Republika ng Pilipinas Pambansang Mataas na Paaralan ng Marcos Agunit Campus Brgy. Pacifico, Marcos, Ilocos Norte SENIOR HIGH SCHOOL EPEKTO NG PANINIGARILYO SA KALUSUGAN NG MGA MAG-AARAL SA PAMBANSANG MATAAS NA PAARALAN NG MARCOS-AGUNIT KAMPUS Mga mag-aaral sa ika-labing isang baitang na taga-Ver Shery Anne A. Juan Menchie Suguitan Amy Rivera Edward Lagran Precious Joy Agcanas Angelika Sebastian Jorgen Palacio Esmelita Bayaca James Warren Agcaoili April Joy Ramos Marc Jhay Duldulao Elron Pudiquet Joana Marie Bumanglag Melvin Delos Santos Kristelyn Bayaca Christian Villanueva Isang Tesis na Iniharap sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Marcos-Agunit Kampus Bilang Bahagi ng mga Gawaing Kailangan Sa Pagtamo ng Titulong KOMUNIKASIYON AT PANANALIKSIK Pebrero 2020 DAHON NG PAGPAPATIBAY Ang tesis na ito na pinamagatang EPEKTO NG PANINIGARILYO SA KALUSUGAN NG MGA MAG-AARAL SA PAMBANSANG MATAAS NA PAARALAN NG MARCOS – AGUNIT KAMPUS na inihanda, isinagawa at iniharap ng mga mag-aaral ng ika-labing isang baitang na taga Ver, ay isang bahagi ng mga gawaing kailangan sa pagtamo ng titulong Komunikasiyon at Pananaliksik, ay tinanggap. GNG. WILHELMINA A. DULLUOG Tagapangulo, Lupon ng mga Tagapayo FREDDIE V. DULLUOG Kagawad Tinatanggap bilang bahagi ng mga gawaing kailangan sa pagtatamong titulong Komunikasiyon at Pananaliksik. ALEX D. BENIGNO Officer In-charge/OIC Pebrero 03,2020 Petsa PASASALAMAT Taos pusong pinapaabot ang aming pasasalamat sa mga taong naging parte ng aming pag-aaral, para sa walang humpay na suporta’t kontribusiyon upang maisagawa nang maayos, at matagumpay ang pananaliksik na ito, nang dahil sa kanila napalawak pa ang aming kaalaman, at magkaroon ng magandang resulta ang pananaliksik na ito. At ang pagtatagumpay ng pananaliksik na ito ay dahil sa mga sumusunod; Kay Gng. Wilhelmina Abarra Dulluog, ang aming mahal na guro na siyang gumabay at nagpalawig ng aming pananaliksik, kami po ay nagpapasalamat sa walang sawang pag-unawa at pagtulong sa pamamagitan ng pagtama ng aming mali. Habang sinasagawa namin ang pananaliksik. Kung hindi dahil sa inyo ay walang kalidad na pananaliksik ang aming magagawa. Sa mga respondente, na naglaan ng kanilang oras na masigasig na nakilahok sa pagsagot ng tapat sa aming kwestyuner, at sa pagbigay sa amin ng impormasiyon na aming kinakailangan sa pananaliksik na ito. Maraming salamat sa inyo. Sa aming kapwa mag-aaral, na tumulong sa pamamagitan ng kanilang ideya at kaalaman tungkol sa aming pananaliksik, maraming salamat. Sa aming mga magulang, na buong unawa kaming tinulungan at sinuportahan sa aming pangangailangan, kami ay nagpapasalamat sa inyong pagintindi sa amin, sa panahong abala kami sa paggawa ng pananaliksik. At higit sa lahat, ay lubos na nagpapasalamat sa Poong Maykapal na pumatnubay sa bawat hakbang na aming isinagawa mula sa pangangalap ng mga datos hanggang ito ay matapos. Salamat sa pagbibigay ng sapat na kaalaman, lakas ng loob, at determinasyon upang maisakatuparan ang pag-aaral na ito. Muli, maraming salamat po sa inyong lahat. -Mga mananaliksik DEDIKASYON Ang pananaliksik na ito ay buong pagmamahal naming inihahandog unang una sa mahal na Panginoon na siya ang nagbigay ng lakas at walang sawang pag-gabay sa amin at sa mga taong kabilang sa pananaliksik na ito. Buong puso rin ang aming paghahandog sa lahat ng ito sa aming mga magulang na walang sawang sumusuporta sa aming pangpinansyal na pangangailangan. Sa pag-intindi sa amin tuwing hindi kami tumutulong sa gawaing bahay dahil sa paggawa ng aming pananaliksik. Masasabing kayo ang dahilan ng aming pagsisikap. TALAAN NG NILALAMAN DAHON NG PAGPAPATIBAY PASASALAMAT DEDIKASYON TALAMBUHAY TALAAN NG NILALAMAN TALAAN NG TALAHANAYAN TALAAN NG LARAWAN Mga Kabanata I. Ang Suliranin at Kaligiran nito 1.1 Kaligiran ng Pag-aaral 1.2 Paglalahad ng Layunin 1.3 Kahalagahan ng Pananaliksik 1.4 Saklaw at Delimitasiyon ng Pag-aaral 1.5 Katuturan ng mga Katawagang Ginamit II. Rebyung mga kaugnay na Literatura at Pag-aaral 2.1 Kaugnay na Literatura 2.2 Kaugnay na Pag-aaral III. Metodolohiya 3.1 Pinagmulan ng Datos 3.2 Pamaraang Ginamit 3.3 Teknik sa Pagpili ng mga Tagatugon 3.4 Instrumento sa Pananaliksik 3.5 Hakbang sa Paglikom ng mga Datos 3.6 Kagamitang Statistika IV. Pagpapahayag, Pagsusuri at Pagbibigay ng mga Datos 4.1 Unang Talaan 4.2 Ikalawang Talaan 4.3 Ikatlong Talaan 4.4 Ika-apat na Talaan 4.5 Ika-limang Talaan 4.6 Ika-anim na talaan 4.7 Ikapitong talaan V. Lagom, Kongklusiyon at Rekomendasiyon 5.1 Lagom 5.2 Konklusiyon 5.3 Rekomendasiyon VI. Mga Apendiks TALAAN NG TALAHANAYAN GRAP 1 Resulta ng pagkakaroon ng sakit sa baga GRAP 2 Resulta ng pag-itim ng gilagid