Uploaded by Lene

GS

advertisement
Talambuhay ni Gabriela Silang
Ipinanganak si Maria Josefa Gabriela Silang sa Santa, Ilocos
Sur noong Marso 19, 1731. Ang ama niya na isang magsasaka ay
taga- Ilocos Sur at ang ina niya na isang maybahay ay taga- Abra.
Sa di malamang kadahilanan, napawalay sa mga magulang si
Gabriela bata pa lamang. Inampon at pinalaki siya ni Padre Tomas
Milan.
Beinte anyos si Gabriela nang sapilitang ipakasal sa isang
mayaman subalit matanda ng manliligaw. Nang mamatay ang asawa
ay naiwan kay Gabriela ang malaking kayamanan.
Dumating sa buhay ng balo ang isang makisig, mabait at makabayang binata sa katauhan ni
Diego Silang. Limang taon ding nanligaw ang binata bago napasagot si Gabriela.
Noon ay may malaki nang problemang panlipunan ang mga Ilocano. Puwersahan silang
pinagtratrabaho at sinisingil ng pagkatataas na buwis ng mga mananakop na Espanyol. Sapagkat
taglay ni Diego Silang ang lahat ng katangian ng isang lider, siya ang naging puno ng mga pag-aalsa
laban sa mga mananakop. Sa lahat ng labang pinamunuuan, kasa-kasama ni Diego si Gabriela sa
pagtatanggol sa kalayaan.
Nang ipapatay ng mga kastila si Diego ay naiwang lungkot na lungkot si Gabriela. Pilay ang
liderato ng mga Ilocano na nawalan ng isang matapang na pinuno. Si Gabriela, kasama ang mga
kabig ay nagtatakbo sa Abra. Pamuling nakuha ng mga Espanyol ang Vigan.
Kahit wala na ang asawa, hindi naduwag si Gabriela. Inisip niyang malaking responsibilidad ang
pinasimulan nilang pag-aalsa. Kung tatalikod siya ay lalong malilibing sa kamatayan ang mga sundalo
niya. Nagdesisyon si Gabriela. Itinuloy niya ang labang naiwan ng asawa. Si Gabriela na isang babae
ang sumakay sa kabayong pandigma ni Diego.
Upang maparami pa ang mga sundalo niya, nanawagan si Gabriela sa mga kababayang
naninirahan sa bulubundukin ng Abra. Sa dahilang mapagkakatiwalaan siyang henerala, lahat ay
lumabang kahilera niya. Kung naitindig ng asawa niya ang kaayaan sa Vigan, itinayo ni Gabriela ang
kalayaan sa Abra na bayan ng kaniyang ina.
Sa pagnanais na muling makuha ang Vigan, pinamunuan ni Gabriela ang pagsalakay sa mga
kastila noong Setyembre 10, 1763. Sa kasamaang palad, ang 2000 kawal niya ay hinarap ng 6000
Kastila. Matapos makipagsagupaan, nagdesisyon si Gabrielang paatrasin ang humigit kumulang sa
walumpung natirang kababayan. Bagama’t talunan, hangang-hanga pa rin sa katapangan ng henerala
ang bawat espanyol na dinigma niya.
Nakatakbo sa mga kasukalan ng Abra hanggang sa lalawigang bulubundukin si Gabriela. Ngunit
natunton pa rin siya ng mga Espanyol sa pamumuno ni don Manuel Arzaa.
Isa-isang binitay ang mga sundalong Pilipino sa tabing dagat mula bayan ng Candon hanggang
Bantay.
Bilang taluktok ng tagumpay ng mga Kastila, ipimnamalita sa lahat ng publikong isasagawa ang
pagbitay sa herala. Kalmadong hinarap ni Gabriela Silang ang kamatayan noong Setyembre 20, 1763.
Download