa?
Para hindi tayo itakwil sa ating mga kaibigan
po.
Tama!
Kayo ba ay nagpapakatotoo sa inyong sarili
sa lahat ng oras?
Opo!
Mabuti kung ganon!
Dapat talagang magpapakatotoo tayo sa
ating sarili para hindi tayo makapangloko sa
ibang tao at hindi tayo mapahiya kapag
nalaman nila ang totoo.
5. Reproduksyon
Isalaysay muli ang kwento bantay sa mga
larawan.
“ANG UWAK NA NAGPANGGAP”
Isang uwak ang nakakita ng mga lagas na
balahibo ng pabo sa lupa. Pinagmasdan niya
iyon at nasiyahan sa iba't ibang kulay na taglay
niyon. At dahil sawa na siya sa pagiging isang
itim na ibon, iyon ay kanyang pinulot isa-isa at
saka idinikit sa kanyang katawan.
Iyon lang at dali-dali siyang lumipad patungo
sa grupo ng mga pabo at nagpakilala bilang
kauri ng mga ito.
Ngunit sadyang kilala ng mga pabo ang
kanilang kauri, kaya naman hindi rin nagtagal
ay nabisto ng mga ito ang nagkukunwaring
uwak.
Dahil dito, inalis ng mga pabo ang iba't ibang
kulay na balahibong nakadikit sa katawan ng
uwak. Pagkuwa'y pinagtutuka nila ito
hanggang sa takot na lumisan.
Nang magbalik ang uwak sa kanyang mga
kauri, hindi na rin siya tinanggap ng mga ito. At
sinabing, "Hindi namin kailangan ang isang
tulad mong walang pagmamahal sa sariling
anyo!"
IV. Aplikasyon
Gawain: Iguhit Mo!
Panuto: Gumuhit ng isang pangyayaring
malungkot na naranasan ng uwak sa
kanyang buhay.
Mekaniks:
1. Ipapangkat ang mga estudyante sa apat na
grupo.
2.Guguhit ang bawat grupo ng isang
malungkot na pangyayari na naranasan ng
uwak sa kwento.
3.Ang bawat grupo ay pipili ng kanilang
representante na siyang magpepresenta ng
kanilang gawain
4.Bibigyan lamang kayo ng sampung minuto.
Pamantayan:
Kaangkupan ng konsepto:
Pagkamalikhain:
Kalinisan sa pagguhit:
Kabuuan na puntos:
10 puntos
5 puntos
5 puntos
20 puntos
V. Pagtataya
Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga
pangyayari sa kwento gamit ang bilang mula
1 hanggang 6.
___a. Dahil sawa na siya sa pagiging isang
itim na ibon, iyon ay kanyang pinulot isa-isa
at saka idinikit sa kanyang katawan.
___b. Sadyang kilala ng mga pabo ang
kanilang kauri, kaya naman hindi rin nagtagal
ay nabisto ng mga ito ang nagkukunwaring
uwak.
___c. Isang uwak ang nakakita ng mga lagas
na balahibo ng pabo sa lupa.
___d. Dali-dali siyang lumipad patungo sa
grupo ng mga pabo at nagpakilala bilang
kauri ng mga ito.
___e. Inalis ng mga pabo ang iba't ibang
kulay na balahibong nakadikit sa katawan ng
uwak.
___f. Nang magbalik ang uwak sa kanyang
mga kauri, hindi na rin siya tinanggap ng mga
ito.
VI. Takdang-Aralin
Sa isang buong papel, sumulat ng isang
talata tungkol sa iyong natutunan at
repleksyon mula sa kwentong binasa. Ipasa sa
susunod na tagpo, May 10, 2022. (10 puntos)
Download