REVOLUTION GO Ni: Kerima Lorena Tariman I. PANIMULA a. Pamagat ng katha:Revolution Gob. Tema:Wastong paggamit sa internet at social midya bilang daluyan ng bagongkulturang pambansa, siyentipiko at makamasa.c. May-akda:Kerima Lorena Tariman, isinulat niya ang akdang ito upang maipabatidsa mga pilipino, lalo na ang mga kabataan na may puwang pa ang mgabagong kultura, panulat ng mga makabayan, at mga radikal sakasalukuyang makabagong panahon.d. Sanggunian:Bulatlat: News, Reports and Commentary II. TAUHAN Wilma Tiamzon-naghayag ang katagang Revolution Go. Benito Tiamzon-pinuno ng Partido Komunista ng Pilipinas. Aramado Guerero-manunulat at Aktibista ng PKP. Lenin at Stalin-mga gurong komunista na tumutugon sa mga suliranin sapagsulong ng Rebolusyong Bolshevik. Juan Abad at Aurelio Tolentino-mga magigiting na manunulat at artista naikinulong sa panahon ng pananakop ng mga amerikano. Assange at Snowden-mga eksperto sa ICT na itinuturing na ang teknolohiyaay ginagamit para sa mga layuning pampulitika-militar ng imperyalismo. BLKD-isang rapper at fliptopper na nag alay ng isang kanta kina Bonifacio atMarton Caacbay. ARMAS-rebolusyonaryong organisasyong masa ng mga manunulat atartista. Erickson Acosta-sumulat ng tula at sanaysay habang nasa kulungan nanagudyok sa mga netizen at sa mga hanay ng mga tao na sumuporta sakampanya sa pagpapalaya sa detinadong aktibista. Galacio Guillermo-makata at kritiko na isa sa mga kauna unahang nagupload ng rebolusyonaryong akda. III. TAGPUAN: Kasalukuyang panahon IV. MGA SIMBOLO O TAYUTAY Monster Malaking Isda Gutay Gutay na kapuluan Pinanday Abot kamay Bagong dugo Matalas ang sinipat Parasitiko Naghihingalong yugto Hayok na paghahabol Dambuhalang monopolyo Ganid na kalikasan Scribd Trusted by over 1 million members Try Scribd FREE for 30 days to access over 125 million titles without ads or interruptions! Start Free Trial Cancel Anytime. V. BUOD NG KATHA Ang Pilipinas ay hindi pa ganap na malaya sa kadahilanan na angsambayanan ay pinaghaharian ng neokolonyal na estado at interes ngimperyalismo. Ang Revolution Go ay karugtong ng Rebolusyong Pilipino noong1896 na naglalayong mapalitan ng sosyalismo ang sistemang kapitalismo saating bansa.Inilarawan ang ICT bilang midyum na nagpapalakas sa kapangyarihan ngmga dambuhalang samahan ng monopolyo, kasangkapan sa pag aalipin ng mgamangagawang pilipino sa mga dayuhan, nagpapayaman sa mga pribadongsektor at dayuhang organisasyon sa bansa, at instrumento sa pulitikomilitar ngimperyalismo.Sa kabila ng lahat ng mga ito, ginagamit pa rin ng mga makabayangrebolusyonaryo ang internet at social media sa pagsisiwalat ng kanilang mgamakabayang publikasyon sa publiko datapwat may puwang pa rin ang konseptong komunismo sa makabagong panahon. VI. GALAW NG PANGYAYARI a. Simula -ang akda ay inilahad sa paraang pagsasalaysay gamit angpangatlong persona.Nabanggit dito ang makabayang panitikan na walang ibangpinanghuhugutan kundi ang pakikibaka ng sambayanang Pilipino laban sakolonyalismo o ang mga pambansang rebolusyong Pilipino laban sa mapanirangimperyalismo, burukrata kapitalismo at pyudalismo sa loob ng bansa. b. Gitna -ang nilalalaman nito ay ang mga idinudulot ng ICT sa buongmundo lalong lalo na sa Pilipinas. Naipakita rito na ang ICT ay hindi langnagbukas ng pinto para sa malayang akses ng impormasyon kundi ito rin angnagpaunlad sa pwersa