Uploaded by Francis Siquig III

mgaestrukturangpamilihan-190918071644

advertisement
Mga Estruktura ng Pamilihan
O Mula sa ideya ng kompetisyon ay nagkaroon ng
iba’t-ibang estruktura ng pamilihan.
O Sa
ilalim ng di-ganap na kompetisyon ay
napabibilang ang monopoly, monopolistikong
kompetisyon, oligopolyo, at monopsonyo.
Ganap na Kompetisyon
Malaya ang pamilihan sa ilalim ng estrukturang ito
sapagkat dito ay walang kontrol ang pamahalaan.
Isang halimbawa ng nasasabing kontrol ay ang
paglalagay ng price ceiling.
> Dapat ay marami ang mga mamimili at
nagbebenta
> Ang mga produktong binebenta ay dapat
magkakatulad
>Mayroong ganap na kaalaman ang mga
mamimili at nagbebenta tungkol sa mga
kondisyon ng pamilihan
> Malaya ang paggalaw ng mga salik ng
produksiyon
> Malaya ang kalakalan sa industriya
Di-ganap na Kompetisyon
O Mas
madaling matamo ang di ganap na
kompetisyon kaysa sa ganap na kompetisyon sa
ating ekonomiya dahil napakahirap tumupad sa
mga kondisyong unang nabanggit.
Monopolyo
O Monopolyo ay ang paggawa ng isang produkto
o serbisyong walang kauri at walang maaaring
kumalaban.
Monopolistikong Kompetisyon
O Ito
ay estruktura ng pamilihang may mga
elemento ng ganap na kompetisyon at
monopolyo. Maraming mamimili rito at
maraming nagbebenta na nagtitinda ng
magkakatulad na produktong kilala sa kanilang
pangalan o brand name.
Oligopolyo
O Ang oligopolyo ay estruktura ng pamilihan kung
saan ang mga nagbebenta ng magkakatulad na
produkto ay kakaunti kung ihahambing sa dami
ng mga mamimili.
Monopsonyo
O Kabaligtaran ng monopolyo ang monopsonyo.
Dito ay may isang mamimili lamang ng mga
produkto o serbisyo samantalang marami ang
nagbebenta.
Guro, Pulis, at Sundalo
Sagutan sa isang buong papel ang
II. Pang-unawa
pahina 191 at 192
A. Comparative Analysis
B. Situation Analysis
A. Comparative Analysis
Kumpletuhin ang talahanayan sa pamamagitan ng pagsusuri sa kaibahan ng mga sumusunod na
estruktura ng pamilihan
Estruktura ng
Pamilihan
1. Ganap na
Kompetisyon
2. Monopolyo
3.
Monopolistikong
Kompetisyon
4. Oligopolyo
Dami ng
Nagtitinda
Mga Katangian
Mga Halimbawa
B. Situation Analysis
Suriin ang mga sumusunod na sitwasyon at sagutin ang mga tanong.
O 1. Nagpaplano kang magtayo ng isang burger stand
ngunit ang mga katabi mong kainan ay mgaa kilalang fast
food chain. Itutuloy mo ba ang iyong plano? Bakit?
O 2. Ang inyong pamilya ay may palayan sa Gitnang Luzon.
Nag-usap ang ibang mga may-ari rin ng palayan na
bumuo ng kartel upang makontrol ang suplay ng bigas sa
Kamaynilaan at pataasin ang presyo nito. Tiyak na malaki
ang kikitain nila kapag nangyari ito. Imumungkahi mo ba
ang pagsali sa kartel? Bakit?
O 3. Ang iyong mga magulang ay nagtatrabaho sa isang
monopolistikong kompanya na nagkakaloob ng mga
pangunahing serbisyo. Alam mo kung gaano sila
nagtitiyaga sa kanilang mga trabaho ngunit marami pa
ring batikos mula sa ibang mga tao na bahagi ang iyong
mga magulang sa pagtaas ng presyo ng mga serbisyong
ito.
O Paano mo ipaliliwanag sa mga taong iyon ang pamilihang
monopolyo at ang paggalaw ng presyo sa pamilihang ito.
O 4. Isa ang inyong pamilya sa limang nagtitinda ng
pagkain sa inyong lugar. Pare-pareho halos ang inyong
itinitinda at ang presyo ng mga ito. Ano ang maari mong
gawin upang makaakit ng mas maraming mamimili?
Download