at bibig GRAP 3 Resulta ng pagkasira ng ngipin GRAP 4 Resulta ng pagkapayat ng isang tao GRAP 5 Resulta ng pagkakaroon ng hika GRAP 6 Resulta ng pagkakaroon ng goiter GRAP 7 Resulta ng pagkakaroon ng tuberculosis Kabanata 1: Ang Suliranin 1.1 Kaligiran ng Pag-aaral Ang paninigarilyo ay isang gawain na kung saan sinusunog ang sangkap, karaniwang tobako na maaring rinolyo sa papel sabay sa paghithit ng usok na inilalabas nito. Ito’y laganap na sa mga tao noon hanggang ngayon. Ngunit sa paglipas ng panahon, hindi na lamang ang mga nasa tamang edad ang naninigarilyo kundi pati na rin ang mga menor de edad. Ang mga kabataan sa ngayon ay natuto at patuoy pa ring gumagamit dulot na rin ng kanilang pagkahumaling at pagkakahatak ng kani-kanilang mga interes, imbes na pag-aaral, paglalaro at pakikisalamuha sa ibang tao na siyang dapat ginaawa ng normal na kabataan ay naituon na sa ibang bagay. Sa kawalan na rin ng kontrol sa kanilang mga sarili, ito’y pinag-aaksiyahan din nila ng pera. Sa Pilipinas, ang mga kabataan ay nagsimulang magsigarilyo sa edad na pitong (7) taong gulang. Naging regular na ang paninigarilyo sa edad na sa edad na labing tatlo hanggang labing limang taong gulang. Ayon sa Department of Health, isang tao kada labing tatlong segundo o isang milyong katao ang taon-taon ang namamatay dahil sa paninigarilyo. Maliban sa pagkamatay, marami rin ang mga iba pang epekto nito sa katawan dahil sa labing apat na kemikal ang meron sa sigarilyo. 1.2 Paglalahad ng Layunin Ang pinaka-espesipikong layunin ng pananaliksik na ito ay suriin ang mga epekto ng paninigarilyo sa kalusugan ng ating katawan at sa mga kabataang gumagamit nito. Ang mga sumusunod ay layunin ng pag-aaral na ito: 1. Pag-aralan ng mabuti ang resulta ng pananaliksik tungkol sa paninigarilyo. 2. Ilahad ang mga epekto nito sa kalusugan at magsilbing babala para sa mga gustong gumamit nito. 3. Magbibigay ng kapupulutan ng aral na kailangang mahalin natin ang ating sarili sapagkat hiram lamang natin ang buhay na ito. 4. Magbigay babala sa mga magulang na bantayan at pagsabihan ang kanilang mga anak. 5.Para mapagtanto ng mga kabataan/mag-aaral kung ano at alin ang kaniilang mararanasan kung sakaling maimpluwensiyahan sila sa paninigarilyo. 1.3 Kahalagahan ng Pananaliksik Ang pananaliksik na ito ay naglalayon na mabigyang kamulatan ang mga mag-aaral ng sa gayon ay hindi na lumawak pa ang paggamit ng sigarilyo. Sila ay lubhang naniniwala na mabibiyang pansin ang mganahuhumaling sa paninigarilyo. Sa pagsasaliksik na ito ay maaaring maging babala sa kinauukulan dahilan upang maalarma ang mga gumagamit nito, magsilbing aral sa kanila at ang iba naman ay makabuo ng aksiyon o paraan upang hindi na lumaganap pa ang problemang ito. Mag-aaral: Malalaman nila ang magiging sanhi, epekto at kung paano maso-solusyonan ang paggamit ng sigarilyo. Magulang: Ang resulta naman ng pananaliksik na ito sa kanila ay malalaman nila kung paano nila magagabayan ng husto ang kanilang mga anak. 1.4 Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral Ang pag-aaral na ito nakapokus lamang sa mga kabataan na gumagamit at gagamit pa lamang ng sigarilyo partikular na sa mga kabataang mag-aaral sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Marcos- Agunit Kampus. Ang mga taga-tugon ay limampu (50), mag-aaral ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Marcos-Agunit Kampus sa taong panuruan 2019-2020. Ang delimitasyon ng pag-aaral na ito ay pawang mga mag-aaral ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Marcos-Agunit Kampus lamang ang pagtutuunan ng pansin upang malaman ang kanilang eksaktong pakiwari at dahilan sa maaaring maagap na solusiyon. 1.5 Katuturan ng mga Katawagang Ginamit Ang mga mananaliksik ay nagtalaga ng mga kahulugan ng mga pangunahing terminolohiya upang higit na naintindihan ang nais ipabatid ng pananaliksik na ito. Sigarilyo - ay siang produktong ginagamit sa pamamagitan ng pagpapausok nito o paninigarilyo at gawa mula ito sa pinong hiwang dahon ng tabako. Problema - suliranin, pighati, pasakit Epekto - ito ang bunga, resulta o kinalabasan ng isang bagay o sitwasiyon. Kabataan - sila ang mga taong gumagamit ng sigarilyo. Kabanata II: Rebyung mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral Ang mga mananaliksik ay kumuha ng mga impormasyon sa internet na may kinalaman sa kanilang pag-aaral. Ganon din ang mga teorya na may kinalaman at may pagkaugnay sa kanilang paksa na Epekto ng Paninigarilyo sa kalusugan ng mga mag-aaral sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Marcos- Agunit Kampus. 