ng produksyon ng mga kapitalista na siyang tinangkilikng nakararami at nagbigay kapangyarihan sa mga dayuhan upang sakupin atkontrolin ang ating bansa. Naipakita rin na nakaapekto ito sa pamumuhay atkultura ng mga Pilipino sa paraang pagtangkilik natin sa gawa ng dayuhan aypatuloy silang yumayaman habang tayo ay mas lalong naghihirap at patuloy nananinilbihan.c. Wakas -sa bahaging ito, sa kabila ng pangingibabaw ng ICT, pagdaloy ngimperyalismo sa kultura at neoliberalismo sa bansa, may mga Pilipinongginawang daan ang social media sa paggawa ng mga akda na nagpalaganap ngmakabayan at rebolusyonaryong pahayagan. Subalit malaki ang hamon nitopara sa makabayan, manunulat, aktibista at manggagawang pangkultura parasa matalinong paggamit ng internet at social media bilang daluyan ng bagongkulturang pambansa, siyentipiko at makamasa dahil may mamamayang walanamang akses sa internet. Kaya naman, hindi dapat pabayaan angsistematikong paglalathala ng mga babasahin, pahayagan at iba pang anyoupang tiyak na makarating ang makabayang panitikan sa masang mambabasa.Dahil ang pagkupkop sa makauring paninindigan ng mga manggagawa angpinakamahalagang hakbang upang magkaroon ng matibay na gulugod ang atingpanulat para sa bayan. VII. PAGSUSURI a. Uri ng Panitikan:Di-piksyonb. Estilo ng Paglalahad/ Pagkakasulat ng may akda:Mapanghikayat na Pagsasalaysayc. Layunin ng may akda:Layunin nitong mahikayat ang mambabasa partikular na ang mgakabataan tungo sa paggamit ng teknolohiya sa makabayang pamamaraan. d. Sariling ReaksyonTunay na masalimuot ang kasaysayan ng Pilipinas sa pagkamit nito ngsoberanya sa mga dayuhan. Dugo, sakripisyo, pangarap, katapangan, at pag-ibig sa bayan ang naging puhunan ng ating mga ninuno upang makamit angkalayaan ng bansa sa kamay ng mga mananakop. Kung susuriin, maramingbeses nang nasubok ang ating pagka pilipino gawa ng tatlong beses napananakop ngunit hindi tayo natututo sa mga karanasang ito. Nagbubulagbulagan pa rin tayo sa mga nangyayari sa ating bayan. Ang pamamayagpag ng kolonyalismo sa ating bansa ay nagdudulot ngmatinding panganib sa mga mamamayang pilipino lalung-lalo na ang mgamanggagawang nasa laylayan. Ang konsepto ng kolonyalismo ay ganap naniyakap ng pilipinas lung kaya’t lumiliit ang kontrol ng pamahalaan sa bansa atpatuloy naman na lumalaki ang kakayahan at kapangyarihan ng pribado atdayuhang sektor sa larangan ng ekonomiya sapagkat hawak nila ang kalagayanng sirkulasyon ng pera sa mga pamilihan.Nagiging alipin na tayo ng mga dayuhan sa ating sariling bansa na walangkamalayan. Ipinakilala ang internet sa publiko bilang malayang daluyan ngimpormasyon ngunit lingid sa kaalaman ng nakararami, ito ay kasangkapan ngmga dayuhan sa kanilang unti-unting pagsasaikamay ng ating bansa. Ang paggamit ng teknolohiya para sa makabayang pamamaraan ay maaringmakatulong sa pagsasaitaas ng karapatan at pribelehiyo ng mga manggagawang bayan. Ang pagbibigay tuon ng pamahalaan sa kapakanan ng mga mahihirapna pilipino ang isa sa mga mainam na gawin upang mapanatili ang kaayusan sabansa.e. Aral/Pag-uugnay sa tunay na sitwasyon ng buhay Ang teknolohiya ay mabuting kaibigan ngunit mapanganib kung nagingkaaway. Ang paggamit ng teknolohiya na hindi naayon sa makabayangpamamaraan ay nakapagdudulot ng kasiraan sa ating bansa ngunit ang wastongpaggamit nito ay nakapagbibigay ng kaayusan at progreso sa bayan.