Ayon kina Andersen at Taylor (2007),ang kultura ay isang kumplikadong sistema ng ugnayan na nagbibigay-kahulugan sa paraan ng pamumuhay ng isang grupong panlipunan o isang lipunan sa kabuuan. Sa isang lipunan, binibigyang-katwiran ng kultura ang maganda sa hindi, ang tama sa mali at ang mabuti sa masama. Pinatutunayan din ni Panopio (2007) ang naunang kahulugan ng kultura sa pamamagitan ng pagsasabing “ito ang kabuuang konseptong sangkap sa pamumuhay ng mga tao, ang batayan ng kilos at gawi, at ang kabuuang gawain ng tao”. Ayon naman kay Mooney (2011), ang kultura ay tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay na naglalarawan sa isang lipunan. MATERYAL HINDI MATERYAL MATERYAL Binubuo ito ng mga gusali, likhang-sining, kagamitan, at iba pang bagay na nakikita at nahahawakan at gawa o nilikha ng tao. (Panopio, 2007) Ang mga bagay na ito ay may kahulugan at mahalaga sa pag-unawa ng kultura ng isang lipunan HINDI MATERYAL Kabilang dito ang mga batas , gawi, paniniwala, ideya at norms ng isang grupo ng tao. Hindi tulad ng materyal na kultura, hindi ito nahahawakan subalit ito ay maaaring makita o maobserbahan. Ito ay bahagi ng pangaraw-araw na pamumuhay ng tao at sistemang panlipunan. (Mooney, 2011 Kung ang mga institusyong panlipunan ay tumutukoy sa mga istruskturang bumubuo sa isang lipunan, ang kultura naman ay tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay ng mga mamamayan sa isang lipunan. Naglalarawan ito sa isang lipunan. Nag-iiba ang paglalarawan ng bawat lipunan batay na rin sa kultura nito. Binubuo ang kultura ng mga paniniwala (beliefs), pagpapahalaga (values), norms, at simbolo. PANINIWALA PAGPAPAHALAGA NORMS SIMBOLO Tumutukoy ito sa mga kahulugan at paliwanag tungkol sa pinaniniwalaan at tinatanggap na totoo. Ang pagpapahalaga ay hindi maaaring maihiwalay sa paniniwala ng isang lipunan. Maituturing itong batayan ng isang grupo o ng lipunan sa kabuuan kung ano ang katanggaptanggap at kung ano ang hindi. Batayan ito kung ano ang tama at mali, maganda at kung ano ang nararapat at hindi nararapat (Mooney, 2011). Tumutukoy ito sa mga asal, kilos, o gawi na binuo at nagsisilbing pamantayan sa isang lipunan. Ang mga norms ang nagsisilbing batayan ng mga ugali, aksyon, at pakikitungo ng isang indibiduwal sa lipunang kaniyang kinabibilangan. FOLKWAYS Ang folkways ay ang pangkalahatang batayan ng kilos ng mga tao sa isang grupo o sa isang lipunan sa kabuuan. MORES Ang mores ay tumutukoy sa mas mahigpit na batayan ng pagkilos. Ang paglabag sa mga mores ay magdudulot ng mga legal na parusa. Ang kawalan ng batayan ng pagkilos sa isang lipunan ay maaaring magdulot ng kaguluhan. Halimbawa, ang mga batas trapiko ay inilaan upang magkaroon ng kaayusan at kaligtasan ang mga tao sa lansangan. Batayan ito ng pagkilos ng mga tao. Ang hindi pagsunod sa mga batas na ito ay may kaukulang kaparusahan. Ang simbolo ay ang paglalapat ng kahulugan sa isang bagay ng mga taong gumagamit dito. Kung walang simbolo, walang magaganap na komunikasyon at hindi rin magiging posible ang interaksiyon ng mga tao sa lipunan. Ang mga halimbawa ng simbolo ay wika, mga pagkumpas (gestures), at iba pang bagay na nauunawan ng mga miyembro ng isang lipunan. Isyung Personal at Isyung Panlipunan SOCIOLOGICAL IMAGINATION Sa pag-aaral ng mga hamon at isyung panlipunan, mahalaga ang pagunawa sa mga istrukturang bumubuo rito maging ang kulturang naglalarawan sa isang lipunan. Mahalaga ring makita ng bawat isa ang kaugnayan ng istrukturang panlipunan at kultura sa pagkakaroon ng mga suliranin at isyung panlipunan. Ayon kay C. Wright Mills (1959), mahalagang malinang ang isang kakayahang makita ang kaugnayan ng mga personal na karanasan ng isang tao at ang lipunang kanyang ginagalawan. Tinawag niya itong Sociological Imagination. Kapag nalinang sa atin ang abilidad na ito, masusuri natin ang koneksiyon at interseksiyon ng mga isyung personal at isyung panlipunan. Mahalaga rin ito sa pagbibigay ng koneksyon sa mga pangyayari sa ating buhay bilang isang indibiduwal at sa pangkalahatang kaganapan sa lipunang ating ginagalawan. ISYUNG PERSONAL ISYUNG PANLIPUNAN Ang mga isyung personal ay sinasabing nagaganap sa pagitan ng isang tao at ilang malalapit sa kanya. Ang solusyon sa isang isyung personal ay nasa kamay ng indibiduwal. Maituturing ang isyung ito na pribadong bagay na nararapat solusyunan sa pribadong paraan. Ang isyung panlipunan ay isang pampublikong bagay. Karaniwang kaugnay ito ng krisis o suliranin sa mga institusyong panlipunan. Mga suliranin ito na nakakaapekto hindi lamang sa isang tao kundi sa lipunan sa kabuuan Isang halimbawa nito ay ang mga hamon at isyung pangkapaligiran. Ang makalat na bakuran ay isang halimbawa ng isyung personal subalit kung ang isang barangay o bayan ay magiging makalat dulot ng kawalan ng maayos na sistema ng pagtatapon ng basura, ito ay maituturing na isyung panlipunan.