2.1 Kaugnay na Pag-aaral Ayon sa World Health Organization, mahigit kalahati sa kabuuang bilang ngkabataang Pilipino, partikular na iyong nasa edad 7 hanggang 15 ang lulong na sa bisyo na paninigarilyo. Bahagi sila ng tinatayang 40,000 hanggang 50000 Asian teenagers na maagang natutong manigarilyo bunga sa kakulangan ng batas laban sa tobacco at walang humpay na promosiyon nito sa bansang Pilipinas. Sa katunayan, isa sa bawat tatlong lalake na nasa middle age ang namatay dahil dito. Inaasahang tataas pa ang bilang na ito sa mga darating na buwan dahil sa mabilis na paglaganap ng bisyo sa mga kabataan, lalo na sa Pilipinas. Nalagdaan na ni Pangulong Gloria- Macapagal Arroyo ang Tobacco Regulation Act of 2003(RA 9211) na naglalayong protektahan ang mga mamamayan laban sa masamang epekto ng paninigarilyo. Sa ilalim ng batas na ito, bawal na ang paninigarilyo sa lahat ng pampublikong lugar gaya ng mga paaralan, ospital, mga terminal, restawran at iba pa. Bawal na rin ang pagbebenta ng yosi sa mga tindahan na malapit sa paaralan at di na pagbebentahan nito ang mga menor de edad. Requires din ang mga kumpanyang gumawa ng sigarilyo na ilagay ang health warning sa harapan ng kaha ng yosi. Iab ban narin simula 2007 ang mga ads ng mga sigarilyo at iba’t ibang media. Ayon sa Malakanyang, ang Pilipinas ang kauna-unahang bansa sa mundo na pinakaunang tumupad sa panawagang ng World Health Organization na iregulate ng mga bansa ang paggamit ng mga produktong may nikotina. 2.2 Kaugnay na Literatura Ayon kay Dr. Lain ang paninigarilyo ay nakapagpapasaya. Ito ang lumabas na resilta ng pagaaral na isinagawa ng peninsula medical school sa United kingdom sa pangunguna hingil sa kaugnayan ng panjnigarilyo sa psychological well being ng tao. Sa kanilang pagsisiyasat, napag alaman na ang mga naninigarilyo ay nakakaranas ng mababang antas ng kasiyahan at life satisfaction kumapara sa mga hndi naninigarilyo. Ayon sa mga pagaaral ang paninigarilyo ay maaring magdulot ng mataas na blood pressure, paglapot ng dugo, kanser sa baga, bibig, lalamunan, matris at pantog, katarata, pagkabulag at low birth weight at birth defects ng mga sanggol sa sinapupunan. Isa sa apat na taong naninigarilyo ang namamatay sa mga sakit na dulot nito. Ang tar at carbon monoxide na usok ng sigarilyo ay nakakairita at sumisira sa baga tuwing humihinga ang taong naninigarilyo. Ang pangangati ng lalamunan kay kalaunang magiging ubo. Kapag nagtagal ay magdudulot ito ng paparaming plema. Ang mga ito ay paraan ng ating mga katawan ng pagprotekta sa usok. Kapag tinuloy pa rin ang paninigarilyo, maaring magkaroon ng sipon at trangkaso pati na rin ng bronchitis pneumonia at iba pang malalang sakit sa puso. Sa kalaunan ay maari pang magkaroon ng emphysema ang isang taong naninigarilyo, kung saan nasisira ang ibang bahagi o kabuuan ng baga. Habang lumalala ang sakit ay mahihirapan na ito sa paghinga at maging sa paglakad. Ang paninigarilyo ay isa sa mga dahilan ng emphysema. Kabanata III: Pamaraan at Metodolohiya Pamaraang Ginamit sa Paglutas ng Suliranin Nakapaloob sa bahaging ito ang mga instrumento at disenyong ginamit sa pangangalap at pag-aanalisa ng mga datos. Nandito rin ang mga paraang angkop sa pag-aanalisa ng mga datos na ginamit sa pag-aaral. 3.1 Pinagmulan ng Datos Ang pananaliksik na ito ay gumagamit ng kwalitibong paraan ng metodolohiya. Ito’y nasa deskriptibong pamamaraan bagama’t higit sa lahat ng impormasiyong magamit sa pagpapatibay sa pag-aaral na ito ay nakalap sa pamamagitan ng obserbasiyon, kwestyuner at sarbey. Ang mga respondente ay mga mag-aaral na may edad 12 hanggang 18 ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Marcos- Agunit Kampus na maaaring dumaranas o makakaranas ng nasabing sakit na pagka-adik sa sigarilyo. Ang mga respondente ay binubuo ng 50 katao sapagkat limitado lamang ang oras ng mga mananaliksik upang makapaghanap ng mas marami pang makakapanayam. 3.2 Teknik sa Pagpili ng mga Tagatugon Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng descriptive survey research design, na gumagamit ng talatanungan (survey questionnaire) para makalikom ng mga datos upang malaman ang mga opinion ng mga respondent. 3.3 Instrumento sa Pananaliksik Ang mga mananaliksik ay gumagamit ng sarbey kwestyuner upang malabas ang lahat ng saloobin ng mga gumagamit ng sigarilyo at mga epekto nito. Sa binibigay na kwestyuner mayroong nakaatang pagpipilian upang hindi mahirap sa pagsagot ang mga mag-aaral. Pinagbasihan rin ang mga nagdaang pananaliksik upang sa epekto ng paninigarilyo ngunit walang halong pangongopya sapagkat indikado ang mga pangalan ng mga hiniram na statements. 3.4 Hakbang sa Paglikom ng mga Datos Ang isinagawang hakbang ng mga mananaliksik sa paglikom ng mga datos ay nagsimula sa paggawa ng mga katanungan na maaaring may kinalaman o makakatulong sa pag-aaral na ito. Sa unang bahagi naglalaman ng mga personal na impormasiyon ng mga tagatugon. Sa pangalawa hanggang sa huling bahagi ay kung ano ang mga sanhi at epekto na naidudulot ng paninigarilyo sa kanilang kalusugan at pisikal na kaanyuan. Ang mga katanungan na ito ay ipinasagot sa mga mag-aaral ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Marcos- Agunit Kampus gamit ang nakuhang mga datos, pag-aaralan at susuriing mabuti ng mga mananaliksik ang maaaring resulta at makagawa ng hakbang para matulungan ang mga kabataan na saklaw ng pananaliksik na ito. 3.5 Kagamitang Statististika Pie graph – ginamit upang ipakita ang kabuuang bilang ng mga sumang-ayon, hindi sumang-ayon, at nag-alinlangan. Kabanata IV: Pagpapahayag, Pagsusuri, Pagbibigay ng mga Datos 4.1 Unang Talaan Ang paninigarilyo ay nakakasanhi ng sakit sa baga. 4% 2% 94% sumang-ayon hindi sumang-ayon medyo sumang-ayon May apatnapu't-pito (47) o may katumbas na 94% sa loob ng limampung estudyante ang sumang-ayon na ang paninigarilyo ay nakakasanhi ng sakit sa baga. Habang dalawa (2)-4% ang hindi sumang-ayon at isa (1)-2% ang medyo sumasang-ayon. Ang posibilidad na maidudulot ng paninigarilyo ay sakit sa baga dahil ayon sa datos na nasuri mas malaki ang bilang ng sumang-ayon. 4.2. Ikalawang Talaan Nakakaitim ng bibig at gilagid ang paggamit ng sigarilyo. 8% 2% 90% sumang-ayon hindi sumang-yon medyo sumang-ayon Sa pagkuha ng datos ng mga mananaliksik may apatnapu’t-lima (45)- 90% na estudyante ang sumang-ayon na nakakaitim ng gilagid at bibig ang paggamit ng sigarilyo. Habang apat (4)- 8% ang hindi sumang-ayon at isa (1)-2% ang medyo sumang-ayon. Ayon sa nasuri lumalabas na makatotohanan ang pangalawang naitalang epekto sa kwestyuner dahil mas madami ang bilang ng mga sumang-ayon sa hindi. 4.3 Ikatlong Talaan Ang paninigarilyo ay nakakaapekto ng pagkasira ng ngipin. 24% 4% 72% sumang-ayon hindi suman-ayon medyo sumang-ayon Sa limampung (50)-100% mag-aaral na pinagkuhanan ng mga datos sa talaang ito, may tatlumpu’t-anim (36)-72% na estudyante ang sumang-ayon na ang paninigarilyo ay nakakaapekto ng pagkasira ng ngipin. Habang dalawa (2)-4% ang hindi sumang-ayon at labing-dalawa (12)-24% ang pumagitna. Sinasabi dito na mas marami ang bilang ng mga naniniwala sa epekto na naitala ng mga mananaliksik. 4.4 Ika-apat na Talaan Ito ay nakakasanhi ng pagpayat ng isang tao. 26% 10% sumang-ayon 64% hindi sumang-ayon medyo sumang-ayon Sa limampu (50)-100% na estudyante na aming napagtanungan kung nakakasanhi ng pagpayat ng isang tao ang paninigarilyo, may talumpu’t dalawa (32)-64% ang sumang-ayon, habang lima(5)-10% ang hindi at labing-tatlo(13)-26% ang medyo sumang-ayon. 4.5 Ikalimang Talaan Isa sa mga sakit na naidudulot ng paninigarilyo ay asthma. 16% 6% 78% sumang-ayon hindi sumang-ayon medyo sumangayon May tatlumpu’t siyam (39)-78% ang nagsabing ang asthma ang isa sa mga sakit na naidudulot ng paninigarilyo. Samantalang tatlo (3)-6% ang hindi sumang-ayon at walo (8)-16% ang medyo sumang-ayon. Ang posibilidad na maidulot ng paninigarilyo ay asthma dahil ayon sa datos na napagtagpi-tagpi, ito ay nakakuha ng mas malaking porsyento. 4.6 Ika-anim na Talaan Nagdudulot ba ng goiter ang paninigarilyo? 36% 60% 4% sumang-ayon hindi sumang-ayon medyo sumang-ayon May tatlumpu (30)-60% na estudyante ng sumang-ayon na nagdudulot ng goiter ang paninigarilyo at dalawa (2)-4% ang hindi. Samantalang labing-walo (18)-36% ang medyo sumang-ayon. 4.7 Ikapitong Talaan Nakakadulot rin ba ng tuberculosis ang paninigarilyo? 12% 16% 72% sumang-ayon hindi sumang-ayon medyo sumang-ayon Tatlumpu’t anim (36)-72% na estudyante ang tumugon na nagdudulot ng tuberculosis ang paninigarilyo at walo (8)-16% ang hindi tumugon at anim (6)-12% ang medyo. Lumalabas na makatotohanan ang naitalang epekto ng paninigarilyo, dahil sa mga nakuhang datos, mas marami ang sumagot ng sumang-ayon. Kabanata V : Lagom, Konklusiyon at Rekomendasyon 5. 1 Lagom Batay sa opinyong nakalap naming sa isang daang porsyento na mga mag-aaral sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Marcos- Agunit Kampus. 94% ang sumang-ayon, 2% ang hindi at 4% naman ang nag-alinlangan na nakakasanhi ng sakit sa baga ang paniniagrilyo. 90% ang sumang-ayon, 8% ang hindi at 2% ang nag-alinlangan sa pangingitim ng galagid. 72% ang sumang-ayon, 24% ang hindi at 4% ang nag-aalinlangan sa pagkasira ng ngipin. 64% ang sumang-ayon 26% ang hindi at 10% ang nag-alinlangan na ito’y nakakapayat. 78% ang sumang-ayon, 16% ang hindi at 6% ang nag-aalinlangan na ito’y nakakadulot ng hika. 60% ang sumang-ayon, 365 ang hindi at 4% ang nag-aalinlangan na ito’y nakakasanhi ng goiter. 72% ang sumang-ayon, 16% ang hindi at 12% ang nag-alinlangan naman sa pagkakaroon ng tuberculosis. Ang mga respondent ditto ay binubuo ng 50 katao na mag-aaral ng Pambansang Paaraln ng Marcos -Agunut Kampus, sampu sa ika-pitong baitang, ika-walong baitang, labing-pito sa ika-siyam na baitang, apat sa ika-sampung baitang at siyam sa ika-labing isang baitang. Lahat sila ay nag-eedad labing-dalawa pataas. 5.2 Konklusyon Ang paninigarilyo ay isang masamang bisyo. Bukod sa magastos na. Ito rin ay masama sa ating kalusugan dahil nagdudulot ito ng pagkakaroon ng sakit sa baga, sinundan rin nito ang pag-itim ng galagid at bibig, pagkadulot ng sakit na hika at pagkasira ng ngipin, maliban dito nakakasanhi rin ito ng pagpayat at pagkakaroon ng goiter kung ipagpapatuloy parin ang paninigarilyo, pwede na itong maging resulta ng pagkamatay. 5.3 Rekomendasyon Ito ang mga bagay na maaaring gawin upang maiwasan ang paninigarilyo: Una, huwag makihalubilo sa mga taong gumagamit ng sigarilyo o mas pwede ring iwasan ang mga taong naninigarilyo upang sa ganon ay hindi maimpluwensiyahan na gumamit rin o matukso na tumikim ng sigarilyo. Pangalawa, kung dati ka nang naninigarilyo ngunit gusto muna itong itigil, pagtuonan mo ng oras ang ibang bagay o sa ibang salita libangin mo ang iyong katawan o isipan upang sa ganon ay hindi sumagi sa iyong isipan ang sigarilyo. At higit sa lahat mag ehersisyo araw- araw, huwag magpapalipas ng gutom, kumain ng regular at dapat mga masusustansiya ang iyong kinakain dahil ang mga Ito ay magaling na lunas sa lason ng tabako Ang aking Talambuhay Sa buwan ng tag-lamig na sinabayan pa ng malakas na pagpatak ng ulan, isang babae ang nabuo sa pagmamahalan nila Josephine Juan at Crispin Juan. Ito ay si Shery Anne A. Juan, na may tatlong kapatid at kasalukuyang namamalagi sa Barangay Ver, Bayan ng Dingras Probinsiya ng Ilocos Norte (Sitio Canuangan). Ika-24 ng Mayo, taong dalawang libu't tatlo ng isilang ako sa Bayan ng Piddig, Probinsiya ng Ilocos Norte. Na kung saan dating namamalagi ang aking ina. Ang aking ama ay taga Barangay Ver, Bayan ng Dingras Probinsiya ng Ilocos Norte. Pangatlo ako sa aming magkakapatid. Ang aming haligi at ilaw ng tahanan ay parehong anak-pawis kung kaya't payak lamang ang aming pamumuhay pero hindi ito naging hadlang upang hindi maging masaya at tamasahin ang buhay. Masaya at tulong-tulong kaming lahat ngunit hindi maiiwasan ang problema na talagang susubukin ang isang pamilya pero ang kailangan lamang ay pagmamahal at pananalig sa Diyos. Ngunit kung gaano kami kasaya noon ay tila ba'y napawi lahat ito at napalitan ng lungkot. Buwan ng Abril, taong dalawang libo't labing lima ng pumanaw ang aming haligi ng tahanan. Mahirap mawalan ng isang miyembro ng pamilya dahil sa tuwing makakakita ako ng isang kompletong pamilya ay naiisip ko ang aking ama at bumabalik ang mga ala-alang kailanman ay hinding-hindi ko malilimutan, hinihiling ko na sana ay nandito pa siya at mayakap manlang ng mahigpit kahit na sandali dahil hindi ko nagawa ito ng siya ay buhay pa lamang. Kaya't habang maaga pa ay huwag aaksayahin ang oras na nakakasama mo ang iyong pamilya dahil hindi natin madidiktahan kung kailan tayo mawawala sa mundong ito. Taong dalawang libo't labing apat hanggang labing lima, nakapagtapos ako ng pag-aaral sa elementarya ng Paaralang Elementarya ng Ver at mapalad na ginantipalaan bilang with honors. At Junior High School sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Marcos (Agunit Kampus) at ngayon, kasalukuyang nag-aaral ng Senior High School (STEM) sa parehong paaralan. Maraming masasayang ala-ala ang naranasan ko sa aking buhay High Skul kasama ang aking mga kaibigan ngunit hindi rin mawawala ang mga pagsubok na tila ba'y hihilain ka na lang pababa at mawawalan ng ganang mag-aral pero kailanman ay hinding-hindi ito mangyayari. Sa pagtungtong ko sa aking ika- labing isang baitang dito ko sobrang naramdaman ang paghihirap sa pag-aaral dahil halos araw-araw ay andaming mga kinakailangang gawain, para lang makapasa ka. Pero ako ngayon ay nagsusunog ng kilay dahil pangarap kong masuklian ang paghihirap ng aking magulang para lang mabigyan kami ng magandang kinabukasan at makapag-aral, hindi ko sasayangin ang pagkakataong ito dahil ang makapagtapos ng pag-aaral ang siyang tanging regalo na maisususkli ko sa aking magulang. Ayon nga sa kasabihan na "Ang buhay ng tao ay parang gulong, na kahit anong sama o ganda ng iyong buhay ay daraan ka rin sa iba't-ibang pagsubok na magiging gabay sa susunod na kabanata ng iyong buhay." Marami man ang mga pagsubok na dumaan sa ating buhay ng dahil dito natututo tayong tumibay at nagkakaroon ng matinding pananalig sa ating Poong Maykapal. At dapat ay huwag nating sayangin ang buhay na ibinigay ng ating Diyos dahil hiram lang natin ito, dapat tamasahin natin Ito hanggat tayoy nandito pa dahil hindi natin malalaman kung saan at kailan tayo papanaw sa mundong ito. Ang aking talambuhay Sa isang munting tahanan ako nakatira.May isang pamilya na masaya,at sa aming apat na magkakapatid ,Ako ang munting bunso nila.Nag ngangalang Esmelita Bayaca,sa buwan ng September 13 2002.Ako ipinanganak,at sa aking paglaki ay may mataas na pangarap na sanay aking makamit.Ganito man ako pero may pangarap ako sa buhay,ako ay hindi perpektong anak sa aking mga magulang,ako'y isang malaking pasaway sakanila ngunit nagbibigay saya,ako'y lumaki sa mahirap na pamilya at nakatira sa brgy ver. Ipapasa kay:Gng.Wihelmina Dulluog TALAMBUHAY Araw ng Abril 13,2002 may isang batang naipanganak na nag ngangalang April Joy Ramos, tatlo kaming magkakapatid, ako ang bunso at nag iisang babae. Sa edad na anim nawalan kami ng isang napaka importanteng ama, mahirap man tanggapin, masakit man isipin pero kailangan naming tanggapin. Kahit maaga kaming nawalan ng ama hindi naman kami pinababayaan ng aming Ina. Grade 2 palang ako noon hindi ko na masyadong nakakasama ang aming ina dahil pumunta siya sa manila para mag trabaho at para sa aming kinabukasan. Araw araw akong umiiyak dahil hindi ako sanay na wala ang aking ina sa aking tabi pag ako'y natutulog pero kailangan kung labanan dahil kung hindi magtratrabaho ang aming ina, wala kaming makakain araw araw at wala kaming baon pag papasok na kami sa paaralan. Pag dating ng labing anim na taong gulang, ako'y nabuntis, noong nalaman ng pamilya ng naka buntis sakin hindi nila noon tanggap gusto pang ipalaglag ng ina ng nakabuntis sa akin ang bata na nasa sinapupunan ko, pero hindi ko yun ginawa dahil ang daming pumipigil sakin at ayaw din ni Jomari na ipalaglag ko. Si jomari ay ang lalaking naka buntis sakin. Hindi ko pinalaglag ang aking anak dahil ayaw ito ng nakabuntis sa akin at alam ko ring malaking kasalan to sa Diyos. Kahit ayaw nang magulang niya noon hindi ko parin ginawa ang gusto nilang mangyari. Hindi ko pinagsisisihan na maaga akong nabuntis dahil ang sarap sa pakiramdam na kahit pagod at marami kang problema pag nakikita mong masaya ang anak mo nawawala lahat ng gumugulo sa isip mo. Ang pinagsisisihan ko lamang ay kung sino ang ama ng anak ko, dahil ang akala ko noon matino siyang lalaki dahil nung nalaman niyang buntis ako at gustong ipatanggal ng kanyang magulang pinigilan niya ang mga ito. Nagkakamali pala ako nung lumalaki na ang anak namin gumagawa parin siya ng kalokohan, nag hahanap parin siya ng ibang babae, mas importante pa ang kanyang barkada kesa sa anak niya at yung pinaka ayaw kung maranasan pag dumating man ang araw na mag-aasawa ako ay yung sinasakal ako at linoloko. Lahat ng pinaka ayaw kong maranasan, ay ginawa niya sa akin. Sinasakal niya ako pag nag-aaway kami at sinasabunutan ako kaya sobrang pinagsisisihan ko na siya ang ama ng anak ko Kahit hanggang ngayong isang taon na ang anak namin gumagawa parin siya ng kalokohan kaya ang iniisip ko nalang ay ang anak ko, wala na akong pakialam kung anong gusto niyang gawin dahil pagod na akong nakikipag away ng dahil lang sakanyang mga babae . Ito lang ang maikwekwento kong tungkol sa buhay ko. Salamat. Talambuhay Noong panahon ako, taon ng 2002 buwan ng agosto araw ng 4 sa aming bahay sa probinsya ng Ilocos Sur. Kuwento ng mga magulang akung Elron ng ko, ako tag-ulan ipinanganak daw ay iyakin at madalas magtampo.Pinangalanan ang aking ina ay si Gng.Ailene Pudiquet at ang aking ama ay si G. Elcid Pudiquet. Ikaapat ako sa magkakapatid.Nag-aral ako ng Day-care at Kinder sa paaralan sa lugar ng sinait at nung elementarya na ako nag-aral na ako sa paaralan ng paaralan school na Brgy. Ver Dingras.At nung ng MNHS (Agunit Campus) At studyante sa Academic Strand (GAS). sekondarya na ako nag-aral ako sa ngayon ako na ay grade 11 .Ang aking kinuha na Senior High kurso ay General TALAMBUHAY Ako si Joanna Marie Lagran Bumanglag, ako ay isinilang noong ika-27 ng setyembre taong 200. Ako ay produkto nina Joel Bumanglag at Anabel Lagran. Noong limang buwan pa lamang ako ay iniwan ako ng aking Ama, at noong tatlong taon ako'y iniwan ako ni mama sa aking lola dahil kailangan niyang makipagsapalaran sa maynila dahil kami ay mahirap lamang. Lumaki ako ng walang ama kung kaya't hindi naging madali ang akin naging karanasan dahil nai-inggit ako sa mga kaklase kong buo ng pamilya.Hindi naging madali ang aking karanasan sa puwang ng aking lola dahil palagi niya akong pinapagalitan at pinapalo kahit wala naman akong kasalanan. Nasa ika-isang baitang ako noong nakilala ko ang aking mga kaibigan na sina menchie at nathalie, sobrang saya ko kasi sa kanila ko naramdaman na hindi ako nag-iisa kahit wala ang mga magulang ko sa aking tabi. Sa tuwing ako'y uuwi galing eskwela, may isang lalake na palaging naghihintay sa akin sa brgy. hall dahil doon ako nag lalakad pauwi sa aming bahay. Palaging tanong ng isip ko kung sino ang lalaking iyon, kung bakit palagi niya akong hinihintay at binibigyan ng pera. Naiisip ko tuloy kung ano nga ba ang relasyon ko sa lalaking iyon. May mga nagsasabi na siya raw ang tunay kong Ama. Pagdating ko sa aming tahanan ay tinanong ko ang aking Ina kung sino nga ba ang tunay kong Ama, tumulo ang luha ng aking Ina at ipinagtapat niya lahat. Ngayon alam ko na ang tunay kong pagkatao. Madami mang pagsubok ang dumating sa ating buhay, ating kakayanin basta't magdasal lang tayo. Mahalin natin ang ating mga magulang kahit ano pa man ang mga masasakit na dedisyon na nagawa nila dahil may rason kung bakit nila nagawa ang mga bagay na iyon, iniisip lang nila ang ating ikabubuti bagkus mahalin natin sila nang higit pa sa lahat. TALAMBUHAY Ako si Kristelyn Bayaca, ako ay isinilang noong ika-20 ng Abril, taong 2002. Ipinanganak akong normal at malusog. Ang mga magulang ko ay sina Gng. Genelyn Bayaca at G. Valentino Bayaca, anim lahat kaming magkakapatid. Bata pa lamang ay namulat na ako sa katotohanan na mahirap lang ang kami pero kahit ganon ay hindi nagkulang ang aking mga magulang sa pagpapalaki sa akin 'Lagi lang nating isipin na kahit gaano man kahirap ang buhay basta't masaya at magkakasama, palagi lang nating isipin na nandiyan lang ang panginoong Diyos na gumagabay sa atin.' Talambuhay Taong (2002) ika anim ng nobyembre ako at ipinanganak Beriones brgy. Ver, Dingras Ilocos Norte. Kwento ng aking noon ako ay bata pa ay madalas ako na dinadala sa sa sitio mga magulang na, hospital dahil sa aking sakit na asthma, maraming ng doctor na tumingin sa akin subalit wala parin pero may nakapagsabi daw sa mga magulang ko doctor sa ubo,kaya pinunta ako ng magulang ko na may magaling na sa doctor na yun. Naiconfine ako ng 3 araw sa hospital para daw magpagaling. Makalipas ng ilang araw inilabas na ako ng aking magulang sa hospital at kami ay umuwi na. makalipas lang daw ng 5 linggo sinumpung na naman daw ako ng aking ubo. Pagdating ng gabi hhiga na daw sana kami at matutulog.Pag karga daw ako ng aking tatay wala na raw akong buhay at namatay na -iyak at pag tawag sa diyos ang ginawa ng magulang ko para lamang ako'y mabuhay. Ang nakakgulat,hinawakan daw ng aking tatay ang aking tiyan, nagulat na lamang sila na biglang huminga ako. Iyak daw ng iyak ang mga magulang ko nagpapasalamat sila ng marami sa panginoon may kapal. Sa ngayon sa aking ubo at heto na ako ngayon malusog din at dalaga Na. Huli, ako nga pala si Angelika Sebastian labing pitong taong gulang at nakatira sa Brgy. Ver, Dingras, I.N. Ito aking talambuhay na hindi ko malilimutan. ang TALAMBUHAY Sa lugar ng naglayaan(ver) may isang binata at dalaga ang nagmahalan. Ang kanilang pag-iibigan ay umabot sa simbahan. Sila'y pinalad ng tadhana kaya naman sila'y nakabuo ng apat na nilalang. Noong hunyo, buwan ng tag ulan sa eksaktong ika- pitong araw ng dalawang libo't tatlo, ako'y isinilang. Ang aking mga magulang na sina gng. Lorna at g. Tirso agcanas ay pinagpala dahil nailabas akong normal at malusog na bata. Pinalaki ako ng aking mga magulang na puno ng pagmamahal at aruga. Tinuruan nila ako kung paano maging masiyahin at mabuti sa kapwa. Ibinigay nila ang aking mga pangangailangan at mga gusto paminsan minsan. Sa aming magkakapatid, ako ang pangatlo. Ang panganay namin ay nagngangalang Donabel Damo, samantalang pumapangalawa ang ate kong si Diesibhel Agcanas, sumunod ay ako at panghuli ang lalake naming bunso na si Alwhin Agcanas. Kaming magkakapatid ay malapit sa isat isa pero minsan din ay parang aso't pusa. Ako ang pangatlo ngunit ang aking tangkad ay parang bunso. Noong ako'y mag-aapat na taong gulang, pinag aral ako sa Ver Day Care Center. Nang natapos ko na ang Day care, pinagpatuloy ko pa ang aking pag-aaral sa Paaralang elementarya ng Ver. Marami ang kaganapan na nangyari sa aking buhay elementarya. Halos lahat ay puro masasaya peron noong sumapit na ang ika anim na baitang na kung saan kami'y magtatapos na at kailangan na ng pagpapaalam. Napuno kami ng aking mga kapwa mag aaral at guro ng iyakan at yakapan. Ako'y pinagpala ng Panginoon dahil nagtapos ako bilang valedictorian. Noong ako'y magsesekondarya na, nag enrol ako sa Marcos NHS(Agunit Campus). Doon ko ipinagpatuloy ang aking pag-aaral. Marami ang naging karanasan sa aking buhay sekondarya gaya ng kamping, mga patimpalak sa math at at iba pa. Marami rin ang mga naging pagsubok ng aking buhay kagaya na lamang ng pagkamatay ng aking lolo at lola. Ako'y naging malungkot subalit hindi dun nagtatapos ang aking buhay kaya't nagpatuloy lng ako. Masasabi kong napakahirap talaga ang mag aral pero kung pursigido kang makamit ang iyong mga pangarap sa buhay, kakayanin mo ito. Sa kabutihang palad akoy naka pagtapos sa ikasampong baitang. Sumapit na ang buwan na aking kinanatatakutan, ito ay ang pagbabalik paaralan bilang nasa labing isang baitang na may kursong STEM. Sa aking buhay grade-11, nakilala ko ang aking mga magaganda at mababait na mga kaibigan na sina Shery, Janine at Amy. Sila ang mga kasama ko sa kahirapan ng baitang na ito. Marami na ang paghihirap na aming dinanas, minsan nga naiiyak na kami pero salamat sa Panginoon dahil nakatayo parin kami at lumalaban. Kasalukuyan akong nag aaral pa sa labing isang baitang at hinihiling ko sa mabuting Panginoon na gabayan ako palagi sa aking pag aaral upang sa ganon sa pagdating ng tamang panahon ay matulungan ko ang aking pamilya sa kahirapan ng buhay. Bago ko po tapusin ang kwento ng aking buhay, gusto ko munang magpakilala upang sa ganon ay alam niyo po kung sino ang may talambuhay nito. Ako po si Precious Joy Agcanas, labing anim na taong gulang at namamalagi sa Brgy. Ver, Dingras, I.N at ako'y mag iiwan ng kasabihang " gawin lahat ang mga bagay na ating gusto at inaasam basta walang kang nasasaktan na ibang tao dahil iisa lang buhay dapat wala kang mga pag sisisi na dadalhin pag dumating na si kamatayan". Talambuhay Sa buwan nang taglamig sa ika-bente ng enero sa taong dalawang libo't tatlo (January 20 2003),ako ay sinilang sa Mariano Marcos State Memorial Hospital (MMSMH) na nakadistino sa Batac City.Ako Jorgen Clemente Palacio nakatira sa Brgy. Ver Dingras I.N(Sitio Moris).Ako ay nag-aral sa Ver Elementary School(Primary), at ngayon ako ay nag-aaral dito sa Marcos National Highschool(Agunit). Ako na po ay isang senior high student sa strand na STEM. Ang mga magulang ko ay sina Emerito B. Palacio at Noralyn C. Palacio. Ako lang po ang nag-iisang anak at breadwinner nang aming pamilya(sa hinaharap). Sila ngayon ay nakatira sa Maui, Hawaii upang magtrabaho para maibigay nila aking mga pangangailangan. Kaya tututukan ko ang aking pag-aaral nang sa gayon ay masuklian ko ang kanilang paghihirap at ako naman ang tutulong sakanila balang araw. Ang Aking Talambuhay Bago ko panimulan ang aking talambuhay nais ko lamang ihayag sa iyo ang ibat-ibang kaisipang bumabato sa aking isipan. "Ang buhay ng tao ay masasabing parang gulong, na kahit anong sama o ganda ng iyong buhay ay daraan ka rin sa iba't-ibang pagsubok na magiging gabay sa susunod na kabanata ng iyong buhay." "Masasabi nating, maganda o magulo ang ating kapalaran. Maganda, dahil maraming karanasan at mithiin ang napagtatagumpayan. Magulo, dahil ang ibang layunin ay hindi naisasakatuparan. Ngunit, sa ganitong kalagayan, kailangan nating ipagpatuloy ang ating adhikain sa buhay dahil ang buhay ay maihahalintulad rin sa isang puno na kahit anu mang suliranin ang iyong kinasasadlakan ay yayabo rin ang iyong buhay kung patuloy kang mangangarap at tatayo mula sa kahirapan." "Mula sa mga problema ng ating buhay na ating nalalampasan, natututo tayong tumibay at nagkakaroon ng matinding pananalig sa ating Poong Maykapal" Taong dalawang libo't dalawa,ika-dalawampu't siyam ng Oktubre,nang ako ay isinilang. Ako ay ipinanganak noon sa isa sa mga probinsya ng Ilocos Norte, na kung saan ako ngayo’y nabibilang. Pinangalanan nila ako bilang si Amy Rivera na sa kasalukuyang ipinagpapatuloy ang pagsisikap sa buhay upang makamit ang kanyang mithiin. Bunso sa apat na magkakapatid,ngunit sa kasamaang palad sa aming lahat ako lamang ang hindi pinalad na masilayaan ang aming ama,dahil pagkaraan ng ilang buwan ng ako ay naisilang sa mundong ito ay siya namng kanyang paglisan. Enero,ika dalawampu't-apat taong dalawang libot'-labing lima,lumisan namn ang aking kinikilalang ina. Sobrang hirap tanggapin,ngunit kahit mahirap kailangang tanggapin.Sa murang edad,nakaranas ako ng hirap. Nahirapan akong bumangon agad,dahil sa biglang paglisan ng aking ina. Hindi ako pinapatrabaho sa aming tahanan noon ni maghugas ng pinggan, magwalis at iba pa,hindi pinapagawa sa akin,kaya nung siya ay lumisan ako'y nahirapan. Ilang taon na ang nakalipas ngunit hanggang ngayon dinadala ko pa rin ang sakit at pighating aking naranasan,hanggang ngayo'y nangungulila pa rin sa yakap ng isang ina. MGA TALAMBUHAY MGA APENDIKS